webnovel

Quiz and Lunch (3)

"Oh, ano? Nahirapan ka sa quiz niyo kanina?" tanong uli ni Stan na bumasag sa pagkumbinsi sa sarili ko na kaya ko 'to.

"Obvious ba?" sagot ko sa kanya, "'Wag mo nga akong itulad sayo na kahit hindi mag-aral sa math, papasa pa din."

"Magaling kasi ako," sabi ni Stan.

"Yabang mo," sabay palo sa braso niya pero nakangisi pa din siya at yung dimples niya nakalabas pa din. "Baka nakakalimutan mo, may utang ka pa sa akin."

"Makakalimutan ko ba yun? Kaya nga ibinili kita ng lunch eh."

"Buti alam mo," tinapik ko ng dalawang beses ang likod niya, "Kwento na dali."

Bago pa niya masimulan magpaliwanag, nakabalik na yung iba. Si Aya ang unang nagtanong, "Ano naman ang pinag-uusapan niyo?"

Tiningnan ko si Stan para tanungin kung okay lang sabihin. Nagkibit balikat lang siya. Ibig sabihin pwede kong sabihin sa iba kaya sinabi ko din sa kanila yung tungkol kay Denise at ang pagsundo sa akin ni Stan kagabi pero wala akong nakitang reaksyon sa kanila. Tuloy pa din sila pagkain habang nagkwekwento ako.

"Alam niyo?" nasabi ko bigla dahil parang alam talaga nila.

"Oo naman," sagot ni Aya, "Magkakasama kami kagabi bago ka niya sunduin."

"Nandoon din kami nung sinabi ni Stan kay Denise na susunduin ka niya," pagsang-ayon ni Andy kay Aya.

Si Mia naman ang nagsalita, "Kaya siguro hindi yun nakatanggi dahil lahat tayo nanonood sa kanilang dalawa."

"Ewan ko ba dyan kay Stan," sabi ni Dan habang ako nakatingin lang kay Stan na halatang medyo iniiwasan ang tingin ko, "Sa harap pa talaga namin sinabi yun."

"Wala naman masama dun ah," kontra ni Stan.

"Sus, ginawa mo lang yun para may kakampi sayo pag tinanggihan ka niya," sagot naman ni Aya sa best friend ko.

Syempre, dineny ni Stan yun at bago matapos kaming kumain, nabuo ko na yung storya. Pagkaalis ko pala kahapon, nagpunta sila sa mall para kumain at mag-gala ng konti dahil malapit lang naman at pagkatapos nila kumain saka sinabi ni Stan kay Denise na ihahatid at susunduin niya ako sa piano lessons ko gawa ng practice sa play. Kahit sabihin ko man na hindi ako masaya, may maniniwala ba? Sobrang napangiti na lang ako ng nakuha ko na yung buong kwento na halos nakalimutan ko na ang presensya ni Keith.

"Baka naman mag-away kayo nan ng girlfriend mo," sabi ko kay Stan ng pabalik na kami sa room. Magkatabi kaming naglalakad habang ang barkada ay nasa unahan namin.

"Para namang hindi ka matutuwa pag nangyari yun," sagot niya sa akin habang ipinasok niya yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya, "Mukha ngang mas masaya ka pa nung nalaman mo kesa dun sa libreng lunch."

"Well, duh," iniligay ko ang kamay ko dun sa braso niya, "Bakit ba kasi hindi mo pa sinabi kagabi eh yun lang naman pala yun?"

Hindi sumagot si Stan at tiningnan ko na lang ang mukha niya. Blangko. Bigla naman ako napatigil. Inalis ko na din ang kamay ko dun sa braso niya. Ang tanga ko. Nakalimutan ko na yun nga pala ang babae na pinagpalit ng best friend ko para sa akin. Masyado ako naging obvious. Napansin din ni Stan na tumigil ako sa corner ng hagdan at pinagmasdan ko lang siya habang bumababa ulit.

Umakyat naman agad ako at sinalubong siya. Hinampas ko siya ng medyo malakas sa braso, "Saan ka naman pupunta? Tara na at baka nag-aantay na si Jesse."

Hindi ko na inantay ang sagot niya at inunahan ko na siya sa pagpunta dun sa music room. Binigay lang sa amin ang script nung lunch kaya pagkatapos pa ng klase ang mismong practice talaga. Maaga kami pinalabas sa huling klase namin pero bago pa ako makatayo sa upuan ko, nasa harapan ko na si Mia at Aya.

"Hindi ako tatakas," sabi ko agad sa kanilang dalawa. Tinaasan lang naman nila ako ng kilay at si Aya nagpamewang pa. Nagbuntong hininga ako, "Iiwan ko 'tong bag ko at cell phone ko," nilabas ko ang cell phone ko at ipinatong sa table, "Dalhin niyo na lang pagkatapos niyong maglinis."

Cleaners kasi sila ngayon at si Dan may gagawin daw muna saglit sa student council. Dahil wala ng sinabi yung dalawa lumabas na ako ng room namin at nagpunta na dun sa music room na katabi ng science lab. Nadaanan ko din ang section c pero mukhang hindi pa sila tapos sa klase. Kaya pagdating ko, wala pang tao. Ipinatong ko ang mahiwagang script dun sa isang table bago ako nagpunta sa grand piano na malapit sa may bintana.

Hindi pa ako nakakahalti dun sa piece na tutugtugin ko para sa competition ay biglang bumukas ang pinto.

"Ang galing mo pala tumugtog, Risa."

If you enjoyed this, please drop a comment or vote with power stone or leave a review. As usual, please check out my other work, Ugly Little Feelings. It's R-18 though. Anyway, thanks for reading.

wickedwintercreators' thoughts
Next chapter