webnovel

Chapter 7

Third Person's POV

Nagpalakpakan naman ang mga audience dahil sa isinagot ni Shanaia. Hindi nila alam na may tinatagong puot si Shanaia.

Ang susunod naman ay ang mga lalake ay magbibigay nang rose sa nagugustuhan nilang babae.

Oras ko na to

Sabi ni Navigar sa isip niya. Umakyat siya nang stage at nagbigay nang rose kay Grace. Nagulat naman si Grace nang bigyan siya dahil hindi niya inaasahan yun.

Sa kabilang banda naman, binigyan ni Christian si Ang nang rose. Binatukan siya ni Ang na hindi malaman kung ano ang dahilan. Nagulat ang mga tao dahil sa ginawa niya. Nag uusap si Ang at si Christian.

Nabigla ang mga tao nang biglang umiyak si Ang at niyakap si Christian. Napa aawww naman ang audience. Christian mouthed, Kami na na naging dahilan nang pag ingay nang hall.

Napatingin naman si Grace kay Shanaia na wala pa ring natatanggap na rose. Halatang malungkot ang mukha nito. Biglang umakyat si Sai nang stage at binigyan si Shanaia nang bulaklak. Nagtilian ang mga tao.

Pero pinipilit lang nang dalaga na ngumiti kahit nasasaktan na siya.

Sa kabila naman, si Grace ay nakatingin lang sa nagsasayaw na si Sai at Shanaia. Hindi niya namalayang tumulo na ang luha niya. Hindi niya namalayang natulala na siya sa dalawa. Hindi niya namalayan na nahuhulog na siya sa kanya. At ang masaklap pa, hindi siya kayang saluhin nang mahal niya.

Lumipas ang ilang minuto itatanghal na kung sino ang mananalo.

"2nd runner up goes to... Shane Marie Ang!" Nagpalakpakan ang lahat.

Ito na ang hinihintay nang lahat. Naghawak kamay sina Grace at Shanaia. Huminga nang malalim si Grace.

"Miss STE Nobel 2019 goes to... Mary Grace Chan."

Hindi na nagulat ang lahat dahil inaasahan na talaga yun. Isinuot na nang nila ang korona kay Grace. Masaya naman si Grace dahil alan niyang sa sarili niya na kaya niya kahit na isinugod siya kahapon.

Nakita ni Grace si Sai na lumapit kay Shanaia at kinong gratulate.

Nanalo nga ako sa paligsahan  pero talo naman ako sa puso mo.

Bulong niya sa sarili niya na tumutukoy kay Sai.

Next chapter