webnovel

Chapter 22

NAALIMPUNGATAN si Sindy nang naramdaman niyang may humaplos sa buhok niya. "Sindy, wake up," narinig niyang bulong sa kanya ni Gabryel.

Umungol siya at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Ito nga ang natunghayan niya paggising niya. Nakasuot pa ito ng long-sleeved polo at naka-necktie pa ito. "Brye, nakarating ka na? Tapos na ang presentation mo?"

"Yeah. Bakit dito ka na natulog sa hammock? Ang lamig dito sa labas," nag-aalalang sabi nito.

"Nagbabasa lang ako ng libro habang hinihintay kita. `Tapos inantok na ako. `Di ko naman alam na makakatulog ako nang matagal." Nang tingnan niya ang oras sa kanyang relo ay alas-kuwarto na ng hapon. "Three hours na akong nakatulog!"

"Kaya naman pala tawag ako nang tawag, `di ka sumasagot sa phone. Nandito ka lang pala sa labas. Nag-alala tuloy ako sa iyo."

Bumangon siya at kinusot ang mga mata. "Kumusta naman ang presentation mo?"

"I did great. Na-impress ko ang mga clients. Inspired kasi ako. Dahil sa good-luck kiss," nakangiting sabi nito.

Iniiwas niya ang tingin dito. It was one of the things that bothered her. At ayaw pa niyang pag-usapan sa ngayon dahil kagigising pa lang niya. "Lalabas ka ba mamaya para mag-dinner?"

"Bakit ako lang ang magdi-dinner? Siyempre, tayong dalawa."

"Inaantok pa ako. Si Claudine na lang ang yayain mo."

"Bakit siya ang yayayain ko?"

"You should thank her for recommending you to her boss."

"I already thanked her. Kaya tayo naman ang magse-celebrate."

Humiga uli siya sa hammock. "Inaantok pa ako, eh!"

"Sige. Matulog ka na lang." Humiga ito sa tabi niya. "Matutulog na lang din ako rito."

Maliit lang ang space sa hammock kaya magkadikit na magkadikit sila sa isa't isa. She could even smell his cologne and feel the heat of his body. Bigla siyang bumangon.

"Brye, bumaba ka nga!" utos niya.

"Bakit ba? Hammock ko ito. Saka gusto kong matulog."

"O, sige. Matulog ka na."

Hinila siya nito. "Matulog ka na rin. Inaantok ka pa, di ba?"

Nanlaki ang mga mata niya dahil napadapa siya sa ibabaw nito. Mabuti na lang at maagap na naitukod niya ang kamay sa dibdib nito. "Gabryel!"

"Hmm..." anitong nakapikit na.

Muntik na siyang mapaungol. Malapit na malapit na ang mukha nito sa kanyang mukha. She could almost kiss him. Hindi ba nito alam na tino-torture siya nito?

She rolled off slightly. Subalit nakatagilid pa rin siya rito. "Huwag kang matulog dito, Gabryel. Sa loob ka na lang."

"Buhatin mo ako kung kaya mo."

Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makagalaw para lumayo rito, as if she was content to lie down beside him. Mukhang pagod na pagod na nga ito dahil hindi na ito gumagalaw. Nakapatong ang braso nito sa mga mata nito.

Ni hindi man lang nito natanggal ang necktie nito. He might be uncomfortable wearing that tie. Dapat niyang tanggalin iyon.

Nanginginig ang kamay niya habang unti-unting niluluwagan ang necktie nito. Muntik na siyang mapatili nang bigla nitong hawakan ang dalawang kamay niya. "Ano'ng ginagawa mo sa akin?" nakapikit na tanong nito.

"I am just undoing your necktie."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "Pinagsasa-mantalahan mo ang kahinaan ko. Kailangan mo akong panagutan."

Binawi niya ang kamay rito. "Hoy! Huwag ka ngang ambisyoso. I am not going to molest you. Gusto ko lang maging komportable ka."

"Ah! I don't know if it's comfortable to do that in a hammock."

"Do what? Undo your necktie?"

"For starters, yes. It must be a new experience to make love on a hammock."

Bigla siyang bumangon at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. Damn him! Akala niya ay siya na lang ang nag-iisip nang may malisya. She thought Gabryel was not affected by her charms. Of maybe he was only joking.

"Diyan ka na nga!"

Tumayo ito at pinigilan nito ang kamay niya. "Where are you going?"

"Away from you. If that's your kind of joke, it's not funny!"

"Okay. If you are uncomfortable with the idea of making love with me, I apologize. Maybe it is not the right time."

She waved her hand. "Yeah! Good riddance. At kailan ang right time? Kapag kasal na tayong dalawa?" sarkastikong tanong niya.

"Hindi ka naniniwala na gusto kitang pakasalan kung gusto mo?"

"Are you doing this to make Claudine jealous? Or you want to get even because she left you for another guy?"

"What the hell! Bakit nasali si Claudine sa usapan?"

"Because it's the only reason I could think of for your actions. You kissed me in front of her a while ago to make her jealous."

"Claudine who?" he asked then pulled her waist.

He kissed her passionately she was unable to think. It was an earth-shattering kiss. Kung kukuwentahin iyon, tiyak na lalagpas iyon sa Richter scale. It was even much better than the kiss he gave her early that morning. At katulad kanina, nablangko na naman ang isip niya at ipinaubaya ang kanyang mga labi rito. She wondered how a sensible woman like her would lose her senses because of a kiss.

"Now tell me I only kissed you to make Claudine jealous."

"Why kiss me? Puwede mo namang sabihin sa akin ang totoo na pinagseselos mo siya. Hindi masasaktan ang pride ko."

Baka iniisip nito na mapapahiya siya kapag inamin nitong ginagamit lang siya nito laban kay Claudine. Maiintindihan niya ito. Gabryel had pride. Natural lang na bumawi ito. He didn't have to kiss her again just to cover it up.

"It was bound to happen. You know that kiss was bound to happen." He cupped her face. "If you remember, this is not my first attempt to kiss you. Kung hindi dumating si Mama noon, noon pa sana nangyari ito. Wala pa si Claudine noon. Are you just making up this Claudine issue to focus the blame on me? How about you? Why did you kiss me back?"

Napalunok siya. "I am just a normal woman. Pero huwag mo akong baligtarin. Aminin mo na lang na si Claudine..."

Naging seryoso ang anyo nito. "Sindy, I am not a crass who would use you to make another woman jealous. That's childish. Give me more credit than that. And you deserve more than that. Hindi kita dinala rito sa Stallion Club para lang pagselosin si Claudine o kahit sinong babae."

"Then why did you bring me here? Don't tell me you came here to seduce me?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"That's one of my plans."

Nag-init ang kanyang mga pisngi. He did a great job then. He could even seduce her without trying. "Come on. Don't give me that lame joke. Not again."

"The first time I saw you after four years, I told myself that given a chance, I will lock you inside this club and make you mine," he whispered with his eyes glued on hers. Na parang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo.

"That sounds like an affair to me. Not a serious relationship."

"Look at me, Sindy." Iniangat nito ang mukha niya. "We have something special. You may deny it but I can feel it. Pero ayoko munang mag-commit ka sa akin. This time, I want a more serious relationship. Iyong pareho tayong handa."

"I understand." Maybe he wasn't ready for that serious relationship yet. Baka hindi pa nito tuluyang nakakalimutan si Claudine. "I am not in a hurry."

He kissed the top of her head. Isa lang naman ang gusto niya. She wished he would love her.

Let me see your comments on this chapter, Stallionatics.

And see you on September 15, 2019 sa SMX Mall of Asia for my Manila International Book Fair Book Signing. Pwede kong i-sign ang Stallion books ninyo at iba pang books. May new book din ako na lalabas sa event.

Sofia_PHRcreators' thoughts
ตอนถัดไป