webnovel

Tertin- Prove You Wrong

Makalipas ang ilang araw ay nakalabas din ako ng ospital. Ayon naman sa mga doctor e, okay na daw ako at kailangan nalang antaying maghilom ang mga sugat ko sa katawan. Kung itatanong niyo kung anong pinagkaabalahan ko sa ospital nung mga araw na 'yon, ang sagot ko d'yan e, nagpractice lang ako nang nagpractice mag-gitara. Bakit? Dahil 'yon sa binabalak namin ngayon.

"Si Annie tsaka kayo Maiko, kayo nang bahalang magbihis sa kanya mamaya. Tumawag ako sa kanila at sabi nung Mama niya e, tulog pa daw si MJ hanggang ngayon. Binilinan ko nalang silang 'wag hahayaang lumabas si MJ ngayon buong araw para 'pag punta niyo do'n, aabutan niyo siya," paliwanag ko sa kanila na tinanguan naman nila.

"Kami namang mga lalaki, kami na ang bahalang mag-set up doon sa gym. Buti pumayag 'yung Principal ng school nila Annie na gamitin natin 'yon kahit saglit lang. Syempre may konting bola bola para makalusot," dagdag ko pa at napatingin kay Ken. Ngiting ngiti siya dahil siya ang tinutukoy kong nambola dun sa principal. Jackpot nga at bading 'yung principal kaya nai-ugoy ni Ken, e. Sa ganyan kasi magaling ang isang 'yan.

"'Yung mga pictures pala na hinihingi ko, Annie? Dala mo ba?" tanong ko at bumaling sa kanya.

"Oo!" sagot niya saka binuksan ang backpack na dala niya. "Heto!" kinuha ko ang inabot niya at tiningnan ang mga 'yon. "Ok. Ako na ang bahala dito," sabi ko ngunit sumingit si Ben.

"De, pre. Kami na ang bahalang mag-scan nito. Magpractice ka nalang ng kakantahin mo," aniya.

"Oo nga, Felix. Baka masupalpal ka na naman ni MJ n'yan. Di ka na pwedeng pumalya ngayon!" pagsang ayon naman ni Ken. Napabuntong hininga nalang ako at tumango. "O sige. Kayong bahala."

Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako sa plano naming 'to, e. Hindi sa kinakabahan akong papalpak ito kundi kinakabahan ako sa magiging reaksyon at sagot ni MJ mamaya. Nagtayuan na kaming lahat nang tinawag kami ni Mama para kumain. Lunch na kasi at kinakuntsaba ko ulit silang lahat para sa planong 'to. At ngayon nga, may nadagdag pa sa aming isa.

Habang kumakain ay panay pa rin ang pag uusap usap naming tungkol sa mga gawaing gagawin nila. Sina Annie at Maiko, abala sa pag-uusap sa kung paano ang gagawin nila kay MJ mamaya, si Kid, Ken at sina Ben naman, abala sa pag-uusap sa magiging dekorasyon nila sa gym. Habang ako, eto at kinakabisado sa isip ko ang chords at lyrics ng kakantahin ko. Ilang araw ko na rin 'tong pinapractice sa banyo habang naliligo ako magmula nung narinig kong pinatugtog ito sa radio. Na-LSS ako at siya agad ang pumasok sa isip ko.

"'Wag kang kabahan, 'nak. 'Pag kinabahan ka, mas lalo mong makakalimutan ang mga dapat mong gawin," ani Mama na nasa gilid ko pala, tinapik niya ako sa balikat at nginitian. Napangiti din ako at bahagyang nabawasan ang kaba.

Hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap dahilan para manlaki ang mga mata ko. "Basta, anak. Pag nireject ka ulit ni MJ, 'wag ka nang magpapakalasing ha? 'Wag mo nang uulitin 'yon at naku! Papayagan ko talagang umuwi dito ang ate mo!" banta niya.

"Mama naman! Natuto na po ako. Di ko na gagawin 'yon," depensa ko.

"Siguraduhin mo lang, Felix, ah. Ipapaalala ko lang na nasa gawaan pa ang kotse mo at grounded ka pa sa pagda-drive," singit ni Papa. "Baka gusto mong hindi na talaga kita payagang magdala ng sarili mong sasakyan?" seryosong banta niya. Napangiwi nalang ako at kamot ng ulo. Oo, grounded ako sa pagmamaneho at wala akong kotse. Naiintindihan ko naman 'yon, e.

~ ~ ~ ~ ~ ~

"Tito, Tita! Alis na po kami! Salamat po sa masarap na lunch at miryenda!" sabay sabay na sabi nila saka isa isang humalik sa pisngi ni Mama.

"Naku, kayo talaga. Alam niyo naman always welcome kayo dito, di ba?" nakangiting sagot ni Mama saka yumakap sa kanila. "O sige na. At mukhang marami pa kayong gagawin," aniya saka nagpaalam sa kanila.

Nakita kong nakayukong lumapit si Annie kina Mama, tingin ko ay nahihiya pa rin siya sa kanila. "A-Ahh... S-Salamat po sa pagtanggap sa'kin t-tsaka sa lunch at—" nauutal na sabi niya na agad pinutol ni Mama sa pamamagitan ng paghila sa kanya sa isang mahigpit na yakap. Nakita kong tila nabigla si Annie at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Ikaw naman! Masyado kang pormal! Welcome ka na sa circle of friends ng anak ko kaya 'wag ka nang mahiya!" nakangiting sambit ni Mama. "Tsaka, 'wag mo nang isipin 'yung mga nangyari. Wala kang kasalanan do'n at cool na kami do'n! Di ba, Papa?" ani Mama saka bumaling kay Papa. Tumango naman ito at ngumiti sa kanya. "Oo nga, Annie. Kaya 'wag ka nang ma-awkward."

Matapos ang ilan pang pagpapaalam ay nagsipagsakayan na sila sa mga sasakyan nila. Ako ang nahuli at muli na namang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Goodluck, anak! Kaya mo 'yan! Fighting!" pagchi-cheer ni Mama saka nag-AJA pose pa. Natawa naman ako ganun din si Papa. Lagi talagang napaka-cheerful ni Mama.

"Sige na, anak. Mag-ingat kayo ah? At... sana this time maging successful na ang plano mo."

"Salamat po, Pa, Ma," yumakap ako sa kanila at nagpaalam na.

Tiningnan ko sina Ben na abala sa paglalagay sa compartment ng kotse nila nung mga props na gagamitin namin mamaya. "Kumpleto na? Wala nang nakalimutan?" tanong ko sa kanila.

"Yup! All's set, boss!" aniya saka sumaludo sa'kin. Natawa naman ako at napailing. "Ok. Tara na kina MJ," sabi ko saka sumakay sa kotse nila.

"OKAY! LEZZ DO IT!" sabay sabay na sigaw nila saka ini-start ang kanilang sasakyan at nagdrive na.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Good afternoon po, Tita," bati ko sa Mama ni MJ na siyang nagbukas ng gate sa'min. "Tulog pa rin po ba siya?"

"Naku, oo, e. Nag-lunch lang sandali tapos umakyat ulit sa kwarto niya. Kanina pa nga 'yon nagkukulong sa kwarto niya, e," sagot niya. "Pasok kayo." Marahan kaming pumasok sa loob, nag-iingat na 'wag makagawa ng ingay para hindi siya makahalata.

"Kikidnappin po muna namin ang anak niyo, Tito, Tita," pagpapaalam ko habang sina Annie at sina Maiko naman ay umakyat na patungo sa kwarto ni MJ.

Bahagyang natawa si Tito Jun sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Sa lahat ng kidnapper, ikaw ang nagpapaalam," nakangiting sabi niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko at alanganing ngumiti sa kanila.

"Felix, una na kami nina Ben sa gym, ah? Ise-set up na namin 'yung mga kailangang ayusin," ani Jin. Tumango ako at tinapik siya sa balikat. "Sige, kayo nang bahala."

Nagpaalam sila sa mga magulang ni MJ at agad nang nagtungo sa kani-kanilang sasakyan. Maiiwan naman dito si Kid para maghatid kina MJ sa kung saan namin isasagawa ang aming plano. Bumaling ako kina Tita at nagpaalam na may gagawin lang saglit sa kwarto ni MJ.

Nang pumasok ako doon ang narinig kong nakabukas ang shower at naghuhumiyaw si MJ sa loob.

"Tangina! Anong ginagawa niyo dito?! Pati ikaw, Annie! T-teka nga! Kaya kong maligong mag-isa!!!" sigaw niya sa loob ng banyo kaya bahagya akong natawa. Bumaling ako sa higaang niya at hinanap ang bagay na kailangan ko. Nakita kong nasa ilalim ito ng unan niya at agad ko itong dinampot. Ang cellphone niya.Kinalikot ko ito at pinakialaman ang phonebook niya. Hinanap ko ang pangalan ko at napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ko do'n.

'FELIX NA MAKULET!!!'

"Kailangan talaga caps lock para intense?" nangingiting tanong ko sa sarili ko. Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay agad ko itong inilagay sa ibabaw ng side table niya. Naibilin ko na rin naman kina Annie na wag kalilimutang dalhin 'yung cellphone ni MJ dahil may special role 'yon sa plano ko.

Nagmadali akong bumaba nang marinig kong tapos na nilang paliguan ang nagwawala pa rin sa inis na si MJ. Nagtext na rin kasi si Drei na nasa tapat na siya ng gate nila MJ. Pagkababa ko ay muli akong bumaling sa kanyang mga magulang para magpaalam.

"Tito, Tita, aalis na po ako. Si Kid na po ang bahala sa kanila mamayang maghatid sa pupuntahan namin," paalam ko na tinanguan nila. Ngumiti sa'kin ang mama ni MJ at niyakap ako. "Salamat sa lahat ng effort mo sa anak namin, hijo. Kahit na kagagaling mo lang sa aksidente dahil sa kalokohan ni MJ," aniya at bahagyang nanginig ang kanyang boses.

Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin ay nakita kong nangingislap ang kanyang mga mata sa luha. "Wala po kayong dapat ipagpasalamat. Ito naman po kasi ang dapat. Tsaka ito rin po ang kailangan para... para maipakita kong mali ang iniisip niya," sagot ko.

Naramdaman kong tinapik ako ng Papa niya sa balikat, dahilan para mapabaling sa kanya ang tingin ko. "Ikaw na ang bahala sa anak namin, hijo." Tumango ako sa kanila at nagpaalam na.

Nang makalabas ako ng gate nila MJ ay nakita ko doon ang sasakyan ni Drei. Binuksan ko ang pinto at agad sumakay sa passenger seat, nakipag-bro fist pa ako nang maisara ko na ang pinto ng kotse niya.

"Napa-practice ako nang wala sa oras," natatawang sabi niya habang nagmamaneho.

"Sensya na 'tol. Last minute call, e. Naalala ko lang kasing marunong kang tumugtog," despensa ko naman.

"Ayos lang. Curious din ako sa plano mo, e," aniya na ikinangiti ko naman.  Napatingin sa aking relo. Pasado alas sinko na ng hapon. Balak namin ay isagawa ito kung kailan madilim na ang paligid. Kailangan naming sumakto sa oras.

Hindi ko na kailangang ituro kay Drei ang daan patungo sa pupuntahan namin dahil 'yon din ang school niya. Dito sa dating school nina MJ kung saan naganap ang lahat ng masasakit na alaala niya. Dito kung saan nakilala't nahulog siya sa isang lalaking pinaglaruan lang siya. Sa lalaking naging dahilan ng pagbabago niya.

"Ba't nga pala school namin ang naisip mong lugar?" tanong niya.

"Dito kasi dating nag-aral si MJ. Ta's dito din kasi nag-aaral 'yung best friend niya at siya 'yung nagsuggest na dito gawin."

"O? Baka classmate ko pa 'yung best friend niya ah," bakas ang pagkabigla kay Drei pero may ngiti pa rin sa labi niya.

Nang mabanggit sa'kin ni Annie ang tungkol sa pustahan ay naalala ko 'yung usapan namin nila Kid at Ken. Halos sa ganoon din nagsimula ang panunuyo ko sa kanya. 'Yun din ang nagtulak sa'kin para maglakas loob na magparamdam sa kanya. Naaalala ko pa 'yung naging usapan naming dalawa ni Annie noong ipinagtapat ko sa kanya 'yon. Nakita kong bahagya siyang natigilan ngunit nang ipinaliwag ko sa kanya ang buong intensyon ko ay ngumiti din siya at tila nakahinga nang maluwag.

"Tutulungan kita, Felix. Tutulungan kitang makuha nang tuluyan ang loob niya. At kung gaya nga ng sabi mo ay tanggap mo siya maging sino man siya ngayon ay susuportahan kita." 'Yon ang eksaktong sinabi niya sa'kin nung araw na 'yon.

Sa totoo lang kasi, 'yung MJ na ikinukwento niya sa'kin na nakilala niya noon at ang MJ na nakilala ko ngayon ay parehong si MJ pa rin. Natutunan kong tanggapin ang bagong siya nang malaman ko ang kwento niya. Nalaman ko na may malalim palang dahilan kung bakit siya naging ganito, bakit siya naging ganyan. Pero syempre, may mga bagay pa rin na kailangan kong ibalik sa dati.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad kaming bumaba. May mangilan ngilang tao sa paligid kahit sem break pa, siguro ay may inaasikaso lang sila sa mga grades nila at ang karamihan ay kasalukuyan pa sigurong nag-eenjoy.

Kinuha ko ang mga damit at gitara kong nasa passenger seat, ganun din si Drei na at nagmamadali naming tinungo ang gym. Nakita kong nag-aayos pa rin sina Ben ngunit konti nalang ay matatapos na sila.

"Magbihis ka na rin, Felix. May nakita kaming restroom d'yan sa may bandang likod ng stage. Dun ka nalang magbihis," ani Kevin na tinanguan ko naman.

"Sige, Felix. Ise-set up na rin namin 'yung ibang instruments," sabi naman ni Drei saka nagtungo kina Kevin.

Agad akong nagtungo doon at nagpapasalamat na malinis at maayos naman ito. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili kong repleksyon.

"Kaya mo 'yan, Felix. Kaya mo 'yan."

MJ's POV

Alam niyo 'yung feeling na, payapa kang natutulog sa kwarto mo, ta's biglang may mambubulabog sayo, ipapasok ka sa cr at pipiliting maligo kahit na disoriented pa ang utak mo? Ta's magugulat ka pati best friend mo, kasama?! TANGINAAA! Ang sarap magwala! Sobra!

"Ano ba kasing kailangan niyo at binubulabog niyo ako dito, ha?! Mga wala na naman ba kayong magawa sa mga buhay niyo?!" asar na asar na tanong ko sa kanila. Paano ba naman, matapos ako piloting maligo ay pinipilit naman nila akong bihisan ng kung ano anong damit! At hindi lang basta bastang damit! PURO PAMBABAE LANG NAMAN!

"Annie! Pati ba naman ikaw, sumali pa?! Tangina naman, o! Pinagkakaisahan na talaga ako ng lahat! Akala ko pa naman best—"

"Best friend mo nga ako kaya ko ginagawa 'to. Sa maniwala ka't sa hindi, para rin sayo 'to kaya tumahimik ka nalang d'yan!" putol niya sa sinasabi ko. Napatahimik naman ako dahil seryoso siya at iba 'yung tingin niya. Putcha! Ayan na naman 'yung aura niya na ayaw ko, e!

"Uh... eto kaya?" ani Riz saka itinapat sa'kin ang isang paldang ubod ng igsi!

"Ay pakshet, Riz! Kaibigan kita pero 'wag na 'wag mong ipapasuot sa'kin 'yan! Kakalimutan kong kaibigan kita!" banta ko na tingin ko ay ikinasindak niya. Tangina naman kasi! 'Yung mga damit na ipinapasuot nila sa'kin, puro kulay pink, may ribbons, may ruffles, may lace—mukha ba akong manika?!

"Ano ba kasing meron, ha?! May cosplay ba?! Tangina! Naiinitan ako sa mga pinagsususuot niyo sa'kin, e!" reklamo ko sabay pabagsak na umupo sa aking kama.

Nakita kong nakatitig sa'kin si Annie habang nasa baba ang isa niyang kamay. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya ako pinansin. Maya maya ay nagtungo siya sa cabinet ko at doon nagkalakal! "Hoy, Annie! 'Wag mong guguluhin 'yung pagkakaayos ng mga damit ko naku! Talagang tatamaan ka sa'kin!" bulyaw ko sa kanya. Ayoko kasi nagugulo 'yung damitan ko. Ang sagwa sa paningin!

"Ikaw ang tatamaan sa'kin 'pag di mo inikom 'yang bibig mo at 'pag di ka lumubay sa kamumura mo! Kung nagluluwa ka lang ng bulaklak d'yan, kanina pa tayo nalubog sa dami ng bulaklak na isinusuka mo sa kakamura!" aniya habang panay ang paghahalungkat niya sa mga damit ko. Ano ba kasing hinahanap ng isang 'to?!

"Aba! Akalain mong may natatago ka pa ring mga pambabaeng damit?" aniya saka hinugot ang isang floral dress na matagal ko nang itinago't kinalimutan. Pinaglalabas pa niya ang ilan ko pang damit na nasa pinakailalim na parte ng damitan ko nakalagay.

Nang mapatingin ako kina Maiko, Riz, at Eliza, hindi ko alam kung dapat na ba akong tumakbo o ano dahil sa mga ngisi sa mukha nila. Alam niyo 'yung ngising may binabalak na masama? Ganun!

"Oyoyoy! Ayoko sa mga tingin niyo ah! Anong binabalak niyo?!" tanong ko at napatayo't napapaatras palayo sa kanila. Takte! Ba't feeling ko mapaglalaruan ako ngayon?!

"Ikaw MJ, ah. Di mo naman sinasabing girlie ka palang talaga," ani Maiko na unti unting lumalapit sa'kin habang hawak ang isang dress.

"Hihihi... meron pala ditong closet fashionista, e," sabi naman ni Eliza na may hawak na short shorts!

"Lumapit ka na sa'min, MJ. We'll bring you back to the old you..." sambit ni Riz na may hawak na kung ano anong suklay.

"W-W-Wag kayong lalapit! Tinalikuran ko na 'yang hilig na 'yan!" Sa kakaatras ko, nakarating na ako sa dingding at ngayon ay nako-corner na ng mga babaeng may nakakatakot na aura! Ahhh! Ayoko na talagang bumalik sa dati!

Hinawakan ako nila Riz at Eliza sa magkabila kong braso habang si Maiko at Annie naman ay may iba ibang damit na hawak. Nahihindik na tiningnan ko sila at wala na akong ibang nagawa kundi...

"AHHHH!!! AYOKO NA TALAGA SA MGA BABAE!!!" sigaw ko ngunit nilamon lang 'yon ng mga nakakahindik na tawa nila.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"H-Hindi... pa ba...kayo nagsasawa sa kakabihis sa'kin?" JUICE KO! Ako ang napapagod sa mga pinaggagagawa nila sa'kin, e! Aba'y kanina pa nila ako pinagsusuot ng kung ano anong damit at hindi sila makuntento sa dami ng naisuot ko na!

"Sabi kasi ni Felix, dapat 'yung kumportable ka. 'Yung presko saka di mahirap dahil," ani Maiko habang pinapasadahan pa rin ng tingin ang mga nakakalat na damit sa higaan ko. Nang mapatingin ako sa damitan ko ay gusto ko nang maiyak dahil gulo gulo na at kalat kalat ang mga damit ko.

"Anak ng mashpotato naman kasi! Kumportable ta's pagsusuotin niyo ako ng short na pagkaigsi igsi, paldang pag-umupo ako e, makikita na ang di dapat makita, dress na ubod ng daming arte?! Saan niyo ba kasi ako dadalhin at nang malaman ko kung anong damit dapat?!" asar kong tanong sa kanila. E kasi naman, alas sinko nung binulabog nila ako at alas sais y medya na, hindi pa rin sila nakukuntento!

"Sige, MJ. Kung ikaw ang papipiliin, anong damit ba ang isusuot mo kung dadalhin ka sa isang lugar na magiging memorable sayo. Sa isang lugar kung saan may nag-iintay na surpresa." Tanong ni Annie habang nakatuon lang ang tingin niya sa'kin.

Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakaupo. "Ano bang gagawin ko dun sa lugar na 'yon? Magtatatakbo ba ako? Maglalakad ba ako? O tutunganga lang ako?"

"Hmm... let's say, may papanoorin kang performance, something like that," sagot niya.

"Edi di na kailangang magpakapormal! Etong itim na leggings na lampas tuhod, 'tong plain white shirt dress tas 'yung gray na hooded jacket! Ta's pwede namang mag-flats nalang! Jusko! Pinapahirapan niyo mga sarili niyo, e!" inis na saad ko pero napansin kong napangiti naman si Annie. Kumunot ang noo ko dahil parang... parang may napatunayan siya. Ewan ko ba!

"Edi lumabas din ang kanina ko pang inaantay," aniya saka lumakad palapit sa'kin. "Sige na. magbihis ka na. 'Yan na ang isuot mo," dagdag pa niya saka ako tinulak papasok ng cr. Naguguluhan man ay ginawa ko na rin, matapos lang ang paghihirap kong 'to.

Nang makalabas ako ay agad akong hinila ni Annie sa harap ng salamin. "Hindi mo ba nami-miss 'yung dating MJ?" tanong niya habang nakatingin sa repleksyon ko. Napatulala nalang din ako nang makita ko 'yung sarili ko. Pakiramdam ko, nakikita ko ulit 'yung dating ako. 'Yung dating MJ na...

"Hindi ko nami-miss 'yung mahinang ako. Mas gusto ko ang MJ ngayon. Mas gusto ko ang bagong ako," mariin kong sabi ngunit nagkibit balikat lang siya.

Agad naman akong dinaluhan nina Riz nang senyasan sila ni Annie. "Ok. Hair ang make up naman!"

Nanlaki ang mata ko nang maproseso ng utak ko 'yon pero huli na dahil agad akong pinanlakihan ng mata ni Annie.

"Tumahimik ka nalang at nang matapos na tayo dito. Mahuhuli na tayo sa schedule niyo!"

"Ano ba kasing—"

"SHHH! Quiet! Tahimik!" putol ni Annie sa sasabihin ko at sumuko nalang ako. Wala rin naman akong panalo.

Matapos ang pagkahaba habang seremonya ay sa wakas! Nakatapos din sila sa paglalaro ng dress up sa'kin. Agad nila akong hinila pababa at doon ko nakita sina Mama at Papa na naghihintay sa'min.

"Hay! Sa wakas natapos din!" exagge na sambit ni Kid na mukhang kanina pa naiinip sa kakaantay.

"Mahirap kayang mag-isip ng kung anong isusuot!" depensa ni Maiko, na sinang-ayunan naman nina Riz at Eliza. Umirap lang paitaas si Kid bilang sagot.

"Tito, Tita, aalis na po kami. Kailangan na po naming magmadali!" tarantang paalam ni Annie saka humalik kina Mama.

"Mag-ingat kayo, Annie, ha? Ikaw na munang bahala sa kanya," sagot naman ni Mama saka sila niyakap isa isa. Pero nang ako na ay mas mahigpit at mas matagal na. "Bagay sa'yo ang suot mo, MJ," nakangiti niyang sabi habang pinagmamasdan ako. Gano'n din si Papa na niyakap din ako at hinalikan sa ulo.

"Sige na. Baka gabihin pa kayo," anila saka kami inihatid palabas ng bahay.

Nang makalabas kami at makasakay sa sasakyan ay hinarap ko sila para sana itanong kung saan ba talaga kami pupunta pero agad naman nila akong piniringan sa mata. "Anak ng! Kotang kota na kayo ah! Napipika na talaga ako sa inyo, e! Sabihin niyo nga kung ano bang meron at kung ano anong pinaggagagawa niyo sa'kin, ha?!" asar kong tanong habang pilit inaalis ang piring ko pero may humawak sa mga kamay ko.

"Basta! Just keep calm and stay still! Behave ka muna, MJ at napapagod na rin kami!" tila nanghihinang sabi ni Maiko. Napatahimik naman ako at inis man ay sumunod na rin.

Ilang minuto rin siguro kaming nagbyahe ay naramdaman kong huminto ang sinasakyan namin. Narinig kong may nagbukas ng pinto at may humawak sa kamay ko. Gustuhin ko mang umangal at magtanong ay sumunod nalang ako. Pagod na rin akong magreklamo at ubos na ang lakas ko.

Lumakad kami nang hindi ko alam kung gaano kalayo, hanggang sa huminto kami. Pinakiramdaman ko ang paligid ko, iwinasiwas ko sa gilid ko ang kamay ko pero wala na akong katabi. Naiinis na hinablot ko ang piring sa mata ko at asar na asar na lumingon lingon sa paligid ko. Nasilaw ako sa spot light na nakatapat sa'pero wala naman akong makita sa buong paligid ko.

"Tangina naman talaga, o! Kakaladkarin niyo ako sa kung saan tapos iiwan niyo ako sa—" napahinto ako sa pagmo-monologue ko nang makarinig ako ng strum ng gitara. Pinilit kong hanapin kung saan nanggagaling 'yon pero dahil sa dilim ng paligid ko ay wala akong makita.

Gusto ko na sanang magwala talaga pero napatigil ako nang may marinig akong tumikhim. Kasunod nito ay ang pagbubukas ng isang spot light. Nakatapat ito sa isang lalaking may hawak ng gitara na ilang dipa lang ang layo sa'kin. Bahagyang gulo gulo ang buhok, nakadamit na puro itim, may metal accessories na hindi ko mawari, alam niyo 'yung pormahan ng mga rocker? Gano'n!

Nakayuko siya ngunit nang nag-angat siya ng tingin ay napaawang ang bibig ko nang mapagsino ko ito. Si Felix! At mukha siyang ewan dahil nang mag-angat siya ng tingin ay nakita kong... NAKA-EYE LINER SIYA! HAHAHAHA!

"Mamaya mo na ako pagtawanan. Pakinggan mo muna 'tong kanta ko," aniya sa mikropono saka muling nag-strum. Ngunit sa pagkakataong ito ay may kasabay nang keyboards, drums at beatbox instrument!

It feels just like it was yesterday

I wasn't in love, now I'm falling apart

You've never been one to walk away

But you've had enough and it's breaking my heart

 

Cause you don't love me just the way that you should

It's nothing that you do, no it's nothing you say

Yeah baby, I know you're not good

But I don't want a good girl no, not today

Habang kumakanta siya at naggigitara ay lumalakad siya palapit sa kinatatayuan ko. Di ko naman malaman kung lalayo ba ako o ano pero may tila nagsasabi sa'king manatili lang sa kinatatayuan ko at makinig sa kanta niya.

Pinagmasdan ko pang lalo ang mukha niya at do'n ko na pansing may band aid pa siya sa mukha at may iilan pang sugat sa braso. Nakalilis kasi ng hanggang siko 'yung parang blaizer na suot niya at ngayon ko lang napansin na fit 'yung black shirt niya sa loob nung blaizer niya! 'Yung belt din niya, may kung anek-anek na palawit. Hindi ko alam kung anong tawag do'n, e!

Nang iangat ko ang tingin ko at magtama ang mga mata namin, dun lang ako nakapag-focus sa kinakanta niya. Pamilyar 'yung kanta pero nang pinakinggan kong maiigi, no'n ko lang napansing pinalitan niya 'yung ibang salita. Para bang sa'kin niya talaga pinaparinig 'yung mga salita sa kanta? Pero nang matitigan ko 'yung mga mata niya, 'yung mga tingin niya? Pakiramdam ko may nalulusaw sa kaloob looban ko.

I want a girl who stays out too late

And when I call, she doesn't answer the phone

Oh, I want a girl who likes it her way

And through it all, I know I'll end up alone

 

Yeah you don't love me just the way that you should

It's nothing that you do, no no, it's nothing you say

Oh pretty baby, I know you're not good

But I don't want a good girl, no not today, mmm

 

Palapit siya ng palapit at napapahinga ako nang malalim sa tuwing lumalapit ang distansya namin, isama pa 'yung nakaka-intemidate niyang mga tingin. Ay tainga! Ewan ko ba pero pakiramdam ko nanghihina ako sa mga tingin niya!

'Cause I want it bad I want a bad girl, baby, bad

I want a love that's crazy, yeah

I wanna fight, I wanna rock and roll and party all night

Yeah, I want it bad, I want a bad girl, baby, bad, I want it bad

I'm getting sick of predictable, tired of acting logical

Oh yeah, I gotta shake it up tonight

Yeah girl I want something physical

Not something invisible, oh yeah

I'm tired of being good, let's be bad

'Kailan pa gumaling sa pagggigitara 'to?' tanong ko sa isip ko dahil parang gamay na gamay na niya 'yung paglilipat lipat ng chords at pag-istrum.

Dumating siya sa part ng kanta kung saan halos tatlong steps nalang ang layo niya pero tuloy pa rin siya sa paglakad at pagkanta. Nanlalamig ang mga palad ko at hindi ko alam kung ba't bigla akong naging pasmado!

Yeah, I want it bad, I want a bad girl, baby, bad

I want a love that's crazy, yeah

I wanna fight, I wanna rock and roll and party all night

Yeah, I want you bad

 

Nang matapos siya sa pagkanta ay talaga namang napakalapit na namin sa isa't isa! At dahil mas matangkad siya sa'kin ay bahagya akong nakatingala para lang salubungin ang mga tingin niya. Nakita kong may gumuhit na ngisi sa labi niya pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit niya pa sa akin lalo! Napapikit ako dahil hindi ko alam kung anong balak ng isang 'to!

'Nasa'n na 'yung matapang na MJ?! Di ba dapat sinapak mo na siya?!' tila may boses na sumisigaw sa utak ko pero nanatili lang akong nakapitkit. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan ko dahil do'n! Naramdaman ko 'yung mainit niyang hininga sa kanang tenga ko at pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko.

"I'm tired of being good, MJ. Let's be bad?" aniya sa malambing tinig, dahilan para mapadilat ako. Kasabay ng pagdilat ko at pagtingin sa kanya ay ang pag-aabot niya sa'kin ng gitara niya. Napaawang ang bibig ko dahil do'n pero may mas nakakagulat pa pala do'n dahil lumakad siya palayo sa'kin.

Nang makalayo siya ay agad ding nawala ang ilaw na nakatutok sa kanya kaya nawala na naman siya sa dilim.

Napahigpit ang hawak ko sa gitara at noon lang ako nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko kanina ko pa pinipigil ang paghinga at nang lumayo siya sa'kin ay noon lang nagkaroon ng pagkakataon ang baga ko para mag-expand.

Napahawak ako sa dibdib ko at dama ko ang pagkabog nito. 'Tangina. Anyare?' tanong ko sa sarili ko dahil hindi normal ang pagbilis ng pintig nito. Wala naman kaming history ng sakit sa puso kaya alam kong abnormal 'to. Hindi rin naman ako high blood at kung anuman pero isang Felix lang ang nakapagpadama sa'kin ulit ng weird na pakiramdan na 'to.

'Ulit? Weird feeling? Nagpa-pulpitate?' napaawang ang bibig ko at napadako doon ang kamay ko nang maanalisa ko ang mga bagay bagay.

 ***

"Annie! May crush na ako!" masayang salubong ko kay Annie nang umupo ako sa tabi niya.

"Ha? Sino?" kunot noong tanong niya. Napatingin ako sa may open field at hindi ko napigil ang kilig ko nang makita ko ang gwapo niyang mukha.

"Si Kiel Alvarez! Ay grabe! Ang gwapo gwapo niya!" impit na tili ko habang pinipigil ang ngisi.

 

"Annie! OH MY GOSH! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" patili kong sabi. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko magha-hyperventilate na ako!

"Ano na naman? Ikaw Mary Jane, ah! Kinikilabutan na ako sa'yo!" kunot noong sabi ni Annie, inirapan ko nga.

"Ehh! Basta! Makinig ka muna kasi!" ungot ko naman. "He asked me to be his girl!" patili kong sabi at nagtatalon. "Sabi niya gusto niya daw akong ligawan! Kyaaah! Can you believe it, Annie? Napansin na ako ng crush ko!"

 

"I like you, MJ. And I want to court you..."

"I like you..."

 

"It's just for fun. Ginawa ko lang 'yon dahil sa pustahan! Hahaha! And you actually fall for it? Wow! Naniniwala na akong magaling akong umarte!"

 ***

Isa isang nanumbalik sa'kin 'yung mga masasakit na alaala ko noon. Mga alaalang matagal ko nang kinalimutan pero patuloy pa ring nagiging bangunot sa'kin sa tuwing pipikit ako. No'n ko rin naramdamang basa na ang magkabilang pisngi ko dahil sa luha. Pinunasan ko ito dahil hindi ko na maalala kung kailan pa ako huling umiyak. Matagal ko nang kinalimutan ang pag-iyak dahil ayoko nang maging mahina.

"MJ," napaangat ako ng tingin kahit na purong dilim lang naman ang nakikita ko. Pero alam ko kung kaninong boses 'yon. "Ang MJ noon, at ang MJ ngayon, para sa'kin pareho kong tanggap 'yon," anang boses sa dilim na alam kong si Felix.

"Wala akong pakealam sa nakaraan mo—ay hindi, may pakialam pala ako dahil 'yon dahilan mo para magbago," dagdag nito na ikinagulat ko. Paano niya nalaman? Sinong... si Annie...

"Pero gusto ko lang malaman mo na, gusto kong patunayan sa'yo na hindi lahat ng lalaki, katulad nung sira ulong ex mo. Gusto ko lang malaman mo na, eto ako, handang patunayan at ipakita sa'yo na seryoso ako at hindi ko gagawin an ginawa sa'yo ng ex mo," pagtutuloy niya na may diin sa bawat pagsabi ng 'ex'. Tila nagsilbi din itong mitsa para muling tumulo ang mga luha ko. Pero hindi. Ayoko.

"Felix naman! Hindi ka pa ba napapagod?! Hindi ako worth it sa lahat ng ito! Hindi ako ang babaeng nababagay sa isang tulad mo dahil... dahil..." naluluhang sambit ko habang sinusubukang mag-isip ng salitang idudugtong ko.

"Dahil ano, MJ? Sige, sabihin mo," aniya saka bumukas muli ang ilaw sa kanya.

Nanginginig na ang mga labi ko at pinipigilan kong humikbi, "Dahil... dahil may girlfriend na ako at si—"

"Shinota mo ang best friend mo?" sarkastikong sabi niya na ikinabigla ko. "Stop lying, MJ. Alam ko na ang totoo. At alam ko na rin ang kwento sa likod ng pagbabago mo. Sa pagiging hopeless romantic mo, sa pagiging head over heels mo, sa pagiging baliw mo sa pag-ibig na sa huli nauwi lang sa wala—lahat! At naiinis ako dahil lahat ng 'yon, dahil sa isang taong hindi worth it sa puso mo." Mariin niyang sabi at batid ko ang galit sa mga mata niya.

"Just give a chance, MJ. Just a small chance to prove myself to you. Just a small chance to show you that you are worth fighting for and that you're worth the wait," aniya sa nagsusumamong tinig. Nakita kong may hinugot siya sa bulsa niya at napagtantong cellphone 'yon. May pinindot siya, matapos ay itinapat 'yon sa tenga niya habang diretsong nakantingin sa'kin.

Ilang saglit lang ay naramdaman kong nagri-ring ang cellphone ko na nasa bulsa ng jacket ko. Kinuha ko 'yon at nagulat ako nang iba ang pangalang nakalagay do'n. Ako ang tinawagan niya pero iba ang pangalan niya sa phonebook ko. Naguguluhang napatingin ako sa kanya na ganoon pa rin, nakatapat sa tenga niya ang kanyang phone habang nakatingin sa'kin.

"Nasa sayo ang sagot, MJ. Ikaw ang may hawak ng desisyon. At 'yan ang tanong ko sa'yo," aniya. Muli akong nagbaling sa screen ng cellphone ko at muling nanlabo ang aking mga mata.

 

Let me court you again...

 

Accept          Reject

 

Napabuntong hininga ako at pikit matang isinwipe ang screen. Bahala na. Masaktan na kung masasaktan ulit. I'll give it a try.

Itinapat ko sa tenga ko ang phone ko at tiningnan siya na may ngiti sa mukha. "Gago ka. Wala kang originality. Ginaya mo pa si Gatorade ng BFC," pabirong sagot ko sa kanya.

Tumakbo siya palapit sa'kin at nabigla ako nang agad niya akong niyakap nang mahigpit.

"Di bale nang walang originality, at least binigyan mo naman ako ng chance," batid ko ang ngiti niya habang sinasabi 'yon. "Thank you, MJ. Thank you for the chance. I promise. I'll prove you worng. I'll prove yor worth and—"

"Tsk. 'Wag mong sabihin. Gawin mo," putol ko sa kanya, saka yumakap pabalik at ibinaon sa dibdib niya ang mukha ko.

Bahala na. Kung masasaktan man ako ulit nang dahil kay Felix. Paplanuhin ko nalang maigi kung paano ko siya gagantihan. Sa ngayon, gusto ko munang subukan ulit. Susugal ako kahit masakit.

Next chapter