Naputol ang pagtatalo nina Rolf at Jenevie nang marinig ang tili ni Jenna Rose. Napalingon ang dalawa sa pinto. "JED!" usal ni Rolf at nilapitan ang lalaki. "Please come in. Kagigising lang ni Jenna Rose."
Her heart swelled. Bukod sa excited siya sa pagbisita ni JED sa kanya, nag-aalala rin siya nang makita ang benda sa braso nito. Ayon kay Rolf, mayroon din itong bali sa balikat dahil ginitgit at hinatak din ito ng mga audience.
She could have run if she wasonly stronger. She wanted to comfort him and make sure that he was okay. Kahit na alam niyang okay na ito ay nag-aalala pa rin siya.
"Hello, Jen!" bati ni JED sa kanya.
"Hi!" Pasimple niyang hinaplos ang hanggang balikat na buhok. Bahagya din siyang ngumiti. Maganda kaya ako? Hindi kaya ako mukhang bangkay kapag kaharap siya? Bakit naman di niya sinabi na dadalaw siya? Sana napaghandaan ko.
Lumapit ito sa kanya at ginagap ang kamay niya. "How are you feeling?"
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Titig na titig kasi ito sa kanya nang may kasamang pag-aalala. Parang pagkaganda-ganda niya kahit na di pa siya nagsusuklay. "O-Okay na ako ngayong alam ko na okay ka na." Iyon na lang ang nasabi niya dahil nabura na ang salita sa utak niya. Simpleng titig pa lang kasi nito ay nakakalimutan na niya pati ang pangalan niya.
"I am Eunice Ferona, JED's personal assistant. I sincerely apologize for what happened," anito sa pormal na boses at ang kausap nito ay ang Ate Jenevie niya at si Rolf. "It was an accident. We got the bill covered so you won't have any problem. We will be more careful next time so this won't happen again."
Pakiramdam niya ay lumamig ang kuwarto dahil sa kapormalan nito. Okay lang sana na kasama niya si JED. Pero parang ayaw niyang kasama si Eunice. Di niya gusto ang energy na nagmumula dito. Parang di niya ito makakasundo.
"Can you do me a simple favor?" nakangiti at malumanay na wika ni JED. "I want some time alone with Jen."
Tumalon ang puso niya. Magsosolo sila ni JED sa kuwartong iyon. Nasa kanya lang ang atensiyon nito. Magkakausap sila nang mas matagal. She was excited. Sa wakas kasi ay masosolo niya ito. Di lang ito basta pangarap ngayon. Di lang niya ito basta makakaharap. Personal pa niya itong makakausap.
"Sure!" anang si Rolf at kinindatan siya. Suportado kasi nito ang kalokohan niya pagdating kay JED. Iginiya nito ang dalawang babae palabas ng hospital suite. "How about we discuss this at the cafeteria?"
"Salamat sa pagdalaw mo, JED. At salamat din sa flowers," sabi niya.
Ngumiti ito sa kanya. Even his light brown eyes were smiling as well. Nakakagaan ito ng loob. "I am glad that you like them."
"Yes. But the yellow roses are my favorite. Di ko nga alam na gusto ko sila hanggang makita ko na lang sila kanina." Magaan niyang hinawakan ang braso nito na may benda. "Masakit ba?"
Napatingin ito sa sariling braso. "Hindi masyado. Wala naman akong masyadong injury dahil dumating na ang security ang Coliseum. They were able to control the crowd right away. Makakalabas na ako ng hospital. Sa iyo nga ako nag-aalala. You have fractures and sprain. I am really sorry."
Bahagya niyang iginalaw ang kamay. "I will be fine. Safety mo lang naman ang iniisip ko. So you don't have to apologize. Hindi naman ako nagsisising pinrotektahan kita." It was a great honor for her. "Ang totoo, gusto kong mag-sorry. Kasalanan ko kung bakit nagkagulo. Hinatak kasi kita."
Bahagya itong natawa. "Not entirely. It was my fault. Hinayaan kitang hatakin mo ako. Well, I didn't know what came to that time."
"Hindi ka ba galit sa akin? Napahamak ka dahil sa akin. Nasira ang concert mo," kagat-labi niyang sabi.
Umiling ito at pinisil ang pisngi niya. "I don't think I could hate you. Nagustuhan mo ba ang kanta ko?"
Sunod-sunod na tango ang ginawa niya. "Oo. Maganda. Kanino ba dedicated ang kanta na iyon? Parang gustong-gusto mo siya."
"Yes. I like her. Pero hindi ko sasabihin sa iyo kung sino."