webnovel

Chapter I.1: The Unexpected Meeting

"Ang cute naman ng baby." Paghanga ng isang dalaga na hindi aabot sa 25 ang edad.

"I'm pretty sure, this is not your baby." Paninigurado ng isa nitong kasamahan na nakatingin sa baby stroller which I heard from them almost everyday. Ang isa naman nilang kasama ay nakatingin sakin na para bang inaalam kung related ba ako rito, maya-maya ay napunta ang mga mata nya sa kamay ko na nakapasok sa magkabilang bulsa. Laking gulat na lang nila ng kinuha ko ang baby sa stroller.

"She's Althea, my baby girl and by the way… I'm married." Nakita kong napa-simangot sila lalo na nung nakita nilang suot ko ang wedding ring sa aking left ring finger at kumikinang pa nang dahil sa sikat ng araw.

"Woah, parang kahapon ay hindi mo naman suot yan ah." Protesta ng isa at yung iba naman ay sumang-ayon sa kanya.

"It rained yesterday so paano nyo naman ako malalapitan kung puro kayo nasa silong?" I defended with a smile and that makes them stop as they open their mouths for no reason.

"Nakakasilaw ang iyong mga ngiti!"

"Bakit ba ang gwapo mo?" Singit naman ng isa. "ang ---- " Nilapit nya ang mukha ng konti sa akin at pinigilan sya kaagad ng mga ibang babae.

"Oy oy, anong ginagawa mo ah! Ang lapit mo na nga gusto mo pang ipagdikdikan sarili mo? Madami tayo rito kaya walang lamangan." Protesta nung isa sa kanya.

"Ano ba, ang bango eh! Sige na patayin nyo na ko at naamoy ko na sya." At ganun nagkagulo na sila, hindi para lapitan ako kung hindi ay ilayo ang bawat isa sa akin.

Napangiti na lang ako at ibinalik si Althea sa kanyang stroller.

Tuwing pumupunta ako dito sa central park malapit lang sa villa namin na pagmamay-ari ng asawa ko, dinudumog na talaga ako ng mga kababaihan, dalaga man, matanda o may asawa.

Para akong isang idol na kilala sa kahit saan mang sulok ngunit tuwing nalalaman nilang kasal na ko at anak ko ang kasama ko ay mas lalo silang nangungulit at patuloy pa ring umaasa na magiging single dad ako.

Naaalala ko pa noong unang punta ko rito, sa tuwing may lalapit sa akin within 3 meters palang ay hinaharang na 'to ng mga gwardya na itinalaga ng asawa ko.

'Alam mo kung anong primary rule sa pamilya namin? Huwag na huwag mong ipapaalam kung sino at ano ka sa mga taong hindi mo kilala at nang pamilya natin.'

And yet, she insists on having me surrounded with escorts kaya naman I petitioned to her grandma for safety reasons to make me look like a normal person who likes strolling her daughter in the park.

Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad na habang tinutulak ng dahan-dahan ang stroller. Looking back, I don't want to recall how hard it is to ask small favor from them.

Althea is watching me with her innocent eyes which squeezes my heart. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng action lang, nawawala yung mga bagay na gustong pumasok sa isipan ko.

"Ohhh ang sweet naman ni kuya, walking her sister in the park." Narinig kong sinabi ng mga nakatayong babae.

Kuya talaga?

Tinaas ko yung kamay kung saan nakasuot yung singsing and smoothen my hair, showcasing them the most valuable object in my world, siguro naman kuha na nila kung anong ibig sabihin nun.

"Ahhhhh." Biglang hinimatay yung mga nagsabi nun.

O marahil ay hindi.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at binilisan ko pa ito.

Paminsan naiisip ko kung bakit yung asawa ko hindi ako pinagkakaguluhan. Samantalang, ang daming mga babaeng umaaligid-aligid at sa unang kita palang nila sakin, nagiging hugis puso na ang mga mata nila.

How funny.

"Bryan?"

Isang boses ng babae ang nag-interrupt sa cheap kong fantasy daydream. Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses sa isang babae na nakatayo lang pala sa harapan namin ni baby.

"Aimee?"

Nagulat ako at bigla kong nasambit ang pangalan nya. 'Di ko akalain madali ko pala syang makikilala dahil matagal ko na rin syang di nakikita.

Halata sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan ng nalaman nyang nakilala ko pa rin sya o kaya naman nakita nya ko pagkatapos ng ilang taon na hindi pagkikita.

"Oh my God! Bryan nga! What a fate!" Napatili sya at napayakap sakin.

Napansin kong maraming babaeng nakatingin samin at marahil ay napapaisip kung anong relasyon naming dalawa.

Tumingin ako sa paligid, nakatayo ng pitong metrong layo ang tatlong lalaki sa lokasyon ko. They were my bodyguards, syempre na itinalaga ni Arnold bilang safety samin, buti na lang hindi sya pinigilan nito.

Itinaas ni Wally ang kanyang kamay at nag-hand sign sya ng number five na ang ibig sabihin ay threat level.

I simply gave him 0, which means a friend, my highschool friend.

"Kumusta ka na?" Humiwalay rin sya kaagad.

"Okay lang." Ngiti ko sa kanya. "Bakit nandito ka? At saka--"

"Mas gumwapo at tumangkad ka ngayon ah! Halos di nga kita makilala nung una eh, akala ko kung sinong artistang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dito. No wonder, medyo popular ka, di sana kita lalapitan eh." Pamumuri nya sakin.

Napangiti na lang ako sa narinig ko.

Dumako ang kanyang tingin kay Althea na biglang umiyak sa stroller dahil na rin siguro sa nabigla ito sa malakas na boses at tili ni Aimee.

"Baby mo o napa-babysit lang?" At tumingin sya sakin.

"My beautiful baby girl." Habang binubuhat ko si Althea.

Nanlaki ang mga mata nya. "Omg! Wala kong masabi Bryan!" Dumako agad ang tingin nya sa left hand ko at mas dumoble pa ang laki ng mga mata nya. "A ring! Oh my God, the ring says it all. Paano nangyari yan? This is really shocking. Anbilibable! Pero in fairness ah, ang ganda nya! Manang-mana sa papa." Binigyan nya ng emphasis yung papa at napapatawa na lang ako sa mga sinasabi nya.

"Aksidente ba? Kasal o live-in lang? O inampon mo lang yang baby?"

"Kasal syempre, I have a ring, remember? Mukha ba kong lalaki na nakaka-aksidente?"

"Malay mo lang, sa itsura mong yan, eh baka babae pa nga ang mag-initiate. Isa pa, baka trip-trip mo lang magsuot ng ring, you know, fashion trend."

Mas lalo namang lumakas ang iyak ni Althea, hinimas-himas ko naman ang likod nya. "You're scaring her Aimee. Ayaw ni Althea ng mga sinasabi mo sakin. Shhh Althea, Aimee is a friend of mine, you have nothing to be scared of."

"Uhhh, you really look like an ideal father, anyway bakit di namin nalaman? Bakit di mo kami in-invite?"

"Ah-eh, bi-biglaan yun at wala akong oras para hanapin at ipaalam sa inyo." Palusot ko na lang.

"Paanong biglaan? As in pagkakilala sabay kasal agad?" I flinched. Jackpot, tagos hanggang buto ang sinabi mo. If only I could tell you. "Come on Bryan, spill it, sa telenovela lang yan nangyayari. Hanggang ngayon ba eh madamot ka pa ring magkwento sa pribado mong buhay? Nakakatampo tuloy." Patuloy nya.

Tinawanan ko na lang sya.

"Ikaw, kumusta ka na pala? Magkwento ka naman sa mga nangyari sayo. Matagal-tagal na rin." Iniiba ko ang topic nang sa ganun ay makalimutan nya ang tinanong sakin. Tumahan na rin naman si Althea ng dinuduyan ko na sya.

"Eto…" Tumigil sya at yumuko na para bang may di katanggap-tanggap na pangyayari sa buhay nya.

"May problema ba?" Are we on the same boat?

Inangat nya ang ulo nya ng nakangiti at tinaas ang left ring finger kung saan nakasuot ang isang singsing na hindi ko man lang napansin simula't-simula pa lang.

"I'm Getting Married!!!" Sabik na pagbabalita nya sakin na may kasamang tili.

Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit ako natuwa, dahil ba sa ikakasal na sya, o dahil marahil sa nakita kong natutuwa sya sa pagpapakasal.

Sa buong buhay ko kasi, di ko pa naranasan makarinig sa isang babae na masaya syang ikakasal o makasama ang lalaking gusto nya habang buhay, siguro sa isang tulad ko medyo naging imposible yun, ewan, di ko maintidihan.

"Congratulations. Soon to be mom ka na ah." Bati ko sa kanya.

"Wa-wait." She suddenly stopped na para bang may kakaiba akong nasabi, while her eyes were wide open as if she was surprised. "What did you just say?"

"Ha?" Pagtataka ko. "Congratulations, soon to be---"

"Congratulations? Congratulations?" She asks as if her words and mine were different.

"Oo congratulations, kasi nga ikakasal ka na, yay!" I rejoiced with a smile.

Then she laughed vigorously. "Okay-hahaha, okay."

Napangiti na lang ako, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

She's trying to recover her sanity but failed to do so and I let her laugh for almost a minute.

"Okay Bryan, sorry ah." She pats my shoulder and I smiled awkwardly. "Ganito kasi yun, since may baby ka na at kinasal ka na rin, I have expectations at least na alam mo kung ano ang mga proper greetings for engaged couples."

Proper greetings?

Napatango na lang ako ngunit napapansin nya ata na naguguluhan pa rin ako."Sye-syempre naman a-alam ko."

Medyo kinakabahan ata ako.

"Ka-kasal na nga ako at may baby pa." I continued and gave emphasis to those words as I try to wiggle my finger with the ring. "Bakit ka ba tumawa sa sinabi ko?"

She looks at me intently. "Hmmm." She tries to lean as I try to back off, sweat starts to produce on my sweat glands and ready to release out anytime.

What's wrong with me?

Bakit ba sobra akong kinakabahan na parang may mali akong nagawa?

"Hayy naku Bryan." She sighed as she gave in. "Hindi ko alam kung paniniwalaan kita sa singsing na suot-suot mo eh."

My heart almost skipped a beat when she said that.

What does she think of my wedding?

"Let me educate you, kapag babae ang ikakasal, the proper way to congratulate her is to say, 'Best Wishes' at kapag lalaki naman ay 'Congratulations'."

Ahh. Kaya pala. Kaya pala ganun na lang sya makapagreact sa sinabi ko.

I tried to bang my head on invisible wall, just all in my head. I didn't know the basics.

"Ngunit alam mo ba kung bakit at ano ang pagkakaiba?" She suddenly asks.

"Ha?" I stupidly asked back.

She laughed again. "Wala! Hay nako Bryan, ang simple-simple nang pinag-uusapan natin pero para ka ng inilalaban sa Pilipinas, game ka na ba."

Sa mga binitawan nyang mga salita, saka ko rin napansin na tumatagaktak na pala talaga ng pawis ang likod ko, hindi ko rin pala kinaya, mabuti na lang at tumigil na si Althea sa pag-iyak habang idinuduyan-duyan ko sya.

"Ha-Hehe." I grin awkwardly at napakamot ng ulo.

"Hindi ka pa rin nagbabago. You were the same guy na nakilala kong very simple-minded person. Hindi ko alam kung maaawa ako sayo o sa napangasawa mo." She tutted.

Her words somewhat made me flinch and I felt very uncomfortable.

I just cleared my voice to sound manly and very mature. I'm not the same, for sure. I'm married with a baby in my hands.

"Aimee, matanong ko lang, babae ba ko?" I asked her.

"Ha?" She looked surprised and confused at the same time. "Ma-malamang hindi. Pinapatawa mo ba ko Bryan? Wag mong sabihin na baliko ka?" Tanong nya habang nanlalaki ang mga mata.

Bakit ba ang dami nyang suspetya sakin?

I laughed. "Malamang hindi, I'm making a point. Kaya ko hindi alam ang proper greetings dahil hindi naman ako babae. I was congratulated as a groom not a bride and I've never been to any weddings and you were my first to greet." Paliwanag ko nang may ngiting tagumpay.

"Ay ganun ba? Kaya naman pala." Bulong nya ngunit pagkalipas nang ilang segundo ay napailing na lamang sya. "Either way, you still can't say na magiging nanay na ko. Ikakasal pa nga lang pero di pa ko magiging 'mommy'", nilagyan nya ng quote ang word na mommy, "Napag-usapan namin na di muna kami kaagad magpapa-anak, mga 1 year after na lang." Pagsasaad nya. "You know, enjoy-enjoy muna buhay mag-asawa."

"Malay mo lang." Matipid kong palusot, I can't relate. Baka naman pangaralan ulit nya ko at magtaka na sa pagpapamilya ko.

"Bakit kapag kinasal agad eh gusto na ring magka-anak? Hindi ba pwedeng sigurado lang kayo sa isa't-isa na nais nyong magkasama habang buhay? May kasabihan nga, marriage is a total commitment and a total sharing of the total person with another person until death." Sinabi nya habang kinikilig.

Total commitment? Total sharing? Total person?

Right, with our marriage, it was final. It was all her decision. Total decision.

But you agreed, my inner conscience whispered.

Tumango na lang ako dahil sa wala naman akong maintindihan sa proseso, dapat at gusto sa ganitong bagay.

Buti pa sila nagawa nilang pag-usapan ang pagpapamilya pero kami kasal at anak lang ang planado nya. Pagkatapos nun, mukhang ako na ang gaganap.

"Ikaw, anong feeling ng pagiging husband at the same time a father? Isa pa, nakakagulat kasi bigla kang kinasal na wala kaming kaalam-alam. 'Di mo kasi ugali na basta-basta nagkakaroon ng girlfriend o kaya naman asawa. Lagi mong sinasabi na wala kang oras para sa mga ganyang bagay eh tingnan mo naman kasal ka na ngayon at may baby pa. Oh, who is so adorable now?" At sinimula nya ng nilaro si Althea na nakatingin lang sa kanya.

"Ang gulo, paano nangyari 'to? I mean parang ang bilis, this is so not you. Hindi ka yung tipong kasal agad at your age lalo na sa lalaking hindi nagkaka-interes sa mga babae. Where is your wife? Gusto ko syang makilala at makita."

May gusto man akong sabihin, ngunit tikom din ang bibig ko pagdating sa ganitong usapin.

Next chapter