webnovel

C-61: The Jealous heart 2

Makalipas ang ilang sandali ng tahimik nilang pagkain.

Nagpaalam muna si Angela kay Joseph upang puntahan sila Alyana at Diane sa Canteen.

Siguradong abala ang mga ito ngayon sa kusina. Dahil sila ang head incharge para magserve ng pagkain sa mga bisita.

Pinayagan naman s'ya ni Joseph na puntahan ang mga ito. Kaya dumeretso na s'ya agad patungo sa canteen ng Resort.

Pagdating n'ya sa canteen abala pa rin ang lahat...

"Kumusta kayo dito okay lang ba kayo?" Tanong niya matapos niyang batiin ang lahat.

"Okay lang po ma'am!"

Sabay-sabay namang saad ng mga kitchen staff nila.

"Kayong dalawa okay lang ba kayo?" Tanong niya paglingon kay Alyana at Diane.

"Okay lang kami Boss, h'wag ka nang mag-alala." Birong saad pa ni Diane.

"Boss ka d'yan, tumigil ka nga!" Nangingiti niyang saway dito.

Hindi niya gustong mabago ang pakitungo ng mga ito sa kanya. Nang dahil lang sa kanya na ito magtatrabaho.

Kinuha n'ya kasi ang dalawang ito para makatulong niya sa pagmamanage ng food shop. Hindi naman sila tumanggi, isang magandang experience at oportunidad na rin daw. 

"Tama si Diane ma'am h'wag ka nang mag-alala." Dugtong naman ni Alyana.

"Hala! Kayo talaga, sige tawagin n'yo na lang ako kung saan n'yo gusto. Pero walang magbabago ha? Dahil mas okay pa rin sa'kin 'yun dating pakikitungo n'yo sa'kin maliwanag ba 'yun!"

"Yes ma'am!"

Sabay pang saad ng mga ito, kaya natawa na lang s'ya at napailing.

"Magsalitan na lang kayo sa pagkain para makakain na rin kayo gabi na! Paano kayo na muna ulit bahala dito ha? Babalikan ko na lang kayo ulit mamaya!" Aniya.

"Sige na kami na bahala dito, hindi ka bagay sa kusina. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon."

"Hala, nambola pa!"

"Bagay na bagay naman talaga kayo ni Sir J." Saad ni Diane na tila kinikilig sa kanya.

Napasinghap naman s'ya sa sinabi nito. Naitapat pa niya ang hintuturong daliri sa bibig upang sawayin ito sa iba pa nitong sasabihin. Kasabay ng pag-aalala na baka may nakarinig pa dito?

Dahil kung mayroon mang nakakaalam ng ugnayan nila ni Joaquin. Bukod kay Dorin ang dalawang ito lang na kaibigan at kaklase niya ang may alam. Dahil ito lang naman ang nakasama niya sa Hotel sa Venice.

"H'wag kang mag-alala ate pareho lang naman silang J." Bulong naman nito.

Biglang napawi ang kanyang pag-aalala ng maisip rin niya ang bagay na iyon. Napangiti na lang s'ya sa mga ito. Nasabihan na rin kasi niya ang mga ito tungkol sa pamilya nila Joaquin at Joseph.

Matagal na rin naman niyang naikwento sa dalawang ito ang tungkol sa pagkupkop sa kanya ng pamilya.

Maliban lang sa pagkakaroon niya ng Amnesia. Dahil sa tingin niya hindi na importanteng malaman pa ng mga ito ang tungkol sa kanyang sakit.

Lalo na at hindi rin naman mahahalata ng mga ito ang tungkol sa bagay na iyon. Kung wala rin namang magsasabi nito.

Baka nga hindi pa nila iyon paniwalaan. Dahil hanggang ngayon isang theory pa ring masasabi ang pagkakaroon ng Amnesia sa isang normal na tao.

Para kasi sa iba isa pa rin itong kwento na nababasa sa libro o napapanood lang sa pelikula o television.

Dahil hindi rin naman ito pangkaraniwang sakit lang na nangyayari sa totoong buhay.

Ang makalimot o pagiging makakalimutin ay normal nang nangyayari sa isang taong may edad na. Lalo na kung tinamaan ng sakit na Alzheimer's o di kaya ay Dimensia.

Subalit sa isang katulad niya na bata pa naman, hindi normal ang makalimutan ang lahat lahat sa kanyang nakaraan. Kahit pa ang kanyang pangalan.

Dahil sa kaso niya na naging biktima ng karahasan at nakakaranas ng trauma. Ang Amnesia ay isang sakit na hindi pangkaraniwan sa pananaw ng karamihan.

Hindi rin ito ganu'n kadaling maunawaan ng lahat o kahit ang ipaliwanag. Kahit pa totoong nangyayari ito sa isang taong may pinagdaanang traumatic incident.

Kahit pa nagagawa na rin naman itong ipaliwanag ng siyensya.

Kung kaya't mas minabuti niyang gawing pribado ang tungkol sa kanyang sakit. Kung paano nagawang itago ni Liandro at Joseph sa mga taong nakapaligid sa kanila ang lahat. Hindi rin niya maipapaliwanag.

Ngunit ang pag-ampon sa kanya ng pamilya at ang paggamit niya sa pangalan ni Angeline ay nanatiling bukas sa lahat.

Ipinalabas ni Liandro na kailangan niya ng Identity upang magkaroon ng kaugnayan sa pamilya para sa kapakanan ni VJ.

Kaya naman ipinagamit sa kanya ang pangalan ng panganay nitong anak na si Angeline. Ipinalabas rin ng pamilya na ulila na s'ya at wala na ring pamilya pang mauuwian.

Para magkaroon din s'ya ng ganap na connection sa pamilya. Kaya kinailangan niyang maging si Angela.

Lubos s'yang nagpapasalamat sa pamilya na pinanatiling pribado ang usapin tungkol sa kanyang sakit. Dahil para sa kanya mas nakakatulong ito. Para mas maging komportable s'yang makapamuhay ng normal.

Nang hindi n'ya kailangang isipin ang kakulangan at nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao. Kahit nitong huli may mga bagay nang kusang nagbabalik sa kanyang alaala. Subalit marami pa ring mga tanong na nanatili pa rin sa kanyang isip.

"Ate okay ka lang ba? Sorry hindi na mauulit!" Naipagkamali nito ang biglang pananahimik niya.

"Okay lang ako, meron lang akong naisip h'wag n'yo na akong intindihin." Sagot na lang n'ya at nginitian na lang n'ya ito upang hindi mag-alala. 

"Sigurado ka Ate?"

"Oo naman, sige na babalik na ulit ako sa labas. Bahala na kayo dito ha?"

"Oo na sige na kami na ang bahala dito. Makipagparty ka na!" Saad ni Alyana.

"Okay!"

Kaya tuluyan na s'yang umalis at iniwan ang mga ito upang sana'y muling balikan si Joseph.

Ngunit paglabas niya ng kitchen nagulat na lang s'ya na nasa labas si Joaquin at mukhang sadyang hinihintay nito ang kanyang paglabas. Bigla tuloy s'yang sinalakay ng kaba.

Gusto sana niya itong iwasan at magkunwaring hindi ito nakita. Subalit tila hinintay lang nitong mauna s'ya sa paglakad. Dahil nararamdaman niyang kasunod rin niya itong lumalakad palabas ng canteen.

Nang nasa labas na siya sadyang binilisan pa niya ang paglalakad.

Subalit ng maramdaman nito na bumibilis siya naramdaman rin n'ya na bumilis ang lakad nito.

Nagulat na lang s'ya ng hawakan s'ya nito sa braso at hilahin.

Mahigpit s'yang hinawakan nito sa braso at dinala sa likod na bahagi ng Canteen sa lugar na madilim at wala pang gaanong tao ang dumaraan.

"Ano ka ba Joaquin, bitiwan mo nga ako!" Mataginting niyang saad ng huminto ito. Subalit nanatiling hawak s'ya sa kanyang braso.

"Gusto mo talaga na lagi kitang hinaharas no?" Saad nito.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ever since na makilala kita na-realized ko napaka-exciting mo talaga tao no? Lagi mo na lang akong pinapahirapan. Isang bagay lang ang napatunayan ko. I think napaka-exciting mo ring ligawan?"

"Ikaw lang ang nag-iisip n'yan, napaka-simple rin ng sagot e'di h'wag mo na lang akong ligawan... Tapos!" Aniya sa naiinis ng tono.

"Hindi naman kita nililigawan ah' hindi ba bawal nga, bakit gusto mo ba ligawan kita?"

"Joaquin!"

"Angela!" Saad ulit nito na ginaya pa ang timbre ng kanyang boses.

"Nang-aasar ka ba? Nakakainis ka na, tumabi ka nga d'yan!" Naiinis pa rin niyang saad.

Sinadya rin niyang hawiin ito upang makaalis. Subalit mabilis nitong iniharang ang dalawang kamay. Nasa pagitan s'ya ngayon ng dalawang braso nito habang nakatukod ang mga kamay sa pader.

Nasa likod na bahagi sila ng Canteen sa dulong bahagi rin ng Hotel. Dito s'ya dinala ng binata matapos s'yang hatakin nito kanina.

Dahil dito lang naman sila hindi mapapansin. May kadiliman kasi sa bahaging iyon kapag gabi na. Bahagyang liwanag lang ang maaninag dito. Bukod pa sa natatakpan ng puno ang mga ilaw na nagmumula sa mga poste sa loob ng Resort.

Kung may makakita man sa kanila, iisipin lang ng mga ito na nagdi-date rin sila sa dilim. 

Posible ring hindi sila makilala kung hindi rin lang sila maririnig o makikilala ang kanilang mga boses.

Ang bahaging ito rin kasi ang madalas pinupuntahan ng mga mag-jowa kapag gusto nilang magsolo. Mula sa pwesto nila mahigit tatlong dipa pa ang layo ng isang kubo.

Nasa kabilang gilid nito ang swing at sa kabila naman nito ang mga duyang bakal. Paborito rin itong puntahan ng mga bata sa umaga at magpartner naman sa gabi.

Kaya naman hindi lang sila ang naliligaw sa bahaging iyon. May mga ilang magkapareha ring s'yang nakikita sa paligid.

Ang kainaman lang walang pakialaman ang bawat isa.

"Hindi ka ba naiinggit sa kanila? Ang sweet nilang tingnan. Ikaw kaya kailan magiging sweet sa'kin?" Tanong pa nito saka s'ya inakbayan.

"Tumigil ka nga, kung gusto mo ng sweet igagawa kita ng cupcakes o kaya ibibili kita ng candy, okay na? Siguro naman sobrang sweet na 'yun!"

"Hehe, okay ang jokes mo hindi nakakatawa... Ito sigurado akong matatawa ka!"

Pahila s'ya nitong hinawakan sa magkabila n'yang pisngi, sabay halik nito sa kanya ng mabilis sa labi. Nabigla man sa ginawa nito ngunit wala rin naman s'yang nagawa.

After that, she tried to slapped it. But she's failed to do that.

Dahil mabilis nitong nasalo ang kanyang kamay at padipa s'yang isinandal nito sa pader.

"See, umuusok pa ngayon ang ilong mo sa tuwa di'ba?"

Mariin s'yang hawak nito sa magkabilang palapulsuhan. Subalit ramdam niya na may pag-iingat din ito.

Marahil ayaw rin nitong masaktan s'ya o magkapasa.

"Nakakainis ka na! Sabi mo hindi mo ako guguluhin. Pero ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon ha?" Tungayaw niya upang ipinaramdam niya dito ang galit niyang boses.

"Bakit ikaw din naman ah' hindi ka tumupad sa pangako mo na hindi ka na magiging malambing kay kuya Joseph." Pagbaligtad nito sa kanya.

"Pag-uusapan na naman ba natin ito, kailangan ko na naman bang ipaliwanag sa'yo? Ah' kaya naman pala gumaganti ka, baka akala mo hindi ko alam." Pairap pa niya itong tiningnan.

"So, nagseselos ka ba?" Tanong nito na ikinalito niya.

"Hindi ah' at ba-bakit naman ako magseselos?" Pagkakaila niya sa totoong nararamdaman.

"Dahil gustong kong magselos ka!"

"Ano?"

Napa-awang pa ang kanyang labi ng dahil sa sinabi nito.

"Gusto kong magselos ka para kahit paano maramdaman ko naman na mahal mo ko! Kahit s'ya pa ang kasama mo. Akala ko kasi okay lang sa'kin 'yun, na okay lang ako at kaya ko namang magpanggap na balewala lang ang lahat. Pero hindi pala, hindi pala ako okay!" Sunod-sunod na litanya nito.

Saglit muna itong huminto sa pagsasalita upang sumandal sa pader. Pero nanatiling hawak nito ang isa niyang kamay.

"Joaquin..." May kahinaan niyang bulong.

Hindi n'ya maintindihan ang binata kung bakit ganito na lang ang ikinikilos nito ngayon? Ang buong akala niya naiintindihan s'ya nito.

Habang pareho na sila ngayong nakasandal lang sa ding ding ng magkahawak ang mga kamay at patuloy na nakikiramdam sa isa't-isa.

"Kailan ko ba mahahawakan ang mga kamay na ito ng hindi patago? Yung magagawa ko ring akbayan ka at yakapin sa harap ng maraming tao. Kahit man lang sa harap ng pamilya ko hindi ko magawang yakapin ka. Nais ko rin na maging girlfriend kita at ipagmalaki sa kanila na ikaw ang mahal ko. Pero hindi ko magawa kasi alam ko naman na si Joseph ang inaasahan nilang gagawa ng ganu'n sa'yo."

Saglit pa itong tumingin sa kanya at tumawa ng mapakla. Habang tila binabasa rin nito ang reaksyon sa kanyang mukha.

Nakikita n'ya ang lungkot sa mukha nito dahil sa tulong ng liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan.

Gustong-gusto na niya itong yakapin subalit pinipigilan lang n'ya ang kanyang sarili.

Hanggang sa muli itong magsalita.

"Gusto kong tuparin sana ang pangako ko, kaya lang pasensya na. Dahil hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi magselos. Naiinggit ako sa kanya, kapag kasama mo s'ya ang dami n'yang nagagawa sa'yo. Samantalang ako kahit ang simple lang na paghawak sa kamay mo ay kailangan ko pang itago. Bakit sa tingin mo ba? Hindi mahirap para sa akin na maging bastos sa harap ng babaing mahal ko. Dahil kailangan ko pa siyang i-harass para lang mabigyan niya ako ng konting panahon. Tulad na lang  ngayon, putsa!"

Napamura pa nitong saad.

"Hindi ko rin naman gustong mahirapan ka ah' kaya lang ano bang gagawin ko? Ayoko lang naman na magpadalos-dalos tayo. Hindi lang naman ganu'n kadali na sabihin kay Joseph ang tungkol sa ating dalawa. Isa pa magkapatid kayo at ayokong mag-away kayo ng dahil sa'kin."

"Yun na nga, magkapatid kami at mabuti na lang... Dahil kung hindi ko s'ya kapatid, hindi ko s'ya hahayaang hawakan kahit ang dulo ng buhok mo! Mabuti pa nu'n nasa Venice tayo sa akin ka lang, bukod sa trabaho mo wala na akong kaagaw sa'yo. Alam mo bang minsan iniisip ko sana hindi na lang tayo bumalik. Sana pinigilan na lang kita at hindi na hinayaang makabalik pa!"

"Alam mong imposible 'yang iniisip mo! Saka hindi lang naman si Joseph ang dahilan ko. Kung bakit natatakot din akong makipagrelasyon. Kahit noon pa man ayoko nang mangako. Kahit pa kay Joseph noon iniwasan ko na magkaroon ng commitment sa kanya. Kahit pa masaya at nagkakasundo naman kami. Hindi naman kasi normal ang buhay ko at sigurado ako na alam mo na rin 'yan?"

"Alam ko at wala akong pakialam sa kung ano ang nakaraan mo na hindi mo maalala. Kahit hindi ka normal o abnormal ka pa mahal pa rin kita, naiintindihan mo ba 'yun?"

Gusto sana n'yang matuwa sa sinasabi nito. Subalit nasa isip pa rin n'ya ang pag-aalinlangan ng dahil sa sitwasyon nila.

Iniisip n'ya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Liandro.

Kung malalaman lang nito ang ibinigay niyang kaguluhan sa dalawa nitong anak.

"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo! Paano ka magiging kampante sa isang kagaya ko. Kahit ako nga hindi ko kilala ang sarili ko."

"Bakit ba ginagawa mong mahirap ang mga bagay? P'wede namang h'wag mo munang isipin ang mga iyon. Hayaan mo na lang kung ano ang mangyayari? Saka na lang natin harapin ang mga bagay na mangyayari kapag nand'yan na. Ang mahalaga alam natin kung ano ang gusto natin."

"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi naman ikaw ang nasa kalagayan ko!" Pagkontra niya sa sinabi nito.

Parang ngayon lang sila nagkaroon ng oras para sa isa't-isa na makapag-usap ng ganito. Kaya saglit na nakalimot sila sa nangyayari sa paligid.

Hindi naman talaga sila malayang makapag-usap kahit saan. Bukod sa pareho pa silang may pinagkakaabalahan.

"Alam kong nahihirapan ka na rin, bakit kasi kailangan pa tayong magtago? Kung gusto mo ako na ang gagawa ng paraan. Para masabi natin ang tungkol sa ating dalawa." Suhestyon pa nito.

"Joaquin hindi p'wede! Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ba ayaw mo? H'wag mong sabihin mahal mo kami pareho?"

"Hindi nga ayoko lang na magsimula ka nang gulo. Saka paano mo gagawin 'yun ng hindi kayo mag-aaway?"

"Ako na nga ang bahala di'ba? Diskarte ko na 'yun pareho lang naman kaming lalaki kaya siguradong magkakaintindihan rin kami, okay!"

"Kaya nga mas lalo lang akong kinakabahan sa'yo, kaya p'wede ba pabayaan mo na lang muna ako okay?"

"Bakit ka ba nag-aalala wala ka bang tiwala sa'kin?" Hirit pa rin nito.

"Hindi naman sa ganu'n pero p'wede bang ipaubaya mo na lang muna sa'kin? Humahanap lang naman ako ng pagkakataon para ipagtapat sa kanya. Marami na kaming pinagsamahan ng kuya mo. Kaya hindi naman ganu'n kadali na basta na lang kalimutan ko 'yun! Saka mahal ko naman talaga s'ya sa ibang paraan. Gusto kong maging maayos pa rin kami sa kabila ng lahat. Kahit na alam kong masasaktan ko s'ya sa gagawin ko. Naiintindihan mo naman hindi ba?"

Hinarap pa niya ito at hinawakan sa pisngi. Hinawakan naman nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito.

"Okay!"

Sagot na lang nito matapos ang malalim na pagbuntong hininga.

"Salamat!"

"Tama, magpasalamat ka dahil kapatid ko s'ya! Dahil kung hindi, hindi ako papayag."

"Kung sa iba lang sana hindi rin naman ako mahihirapan pang magdesisyon."

"Talaga?"

"Oo naman, ano bang inaasahan mo?"

Tuwang-tuwa itong yumakap sa kanya pagkarinig nito sa sinabi niya.

"Pasensya ka na, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi magselos. Mahal lang kasi talaga kita at ayokong mawala ka sa'kin! Hindi na ako papayag na mawala ulit sa akin ang babaing mahal ko naiintindihan mo ba?"

"Joaquin... Paano na lang kung kailangan talaga kitang iwan. Dahil bumalik na ang dating ako?"

"Kung kailangan iuntog kita ulit para makalimot ka ulit gagawin ko. Para ako lang ang maalala mo at wala ng iba. Kaya hindi mo na ako matatakasan, kaya h'wag ka ng mag-isip ng ano mang alibi okay?"

"Hindi ako gumagawa ng alibi, I'm just stating the fact na posibleng mangyari sa pagitan nating dalawa. Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi dapat nating harapin ang mga bagay kapag nariyan na?"

"Okay naiintindihan ko, pero hindi pa naman nangyayari hindi ba kaya p'wede ba? H'wag mo munang pangunahan. Kapag dumating e'di sabay na lang nating salubungin."

"Nakakainis ka, hindi naman ako nakikipagbiruan sa'yo!" Naiinis na naman n'yang saad.

"Hindi naman ako nagbibiro ah' I mean sabay nating haharapin ang problema kahit kailan pa ito dumating, okay?" Hinila s'ya nito ulit at niyakap.

"Okay ka na ba, hindi ka na ba galit?" Tanong nito habang nakayakap pa rin ito sa kanya.

"Oo na sige na babalik na ako du'n!"

"P'wede ba dito na lang muna tayo kahit sandali lang?" Hiling pa nito.

"Ano ka ka ba? Kanina pa tayo dito siguradong magtataka na si Joseph kung bakit natagalan ako?"

"Hayaan mo na s'yang magtaka tutal s'ya naman ang laging inaasikaso mo!" Naramdaman niyang hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.

"Para kang sira! Saka maiinip din 'yun ka-date mo du'n, sige ka baka ipagpalit ka nu'n sa iba? Ang ganda pa naman ng ka-date mo."

"Hehe, hindi ka ba talaga nagseselos?" Natatawang tanong nito.

"Hindi!"

"Yun totoo?"

"Hindi nga, pe-pero siguro konti lang..." Iminuwestra pa niya sa dalawang daliri 'yun konti.

"Hmmm, konti lang talaga?" Natatawang tanong ulit nito

"Oo na, sige na maraming konti aalis na nga ako!" Sabi niya habang prenteng nakayakap pa rin sa binata.

"Gusto mo na ba talaga umalis, parang hindi naman?" Lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Nang maramdaman niya ito bigla s'yang natauhan. Ano bang itong nangyayari sa kanya sobra yata s'yang nalalasing sa bango ng lalaking ito. Nalilibang na naman s'ya at hindi makapag-isip.

"Hay! Aalis na talaga ako nililibang mo lang ako eh' d'yan ka na nga!"

Sinikap n'yang bumitaw sa binata saka tumalikod.

"Hey! Sandali nga." Hinabol s'ya ulit nito at muling iniharap.

"Joaquin!"

"Okay, papayagan na kita pero... Pa-kiss muna, isa lang!"

Hindi na niya nagawa pang magprotesta dahil nahila na s'ya ulit nito at mabilis na nahalikan sa labi.

Habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa kanyang baywang. Hindi na rin s'ya tumutol pa dahil ang totoo gusto rin naman niya at saka isa lang naman daw?

Gaano kaya katagal 'yun isa? Tanong ng nahihibang na naman niyang isip...

_

_

Makalipas ang mahabang sandali at nang nakahihibang na halik. Hinayaan na rin s'ya nitong tuluyan nang umalis.

Habang naglalakad pakiramdam n'ya hindi sumasayad ang paa niya sa lupa. Dahil sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Bumalik s'ya sa dati nilang pwesto ni Joseph. Ngunit wala na doon ang binata.

Isang staff ang nagsabing ibinilin na puntahan na lang niya ito sa pool side. Kaya lumakad ulit s'ya pabalik kung saan s'ya dumaan kanina.

Dahil ang swimming pool ay sa kabilang bahagi rin ng Hotel. Kung saan madadaanan ang canteen at dulong bahagi ng Hotel sa mismong kinaroroonan nila kanina.

Bigla tuloy s'yang kinabahan pero imposible naman na makita sila nito. Dahil siguradong hindi sila mapapansin kung daraanan lang at hindi sila pag-uukulan ng atensyon.

Tama hindi naman siguro? Pagpapakalma niya sa sarili.

Nang makarating s'ya ng pool side bigla na lang s'yang natigilan. Nang bigla na lang may humarang sa kanyang daraanan.

"Huh?"

Ano naman kaya ang problema ng isang ito?

* * *

By: LadyGem25

Hello guys,

Narito na nmn ako ulit, na-miss n'yo ba ako? HAHAHAHa. Pasensya na, natagalan nnmn tayo.

Na-lockdown!charot. Medyo naging bc lang this past few days. Pero medyo hinabaan ko na ang chapter na ito. Kaya sana nagustuhan n'yo?

Kahit medyo clingy lang. HAHAHAHa

Maraming Salamat po ulit sa inyong suporta at magandang komento, nakakatuwa nadadagdagan na kayo!

Again don't hesitate to votes, comments and paki-rate nmn po ang story ko.

Please!!

GOD BLESS PO SA INYONG LAHAT!

TY ❤️

LadyGem25creators' thoughts
Next chapter