Isang umaga, isang nakakagulat na balita ang dumating sa kanila. Habang naghahanda na sila sa pagpasok sa eskwela.
"Annabelle! Madali ka pumarine kayo anak..." Malakas na sigaw ni aling Conching bago pa man ito makapasok ng tarangkahan ng ng kanilang tinutuluyang bahay.
"Manang kayo po pala, bakit po?" Tanong ng kanilang Mamang.
"Naku anak, tumawag sa'kin ang Manong Obet n'yo. Tatawag daw si Nicanor ngayon mismo kaya halika na at importante daw ang sasabihin." Sadyang hindi direktang tumatawag sa kanila si Mang Kanor para daw iyon sa kaligtasan nila.
"Po ah' sige po!" Agad na sumunod dito ang kanilang ina matapos na bilinan silang h'wag munang aalis.
Puno man ng pagtataka ang isip nilang magkapatid sinunod na lang nila ang utos nito. Gusto man niya itong sundan ngunit takot naman siya na magalit ito.
Pagbalik nito tila ba nag-iba na ang kilos nito. Bigla na lang itong natataranta at may pagmamadali ang bawat kilos. Bigla na lang din nitong iniutos na ayusin nila ang kanilang mga gamit.
Dahil kailangan na daw nilang umalis ngayong araw mismo.
Gulat at puno sila ng pagtataka dahil sa biglaan ang kanilang pag-alis. Kaya't bantulot pa silang kumilos nais pa sana nilang tanungin ang ina.
Ngunit ito na mismo ang kusang nagsabi at nagpaliwanag ng kanilang sitwasyon.
Nang mapansin nitong hindi pa rin sila kumikilos. Kahit halos hindi na ito magkandatuto sa kung ano ang uunahin.
Napansin din niyang nanginginig ang mga kamay nito habang isa-isang kinukuha ang mga gamit nila.
Gusto niyang maawa dito dahil batid niyang sobrang tensyonado ito ng mga oras na iyon.
Hanggang sa...
"Mamang!" Hindi na s'ya nakatiis sinugod na niya ito ng yakap.
Nais niyang iparamdam sa ina na nandito lang sila at hinding-hindi nila ito iiwan.
Hanggang nagsimula na ring umiyak ang kapatid niyang si Amara...
"Mamang, ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong nito.
"Bakit ayaw n'yo pang kumilos kailangan na nating umalis dito. Hindi n'yo ba ako naiintindihan? Sige na kumilos na kayo!" Utos nito.
"Pero Mamang bakit kailangan pa nating umalis dito?" Muling protesta ng kanyang kapatid.
"Kailangan mga anak, pakiusap makinig kayo sa akin. Hindi tayo dapat abutan ni Anselmo dito o kahit ng mga tauhan niya. Kaya sige na kumilos na kayo!"
"Anselmo na naman, sino ba talaga s'ya bakit ba niya tayo ginugulo? Bakit hindi na lang natin s'ya isumbong sa Barangay o kaya sa mga pulis?" Mungkahi pa niya...
"Hindi s'ya takot sa pulis at lalo na sa Barangay. Alam n'yo naman ang ginawa niya sa Papang n'yo? Ayokong maging magulo ang buhay natin mga anak. Pero kailangan natin s'yang iwasan. Para rin ito sa kabutihan n'yo natin. Hindi pa natin s'ya kayang kalabanin. Darating din ang araw na maiintindihan n'yo rin ako kung bakit ko ito ginagawa? Kaya sige na tulungan n'yo na ako mga anak, nakikiusap ako sa inyo. H'wag na kayong magtanong sundin n'yo na lang ako!"
"Opo, Mamang!"
"Pero..."
"Amara ano ka ba? Sige na kunin na natin ang mga gamit natin!" Inakay na niya ito kahit gusto pa nitong magprotesta. Kahit kailan talaga may pagkarebelde itong kapatid niya.
Kinuha lang nila ang mga importanteng gamit at mga kailangan. Ibinilin na lang nila ang iba pa nilang gamit na maiiwan.
Mula sa Roxas city lumipat sila ng Pontevedra. Ngunit hindi rin sila nagtagal doon. Dahil ilang Linggo lang ang lumipas muli na naman silang lumipat.
Dahil nalaman nila na maging doon ay hinahanap na rin sila ni Anselmo.
Hanggang sa makarating sila ng Cebu city...
____
CEBU CITY
Lumipas ang mga araw na wala ng Anselmo na nanggugulo sa kanila. Kaya't muling napanatag ang kanilang kalooban.
Nagpatuloy silang muli sa simpleng pamumuhay. Umupa sila ng isang kwarto na sapat para sa kanilang mag-iina.
Umupa rin ng maliit na pwesto sa palengke ang kanilang ina upang makapagtinda ng mga kakanin. Dahil kailangan daw nilang kumita ulit hindi sila maaaring tumigil. Lalo na at nag-aaral pa sila.
Hangang hanga talaga s'ya sa katatagan ng kanyang ina at sa lakas ng loob nito.
Muli rin silang nakabalik sa pag-aaral sa tulong ni Manong Obet at pamilya nito.
Madali nilang naayos ang mga kailangan nila mula sa school sa Roxas para makapagtransfer sila ng Cebu city.
Kaya't muli naging maayos ang pamumuhay nila sa Cebu.
Hanggang sa matuling lumipas ang isang taon.
___
Kararating lang nila noon galing eskwela ng madatnan nila ang ina na may kausap sa cellphone nito. Ang nag-iisang keypad na cellphone nila sa bahay.
Mukhang seryoso ang kanilang ina sa pakikipag-usap sa kausap sa kabilang linya. Lumayo pa ito sa kanila at saka sumenyas na magbihis na sila.
Habang patuloy pa rin ito sa pakikipag-usap sa kung sino man ang kausap nito.
Ang buong akala niya s'ya lang ang curious na mag-eardrops sa ina kaya't pinigilan na lang niya ang sarili. Ngunit hindi si Amara, kaya pala ng lingunin niya ito Bigla na lang itong nawala sa kanyang likuran. Hindi pala ito sumunod sa kanya sa pagpasok ng kanilang kwarto.
"Ano ka ba Amara, bakit ka nakikinig?"
"Pssst! Si Tatay Kanor ang kausap niya at pinag-uusapan na naman nila si Anselmo."
"Ha'!" Bigla na naman s'yang kinabahan, ibig bang sabihin nito kailangan na naman nilang lumipat? Bigla n'yang naitanong sa isip.
"Sigurado ako na may pinag-uusapan silang mahalaga. Narinig ko pa na alam na daw ni Anselmo ang totoo. Tapos narinig ko na binanggit ni Mamang ang pangalan mo Ate!"
"Anong ginagawa n'yo d'yan?!"
"Ay, butikee!"
"Hindi ba sinabi kong magbihis na kayo!" Sabay pa silang nagulantang sa lakas ng boses ng ina.
Pagkapahiya at kaba ang unang rumehistro sa kanilang mukha.
"Sige na magbihis na kayo!"
Magkahawak kamay pa silang umalis sa harap ng ina at deretso sa kwarto. Makalipas ang ilang sandali muli silang lumapit sa ina habang nagluluto naman ito ng kanilang hapunan.
Noong una tahimik lang sila at naghahanap ng maitutulong sa ina. Ngunit hindi nakatiis si Amara...
"Mang?" Bigla s'yang kinabahan kaya kinalabit n'ya si Amara ngunit pinalis lang nito ang kamay niya.
"Bakit?" Matipid na sagot ng ina.
"Mamang totoo po bang payag ka nang sumama si Ate sa swimming competition nila na gaganapin sa Thailand?" Hindi niya alam kung sinadya ba nitong baguhin ang tanong o 'yun talaga ang gusto nitong malaman ng mga sandaling iyon.
Huminga muna ng malalim ang kanilang ina. Bago ito tumango at saka itinutok ang tingin sa kanya.
__
Hanggang sa isang araw bago pa ang kanyang pag-alis...
Kasalukuyan s'yang nag-aayos ng gamit na dadalhin niya sa b'yahe. Nais niyang huwag magdala ng marami para naman hindi s'ya mahirapan.
Mabuti na nga lang at bakasyon na rin nila sa klase pagkatapos ng competition. Kaya talagang pahinga na pagbalik nila ulit sa Pilipinas.
Ngunit nagtataka s'ya kung bakit panay ang bilin sa kanya ng ina at saka panay ang dagdag nito ng gamit na dadalhin niya.
"Mamang hindi na po ako magdadala ng marami, uniform naman po kasi ang susuotin namin kaya sila naman po ang magpoproduce nu'n! Saka ang mahalaga po 'yun gagamitin ko sa pagpapractice."
"Kakailanganin mo ito anak baka kasi magtagal ka doon."
"Mang 2-3 weeks lang po kami doon o pinaka-matagal na siguro ang one month?"
"Hindi anak kailangan mong magtagal doon. Halika lumapit ka sa'kin anak, makinig ka!"
Sumenyas itong maupo s'ya sa tabi nito na agad naman niyang sinunod.
"Mamang?" Puno ng pagtatakang tanong niya maging si Amara ay natigilan at nakinig.
"Ito na ang pagkakataon para makaluwas ka ng Maynila anak."
Napakunot ang kanyang noo hinagud pa nito ang mahaba niyang buhok. Gustong gusto niya kapag ginagawa ito sa kanya ng ina. Dahil dito nararamdaman niya kung gaano s'ya kalapit sa puso nito. Dahil sa bawat haplos nito dama niya ang pagmamahal.
Ngunit tila may nahihimigan siya sa ipinupunto ng ina.
Ngunit hindi pa rin s'ya kumibo at muli naman itong nagpatuloy.
"Hindi ba napag-usapan na natin na mauuna ka nang lumuwas ng Maynila at doon mo na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral mo? Maiiwan kami ng kapatid mo dito at para ituloy naman ang pag-aaral niya sa kolehiyo."
"Pero Mamang hindi pa naman po ako tapos ng Nursing."
Nagsimula ng pumatak ang luha ng kanilang ina kahit ano pa ang pigil ang gawin nito.
Maging silang dalawa ni Amara ay hindi na napigilan pa ang emosyon.
"Hindi ko gustong mawalay kayo sa akin alam n'yo 'yan! Pero wala na tayong panahon at ito na ang magandang pagkakataon upang malayo ka dito anak! Patawarin n'yo sana ako mga anak ko. Pero hindi ko kayo kayang ipagtanggol ng mag-isa. Hindi ako kasing lakas at kasing tamang ng inyong ama." Saglit itong napahagulgol ng iyak.
"Mamang!" Napayakap sila dito at wala na silang nagawa kun'di umiyak ng umiyak.
"Hindi n'ya tayo titigilan at hindi natin sila kayang labanan ng tayo lang kailangan natin ng tulong ng iba. Kung ako lang sana mga anak. Pero kasama ko kayo at ipinangako ko sa ama n'yo na hindi ko kayo pababayaan. Hindi kayo dapat madamay! Ngunit patuloy pa rin tayong guguluhin ni Anselmo kahit saan pa tayo pumunta. Pagod na rin ako sa pagtakbo at pagtatago. Alam ko naapektuhan na rin kayo."
"Mamang, isumbong na lang kasi natin sila sa pulis!"
"Hindi ganu'n kadali anak, dahil hindi s'ya titigil hangga't hindi n'ya nakukuha ang gusto niya. Para ito sa kabutihan n'yong dalawa kaya't kailangan n'yong pansamantalang maghiwalay."
Muli itong bumaling sa kanya pinahiran pa nito isa-isa ang luha sa kanilang mga mata, gamit ang mga kamay nito.
"Ang gusto ko lakasan mo ang loob mo anak, pagkatapos ng competition at pagkagaling n'yo ng Thailand. Magpapaiwan ka na ng Maynila. Kapag naroon ka na hahanapin mo ang angkan ng iyong ama."
"Paano kung hindi ko sila makita agad Mamang?"
"Mananatili ka doon at doon ka na magpapatuloy ng pag-aaral mo habang hinahanap mo sila. Magpapadala ako sa'yo ng pera at kapag naka-graduated na ang kapatid mo susunod na rin kami doon."
"Bakit hindi na lang tayo sabay sabay na pumunta doon Mamang kahit pa ngayon na din?"
"Hindi maaari anak wala na tayong pera hindi na natin kakayanin ang gastos at saka magiging mahirap para sa atin na mamuhay doon. Lalo na kung hindi pa natin makikita ang pamilya ng Papang n'yo. Saka ayoko ring mahinto kayo sa pag-aaral. Sobra na ngang naapektuhan ang pag-aaral n'yo."
"Mamang!"
"Sige na anak ito na lang ang naisip kong paraan para sa kabutihan n'yo at sigurado ako ito rin ang gusto ng Papang n'yo!"
"Sige po Mamang pangako hahanapin ko sila at pagbalik ko magbabayad ang Anselmong iyan sa atin Mamang sa lahat ng ginawa n'ya sa pamilya natin at sa lahat ng kasamaan niya!"
Kuyom ang kanyang kamao at puno ng galit.
Naalala pa niya ang kabuuan ng itsura nito na hinding-hindi n'ya makakalimutan. Kahit dalawang beses pa lang niya itong nakita.
Una noong siya ay magsisiyam na taong gulang pa lamang ng mamatay ang kanyang Lolo at Lola at ang ikalawa noong araw na mamatay ang kanyang ama.
Kaya't hinding-hindi niya ito makakalimutan lalo na ang pagmumukha nito. Ang mukha ng kriminal na iyon na pumatay sa kanyang Papang.
Sisiguraduhin niyang darating din ang araw na magbabayad ito sa kanila. Ito ang ipinangako niya sa sarili.
__
KINABUKASAN...
"Ate babalik ka agad ha! Hihintayin ka namin ni Mamang ipangako mo babalikan mo kami agad. Huwag kang magtatagal du'n kasi mami-miss kita." Hindi na nito natiis na hindi pahirin ang pagbalong ng luha mula sa mga mata hilam na kasi ito sa sariling luha.
Niyakap na lang n'ya ito at hindi na nagsalita. May lihim silang usapan ng kapatid na lingid sa kanilang ina.
Babalik din s'ya agad ng Cebu sa oras na makaipon na s'ya ng pera. Balak niyang magtrabaho habang nag-aaral at kapag may ipon na s'ya susunduin niya ang ina at kapatid.
Pagkatapos sabay-sabay silang babalik ng Maynila upang doon na sila tumira at magkakasama nilang hahanapin ang pamilya ng kanyang Papang.
Kanina pa iyak ng iyak si Amara, kung dati ito ang nagtutulak sa kanya na sumama sa Thailand.
Pero ngayon halos ayaw na nitong huminto sa pag-atungal. Ngayon pa lang kasi sila talagang maghihiwalay.
Alam naman niya na hindi nito gustong magkahiwalay sila ng matagal at ganu'n din naman siya dito. Ngayon lang kasi sila magkakahiwa-hiwalay.
Pero sabi nga ng kanyang Mamang para ito sa kabutihan nila. Sisikapin na lang n'ya na makita agad ang ama at kapatid ng Papang niya.
Hawak na niya ang address ng mga ito sa Maynila at pati na rin ang mga pangalan ng mga ito ay isinulat na ng kanyang Mamang sa isang Papel. Para sigurado daw na hindi n'ya malilimutan.
Ipinangako niya sa sarili na hindi s'ya titigil sa paghahap at titiyakin rin niyang hindi na iyon magtatagal at magkakasama sama na rin sila.
"Anak, ipangako mo sa'kin na hindi ka babalik dito hangga't hindi mo sila nakikita ha? Hindi sa ayaw kitang bumalik agad anak. Pero kailangan talagang makita na natin sila."
"Opo Mamang pangako po hahanapin ko sila... Sige na po baka ako na lang hinihintay nila?" Papunta na kasi sila sa Mactan Airport at naghihintay na lang na makompleto sila.
Mula dito sa school sasakay sila sa Bus na maghahatid sa kanila sa Airport at deretso na sila papuntang Bangkok Thailand.
Pag-uwi niya saka naman s'ya sasakay ng direct flight to Manila.
Doon na rin s'ya magsisimula sa paghahap...
Malaking halaga din ang ipinadala sa kanya ng ina, halos lahat yata ng naipon nito kasama na yata pati ang puhunan nito sa pagtitinda. Kahit ang ipon nilang dalawa ni Amara ay pinadala rin sa kanya ng ina.
Ibinili pa s'ya nito ng sarili niyang cellphone kahit keypad lang para daw may contact sila. Ito ang kauna-unahan niyang cellphone. Kaya batid niya na wala na talagang pera ang ina.
Iniisip tuloy n'ya kung paano na kaya ang mga ito kapag nagtagal s'ya wala na silang pera.
Kaya ipinangako niya na kapag nanalo sila ipapadala niya ang makukuha niyang cash prize sa mga ito. Baka mapapayag na rin niya ang ina na sumunod na agad ang mga ito sa kanya sa Maynila.
Tumalikod na s'ya ngunit saglit pa muna s'yang nagbantulot sa paglakad na tila ba nag-aalangan pa siyang umalis.
Para bang may pumipigil pa sa kanya at bumibigat ang kanyang paghakbang. Ngunit panay na rin ang kaway ng kanilang couch at guro.
Kaya kahit ayaw pa sana niyang umalis, itinuloy na rin niya ang paglalakad at pilit rin niyang pinipigilan ang sarili na h'wag ng lumingon.
Baka kasi lalo lang s'yang mahirapan sa pag-alis.
Subalit...
"AMANDA, ANAK!"
Madamdaming pagtawag ng luhaan niyang ina ang biglang nagpabalik sa kanya, upang lumingong muli.
Hindi na niya napigilan pa ang sarili na muli itong sugurin ng yakap. Alam naman niya na mabigat din ang loob nito sa kanyang pag-alis.
Kaya niyakap na lang niya ito ng mahigpit na ginantihan rin nito ng mahigpit na yakap.
Yakap na hindi n'ya alam kung kailan niya ulit mararamdaman?
_____
Pagkatapos ng competition wala ng pagsidlan ang kanyang tuwa. Dahil ang team nila ang nanalo at nanguna sa competition. Sila ang nagkamit ng karangalan.
Kagaya ng plano niya ipapadala sana niya ang parte ng halagang napanalunan niya sa kanyang ina at kapatid.
Subalit naunahan s'ya nito dahil tumanggi ito sa pera at sinabing itabi niya para sa pag-aaral niya. Sinuguro pa ng kanyang ina na maayos daw ang kalagayan nito at ni Amara kaya h'wag daw s'yang mag-alala.
Kahit batid at ramdam din niya na nagsisinungaling ito.
Kung sakali daw na hindi agad ito makapagpadala ng pera mas kailangan daw niya iyon. Bakit ba may pakiramdam siyang sadyang inilalayo s'ya ng ina.
Kung dati naiinggit s'ya kay Amara kapag pakiramdam niya ito lang ang pinahahalagahan ng ina.
Pero ngayon mas gusto na niya na kahit pa hindi s'ya pinapansin nito. Basta magkakasama lang sila.
Pero wala na rin s'yang nagawa kun'di itabi nga ang pera at ipagpatuloy ang paghahanap sa pamilya ng kanyang Papang.
Pero almost two weeks na s'yang pabalik balik sa address na ibinigay ng kanyang ina.
Pero sa gate pa lang ng Village hindi na s'ya makapasok.
Kung ano-anong ID ang hinihingi sa kanya eh' school ID lang ang meron siya at sa Cebu pa ito naka-address.
Kaya ayaw maniwala sa kanya ng mga guard ng Subdivision.
Iyon nga din ang problema niya sa bangko kaya hindi siya makapagbukas ng account.
Kailangan daw niya ng proof of address at dalawang valid id ang hinihingi sa kanya. For security daw...
Kaya hanggang ngayon lagi pa rin niyang dala ang pera niya. Kung noong una mahigit sa P30,000 ang dala niyang pera. Pero sa ngayon dahil nga sa nabawasan na niya ito kaya kulang na...
Umupa kasi s'ya ng isang maliit na kwarto. Gusto sana niyang sa Alabang sa Muntinlupa s'ya umupa para malapit sa Alabang.
Pero wala pa s'yang nakitang bakante kaya sa Parañaque s'ya napunta at least mas malapit na ito isang sakay lang papuntang Alabang. Kaya lang two months advance one month deposit...
Hay, naku!
Tulad ngayon susubukan niya ulit bumalik ng Alabang Village. Magbabakasakali s'ya ulit na baka maniwala na sa kanya 'yung guard o baka maawa na sa kanya?
Halos nakilala na nga s'ya ng mga guard du'n eh'. Araw araw ba naman s'yang pumupunta.
Dahil naawa na rin sa kanya minsan ang guard kaya sinabi nito na wala daw du'n ang mga hinahanap niya.
Kasi 'yun daw si Dr. Amadeo Ramirez nasa Europe at hindi pa umuuwi.
Ang anak at mga apo lang daw nito ang paminsan minsan na lang na umuuwi doon. Dahil si Dr. Darren James Ramirez na anak nito sa bahay na nito sa Batangas daw namamalagi.
Naagaw na s'ya ng malalim na pag-iisip kaya't hindi na niya pansin ang mga pumapasok sa bus na kanyang sinasakyan.
Hindi na nga niya alam kung nadadagdagan o nababawasan ang sakay nito.
Mag-aalas tres na kasi ng hapon ng maisip niya na muling bumalik sa Village. Pagkagaling kasi niya sa bangko kanina naisip niyang sa loob ng Mall kumain ng lunch.
Nalibang yata s'ya sa paggala kaya ayun tanghali na nang maisipan niyang bumalik ng Alabang. Dahil wala naman s'yang gagawin maiinip lang s'ya sa apartment kaya itinuloy na niya ang pagbalik ng Alabang.
Nagulat pa s'ya at nabalik sa kasalukuyan ng bigla na lang may bumangga sa kanya.
Isang lalaki na nang tingnan niya ay bigla pa itong ngumisi sa kanya na tila nakakaloko.
Bigla tuloy s'yang kinabahan at ng mapagmasdan niya ito nakita niyang puro tattoo ito sa katawan at braso.
Kinikilabutan pa siya sa pagngisi nito pakiramdam tuloy niya nang mga oras na iyon gustong-gusto na n'yang bumaba.
Kahit na malapit na rin naman ang kanilang babaan.
Ngunit bago pa sila makarating sa bus stop upang makababa.
May bigla na lang sumigaw ng malakas...
"MANATILI LANG KAYONG NAKAUPO, WALANG KIKILOS!"
May limang mga armadong lalaki na nakapuwesto na sa iba't-ibang bahagi sa loob ng Bus ang isa ay pirmis nang nakatutok sa driver at inutusan itong ideretso lang ang sasakyan at h'wag hihinto...
Saka sinimulan ng ikasa ng bawat isa ang hawak nilang mga baril.
Kasunod ng isang deklarasyon...
"HOLD-UP, 'TO!"
Tila ito bombang bigla na lang sumabog sa kanilang pandinig.
Napuno na rin ng kaba ang kanyang dibdib.
Kanya-kanya silang reaksyon sa loob ng Bus. Ang isang may idad na babae ang hindi nakatiis bigla na lang itong tumili at sumigaw.
Ngunit segundo lang ang lumipas bigla na lang itong bumulagta sa sahig.
Habang inaagusan ito ng sarili nitong dugo.
Mabuti na lamang at maagap niyang natakpan ang sariling bibig.
Dahil isang impit na pagtili ang muntik na ring umalpas mula sa nakapinid niyang bibig kasabay ng pamumutla...
*****
By: LadyGem25
Hello guys,
Kumusta? Hopefully safe pa rin tayong lahat d'yan...
Sa mga naghihintay pa rin ng update narito na po ang kasunod na chapter. Pasensya na hindi ko na-updated agad. Dahil bukod sa mahina ang signal dito nadaanan din po kami ng bagyo.
Nakakata-cute!hahaha...
But thank GOD we're safe now...
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT AND KEEP SAFE EVERYONE!!
SALAMUCH!
MG'25 (11-14-20)