webnovel

24 He Help me (Hayden)

Patuloy akong naglakad palayo. Napakalalim ng gabi ang natitira ko lamang na ilaw ay torch. Walang gasinong ilaw sa paligid. Ang mga bahay luma na ang iba yata ay inabandon na. Hindi ko alam san ako dadalhin ng paglalakad ko. Basta makatakas lamang ako sa taong yon.

May isang poste na may ilaw. Humawak ako sa poste para magpahinga. Alam kong malapit na ako sa highway. Pagnakasakay na ako sigurado na makakauuwi na ako ng ligtas.

Naglakad ulit ako pero ramdam ko ng hihina na ang mga paa ko pahangang sa nadapa na nga ako. Parang akong taong pagod na pagod. May mga galos pa sa katawan. Lamig na lamig ako sa ihip ng hangin. Pinilit kong makatayo malapit na ako sa highway isang dipa na lang. Sa wakas narating ko rin. Sana may tumulong sa akin.

May dumaan na kotse. Pinara ko ito. Tumigil naman ito. Sumakay ako.

" Help me please " pagmamakaawa ko.

" Bakit ganyan ang katawan mo?. Anong nangyari sa iyo? " tanong nito.

" Basta tulungan mo akong makauwi sa sitio luwalhati bilisan mo! " nagdrive agad sya ng kotse.

Kinalkal ko ang bag ko. Magaling nalang at may dala akong cotton, betaine, at alcohol. Para magamot ko ang sugat ko sa katawan.

" Pasensya ka na sa akin naabala pa kita " habang abala ako ng paggagamot sa galos ko.

" Naku wala yun ganon talaga ako. Marami na akong nailigtas na mga babae galing sa sitio na iyon. Hindi lang ikaw napakarami. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo bakit kayo nagkakaganyan? " tanong nito na busy sa pagmamaneho.

" Mahabang kwento kasi eh " tumatango ito.

"Amm ako pala si Hayden " kinuha ko lahat ng gamit ko. Aakmang baba na sa kotse.

" Siguro tinawagan ka no? ni Ramos para ibalik ako sa kanya at ipaalam na tumakas ako" nangatal na sabi ko.

" Whoa! hindi ako katulad ni Ramos. Teka nga! inano ka ba ni..." nakita niya ang mga galos ko.

" Shit!!! I call police. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa nya sayo. Para matigil na sya sa kahibangan nya " tatawag na sana sya sa cellphone pero pinigilan ko.

" Wag sapat na tinulungan mo akong makalayo. Ngayon kailangan ko ng umuwi " halos paliparin nito sa sobrang bilis.

Nang marating namin ang Sitio luwalhati na kung saan ako nakatira. Tumigil siya sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko ang pinto ng kotse.

" Salamat. Kung free ka bukas pwede magkita tayo sa milktea shop ko para makabawi naman ako " binigay ko ang calling card ko at address ng shop. Nakatatak din doon ang pangalan ko.

" Salamat ingat " bumaba na ako sa kotse.

" Ikaw din " umalis na ito ng papalayo.

Puno ng kaba ang nararamdaman ko ng makauwi ng bahay. Sa halip na mapanatag ako na sa wakas nakauwi na rin ako puno ng takot ang nararamdaman ko ngayon.

Kumatok ako sa pinto. Binuksan ni Kuya ang pinto. Niyakap ko ito ng mahigpit. Umupo kami sa sofa.

" Celine san ka ba galing kanina pang nagaalala kami dahil sayo " nangunot ang noo ko.

" Huh??? " bulaslas ko. May bumaba sa hagdan si John. Napaiyak na lang ako nang walang dahilan.

" IM SORRY " ang natirang lumabas sa aking bibig.

©Love To The Destiny

ตอนถัดไป