Lumabi si Yoanna. "Bakit ayaw mo akong halikan? Dahil hindi ako marunong humalik? O ayaw mo lang talaga?"
"I was sick last night, remember? Sa palagay mo ba, iri-risk ko ang health mo? Kung mahawa ka sa sakit ko o sa potential na sakit ko? Paano kung may virus ako? Baka pareho na tayong may sakit ngayon. I did it to protect you."
"Ah!" aniya at napatango. She was relieved. "Akala ko kasi ayaw mo sa akin. Saka di mo na ako niyayang mag-date ulit."
"Baka kasi ayaw mo na akong maka-date ulit."
"Wala akong sinasabing ganoon."
"Wala ka kasing ginawa kundi ang sermunan ako."
Yumakap siya sa leeg nito. "Natural lang naman sa akin na mahilig magsermon sa taong mahal ko. You don't even know how worried I am when I saw you under the rain. Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon?"
"Hindi ko alam. Ayoko lang umalis dahil doon ako nangakong hihintayin kita. I was afraid that if I leave, you won't come at all."
"Mabuti na lang di ka tuluyang nagkasakit kundi sisisihin ko ang sarili ko."
He embraced her tightly this time. Iyong halos di na siya makahinga. But she could feel the repentance there. That he was truly sorry that he made her so worried. "Hindi ko na uulitin iyon. Hindi ka na mag-aalala para sa akin. Hindi ka na rin masasaktan. All I want is to give you all the love I can give. Gusto ko ako ang lalaking nasa tabi mo para alagaan ka."
"At gusto ko rin na huwag ka nang aangal sa mga inuutos ko sa iyo lalo na't concern lang naman ako sa iyo." Pinitik niya ang ilong nito. "Maliwanag?"
"You are really so bossy. Alam mo ba na ikaw lang ang pangalawang babae na hinayaan kong sermunan ako at utus-utusan bukod kay Mama?"
"Basta huwag nang matigas ang ulo mo, okay?" Hinaplos niya ang noo mo. "Hmmm… wala ka na ngang sakit. Normal na ang temperature mo."
"Sabi ko na sa iyo magaling na ako."
"Ibig sabihin, pwede na…."
"Pwede na akong magtrabaho. Oo. Ikaw lang naman ang masyadong nag-aalala. Okay na ako."
Ipinadyak niya ang paa. "Hindi. Iba ang ibig kong sabihin."
"Kung pwede na tayong mag-date ulit? Siyempre naman."
Bumagsak ang balikat niya. "Ang hina mo talaga. Mahina rin ako sa iyo."
"Ano ba kasi ang pwede na sinasabi mo?"
Nanghaba ang nguso niya at ibinaba ang tingin. "Magaling ka na kaya di naman na siguro ako mahahawa ng virus kapag hinalikan mo ako."
Humalakhak ito. "Iyon lang ba?"
"Ano pang itinatawa-tawa mo diyan?" iritado niyang tanong. "Bakit di…"
He cut her words with a passionate kiss. The gentle sensuality of his kiss took her breath away. Yumakap ang kamay nito sa baywang niya. He pulled her closer. And she thought she saw a glimpse of heaven with that kiss.
"May reklamo ka pa?" tanong nito.
Umiling siya. "Wala na." Her happiness was complete. Dati akala niya ay di naman niya kailangan ng isang lalaki para sumaya. Iyon pala ay hinihintay lang niya si Kester na punuin ang kulang sa buhay niya.
"Ako may reklamo."
Pareho silang nagulat ni Kester nang makita si Reid na walang kangiti-ngiti habang nakatingin sa kanila. "S-Sir Reid!" bulalas niya.
Saka niya na-realize na nasa kalsada pala sila ni Kester. Di lang si Reid ang nakakita sa kanila kundi maging ang ibang members ng riding club. May mga nakasakay sa kabayo na tumigil at nanood na lang. Maging ang mga golf carts at kotse ay nagsitigilan din para manood. They created a public spectacle.
"Akala ko naman may artista na nagshu-shooting," narinig niyang sabi ng isang babaeng guest.
"Akala ko nga commercial ng Stallion Shampoo," anang isa pa.
Pumunta tuloy siya sa likuran ni Kester at isinubsob ang mukha sa likuran nito. Parang wala na siyang mukhang ihaharap sa ibang tao. "Oh, no!"
"Sino ang may sabi sa inyo na mag-date sa oras ng trabaho?" tanong ni Reid. "Ang alam ko ipinagbabawal ko iyan. Miss Aguirre, pinayagan na kitang pumunta sa date ninyo kahapon at di tinapos ang meeting. Di ko alam na binigyan pa pala kita ng extension ngayong araw na ito."
"S-Sir, kasi.. ano…" wala siyang maibigay na matinong excuse. Mali nga naman na ihalo niya ang trabaho sa personal niyang buhay. Naturingan siyang model employee, nawawala naman sa sarili pagdating kay Kester.
Inakbayan siya ni Kester. "Magle-leave kami sa buong araw. I am sick and Yoanna will take care of me. May inasikaso lang akong pasyente kaya ako pumasok. Si Yoanna naman may ibinilin lang sa staff niya."
"This will be the last time that I will allow this," Reid warned. "Sa susunod magpaalam na kayo nang maayos."
"Yes, Sir Reid," sagot niya. "And thank you."
"And Kester, ngayong nakuha mo na ang gusto mo dito sa riding club, sana naman huwag mo na siyang alisin sa trabaho. And I also want you to stay here," pormal na sabi ni Reid.
Tumaas ang kilay niya at nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang lalaki. "Ano bang gustong makuha ni Kester dito sa riding club?"
"Isn't it obvious, Miss Aguirre? He wants you. Dapat nasa Africa na siya ngayon at tutulong sa mga victims ng AIDS. Ipinagpalit niya ang mission niya at pumasok na lang sa riding club para makasama ka. Sa mga local missions na lang daw siya tutulong para di ka mawala sa paningin niya. Di mo lang alam kung gaano rin kalaki ang isinakripisyo niya para sa iyo," makahulugang sabi ni Reid at umalis.
"Kester, did you really sacrifice those people for me?" nagi-guilty niyang sabi. Mukhang marami ngang nangangailangan dito.
"Yoanna, I didn't sacrifice them. May mga doctor na pumalit sa akin. Isa pa, panahon na para magsilbi ulit ako sa mga tao dito. And now, my friends here at the riding club are helping me. So you don't have to feel guilty at all. I may have my duty but I also have a life. And you are my life."
Niyakap niya ito. "And I love you."
PINAGKAKAGULUHAN ng mga bata sa isang depressed area sa Manila ang artista na si Philippe Jacobs. Bukod sa medical mission ay isang program din ang isinagawa para maaliw ang mga ito. Sumama si Yoanna para tumulong kay Kester.
"Medical mission lang ang usapan natin. Hindi ko alam na may kasama tayong artista," sabi ni Kester at nanonood din.
"Ano naman ang masama? Kita mo nga, na-encourage niya ang mga bata na huwag matakot magpa-vaccine at uminom ng gamot," depensa niya.
"Hindi pa namin napag-uusapan ang talent fee."
"Walang talent fee iyan. Si Celestine ang kumausap sa kanya kaya libre. Saka gusto rin naman ni Philippe na makatulong."
Hinaplos nito ang buhok niya. "Hindi ko ine-expect na sasama ka sa mga mission. Akala ko kasi ayaw mo."
"Of course, gusto ko. Hindi na rin ako takot sa dugo," pagmamalaki niya. "This is also your life and I want to share it with you. Gusto ko ring tumulong."
"Thank you, Yoanna. I love you."
She knew that they would do a lot of good things together. And she would teach a lesson to other people. She would share her story of their love. The world should know how it feels so good to fall in love.
Hello! I hope you enjoyed this story.
Please put your comment, reviews, and share this story with your friends. Ngayon pa lang, salamat sa mga nagbigay ng spirit stones.
Ito na po ang last book sa Batch 2. Please share your thoughts if gusto n'yong mabasa ang Batch 3.