webnovel

Chapter II

(Flashback)

I was busy scanning some business proposals nang biglang pumasok si Trev sa aking opisina.

"Wala ka na ba talagang pakialam sa asawa mo?!" galit nitong tanong. He was even controlling his outburst. Alam ko kung kailan ito galit.

I raised my eyebrow at him. He sounded so nosy and I don't like it. Kailan pa ito nagkainteres sa amin ni Eevie? "Why the sudden interest, Trev? And to answer your question, wala akong pakialam."

Biglang dumapo ang kamao nito sa aking pisngi. Anger and disbelief were written all over his face and I was too stunned to react. Kailan pa ito naging bayolente? "Gago ka! How can you say that! We grew up together, Alexus! And you'll just give me that freaking reason? Nasa matino ka bang pag-iisip? Tama pala ang naging desisyon kong huwag na siyang pigilan!"

Pigilan? Anong pinagsasabi nito? At bakit? Hindi ba big deal yung ginawa niya sa akin. She pushed her selfish schemes and looked what we've got.

"Ako ang biktima rito! Alam mo yun! Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Alam niya na hindi ko siya mahal, but she pushed our marriage! I hate her for ruining my life!" sigaw ko. Bakit ako ang nagmumukhang masama sa aming dalawa? Ako ba ang gumawa ng kasalanan? Eevie deserved this kind of treatment. If not because of her, being so damn selfish, ay wala kami sa ganitong sitwasyon. She brought this to herself.

"Biktima? Nagpapatawa kaba? Oo,may kasalan si Eevie sa iyo pero Alexus,matagal na niyang nabayaran iyon! Why can't you just accept your marriage with her?"

"Anong pinagsasasabi mo?" inis kong tanong habang sapo-sapo ang nasuntok kong panga.

He inhaled deeply and let out a heavy sigh.

"Remember that night? When you slapped her hard and threw harsh words at her face? And when she almost died in front of your eyes? She had an asthma attack ngunit wala kang ginawa. You just looked at her! Huh! Wala kang maalala kasi lasing ka! Mabuti na nga lang at sinundan pa kita nang umuwi ka. Kung hindi pa ako dumating ay baka namatay na siya!" galit na galit na sigaw nito sa akin. Hindi ako nakasagot.

Parang naumid ang aking dila sa aking nalaman. Nagawa ko yun sa kanya? Did I hurt her physically? That was shit. Oo, galit ako sa kanya ngunit hindi ko iyon magagawa sa kanya. I thought that was only a dream ngunit totoong nangyari pala iyon.

"I didn't know.. Akala ko.." mahinang ani ko habang marahang minamasahe ang aking noo. But after that night ay nagising akong wala na siya sa aming bahay. I just received a text from her na umuwi muna siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Ni hindi ko man lang ito ni-replayan o kinumusta nang gabing iyon kung ligtas siyang nakauwi.

I dialed her number but to my surprise ay cannot be reach siya. Kabilin-bilinan ko sa kanya na huwag na huwag siyang mag-o-off ng phone. This would be the first time na hindi ko siya ma-contact. Bigla akong kinabahan kaya agad kong isinuot ang aking coat at nilisan ang aking opisina. Gusto kong magalit sa aking sarili kasi alam kong mali ako. Maling-mali talaga ako.

NAKAKABINGING katahimikan ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa aming bahay. The silence is too suffocating for me. Parang lumungkot ang bahay. I know she's not here ngunit ayaw ko lang maniwala sa ibinubulong ng aking utak.

"Eevie!" sigaw ko ngunit walang sumagot. Agad kong tinungo ang aming kwarto ngunit nang makita ko ang kanyang dresser na nakabukas at wala ng laman na mga damit, I felt like my world suddenly crumbled. Her sweet scent is still lingering here but it's too empty. Ito naman ang ginusto ko di ba? Ngunit bakit wala akong makapang saya? Bakit unti-unting umuusbong ang takot sa aking puso?

Napadako ang aking mga mata sa bedside table and I felt a pang on my chest when I saw a neatly folded paper on it and I instantly knew it's the end.

"Bakit hindi mo hinintay? Bakit sumuko ka na agad?" luhaang tanong ko sa kawalan. This house witnessed everything I did to her. This house witnessed her love for me and what did I do in return?

Eevie.. And the moment I opened the letter, my whole world suddenly crashed.

Next chapter