After one year...
"EVERYTHING OKAY?" tanong ni Baldassare kay Maricon. Agad tumango ang babae at pinatay na ang laptop. Katatapos lang niyang isulat ang manuscript tungkol sa angels and demons. What happened one year ago gave her an idea to write a series about celestial beings.
Mahinang natawa si Maricon nang makitang niluluwangan ni Baldassare ang kurbata. Kagagaling lang nito sa Silverware Inc.—ang kumpanyang pagaari nila Sierra. Magmula nang matahimik silang lahat ay hinikayat ni Inconnu na doon na lang magsimula nang panibagong buhay sina Demetineirre at Baldassare.
Agad pumayag ang dalawa. Agad inasikaso ang legal documents nila Baladassare at Demetineirre. Pumayag ang paring si Father Arman na ikonekta ang dalawa rito. Sa ngayon, nage-exist sila bilang Demetineirre Crisostomo at Baldassare Crisostomo. Ginamit nito ang apelyido ni Father Arman at pinakikilala bilang pamangkin. Sa legal na dokumento ay lumalabas na magkapatid sila at ina ang namayapang kapatid ng pari.
Si Joaquin naman ay naging mabuting kaibigan pa rin kay Maricon. Sa ngayon ay nakatira pa rin ito sa Laguna kasama ang inang si Jocelyn. Nagawa naman nitong tanggapin ang kabiguan pagdating sa pag-ibig. Dalangin ni Maricon na makahanap ito ng babaeng totoong magmamahal dito.
Si Maureen naman ay wala ring naalala sa lahat. Nagpapasalamat si Maricon dahil hindi na ito mabubuhay sa takot. Gayunman, para maiwasan ang conflict sa pagitan nila ay nag-effort si Maricon na mapalapit dito. Sa loob ng isang taon ay nagawa naman niya at naging magkaibigan sila.
Matapos maayos ang mga legalities sa pagkatao ng dalawa ay tinulungan ni Inconnu ang mga kaibigan. Ipinasok niya ang mga ito sa personality development training at in-enrol sa mga educational tutorial. Dahil likas na matatalino ang dalawa ay hindi naman sila nahirapang mag-adjust. Sa loob ng halos isang taon, kaya na nilang makipagsabayan sa mabilis na agos ng buhay ng tao. Sa ngayon ay parehong nagta-trabaho sina Demetineirre at Inconnu sa Silverware Inc.
The three ascended demons lived a peaceful life. Inalalayan nila ang mga ito para masanay sa kalakaran ng mundo ng mga tao. Dahil doon ay nakakayanan nila ang lahat.
"Okay na okay. Tapos na ako sa ginagawa kong story." nakangiting balita ni Maricon at nilapitan si Baldassare. Kumalong siya rito at hinila ang kurbata saka siniil ng halik. Matapos ay hinawakan ni Baldassare ang mukha niya at pinakatitigan. Bumilis ang tibok ng puso ni Maricon. "Bakit?"
Marahan itong napailing. "Iyon na yata ang pinakamasarap na pangtanggal nang pagod na natikman ko. Kiss me more." ungot nito.
Napabungisngis si Maricon at tumalima. She kissed Baldassare over and over. Again and again until both of them catch their breaths...
"I can't wait to marry you. Puwede bang linggo na bukas?" anas ni Baldassare sa pagitan ng mga labi nila.
Natawa tuloy si Maricon. Dahil sa dami ng mga inasikaso ay ipinagpaliban muna nila ang pagpapakasal. Nang makapag-settle at magkaroon sila pareho ng ipon ni Baldassare, two months ago ay namanhikan na ito.
Hindi na nila nagawang sabihin ang totoo sa ina ni Maricon dahil ayaw na nilang gawing kumplikado ang lahat. Sa mata ng ina, si Baldassare ay pamangkin ng isang pari at simpleng financial staff sa Silverware Inc. Sa mata ng ina, si Baldassare ay isang simple at mapagmahal na lalaki. Tanggap na tanggap ito ni Maita ay ayaw na ni Maricon na baguhin pa iyon.
"Limang tulog na lang." masuyo niyang anas at hinaplos ang pisngi ni Baldassare. Naginit ang puso niya nang ipaling ni Baldassare ang mukha at hinalikan ang palad niya.
"Yes. But five days seems like five years! Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko nang gumawa rin tayo ng sarili nating pamilya." angal nito at bigla siyang binuhat.
"Baldassare!" gulat na bulalas ni Maricon.
Ngumisi ito. "Puwede namang gumawa, hindi ba?"
Napatili na lang si Maricon nang dinala na sa kuwarto. Hindi na siya nito binigyan nang pagkakataon. Hinalikan na siya nito at nauwi iyon sa mainit na pagtatalik. Just like what Baldassare does, he made love with her with so much heat but tender.
And right that moment, Maricon silently thanked God for making things possible for them. And she'll bow to love Baldassare until the last drop of her life...
***THE END***
TO ALL MY PRECIOUS READERS:
T H A N K Y O U S O M U C H !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SANA PO AY NAGUSTUHAN NINYO ANG STORY NG TATLONG DEMONS KO. :)
SANA RIN KAPAG LUMABAS ANG PHYSICAL BOOK AY BUMILI KAYO. HEHE!
AGAIN, THANK YOU SO MUCH!
LOVE LOTS <3,
CRANBERRY LAUREL
#iamcranberry