webnovel

MORE THAN TO LOVE

"Did you expected that I'll kiss you again?" He giggled while he saying those words.

Habang si Angela ay gigil itong naitulak, dahil sa sobrang inis. Ngunit bahagya lang itong natinag. Ang lakas naman talaga ng loob nitong sabihin yun sa kanya! Bulong pa ng kanyang isip. Pero hindi pa pala ito tapos.

"Now tell me, if you don't like me? My kiss and even my hugs?" Dugtong pa nito saka ngumisi ng nakakaloko.

Si Angela na nag-iisip ng sasabihin ay labis na nadismaya sa sinabi nito. Pero hindi n'ya gustong mag-patalo!

"Well tama ka, hinintay ko nga ang halik na 'yon.. And I have proven that you're a good kisser. But before anything else, I realized one thing. Kahit sa kabila ng alam mo ang tungkol sa'kin ginagawa mo pa rin kung anong gusto mo. Kung gusto mo lang akong isahan para patunayan ang pagkakalalaki mo. I guess, I can't stop you. But I just want to remind you something. Magagawa mo akong yakapin at halikan ngayon o bukas o kahit kailan mo naisin.  But you cannot win my heart, into the man I love. Dahil s'ya pa rin ang pipiliin ko. I think it's absolutely clear and understandable, right honey?" Mapang-uyam niyang saad.

"Bakit hindi 'yun ang nakikita ko?" Tanong nito sa matatag na tono. Matiim s'ya nitong pinagmasdan na tila pinag-aaralan din nito ang kanyang mukha.

"Bakit ano bang nakikita mo?" Tanong din n'ya sa matatag ding tono. At nakipagtitigan pa dito. Bakit ba hindi s'ya nito maintindihan, kung minsan nakikita n'yang seryoso ito. Pero may isang bahagi sa isip n'ya ang nagsasabing, maaaring gusto lang s'ya nitong paglaruan.

"Patutunayan ko sa'yong nagkakamali ka ng pakiramdam. Malay mo isang araw ako na pala ang may-ari ng puso mo, at sa tingin ko hindi na 'yun magtatagal." May kompiyansa sa sarili nitong saad.

"Akala mo lang yun!" Sinabayan na n'ya ng pagtalikod at pagtakbo. Para hindi na lumawig pa ang pag-uusap nila. Mukhang mahihirapan s'yang patigilin ito sa pang-iistorbo sa kanya sa loob loob niya. Pero sa ngayon kailangan muna n'ya itong takasan. Meron kasing mas mahalagang bagay s'yang dapat gawin ngayon.

Habang si Joaquin na hindi na s'ya nagawang pigilan pa. Lalo na nang tuluyan na s'yang makalayo. Dahil wala na itong nagawa kun'di ang pagmasdan na lang ang kanyang paglayo.

"Magiging akin ka rin sa kahit anong paraan ikaw, ako at ang ating anak. Sisiguraduhin kong makukuha ko kayo sa kanya." Ito ang pangako ni Joaquin sa sarili.

________

Humihingal pa si Angela ng makarating sa storage room. Dito kasi magpapalista ang mga sasali sa kompitisyon. May maliit na opisina dito na nagsisilbing ring locker room ng mga kitchen staff.  Nasa dulong bahagi ito ng ground floor na kanugnog din ng kitchen. Sa deretsong pasilyo nito  may connecting door palabas ng main entrance at parking area bilang daanan ng mga delivery.

Nanggaling pa kasi s'ya sa HR department para bawiin ang kanyang leave. Kung bakit kasi pinangunahan s'ya ng lalaking yun, hindi na sana s'ya nagpabalik-balik. Hindi pa naman s'ya nakagamit ng elevator buti na lang nasa second floor lang ang HR.

Humugot muna s'ya ng hininga bago s'ya kumatok sa pinto. Pagkatapos pinihit na n'ya ito para tuluyang makapasok. Gaya ng nakapaskil na karatula sa pintuan nito. "Give a knock before open." Pagpasok sa loob may gwardyang nakaupo malapit sa pinto. Ang nagsisilbing lookout sa mga tao bukod pa sa Id ng bawat taong papasok. Hindi rin kasi pwede dito ang outsiders, maliban sa kitchen staff, empleyado ng Hotel o VIP's.

Ang kaliwang ispasyo kasi nito ay ang mismong storage room, stockroom at sa kanan naman ang locker room ng mga empleyado ng Hotel. Ang gitnang bahagi nito ay munting opisina kung saan s'ya nakatayo ngayon. Marami na ang nagpapalista ang inabutan niya sa loob ng opisina. Mula sa pwesto ng gwardya sa tabi ng pinto hanggang sa mga cubicle bilang devider ng mga empleyado sa loob. Nakapagitan ang may tatlong linyang upuan ng mga nagpapalista. Hindi naman hihigit sa tatlungpong katao ang inabutan n'yang magpapalista ng araw na iyon.

Matapos s'yang magpacheck sa guard. Dumeretso na s'ya sa isa pang table upang dito ibigay ang hawak n'yang card na pinil-up-an nila na sadyang ibinibigay sa mga staff at trainees. Matapos nito naupo na s'ya sa bakanteng upuan sa ikalawang linya. Maghihintay na lang silang tawagin ang kanilang pangalan.

Habang nakaupo at naghihintay hindi n'ya maiwasang isipin ang nangyari kanina sa hallway.

Ang totoo hindi na rin n'ya maintindihan ang sarili, nasasanay na s'ya na makita ito sa tuwing tutungtong s'ya sa Hotel. May mga pagkakataon pa nga na sadyang hinahanap ito ng kanyang mga mata. Natatakot s'ya sa posibilidad na tuluyang mahulog ang loob n'ya dito. Paano na si Joseph hindi n'ya ito gustong masaktan. Alam n'yang may lihim itong pagtingin sa kanya noon pa man. Kahit kailan hindi n'ya naisip na magbabago ang kanyang pakiramdam, na may ibang gugulo at magpapabilis ng tibok ng kanyang puso. Na tanging kay Joseph lang sana n'ya gustong ilaan, kung hindi lang sana s'ya ginugulo ng lalaki 'yun! Hindi n'ya ito sinadya pero nangyayari na.. Isipin pa lang n'yang dahil dito mapipilitan s'yang iwanan din si VJ. Hindi.. hindi ayokong mangyari yun! Bulong n'ya sa sarili.

By that time, she couldn't avoid the tears drop into her eyes. Like she couldn't stop her heart to love someone else.

Dahil sa kaabalahan ng kanyang isip, hindi na n'ya namalayan na tinatawag na pala ang kanyang pangalan. Kung hindi pa s'ya kinalabit ng kanyang katabi hindi n'ya malalaman. Gulat pa s'yang bumaling ng tingin dito. Daglian n'yang pinahiran ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga daliri at umayos ng upo. Kasabay ng paghugot ng malalim na paghinga. Humarap s'ya sa tumawag.

"Are you okay? You look sad, do you have a problem here?" Tanong ng organizer ng kompitisyon na isa ring chef.

"Sorry Madam, but I'm okay now. I feel just a little bit homesick." Aniya.

"Oh!" Napatango na lang ito at saka muling nagtanong "are you sure, you're okay?"

"Yes ma'am, don't worry about me." She said.

Matapos silang bigyan ng instructions at ituro ang mechanics ng gagawing kompitisyon at ipaliwanag ang rules and regulations nito. Pinabalik na ulit sila sa kani-kanilang pwesto.

Dahil kinabukasan pa sisimulan ang practice, sa darating na Sabado at Linggo naman gaganapin ang kompitisyon. Dahil ang susunod na buong Linggo ay magiging abala na ang lahat sa mga darating na guests. Dito kasi gaganapin ang ika-labing walong kaarawan ng isang anak na babae ng isang Prime Minister.

Ang mga mananalo kasi sa kompitisyon ang s'yang kukuning assistant ng mga head chef sa gaganaping okasyon. Lima ang ang mapipili sa bawat pwesto. May iaassign sa appetizer, main course, pastries and desserts. Pati na rin sa paggawa ng pasta at ibat-ibang inumin.

Bukod sa recognition at certificate of acknowledgement makakatanggap din sila ng cash prize na 15,000 Euro. Bilang reward sa limang mananalo. Kaya naman gustong-gusto niyang makasali. Hindi dahil sa cash price na kalakip nito. Kun'di sa magandang experience na magagawa nito sa kanilang propesyon.

_________

SAMANTALA..

"Boss, ano bang nangyari sayo kanina? Nakakahiya tuloy sa mga kliyente natin. Lalo kay Mr. Akiyama, nagpunta pa naman s'ya dito para lang makausap ka. Buti na lang mabait talaga sayo yung hapon na 'yun." Si Russel habang atubili sa upuan. Nakaupo ito sa isang stool sa harap ng mini bar na kanugnog ng sala na nasa loob mismo ng kanilang suite. Katabi nito si Joaquin na nakaupo rin sa isa pang stool habang umiinom ng Vodka. Medyo tipsy na rin kasi ito ng mga oras na iyon. Halos napangalahati na nito ang bote ng alak.

"Hayaan mo na yun, babawi na lang ako sa susunod." Sabi na lang nito.

Kanina inikot n'ya ang buong Ground floor kasama na ang kitchen. Dahil sa pag-aakalang makikita n'ya si Angela. Gusto sana n'yang ihatid ito pauwe kanina. Para na rin humingi ng paumanhin dito sa ginawa n'yang kagaspangan kaninang umaga. Hindi n'ya gustong tuluyang magalit ito sa kanya at hindi na s'ya kausapin. Alam din n'yang mas magiging mahirap yun para sa kanya. Ngayon pa nga lang na pakiramdam n'ya sadyang iniwasan s'ya nitong makita ay sobrang inis na ang nararamdaman niya.

Nagmukha nga s'yang tanga kanina na paikot-ikot lang sa hallway. Bago n'ya napagpasyahang pumanhik na lang sa kanilang suite at lunurin ang kangyang utak. Para malimutan n'ya ang babaing yun kahit ngayon lang.. Pero bakit ganu'n malinaw pa rin n'ya itong nakikita sa kanyang isip, lalo na kapag ipinipikit n'ya ang kanyang mga mata.

"Sa tingin mo sinong mas gwapo sa amin ng Papa nu'ng kabataan n'ya? Sige sabihin mo nga!" Naisip n'yang itanong sa katabing si Russel. Kahit alam n'yang kalokohan lang ito. Lasing na nga yata s'ya.

"Gwapo pa rin ang Papa n'yo hanggang ngayon boss, walang namang pinagbago." Sagot nito na nangingiti. Si Joaquin na bahagyang namang nagulat.

"Tang-ina! Sino bang nagpapasweldo sayo?" Lukot ang mukhang tanong nito.

"S'yempre ikaw Boss, pero hindi naman ako sinungaling. Tagilid ka Boss!" Sabi nito na umiiling habang pumapalatak na sinabayan na rin nito ng tayo, habang sa isip nito.. If you don't want to die now! One step backwards and get ready to run. Before the danger's come. Yun na yata ang motto nito ngayon.

"Bwiseet ka! Wala kang talagang k'wentang kausap, maghanap ka na ng bago mong amo hik!" Sigaw nito na tila ibig nang masuka.

"Eh Boss, ibigay mo muna sa akin yun sweldo ko at mag-aapply na ako sa Papa mo." Sabi pa nito nang nakangisi at sadya yata s'yang iniinis.

Si Joaquin na hindi nakapagtimpi kusang naghagilap ang mga kamay nito sa kung anong pwedeng madampot. Hanggang sa makita nito ang ice bucket na wala ng laman sa kanyang harapan..

To hit someone stupid..

Ipinukol n'ya ito kung nasaan si Russel na dagli namang naiwasan nito. Kaya deretsong tumama sa ding ding na naging dahilan ng pagbagsak ng mga display na nakasabit dito.

"Blag! Crash!!"

"Ooopps! Grabe ka.. Boss! Napaka-exciting mo talaga pagnalalasing. Muntik na ako dun ah?" Eksaherado nitong saad habang habol pa nito ang pag- hinga. "Buti na lang magaling pa akong umilag, kung hindi dead on arrival na ako ngayon. Boss hindi ka na mabiro, peace na tayo ha? Alam mo namang loyal ako sayo." Dugtong pa nito na nakasign peace ang mga daliri.. Habang si Joaquin na nakayuko lang na tila hilo na.

Out of his dizziness, he may not imagined the consequences. He didn't care, after all.

Dahan-dahang lumapit dito si Russel upang muli itong tabihan. Muli itong naupo sa isang stool malapit dito. Sapat lang para marinig nila ang isa't-isa. Ang totoo nalulungkot s'ya sa tuwing nakikita n'ya ito sa ganitong sitwasyon. Sadyang iniinis n'ya lang talaga ito kanina. Kabisado naman n'ya ang kilos nito at galaw, kaya batid n'yang hindi nito sadya ang ginawa. May pagka-spoiled brat lang talaga ito kung minsan. Lalo na kapag hindi nasunod ang gusto at mahilig ding magbalibag ng mga bagay, kaya dapat lang talaga na magaling din s'yang umilag. Pero mabait naman talaga ito, lalo na kapag tulog.

"Okay ka lang ba, Boss?" Tanong pa niya dito sabay tapik sa balikat nito. Tumango lang ito nang hindi tumitingin kay Russel.

"Gusto ko pang uminom, uminom pa tayo."

"Boss lasing ka na! Pahinga na tayo." Pamkumbinsi pa n'ya dito.

"Hindi pa ako lasing, ikaw yata ang lasing. Hindi ka makausap ng matino. Para tinatanong ka lang e.."

"Sige Boss magtanong ka na lang sasagutin ko na promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay.

"Bakit ba nangyayari sa akin ito? Pinipilit ko naman s'yang kalimutan at h'wag isipin. Pero bakit ayaw n'yang mawala dito." Sabay turo nito sa tapat ng sintido. Na tila mas ang sarili ang kausap.

"Ganu'n talaga Boss, hindi lahat pwedeng maging sayo."

"Bakit ganu'n kahit tinanggihan na n'ya ako, alam kong gusto ko pa rin s'ya. Nu'ng sabihin n'yang hindi pa rin ako ang pipiliin n'ya, imbes na ma-distract ako. Parang gusto kong gawin ikulong s'ya sa kwarto ko at huwag ng palabasin pa. Para hindi na n'ya magawang balikan ang Papa. Ang sama' ko ba kung gagawin ko yun?"

"S'yempre naman Boss, kidnaping kaya yun! Buti pa matulog na lang tayo inaantok na ko Boss." Sabay hawak nito sa bote ng alak sa harap n'ya.

"Sira ka talaga! E di matulog ka! Ibigay mo nga sa kin yan!" Pinipilit nitong abutin ang boteng tinago pa niya sa kanyang likuran.

"Sa tingin mo ba Boss, magugustuhan ka ni Ma'am Angela kung malaman n'yang gan'yan ka?" Tanong ni Russel para makuha ang simpatya nito.

Bigla nga itong natigilan..

Sa isip ni Russel.. Bakit ba ang hilig nito sa struggle? Ang dami namang umaaligid ditong iba. pero mas gusto nitong sungkitin ang mangga sa bakuran ng iba. Iba rin talaga ang kaldag nito.

Kung may magagawa nga lang sana s'ya para hindi na ito masaktan pa gagawin n'ya. Kung bakit kasi sa hinaba ng panahon na hindi ito nagmahal. Bakit sa maling babae pa muling tumibok ang puso nito. Ang pagkakataon nga naman..

Hanggang sa tumayo si Joaquin at magpasya nang magpahinga.. Pero bago pa ito tuluyang pumasok ng kwarto.

"Hindi pa rin ako handang sumuko. Hindi ko pa rin s'ya titigilan, sukdulang harapin ko si Liandro. Lalo na ngayong sigurado na ako sa aking sarili at sa aking nararamdaman." Saglit itong huminga ng malalim.

"Mahal ko s'ya, mahal na mahal."

_______

By: LadyGem25

Next chapter