webnovel

Chapter 17

July 1 ,2019

11:30 a.m.

Grace's POV

*bell ringing*

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko para makita kung sino ang makakapares nila. Umaasa sila na yung mga crush nila yung magiging buddy nila? Tsss... mga ambisyoso't ambisyosa.

Last period na ngayon at wala na akong klase. Napagpasyahan ko na pumunta muna nang canteen. Umorder ako nang isang carbonara, isang burger,isang cheese cake at isang ice tea. Kinuha ko ang sukli ko at binuhat ang tray papunta sa bakanteng mesa.

Papa upo na sana ako nang higitin ni Jovi ang kamay ko.

Ba't lahat ng tao mahilig manghigit? Ang bastos ha!

"Oh, anong kailangan mo?" Sabi ko at inirapan siya. Tumahimik kayo wala ako sa mood.

"Duh! Hindi mo ba aalamin kung sino ang makakpares mo?"

"Tsaka na." Inilapag ko ang tray sa mesa. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at pinaharap sa kanya. Haist... buti na lang nalapag ko na yung tray, baka natapon na yun ngayon.

"Mamaya na yang kain. Tingnan natin yung sayo." Tinanggal ko ang kamay niya at umupo.

"No." Sabi ko. Kinuha ko ang burger at kinuha ito mula sa kanyang lalagyan. Napa upo siya at inikot ang mga mata niya.

"Ano bang problema mo? Bakit galit ka sa mundo? Pati ako dinadamay mo." Kakagatin ko na sana ang burger nang bigla niyang kunin at kainin.

"Hindi ako galit sayo sadyang wala lang talaga ako sa mood para makipa usap sa bungaga mo."

"Arte neto. Eh ba't ayaw mo tingnan kung sino ang magiging buddy mo?" Aish ang tigas talaga nang kukute nang babaeng toh.

"Ayoko kasing masaktan." Bulong ko.

"H-ha pakisabi nga ulit." Kinuha ko ang cheesecake at kumuha nang tinidor. "Ang sabi ko, What's the big deal about the buddy-err- partner thing? Ang dali lang kaya tingnan yun sa bulletin board. Kaya shoo... umalis ka na. Sakit mo sa ulo, nagugutom na ako." Isusubo ko na sana yung cheesecake nang bigla niyang kunin mula sa kamay ko at kinain. Kinuha rin niya pati plato ng cheese cake.

Really? Ang baboy niyang kumain. Nagugutom na ko please, alisin niyo tong patay gutom na toh.

"Kungshabagay." Sabi niya kahit puno pa ang bibig. Kinuha niya ang ice tea at ininom.

Pati ba naman yung ice tea ko??!!

Tiningala niya ako habang busy siya sa kinakain niya. "Oh, bakit 'di ka kumakain?"

"Busog pa ko." Sarcastic kong sabi at tsaka nag fake smile. Kinuha niya yung carbonara at iniabot sakin. "Oh ito, kunin mo na."

Ay grabe! Ang kapal niya. Paano ko ba toh naging bestfriend. Eh dapat ngayon enemies kami.

"Hindi na, nakakahiya naman sayo."

"Ano ka ba, 'wag ka nang mahiya." At inilapag niya sa harap ko ang carbonara.

"Hinda na. Hindi na." Sabi ko at binigay sakanya. "Wag ka na sabing ma-"

"Hindi mo kakainin yan o isususot ko sayo tong carbonara buong hapon?" Napatigil siya at nagpeace sign.

"Hiyang hiya naman ako sayo. Naubos mo yung pagkain Ko. Oh ito pa, ubusin mo na." Inilapag ko sa harap niya ang carbonara at tiningnan siya nang masama.

"Kainin mo." Utos ko. Kinuha niya yung tinidor at nagsimula nang kumain. Mukhang sarap na saral siya ha.

"Oh ano? Masarap?" Hindi na siya nakapagsalita. Ngumiti lang siya at nag thumbs up.

"Ha-ha-ha. Talaga? May lason yan." Hindi ko napigilan ang pagtawa ko nang ibuga niya yung kinakain niya sa taong naglalakad sa gilid niya.

Tiningala ko kung sino.

What the f*ck!

Erinn?!

Bakit siya nandito?

Next chapter