"Baldassare? Ano bang problema?" takang tanong ni Maricon nang mapansing balisa si ang lalaki. Lumabas si Maricon para kumuha ng tubig per nadatnan niya itong lakad nang lakad sa sala. Ilang araw na itong ganoon. Magmula ng may mangyari sa kanila ay balisa na ito. Kung hindi naman ay laging tahimik at tulala.
"Oh, where are you going?" gulat nitong tanong. Ilang beses itong tumikhim para kalmahin ang sarili.
"Kukuha lang ng maiinom." aniya.
"Okay. Ako na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob." anito at dali-dali nang nagpunta sa kusina.
Napabuntong hininga na lang si Maricon. Tumalima siya at naghintay. Hindi nagtagal ay dumating si Baldassare at inabutan siya nito ng tubig.
Inilapag ni Maricon ang baso. Hindi na muna niya hinarap ang sinusulat. Ang mahalaga ay mapaamin na niya ito. Hindi na niya matiis ang mga nakikita.
"Baldassare, puwede mo naman sabihin sa akin ang mga gumugulo sa'yo." malumanay niyang saad.
Napatitig si Baldassare kay Maricon. Napalunok ito. Nakitaan niya ng lungkot at takot ang mga mata. Lalo tuloy siyang na-curious! And it was killing her, damn it! Gusto na niyang yugyugin si Baldassare para magsabi.
Napabuntong hininga ito. "Honestly, I want to say something. K-Kaya lang, hindi ko alam kung paano at—"
Pareho silang natigilan nang tumunog ang laplop at mag-pop up sa screen ang isang private message sa facebook. Naka-open kasi iyon. Parehong natuon ang atensyon nila sa screen. Napabuntong hininga si Maricon nang makitang hate message iyon at nagsisunuran na. Dumami na ang mga iyon.
"Hindi talaga sila titigil. I really want to do this," ani Baldassare at pumitik.
Napaigtad tuloy si Maricon sa pagkagulat. "A-Ano'ng ginawa mo?" tanong niya at pinagbubuksan ang mga messages ng mga haters. Napakunot ang noo niya nang makitang wala ng picture ang mga iyon at 'facebook user' na lang ang nakalagay!
Hinarap ni Maricon si Baldassare. "Ano'ng nangyari?" pigil hiningang tanong niya. Lalo siyang nangduda ng balewalang nagkibit balikat lang ito!
"Baldassare!"
"I reported the account, okay? Relax. Wala akong ginawang hindi maganda. Alam kong hindi ka matutuwa oras na sinaktan ko ang mga iyon kaya iyon na lang ang ginawa ko." paliwanag ni Baldassare.
"Hindi kaya makasama lalo iyon? Baka mamaya ako ang sisihin nila at gumawa sila ng panibagong account at paulanan na naman ako ng hate messages." nagaalalang tanong ni Maricon.
Hindi pa nakakasagot si Baldassare ay mayroong nagpadala ulit ng private messages kay Maricon. Napabuntong hininga siya nang makitang kay Maureen iyon galing. Nagagalit ito dahil ini-report daw niya ang mga account ng supporters nito. Wala raw itong ibang alam na gagawa kundi siya!
"Why? What happened?" tanong ni Baldassare. Napalatak ito nang makita ang mga message. "Hindi ka talaga niya titigilan." anito at itinaas ang kanang kamay para pumitik.
"Wait! Sasagutin ko na lang itong message niya. Ito lang ang naisip kong paraan para tumigil siya." awat ni Maricon at tumipa na ng mensahe.
Hinayaan naman ni Baldassare si Maricon. Una ay humingi siya ng sorry kung nasaktan niya ito ng hindi sinasadya. Alam niyang natatapakan niya ang ego nito at sinabi ni Maricon na hindi niya iyon ginusto. Kahit kailan ay hindi siya natutuwa na mayroong nasasaktan ng dahil sa kanya. Humingi rin siya ng pasensya kung inaakala nitong ginagaya niya ito. Ipinaliwanag niya ang sariling concept at plot ng mga kwento. Umaasa siyang maisip ni Maureen na sincere siya sa lahat ng sinasabi. Matapos magpaliwanag ay pinasa na niya ang message kay Maureen.
"You're really kind." ani Baldassare.
Napabuntong hininga si Maricon. "Ayoko nang away. Ayokong makasakit,"
Natahimik si Baldassare. Napatingin tuloy si Maricon at nahuli niya si Baldassare na parang nagiisip ng malalim.
"Baldassare? Bakit?" untag ni Maricon.
"Nothing." simpleng sagot nito at tumayo. "Maiwan na kita para makapag-concentrate ka sa ginagawa mo,"
"Nawala na tayo. Ano ba ang gumugulo sa'yo?" seryosong tanong ni Maricon.
Lumamlam ang mga mata ni Baldassare at napaisip ulit. Tila nantya kung magsasabi. Makalipas ang ilang segundo ay nagpakawala ito ng mahabang buntong hininga bago nagsalita. "Let's talk about it some other time. Unahin na muna nating ayusin ang problema kay Maureen." anito at hinalikan siya sa noo.
Sasagot sana si Maricon pero tumunog ulit ang laptop niya. Napabuntong hininga siya nang makita ang message ni Maricon.
Let's settle this once and for all. Meet me at Condo Heights. Room 523. 5th floor...
"Delikado. Huwag ka nang magpunta." ani Baldassare.
Napahinga ng malalim si Maricon. "Iniisip ko na rin iyan pero kailangan ko rin siyang makausap ng personal. Kailangang matapos na ito." ani Maricon.
"Pero—"
"Kapag hinayaan ko lang si Maureen, hahaba pa ito. Lalalim lang ang galit niya. Alam ko na hindi ko na dapat pang iniisip ang galit niya pero hindi ako ganoon klaseng tao. Hindi kaya ng konsensya ko na may taong galit na galit sa akin. Hindi bale. Huli na ito. Kapag wala pang nangyari sa magiging paghaharap namin, susuko na ako." paliwanag ni Maricon.
Tumahimik si Baldassare. Mukhang hindi pa rin kumbinsido. Nata-touch siya sa nakikitang concern nito. Gayunman, kinumbinsi pa rin niya hanggang sa napabuntonghininga ito.
"Fine. Pero sasamahan kita. No buts. I will not let her hurt you. I promise," determinadong pangako nito.
"Salamat." ani Maricon. Relieved na ang pakiramdam. Sapat na sa kanya na marinig at maramdamang mayroong kakampi ng oras na iyon.
"Get ready then." ani Baldassare. Tumalima na si Maricon. Nagayos na siya at nagbihis. Hindi nagtagal ay sakay na sila ng taxi papuntang Condo Heights. Hindi binitawan ni Baldassare ang kamay niya. Panay ang pisil nito doon. Panay ang paalala na hindi siya nito pababayaan. Buong-buo naman ang tiwala ni Maricon kaya kampante siya hanggang makarating sa lugar.
Kumatok si Mariconn at pigil hiningang naghintay. Napaigtad siya nang biglang hawakan ni Baldassare sa siko.
"I feel something weird," bulong ni Baldassare.
"Ha?" takang tanong ni Maricon pero hindi na niya ito nausisa nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad si Maureen. Namumutla ito at nagsisilabasan ang mga ugat sa mukha!
"She's possessed!" sigaw ni Baldassare at agad siyang hinila. Doon biglang nagkaroon nang malakas na pagsabog mula sa loob ng unit ni Maureen!
Agad niyakap ni Baldassare si Maricon kaya naprotektahan siya mula sa pagkakahagis sa katapat ng pader. Dahil sa lakas ay nag-crack pa iyon. Gayunman, nagkadaubo-ubo pa rin si Maricon dahil sa kapal ng usok. Amoy din niya ang sangsang ng gas na mula sa loob. Mukhang sumingaw ang tangke ng gas ni Maureen at iyon ang pinagmulan nang pagsabog.
"B-Baldassare..." mahilo-hilong anas ni Maricon nang biglang mawala ito sa likuran. Sa nanlalabong paningin ay iginala niya iyon. Bigla siyang kinabahan ng makitang nakadapa sa harapan ng pinto si Maureen. Sunog ang likuran nito. Mayroong itim na usok na lumalabas sa bibig nito at nabubuo iyong... demonyo.
Napasigaw si Maricon sa sobrang takot.