webnovel

Never Give Up

Shanaia Aira's Point of View

We were all depressed and shocked at what happened to tita Mindy and mommy's coffee shop. We know how careful they are with the food and even the coffee shop equipments. So we don't understand how suddenly there is food poisoning.

Bagama't kalmado na si mommy at tita Mindy, makikita pa rin sa kanila ang sobrang panlulumo. Hindi kasi biro ang halagang in-invest nila sa coffee shop. Yun na nga sana ang downfall ni mommy sakaling umalis na siya sa showbiz but now everything seems to come to nothing.

Nakahiga na ako sa kama sa aming silid. Pakiramdam ko nanghihina ako. Sa isang araw lang, dalawang problema agad ang dumating. Hindi ko maiwasang ikonekta kay Gwyneth ang nangyari sa amin ni Dindin kanina at yung pagkasara ng coffee shop. Idagdag pa yung may problema pa sila daddy at tito Archie na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin dahil kay senator Faelnar.

Kung pagbabasehan ang dalawang pangyayari, si Gwyneth ang muntik ng kumidnap sa amin ni Dindin kanina at yung kila dad na si senator Faelnar naman ang sangkot, maliwanag na may plano talaga silang mag-ama sa amin ngunit sa pakiwari ko ang talagang target nila ay kaming dalawa ni Gelo.

" Baby magpahinga ka na. Inaayos na namin nila daddy yung problema sa coffee shop. Nakausap na namin ni kuya Andrew yung police na nag-imbestiga.Mukhang may nagsabotahe sa loob, may inilagay dun sa isang klase ng kape na nakakasira ng tiyan. Hindi ito klase ng food poisoning, the only serious result is diarrhea. Ang inaalam na lang ay kung sino ang culprit. So baby, please rest for a while. Everything will be alright. " pag-alo ni Gelo sa akin. Kadarating lang nila ni kuya Andrew galing sa police station dahil tumawag na yung nag-imbestiga.

" Bhi nakakahina na kasi yung mga nangyayari. At kahit ayaw ko mang manghusga ng kapwa, malinaw na yung dalawang pangyayari ay plano nung mag-amang Faelnar. At isa lang ang pakay nila bhi, nadamay lang ang pamilya natin dahil alam nila na sila ang kahinaan natin. " bigla syang napatingin sa akin.

" Baby saan papunta itong usapan natin ha? " tanong nya. Halata ang iritasyon sa tono ng pananalita nya. Parang natumbok ko yung talagang sitwasyon na pilit nilang itinatago sa akin.

" Yung obsession ni Gwyneth sayo kaya nangyayari ang lahat ng ito. Gusto nilang bumitaw na tayo sa isa't isa para kayo ang maging legal. Hindi nila tayo matinag kaya yung pamilya natin ang pinupuntirya nila. Alam kong alam mo ito, nung nag-usap kayo nila daddy, parang may hint na ako na ito ang pinag-usapan ninyo. Pare-pareho ninyong ayaw mangyari yung gusto nung mag-amang Faelnar kaya inutusan ka nila dad na kausapin si senator na sabihin sa kanya na kasal na tayo para tumigil na yung anak niya. Tama ba ako bhi? " walang prenong saad ko. Yumuko lang siya at ayaw salubungin ang tingin ko.

Silence between the two of us prevailed.After a few moments, he took a deep breath and faced me seriously.

" Yes baby. Tama ang lahat ng sinabi mo. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap si senator Faelnar. Gusto ko na ngang malaman kung ano ba talaga ang gusto nilang mangyari. Kung ipagpipilitan niya sa akin na maging kami ng anak niya, sasabihin ko na talaga na kasal na tayo. Pero ang ikinatatakot ko lang ay yung magiging resulta kapag nalaman niya ang totoo tungkol sa ating dalawa dahil hawak niya ang magiging kahihinatnan ng mga tatay natin. Maaaring kapag hindi ako pumayag sa gusto nila, ang mga tatay natin ang magdurusa. " wika pa niya.

Ako naman ang nawalan ng kibo. Ano naman ang hawak ni senator Faelnar laban sa mga tatay namin at ganoon na lang ang takot ni Gelo?

" Bhi alam mo ba kung ano ang hawak ni senator laban kila daddy? " tanong ko.

" Hindi pa rin alam nila dad kung ano pa bukod dun sa may ginawa sya dun sa business nila. Sa ngayon kasi naka-hold lahat ng kahoy at iniimbestigahan pa sila tungkol sa mga permit. Hindi nagpapakita si senator dahil duda ko may mas malaking pasabog pa siya kila dad unless kung papayag siguro ako sa gusto nilang mangyari. " pahayag ni Gelo.

" What if hindi ka nga pumayag sa gusto nila, sila daddy ang magdurusa? "

" Precisely. At yan marahil ang tumatakbo sa utak ni senator. Kaya nag-iisip kami ng paraan para hindi na niya tuluyang gawin ang plano niya. Ang mahirap kasi, hindi siya nagpapakita kaya hindi alam nila dad kung ano yung pasabog niya, hindi tuloy mapaghandaan. " turan ni Gelo.

" Bhi, bakit kaya ganun ka obsess si Gwyneth sayo? Oo nga at nasa iyo na ang lahat ng katangian pero dapat alam din niya yung worth niya bilang tao para hindi siya naghahangad ng hindi kanya at ayaw sa kanya. "

" May ganung tao talaga. Psychological yan.Kapag ang tao nasanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya tapos may isang bagay siyang hindi makuha, nagiging obsess na siyang makuha yon.Yan ang nangyayari sa kanya ngayon gusto nya akong makuha pero nahihirapan siya kaya yung mga taong malapit sa akin ang pinupuntirya. Pero kahit na anong mangyari baby, hindi kita isusuko. Gagawa ako ng paraan para hindi sila magtagumpay sa plano nila. "

" Bhi alam mo na gusto ko ng tahimik na buhay, yung hindi pinagpipyestahan ng mga tao ang nangyayari sa buhay natin. Pero kung ganito naman na ang mga mahal natin sa buhay ang naapektuhan, bakit hindi na lang tayo gumawa ng solusyon kahit mawala na yung privacy natin? " turan ko sa kanya.

" Like what? " kunot ang noo na tanong niya.

" Kung mag-announce ka na lang kaya in public na kasal na tayo, I don't mind it na or magpa-presscon ka kaya para masagot na ang lahat ng mga katanungan sa isip nila tungkol sayo o sa atin.Para matigil na ang lahat ng gulong ito. Wala na tayong katahimikan. Pati si Dindin muntik ng ma-trauma sa nangyari sa amin kanina. Ayoko na ng ganito na pati pamilya natin nadadamay na. " suhestiyon ko.

" Ayoko rin naman ng ganito baby. Everything happens for a reason. Hindi natin pwedeng ipilit na puro masaya lang ang pwedeng mangyari sa atin. Bilang tao talagang daranas tayo ng lungkot para tayo tumibay. Hindi tayo talagang makakaranas ng tunay na kaligayahan kundi tayo daraan sa mga pagsubok.Yun ang realidad ng buhay. Tulad sa isang kwento kung walang plot twist, walang kontabida at walang panggulo hindi magiging happy ang ending. Madali lang naman yang gusto mong mangyari. Naisip ko nga na magpa-presscon at mag-announce na in public pero naisip ko rin yung consequence ng magiging actions ko. May nakahandang mas malaking pasabog si senator laban kila daddy kung hindi uubra ang plan A at plan B niya. Kailangan paghandaan yun, pag-isipang mabuti ang counter attack dahil kung magpapadalus-dalos, maaari tayong matalo. Gets mo ba baby? " mahabang paliwanag niya.

Tumango ako sa paliwanag niya. Matalino ako pero bakit hindi ko naisip ang lahat ng sinabi niya. Ang gusto ko lang kasi matapos na ang lahat ng gulo, hindi ko inisip ang consequences ng mga solusyong naisip ko. Isa akong Christian pero hindi ko inisip na may Diyos na tutulong sa amin sa sandali ng kagipitang tulad nito. Nagmamadali ako. Nakalimutan ko na Siya ang naglagay at Siya rin ang mag-aalis.

" I'm sorry bhi. I did not think well, I just suggested not thinking about the outcome. My faith seems to have weakened and this should not happened because I am a Christian. Naiintindihan ko ang lahat ng sinabi mo at tama ka, hindi dapat magpadalos-dalos. " malungkot kong sinabi.

" Naiintindihan kita baby. Gusto mo lang na matapos na ang gulo. We're in this together, okay? And we shouldn't give up. " sabi niya tapos lumapit sa akin at niyakap ako. He even showered my entire face with kisses.

" Yes bhi.. Never give up, is our new motto. "

Bago ako matulog ay nanalangin ako ng mataimtim. Bigla akong nagkaroon ng lakas sa lahat ng sinabi kanina ng asawa ko. Tama siya, lahat ng nangyayari ay may rason. At ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon at oras. Nasa atin ang pagpapasya kung paano natin gagamitin ng tama ang panahon na inilaan ng Diyos para sa atin.

KINAUMAGAHAN nagising ako na wala na si Gelo sa tabi ko. Bigla kong naalala na may guesting nga pala sila ngayon sa isang morning talk show para mag-promote.

Si ate Shane na lang ang nasa hapag kainan nung bumaba ako.

" Morning ate!" bati ko kay ate Shane. Napalingon siya agad at ngumiti.

" Morning baby. Kumusta ka naman matapos ang lahat ng mga nangyari kahapon?" seryosong tanong ni ate Shane.

" Ate I'm sorry kung muntik ng madamay si Dindin kahapon." malungkot kong turan kay ate Shane.

" Baby hindi mo kasalanan yon. Sinabi sa akin ng anak ko kung paano mo siya pinrotektahan kahapon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit naisipan ni Gwyneth na kidnapin kayo. " sabi ni ate Shane.

" Para siguro mapapayag na si Gelo sa plano nila ng tatay niya. Kung nakidnap nila kami kahapon, malamang ang hingin nilang kapalit ng paglaya namin ay yung pagpayag ni Gelo. At marahil ito yung plan B nila. "

Next chapter