webnovel

Chapter 12

eCan Ludge

June 25, 2019

9:24 a.m.

Sai's POV

Hinampas ko ang lamesa dahil galit na galit na ako.

"Walang nangyari samin. Inatake siya sa puso kaya hi- ah basta yun. Hindi naman ako tumitingin at isa pa sinuot niya ang jacket ko." Sabi ko kay Erinn.

"Just complete your mission and then your free to go." Sabi niya sakin na umiiwas ang tingin.

eCan Ludge

Before school starts

"Ayoko na, aalis na ko sa grupo." Sabi ko kay Erinn.

"Makaka alis ka kapag naggawa mo ang mission mo. You already know na kapag aalis, may mission." I sigh. If it is the only way, gagawin ko.

"Papayag ako."

"Simple lang naman, kukunin mo si Grace at ibibigay samin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

"What? No! Alam kong baliw ka na sakanya pero ang gagawin natin ay kidnapping. Ayoko kong makulong." Tumingin siya sakin at tumawa.

"Look, eCan is a big gang. You know that, we're rich. Hindi ka naming hahayaan na makulong." Alam ko, p-pero labag yun sa Diyos at labag din sa kalooban ko. Pero kapag naggawa ko na toh, I can leave this group forever.

"Kung mayaman nga tayo, bakit hindi ka nalang mag hire nang kidnapper?"

"'Wag nang madaming satsat, just answer yes or no."  

Tumango lang ako sakanya. He grin and give me a contract.

"Sign that." Binigyan niya ako nang ballpen. I deeply sigh. I sign the contract. Wala nang atrasan. At alam kong seryoso si Erinn na makuha si Grace.

"You know what, wala na kong pake-alam diyan kung anong paraan ang gagawin mo. Ang gusto ko lang madala mo siya dito before the classes end. Inenroll na kita sa Ecanthippes University, which is our school." 

Present

"Alam mo ba na kumalat na sa page nang school ang mga pictures at mga assumptions." Sabi niya nang diin sakin.

"Ayusin mo to Sai. Ayokong masaktan si Grace dahil diyan sa kag*guhan mo." So, he just f*cking blame me. Umawat na ko at umalis.

Rheinz's POV

Kailangang masabi ko toh kay Grace. Ayoko siyang mapahamak dahil kay Sai. Gagawin ko ang lahat para maligtas siya.

Biglang bumuhos ang ulan. Binuksan ko ang payong ko at pumunta muna ako sa waiting shed sa labas. Nakita ko si Shanaia sa peripheral vision ko. Nag aabang ng bus.

"U-uy Rheinz, hello." Sabi niya atsaka nag iwas nang tingin. Hindi ko siya napansin dahil nag aalala pa rin ako kay Grace. Anong bang kailangan nila kay Grace? Bullsh*t!

Napatikhim si Shanaia at pinilit na tumahimik nalang. Napa upo ako sa bench nag iisip ng mga posibilidad kung ano ang mangyayari kung hindi ko sasabihin kay Grace. Nag iisip rin ako kung ano ang pwede kong gawin.

T*angina! Mag isip ka nga! Baka kung ano ang mangyari sakanya. Napasuntok ako sa stall nang waiting shed. Nagulat naman si Shanaia at napatingin sakin. Hindi siya makpagsalita at tinitigan lang ako.

*beep* beep*

Napitigil  siya pagtitig sakin nang marinig ang huni ng bus. Mabilis ako tumakbo kay Shanaia. Pumunta ako sa harap niya at hinawakan sa magkabilang braso para harangan sa papatalsik na putik.

Ano bang trip ng bus, ang bastos. Tulalang nakatingin si Shanaia sakin.

"B-bakit mo yun ginawa?"

"Siyempre para hindi ka madumihan." Nakita ko naman siyang ngumiti nang palihim. What the heck is hapenning?

Bigla siyang tumawa na ikinabigla ko. Kumunot ang noo ko sa kanya. Tinuro niya ang mukha at damit ko.

Aish, kaya naman pala ang dumi. Sinabayan ko siya sa pagtawa.

Di bale, nawala naman lahat nang pag aalala ko at napangiti ako nang wala sa oras.

"Hahaha. Tawa ko nang may sarcasm na tone. Tumatawa tawa ka ba diyan, 'di mo ba alam na pinapagalitaan ako ni mama."

Lumakas ang tawa niya. 😡. May topak to siguro.

"Nyenyenye, laugh with my hand." Tumigil siya sa pagtawa, naramdaman niya siguro na seryoso na ako.

"Ugok." At tinulak ko siya nang mahina.

"Ulol." Sabi niya at tinulak din ako.

"Haup." At tinulak ko siya nang mas malakas.

"Langya." At tinulak din ako na naging dahilan nang pagsubsub ko sa putik.

"HAHAHAHAHAHA." at tumawa pa talaga siya. Kumuha ako nang putik na makakasya sa kamay ko at hinagis sa mukha niya.

Biglang umiba yung mukha niya at aakmang susugurin ako.

Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at pinunasan ang mukha niya. Tumigil siya sa pagsugod at nanigas.

"Oh ayan." At pinunasan ko rin ang mukha ko. Umiwas siya at biglang umalis dahil dumating na ang bus. In just a flash, nawala na siya. Naiwan akong tulala. Bakit niya ako tinakbuhan, may nagawa ba akong masama?

Ha? T-teka? Ano ulit yung nangyari?

Next chapter