webnovel

Chapter I.3: The Spark in the Cold Night

"Trust isn't something that you can ask, assume and gain easily. Since, I have no information of you, I could only expect and evaluate. And trust will come after… my judgement."

So basically, what she's trying to say is 'My level is not of a human but of a God.' at masyado akong assuming.

"I serve what I believe is right for you. Please have a taste first before you make verdicts, my Lady."

"Not to impress?" She raised her eyebrow.

"Yes, but to gain your trust." I simply implied.

Sa buong buhay ko sya lang ang nagsabi nito sakin pero gusto kong malaman ulit kung anong reaksyon nya pag natikman na ang niluto ko. Siguro ayaw nya lang sa klase ng nakahain na pagkain kaya naging negative ang feedback nya sa akin pero baka matanggap nya na sa luto nadadala ang anumang klase ng putahe.

Here's the thing, kung hindi mo pa alam kung ano ang panlasa ng isang customer mas mabuting maghain ng putahe na matatanggap nila hindi dahil yun na ang pangkaraniwan na standard na panlasa ng tao kundi tatatak ito na kakaiba, may purpose and at may impact.

Hinintay ko syang magsalita ngunit nakalipas ang isang minuto ay tanging malakas na paghinga at kabog ng puso ko ang umaabot sa aking tenga.

"Which one should I eat first?" Tanong nya habang iniikot ang kayang paningin sa mga pagkain na nakahain at pagbasag sa nakakabinging katahimikan.

"Ahh… depende po sa kagustuhan nyo, My Lady." Sagot ko at hanggang ngayon ay natatameme pa rin ako sa pagkatao nya.

Tumingin sya sakin at kamuntik na kong mapa-atras nang dahil sa mga matatalas nyang mata, para syang isang kadiliman na umaaligid tuwing gabi, hindi mo alam kung kailan ka lalamunin.

"In every meal, there are so called appetizer, main course and dessert. You said, you are the chef of this resto and yet, you're clueless about the first course of the meal." Mariin nyang sagot at nararamdaman ko na hindi sya natutuwa sa sinabi ko.

Pinikit ko muna ang mga mata ko upang hindi ako madistract sa tuwing mag-iisip ako ng mai-sasagot. "Ang proseso ng pagluluto ay kaparehas sa paraan ng pagkain, may nauuna at may nahuhuli base sa kanilang kakayahan upang mapa-unlad ang kalidad nito. But My Lady, the secret of its process is yours to make." Minulat ko ang mga mata, napatigil ako sa aking susunod na sasabihin dahil sa pinapanood nya ko, ang kanyang mga mata ay nakabaling lamang sa akin.

Para akong isang kandila sa isang munting kubo-kubo, na kayang hipan ng dumadaang hangin.

Bryan, kaya mo yan.

"My Lady, you are free to eat without a rule or sequence as long as you believe that it will make your meal gratifying. Eating is an action with enjoyment." Sagot ko sa kanya ng buong loob at walang pag-aalinlangan.

Simula pa lang ng nag-aral ako ng culinary arts ay alam ko na ang iba't-ibang category ng mga dishes, kung ano ang una, gitna at panghuli pero sa pagkakataong ito, gusto kong malaman kung ano sa tingin nya ang karapat-dapat.

No rules. No sequence.

Huminga sya ng malalim, kumuha ng katiting sa Easter Salad ko, tiningnan nya lang to ng ilang segundo na parang sinusuri at kinalaunan ay isinubo sa kanyang hugis pusong labi upang tikman.

Pero mukhang hindi ang reaksyon nya sa pagkain ang inaalam ko kundi ang mahinhin na pagkilos nya na konti-konti ko na naman syang hinahangaan. Perpekto ang bawat kilos at tindig nya, kahit hindi ko na hawakan ang mga kamay nya ay masasabi ko ng malambot at makinis ang kutis nya.

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Governor, "It comes when the time has come for you. Malay mo mamaya na diba?" At di ko inaasahan na titibok na naman ng malakas ang puso ko, pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng pants ko at hinawakan ang love token na binigay ni Governor.

Mukhang imposible.

"Why did you call it Easter Salad?" Bigla nyang tinanong.

Bryan, just be yourself, don't falter.

"My Lady, sabi nila of all the four seasons existing in this world, spring is the most refreshing and remedy of all, as it replenishes and renews what the cold winter has taken away. But for me, I would prefer a special occasion and holiday that people only remember once in a year and lasts a day but can leave a huge significance to our life, a Resurrection."

Wala na syang sinabi pa at nagpatuloy na rin sa pagkain ngunit nararamdaman ko na nakikinig sya sakin.

"Dual purpose, kaya naman wala silang pinagkaiba sa pagkain, it renews and cleanses whatever you lose and spoiled in your body by taking it back after a debilitating day and completely… reviving you from weariness, my Lady."

Then that's how it ended.

She didn't ask for more nor any corrections, wala na rin akong maisip na maaaring sabihin para naman maging komportable sya sa kinauupuan nya.

Limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong balak umalis sa tabi nya dahil gusto ko syang panoorin.

The way she touches the wine glass, her eating movements were graceful, her beauty outshines the light of my candles and in my eyes, she looks like a refined princess but acts like a dignified queen.

"Ayokong may nakatayo habang kumakain ako, sit with me." Utos nya habang kumakain ng dahan-dahan. Kunsabagay yung dalawa nyang kasama ay medyo malayo sa kinauupuan nya at tanging ako lang ang nakatayo sa gilid ng mesa nya.

Marahil ay mga bodyguard nya yung mga yun base sa kanilang kasuotan at sino nga naman ang pupunta sa restaurant at hindi kakain?

Table for couples lang naman ang pinili nya kaya sa harap nya ko umupo. Ayoko sanang humarap sa kanya dahil hindi pa rin nawawala ang malakas na pintig ng puso ko, pakiramdam ko ay may nalalaman ang puso ko na wala akong alam.

She touched the glass with tercet fruit juice. "How can you compare a glass of wine with this one?"

I took a deep breath quietly. "Wine can calm and relax your mind and also, it heightens sociability and enjoyment. Both of them have something in common but organic juice can offer twice, no, more than the wine that is not only for sociability and enjoyment but for necessity."

"I get it." She silenced me, brought the glass on her lips and sips gently.

My hands are cold, ang alam ko mas mahirap pa ma-please ang mga real chef pero sa taong hindi convinced sa cooking mo at baguhan sa mga niluto ang mas mahirap palang harapin.

She stopped sipping her juice and placed it down but she didn't say anything.

Was it good? Did you like it? May napuntahan kaya yung mga sinabi ko sa kanya?

Ang liwanag na tinatanglaw ng flameless candles ko sa table ay mas lalo pang nagpapalabas sa hindi maipaliwanag o maikumpara na kagandahan nya. Pero nahahalata ko sa mga mata nya ang kapaguran na dulot siguro ng kanyang pinagdadaanan.

Labin-limang minuto na ang nakakalipas at nandito pa rin ako, nakaupo, pinapanood sya habang kumakain, hindi makakilos at nag-iisip kung ano ang dapat gawin.

How can I entertain her?

♪Magkasuyo buong gabi

♪Masaya't magkatabi

(A/N: Song: Magkasuyo buong gabi by Agsunta)

Sandali lang, parang may kakaiba akong naririnig… tugtog ba namin yun?

She was about to put the spoon on her mouth for another serving but that stopped her halfway.

♪Magkayakap sa buong magdamag

She looks at me with underlying interest and panic starts to cross on my face as realization hits me.

I'm not hallucinating.

♪Kahit ngayong kandila lang

"Ahhh, sorrryy my Lady. If you would excuse me." I apologize instantly as I scramble on my seat running towards the main speaker, the song is inappropriate for a classy restaurant.

♪'Di ko man alam ang iyong pangalan

Kung kailan napapansin ko ng katanggap-tanggap sa kanya yung mga hinain ko, ngayon pa to nangyari.

♪ Only in a world of make-believe

But the song goes on, hindi ko kasi mahanap yung next button, I kneeled as I place my fingers everywhere to look for the power button.

♪ Can love come along and I believe

Why can't I find the switch? Who even put this music on our playlist?

Hindi ako techy na tao kaya naninibago pa ko sa mga kasangkapan na nakapaligid sa akin.

♪It's just a dream, it's just a dream

'Boss! Okay na yung playlist! Tiwala lang, tanging high-class songs lang ang nakalagay para sa isang eleganteng resto.'

'Baka naman puro kamanyakan nilalaman nyan.'

'Thanks, babe for the idea.'

♪And tomorrow's just an empty world

How could I have missed that? That exchange conversation between Marco and Aira.

♪And forever's hardly ever heard anymore

I looked at her with a smile, "Sorry for the inconvenience, my Lady. Please enjoy eating and don't mind me." I turned my attention on the speaker----

♪Sa mundong itong sakdal bagsik

---but turned back at her, "And uh, the music."

♪Luha sa bawat halik

♪Ay wala na raw pag-ibig

I can feel daggers behind my back, I can tell she has stopped eating and is watching me now as if I'm doing something interesting or probably… disgusting.

♪ Ngunit sa kislap ng iyong mata

Saan na ba yung switch? I'm more disturbed letting her listen to this sort of music or else it might lose her appetite.

If the radio has power button and controllers then the speaker must be the same.

♪Nababasa ko na mayroon pang pag-ibig

Upcoming news: A young chef who only had his dream for a day, died the next day.

The music must be neutral and peaceful, no words but you can sense an emotion, it is supposed to be classical.

♪ Ito ang ating daigdig

"It is rude to leave your guest just for a trivial matter." I hear her saying as she clears her throat at napatigil ako sa ginagawa ko.

♪Magkasuyo buong gabi

"Tell me what Garden of Eden is." She nudges me back to our real position, as I slowly stand up and awkwardly face her.

♪Masaya't magkatabi

But the song is awkward and unacceptable, lalo na't kami na lang dalawa ang nasa loob ng restaurant maliban sa mga kasama nya.

♪Magkayakap sa buong magdamag

And she's waiting, she's looking at me, as if expecting me to obey.

I wonder why everything looks different now, why do I see different bubbles of colors floating around us, why do I feel the air gets lighter and why does my heart pounds uncontrollably?

♪And maybe strangers in the night

Maybe it was because of the song. Now I can hear the voice of Aira shouting at me.

~Manyak!~

♪Can be lovers for the rest of our lives

She raises her eyebrow and that snapped me back from my delusions.

I breathe out as I try to touch the love token on my pocket with my sweaty palm.

♪Masdan lang ang iyong mukha

"Ga-garden of E-eden," I introduce as I walk towards her, I try to bow down but I wanted to see her, her exquisite and beautiful eyes.

♪Hibik ko'y nawawala

"is the paradise of contentment, joy and serenity. That's where we're supposed to live, where only happiness exist---"

♪Mula ngayon at kailanman

♪Mula ngayon at kailanman

"But we're not born to be contented with a little sprinkle of happiness." She interrupted.

♪But I'll keep the words all locked inside

Then our eyes are on the same level, we're across each other, I'm sitting in front of her again at hindi ko alam kung gaano kabilis ba ang mga pangyayari kapag masyado kang occupied sa isang bagay.

♪And we'll warm our hearts beneath

Now I know why I can't…

I need a compass when I look at her, because I keep getting lost in her eyes.

♪The lights of this feeling

She puts down her spoon, tinaas nya ang dalawang braso na parang nagdadasal at tinuon ang kanyang mukha na para akong isang specimen na nais nyang pag-aralan.

♪'Di rin lamang maririnig

Napalunok na lang ako at mas lalong hindi nakagalaw.

"Ma-may dumi ba ko sa mukha?" I suddenly stutter.

♪Magkasuyo buong gabi

Ngunit nakatikom ang kanyang mga bibig at nakalapat ang mga malapuso nyang labi.

She puts aside her food just to look at me but somehow, I felt like her gaze softens a bit and I'm still incertitude however, it is inescapable.

♪Masaya't magkatabi

Siguro ay dahil ito sa epekto ng liwanag na tinatanglaw sa paligid.

This scene… looks very familiar---

♪Magkayakap sa buong magdamag

sa mga klasikong sine na nadadaanan ko sa isang DVD rental shop, kung saan ang isang babae at isang lalaki ay magkaharap na kumakain sa loob ng restaurant habang may dalawang aso rin na kumakain ng spaghetti sa labas… at… at…

(A/N: Movie: Lady and the Tramp :D)

♪At ang lahat ng panahon

*Tick*

♪Magiging tulad ngayon

*Tick*

♪Magkasuyo sa bawat sandali

*Tick*

Unti-unting naglalaho ang tugtog na kanina lang ay nagpapakaba sakin at hindi ko alam kung bakit.

Ika-isang minuto. Kumurap ang kanyang mga mata sa unang pagkakataon.

Ika-dalawang minuto. Hindi ko alam kung nakalutang ako, nakaupo o nakatayo dahil hindi ko maramdaman ang magkabilang paa ko.

Ika-tatlong minuto. Pangatlong sampal ko na sa sarili pero di pa rin ako matauhan sa ginagawa ko.

Ika-apat na minuto. Apat lang ang direksyon sa compass ngunit di ko alam kung bakit ako nawawala.

Ika-limang minuto. Nagtugma ang aming mga mata sa ika-limang ritmo ng orasan.

Ika-anim na minuto. May bumukas na pang anim na pandama, kinain ang lima.

Ika-pitong minuto. Pinagkasya ang pitong kontinente sa mundo kung saan kami naroroon.

Ika-walong minuto. Okta ang sukatan sa kondisyon ng mga ulap sa langit ngunit bakit ang kanyang liwanag ay hindi matinag?

Ika-siyam na minuto. Ang puti ay para sa itim. Ang tubig ay para sa apoy. Ang bituin ay para sa langit. Ang kahapon ay para sa hinaharap. Ang daan ay para sa mga nawawala. Ang ngiti ay para sa mga luha. Ang magkabaligtaran ay para sa magkaparehas. Ang oras ay para sa kawalan. Ang baliw ay para sa…

Ika-sampung minuto. Ba-dump. Ba-dump. Ba-dump. Ang tunog sa aking dibdib ang pawang may katotohanan at saysay lamang sa sampung palaisipan na naglalaro sa aking isipan.

Ang aking mga kamay at katawan ay pawang may mga sariling isip ngunit iisa ang hangarin.

Dahil sinusubukan kong abutin ang pinakamakislap na kumukuti-kutitap na bituin sa buong kalawakan.

Ngunit, bago pa man dumampi ang aking kamay sa kanyang ningning ay may naramdaman akong spark sa aking leeg at nagdilim ang aking paligid.

Stay tuned for the next chapter, it will be released next week!

Enjoy and thank you!

IAMLARRAINEcreators' thoughts
Next chapter