"YOU SEEMED preoccupied," ani Hades kay Inconnu at tinitigan siya. Hindi niya ito kinibo pero agad niyang inayos ang sarili. Hindi niya pinahalatang kinabahan siya. He was an expert hiding his true feelings. Sa loob ng isang buwan na hindi nila pagkikita ni Sierra, wala siyang ibang ginawa kundi ang balutin ng mahika ang sarili. Pakiramdam niya, ang damdamin niya para sa dalaga ay isang uri ng pabango, anumang oras ay aalingasaw at maamoy ng kapwa demons.
Kasalukuyan siyang na sa kaharian ni Hades. Pinatawag siya nito para pagusapan ang gagawing pagatake sa 40th legion—ang grupo ni Astaroth, isang malakas na duke ng impyerno at tinaguriang treasurer din ni Hades. Ito ang nakakaalam ng head count ng mga kaluluwang pumapasok sa impyerno.
And sad to say, Astaroth was a traitor too. May nagsumbong kay Hades na hindi ito nagde-deklara ng tamang bilang ng mga kaluluwa at kinukuha ang ilan para gawing sariling kawal. Galit na galit si Hades. Pinatawag siya nito para ibigay ang misyon sa 66th legion. Mataman naman siyang nakinig pero... hindi niya maalis sa sariling isipin pa rin si Sierra.
Honestly, nagaalala siya sa babae. Kumusta na kaya ito? Pagkatapos nilang magniig ay nagising na lang siya sa bulong ng daddy nito. Inutusan siyang bumalik sa impyerno. It was a powerful incantation. Hindi siya handa doon kaya automatic na isang bulong lang, bumulusok siya papuntang impyerno at awtomatikong nawala ang replicang ginawa niya noon para makabalik sa mundo ng mga tao.
Dahil sa sapilitang pagpapadala sa kanya sa impyerno ay nabasag na rin ang portal. Kasama iyon sa bulong ng ama nito, anuman ang nakapagpadala sa kanya sa mundo ng mga tao ay kasama rin niyang maglalaho. Palibhasa, hindi niya nakita ang laman ng itim na libro kaya hindi niya alam ang mga dasal kung kaya't hindi rin niya iyon nagawan ng paraan. Nawala na rin sa isip niya. And it was all because of Sierra...
He sighed. He felt miserable. Wala siyang magawa para makaalis doon! Ang pagbubukas ng pinto ng Avernus ay hindi nangangahulugang puwede rin siyang dumaan doon para makalabas. Kailangan niya ng isang malakas at matinding uri ng dasal kagaya ng ginawa ni Buer noon kaya nakahagis ito ng libro na magiging silbi nitong koneksyon sa kabilang mundo. He could do that too but it would take years! He couldn't wait that long!
Ang tanging pagasa na lang niya ay ang i-summon siya ni Sierra. Pero mukhang wala na rin itong balak na i-summon siya. Magiisang buwan na silang hindi nagkikita. Nagbibigay impresyong hindi na siya nito tatawagin pa.
Nagaalala man, hindi mapigilan ni Inconnu na makaramdam ng hinanakit. Minumura na nga niya ang sarili. What's wrong with him? Hindi ba't iyon naman talaga ang isinasaksak niya sa isip? Pagkatapos ng paniningil ay dapat na siyang bumalik sa impyerno.
But no. Hindi na niya nararamdaman iyon ngayon. Habang nagniniig sila ni Sierra ay naramdaman ni Inconnu na hinding-hindi niya ito pagsasawaan. Hindi lang sa pisikal na aspeto kundi na rin dahil sa kagustuhang makasama ito. Hindi siya magsasawa kailanman sa presensya nito. Hindi kagaya kay Nadia ang naramdaman niya noon. Mas malalim ang naging damdamin niya kay Sierra kaya kahit paulit-ulit man niyang isaksak sa isip ang masaklap na katotohanan, laging nauuwi iyon sa pananakit ng kanyang dibdib. Dahil doon ay lagi siyang lutang at nagiisip. Si Sierra ang laman ng ulo niya at alam niyang nasisiraan na siya...
"Iniisip ko lang kung papaano pababagsakin si Astaroth," tahasang pagsisinungaling ni Inconnu.
"Oh, really? That's good if that's the case." natutuwang sagot nito saka sumeryoso. "Inconnu, dalawa na lang kayong legendary devils ko. I hope you'll not follow Demetineirre's footstep."
He felt numb. Nararamdaman na ba nito ang pagbabago ng damdamin niya? Napalunok siya at lihim na kinakapalan ang spell na bumabalot sa kanyang damdamin. He needed to do that. He needed Hades not to go that way. Malaki ang posibilidad na madamay si Sierra at hindi niya iyon mapapayagan!
Isa pang dahilan ay hindi siya maaaring maging ascended demon. Bubukas ulit ang pinto ng Avernus para pakawalan siya. Magiging malaya man siya sa pagiging demon, manatiling limitado ang kanyang galaw dahil na rin sa pagtugis sa kanya ng mga demon.
"That's impossible," malamig niyang tanggi kahit pa namamatay na ang puso niya sa pagaalala. Nararamdaman ni Inconnu. Mayroong mali sa sitwasyon. Nagiba ang pakikitungo ni Hades sa kanya. Lumamig. Naging mapagobserba at... nakakatensyon.
"Good, good." naaliw na sagot ni Hades saka siya tinitigan. Mukhang binabasa nito ang tunay na damdamin niya. Sinalubong niya ang tingin nito. Nilakasan niya ang loob hanggang sa tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Bago ninyo atakehin ang 40th legion, may gusto akong makita mo. Gusto ko, ipaliwanag mo sa akin ito," malamig na saad ni Hades saka pumitik.
Tuluyang nanigas si Inconnu ng magkaroon ng pulang usok sa ere at unti-unting nag-form iyon na parang screen sa TV. Lumabas ang imahe ni Sierra! Kumabog ang dibdib niya at napatingin siya kay Hades.
"You said it's impossible, Inconnu. But you already made it possible. You fell in love with a human," malamig nitong anas at sa isang iglap, nagawa na nitong hawakan ang kamay niya. "Akala mo, mababalot mo ng maraming incantation ang damdamin mo? You are very wrong, Inconnu. Feelings made you weak. The love you have for that girl made you vulnerable. Pagpatong-patungin mo man ang mga dasal para hindi maramdaman ng mga demon na nagmamahal ka na, hindi mo ito magagawang itago ito lalong-lalo na sa akin..."
Kinabahan si Inconnu. "Hades—"
"One thing. Kaya kita tinawag ay para na rin dito. Pamimiliin kita. Isa ka sa magagaling kong mandirigma. Dapat, automatic ascended ka na pero gusto kitang bigyan ng pagkakataon. I am the King anyway. I can give you a pleasant deal," makahulugang anas nito saka marahas na hinawakan siya sa mga balikat. Nagtiim ang bagang niya ng maramdamang bumaon ang matutulis nitong kuko pero pinigilan niyang magreklamo. Tigas ang mukhang nakipagtitigan siya rito. "Choose Inconnu. Power or... her?"
Pakiramdam ni Inconnu ay tumigas ng tuluyan ang dibdib niya. Alam na ni Inconnu ang kahihinatnan oras na piliin niya ang kapangyarihan: hinding-hindi na niya makikita si Sierra.
Kaya ba niya?
Mariing naikuyom ni Inconnu ang mga kamao at buong tapang na sinalubong ang nagbabagang titig ni Hades. "I don't need your power. I need her," determinado niyang sagot.
Napasigaw na lang si Inconnu ng silaban siya ng buhay ni Hades.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"NANA LILITH, nasaan ho si dad?" hindi makatiis na tanong ni Sierra sa mayordoma. Halos naikot na niya ang buong bahay, hindi pa rin niya nahahanap ang ama. Nagaalala na siya. Magmula ng magtalo sila dalawang linggo ng nakararaan ay hindi na siya nito kinausap. Gusto nito ay laging mapagisa.
She felt guilty because of that. Ilang beses siyang nagtangkang suyuin ang ama pero sa huli ay bigo siya. Lagi siya nitong itinataboy. Malamig din ang pakikitungo nito sa kanya at naiintindihan niya. Nauuwi na lang ang lahat sa pagiyak niya tuwing gabi. Nalulungkot din naman siya dahil nauwi sila sa ganoon.
Papasok na siya sana sa opisina at gustong magpaalam sa ama. Lalambingin din sana niya ito. Aayain niyang mag-dinner at manood ng sine. Naisip niyang matagal na nilang hindi nagagawa iyon. Gusto niyang iparamdam na kahit pinanindigan niya ang pagmamahal kay Inconnu ay mananatiling mahalaga ang ama niya sa kanya.
"Yaya?" untag niya nang magiwas ito ng tingin. Napatingin din siya sa mga katulong na naglilinis. Kinabahan na siya ng mapansing pati ang mga ito ay iniiwasan din ang tingin niya. "What happened? Tell me!" giit niya. Natuturete na siya!
Napahinga ng malalim si Nana Lilith at malungkot siyang tinitigan. "U-Umalis ho si sir. Nagpunta siya kay Ma'am Concepcion. Ang bilin ho niya, huwag ho kayong sumunod. I-Ipinabibigay din ho niya ito sa inyo..."
Naluha siya ng kuhanin nito sa drawer ang itim na bible. Mayroon ding puting sobre sa harap noon. Mukhang mayroong bilin ang daddy niya na hindi nito magawang sabihin ng harapan. Nadurog tuloy ang puso niya at napaiyak.
"Ma'am..." naawang anas ni Nana Lilith at hinawakan siya sa balikat. "A-Ang sabi rin ho ni sir, magiingat kayo. Huwag din daw ho ninyo siya isipin. K-Kailangan daw niya ng oras at panahon..."
Naiyak na naman siya. Nagkulong na siya sa kuwarto at tinangkang tawagan ang ama. Naiyak siya ng malamang unattended pa rin ito. Mukhang sakay pa rin ito ng eroplano kaya minabuting si Ninang Concepcion na lang ang sunod niyang tinawagan. Agad naman itong sumagot at ipinaalam na papalapag pa lang ang eroplano ng matanda.
Umiiyak na binilinan niya si Ninang Concepcion. Panay naman ang pagpayag nito. Binilinan din siya nito sa huli na magingat. Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalaman na.
Napatingin ulit siya sa sulat at libro. Naiyak na naman siya at niyakap iyon. She was happy but at the same time, sad. Wala ang ama niya na pinagbigyan siya. Katunayan na hindi rin siya nito natiis sa kabila ng matinding pagpipigil nito.
Lumuluhang binuksan niya ang sobre at napahagulgol na lang ng mabasa ang mensahe nito sa sulat...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dear Sierra,
I am sorry for everything. Nitong huli ay pinagisipan ko ang lahat. Honestly, natatakot ako. Isang demon ang minahal mo. Inisip ko ang magiging kalagayan mo. Mamahalin ka ba niya? Aalagaan?Hindi ko mapigilang isipin na isa itong kabaliwan...
Pero nakikita ko kung gaano mo siya kamahal. Nagsisisi tuloy ako kung bakit nakialam ako. Nagsisisi ako tuloy kung bakit ko siya pinabalik sa impyerno at inutusang lahat ng naging dahilan kung papaano siya makarating dito ay kasama rin niyang maglaho. Lahat, kasalanan ko at nagsisisi ako dahil nasaktan ka sa ginawa ko...
Sana, maintindihan mo na bilang ama mo ay ginusto lang kitang mapabuti.Ginawa ko ang sa tingin kong tama para huwag kang mapahamak. Pero kung ang mga ginawa kong ito ang magiging dahilan ng pagiyak mo, heto ang libro. Iyo na. Ikaw na ang bahala at sana, magiingat ka.
Ang payo ko, sauluhin mo ang mahahalagang incantation. Kahit papaano ay mapapanatili nitong ligtas ka sa oras na pagsa-summon mo. Magiingat ka palagi. Mahal na mahal kita kaya ko ito ginagawa...
Your daddy
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Dad..." luhaang anas ni Sierra at niyakap ang sulat. Hiyang-hiya tuloy siya rito. Finally, her father let her be. However, she felt guilty. Para na rin siyang kinunsinti ng ama sa kabaliwan at nagi-guilty siya.
Sa kabilang banda, kinabahan din si Sierra. Malapit na niyang makita si Inconnu! Ah, walang paglagyan ang ligayang nabuo din sa dibdib niya...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"IISANG MAPAMINSALANG lindol ang gumimbal sa buong bayan ng Cebu kaninang madaling araw. At hindi pa po d'yan nagtatapos ang lahat. May ilang kababayan tayong nakakita ng maiitim na usok paakyat ng langit. Galing daw ito sa mga bitak ng sementadong daan sa bawat sulok ng Cebu. Umihip din ang napakalakas na hangin. Ngayon ay kakaiba ang pakiramdam naming lahat dito mga kaibigan. Mainit pero nakakakilabot ang bawat pagihip ng hangin," anang reporter sa TV. Natutop ni Sierra ang labi habang nakatutok sa screen. Sa likod ng babaeng reporter ay ang mga gusaling gumuho dahil sa intensity seven na lindol.
Nakakapangilabot ang kapaligiran. Kahit wala siya mismo sa site ay ramdam niya ang nakakatakot na pakiramdam. Base na lang sa mga gumuhong gusali, siguradong marami ng taong namatay. Tiyak na walang nakaligtas doon.
Namasa ang mga mata ni Sierra nang pumailanlang sa screen ng TV ang aerial view ng Cebu. Halos wala ng makilalang gusali. Kalat na rin ang mga ambulansya at medic. Maraming nilalapatan ng lunas. May mga survivor din sa lindol na nagsisiiyakan ngayon dahil sa mga kasamahan o kaanak na kasalukuyang nilalapatan ng lunas o nire-revive.
"I-Inconnu..." wala sa sariling anas ni Sierra habang nakatitig sa TV. Biglang kumabog ang dibdib niya sa naalala. Hindi niya mapigilan ang sariling magalala. Naalala niya ang sinabi ng reporter kanina. Mayroong itim na usok na nagmula sa crack ng sementadong daan. May kinalaman ba ang lindol sa impyerno?
Napatingin siya sa hawak na itim na libro. Gabi-gabi, pinagmamasdan niya iyon. Isang linggo na niyang hawak ang libro pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang buksan. Aamnin niya, dahil sa pagpapaubayang ginawa ng ama ay nakakaramdam tuloy siya ng hiya. Nandoon pa rin ang guilt. Kaya sa halip na buklatin ang libro, nagaalangan siya at naalala ang ama.
Doon niya napatunayan na matimbang pa rin sa kanya ang sasabihin at iisipin nito. Hindi lang naman siya isang taong nagmamahal. Anak din naman siya. Bilang anak, natural na makaramdam ng guilt. Alam ni Sierra na mawawala lang iyon oras na makita niyang tuluyang tanggap na ng ama niya na nagmahal siya ng isang demon...
Napaigtad si Sierra ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha at napalunok ng makitang ang daddy niya ang caller. Magmula ng magpunta ito sa states, iyon lang ang unang pagkakataong tinawagan siya nito. Lagi ay siya ang gumagawa noon at hindi rin siya sinasagot.
Kinabahan siya pero sinagot agad iyon. "Hello, dad?"
"Sierra, I watched the news. Are you okay in there?" puno ng pagaalalang tanong ng matanda.
Naluha siya. Kasabay noon ay natawa rin. Natutuwa si Sierra dahil sa pagtawag ng matanda. Ibig lang sabihin, kahit masama ang loob ay concern pa rin sa kanya. "Dad, sa Cebu ho ang lindol. Okay lang ho kami dito sa Manila,"
"Thanks Lord!" relieved na sagot nito. Panay ang buga ng hangin. Napangiti si Sierra habang namamalisbis ang mga luha sa pisngi.
"Dad, I am sorry," sinserong anas niya.
Napabuntong hininga ang matanda. "Iha, I am sorry too. But I have to do this. Gusto kitang bigyan ng pagkakataon. Naisip ko rin ang mga naging sakripisyo mo. Nahihiya ako sa'yo dahil doon. Lagi kang nandyan para sa daddy mo. Hindi mo ako iniwanan kahit pa inaaya ka na ni Elderson noon."
"Dad... h-how..."
"Elderson talked to me. Nakiusap siya na kumbinsihin kita. Noong oras na iyon, pinahanga mo ako. Doon ko napatunayan kung gaano ako kaswerte na naging anak kita. Ang sabi ko noon sa sarili ko, bilang daddy mo, oras na mangailangan ka ng tulong, gaano man kahirap iyon ay gagawin ko..."
Nagpatuloy ito. "And you fell in love, Sierra. Gusto mong magmahal at pinigilan kita. Nakalimutan kong ang mga ganitong bagay ay hindi ko dapat pinagkakait sa'yo. Bilang daddy mo, dapat ay nakasuporta at nakaalalay ako sa'yo..."
Napaiyak na siyang tuluyan. Tunaw na tunaw siya sa mga sinabi ng ama. Pakiramdam ni Sierra ay mayroong isang mabigat na bato ang naalis sa dibdib niya. Iyon na talaga ang pinakahihintay niya: his father's approval, his acceptance and support.
"Dad, thank you so much... this means a lot to me. P-Puwede ko na hong gamitin ang libro..." lumuluhang saad ni Sierra.
"W-What do you mean?" takang tanong ng matanda at inamin ni Sierra ang lahat ng naging saloobin kung bakit niya hindi nagawang i-summon agad si Inconnu. "Iha, go ahead. Summon him. Let me meet your devil,"
Natatawang lumuluha tuloy si Sierra. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Saglit pa sila nitong nagusap hanggang sa nagpaalamanan na sila.
Pagkababa niya ng cellphone ay agad na niyang binuksan ang itim na libro. Hinanap niya ang dasal para i-summon ang isang specific na demon. Sa pagkakataon ngayon ay magiingat na siya. Mahirap ng makatawag ulit ng ibang demon.
Agad niyang isinulat ang mga ritual kit na kakailanganin. Matapos ay lumabas siya para bumili ng mga dugo at kandila. Wala pang isang oras, nakabalik na siya. Sa kuwarto siya dumiretso at nagkandado ng pinto.
Natagpuan na lang ni Sierra ang sariling nakaluhod sa harapan ng dugo na nakalagay sa isang mangkok. Nakatirik sa pagitan ng mangkok ang dalawang itim na kandila. Huminga siya ng malalim at binigkas ang kinabisang incantation...
"I call upon Inconnu, the demon I made a deal to be sent up from hell, make him appear and respond to my spell..." determinadong anas ni Sierra habang mariing nakapikit ang mga mata.
Nahigit ni Sierra ang hininga habang naghihintay. Tila natigil ang oras niya habang nakikiramdam. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nakaluhod at nakapikit hanggang sa magtaka dahil naramdaman niyang tila wala naman nabago sa paligid...
Unti-unti niyang dinilat ang mga mata at natigilan siya ng makitang nagiisa pa rin sa silid. Nagtaka siya. Mali ba ang ginawa niyang pag-summon? May nakalimutan ba siya? Binuklat niya agad ang libro at nagsalubong ang kilay ng mapagtantong tama naman ang lahat ng ginawa.
Huminga ng malalim si Sierra at inulit ang ritwal. Isa, dalawa... tatlo. Bigo siya. Gayunman, hindi siya nawalan ng pagasa. Pinigilan niyang bumagsak ang pakiramdam. Hindi siya puwedeng manlumo, dapat ay positibo lang siya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya napapalabas ang demon.