webnovel

Denied

Shanaia Aira's Point of View

DAYS went by and I haven't seen my baby boy yet since that day he showed me the rest house he bought in Tagaytay. I miss him so much. Kahit na nakakausap ko sya sa phone every night iba pa rin talaga yung nakikita at nakakasama ko sya.

I tossed and turned in bed. Gosh, I miss Gelo so much. I want to call him kaya lang baka nagdu-dubbing pa rin sya at makaistorbo lang ako. Tinatapos kasi nila yung dubbing ng movie, kailangan na makahabol sila sa playdate nito. Pagkatapos ng dubbing magiging busy naman sila sa pagpo-promote nung movie. Kaya si Gelo na lang ang tumatawag sa akin kasi walang kasiguruhan yung oras kung kailan sya walang ginagawa.

Medyo na-excite ako ng marinig ko ang message alert tone ng cellphone ko.Umaasa akong si Gelo ang nag-text.

Mabilis akong bumangon at hinagilap ang cp ko. Gustong lumundag ng puso ko ng mabasa ko ang pangalan nya sa message inbox.

Angelo Montero❤ : baby r u still awake? Napangiti ako ng mabasa ko ang text nya kaya naman mabilis akong nag-reply.

Me : Yeah bhi, why?

Ang tagal nya mag-reply pero maya-maya lang biglang nag ring ang phone ko. Mukha nya ang nakabalandra sa screen. Excited kong sinagot ang tawag nya.

" Hello bhi!"

" Hey baby! How are you? One week na halos hindi tayo nagkikita.I miss you."

" Ako rin naman miss na kita. Gusto na kitang makita bhi. May trabaho ka pa ba? It's almost 12 midnight, wala ka na namang tulog nyan."

" Bakit ikaw hindi ka pa tulog? Nagpupuyat kana naman, may pasok ka pa sa school bukas."

" Kasi naman hindi ako makatulog hanggat hindi ko naririnig yung boses mo, tapos nag-aalala pa ako kung nakauwi ka na ba. Bhi naman kelan ba matatapos yang dubbing nyo,mababaliw na yata ako dito?"

" Hahaha..baby talaga. You wanna see me?"

" Oo naman!"

"Okay !"

" Okay ?" nagtatakang tanong ko then he hang up. Nakakainis yung taong yon bigla na lang akong pinatayan ng tawag.

Padabog akong umupo sa kama ko. Miss na miss ko na sya tapos hindi man lang pinatagal yung pag-uusap namin, pinatay agad yung tawag.

Huh! Gigil nya ko eh!

After a while narinig kong may pumipihit ng door knob ko. Si yaya siguro paiinumin ako ng gatas.

" Hey baby!" nakangiting mukha ni Gelo ang nalingunan ko.

" Bhi! Kainis ka talaga bakit pinatayan mo ako ng tawag? Anong ginagawa mo dito?"

" Hahaha..nasa living room nyo lang ako kaninang kausap kita. Tinawagan ko si yaya Didang para pagbuksan ako ng pinto." paliwanag nya habang palapit sa akin.

Niyakap ko kaagad sya nang makalapit sya sa akin.

" Uhm...miss na miss na kita bhi." turan ko habang hinahalik-halikan ko sya sa balikat.

" Mukha nga, gigil na gigil kana naman sa akin eh." nakangising turan nya.

" Makagigil ka naman dyan! Akala mo sya hindi, eh kanina ka pa pisil ng pisil dyan sa butt ko." sabay tampal ko sa kamay nya.

" Hahaha..miss na miss na rin kaya kita. Tara na nga tulog na tayo." untag nya na nagpagulat naman sa akin ng husto.

" What? Dito ka matutulog?" nanlalaki ang mata na tanong ko.

" Bakit ayaw mo ba? Sige uuwi na ako dun sa condo natin. Magda-drive lang naman ako ng mga 20 minutes tapos medyo inaantok na ako pero kaya ko pa naman." nakalabi pa nyang turan.

" Huy ano ka ba? May sinabi ba akong ayaw ko? Na-surprised lang ako kasi may time ka para makasama ko. Tsaka tigilan mo ako dyan sa pag-pout mo at hindi na bagay sayo, 24 ka na kaya!"

" Hahaha...hindi na ba effective? Kasi naman ikaw ang epic ng itsura mo kanina.Seriously, dito ako matutulog. Nagpaalam na ako kay yaya kanina at pumayag naman sya basta behave lang daw ako." turan nya at nag wink pa sa akin ang damuho.

" Hay bhi hindi uso ang behave sayo pag magkatabi tayo.Sige na mag-shower ka na at aayusin ko na yung pamalit mo." pagtataboy ko sa kanya papuntang bathroom.

" Grabe ka sa akin baby. Humanda ka sa akin mamaya pagkatapos ko dito." banta pa nya saka binirahan na ng pasok sa bathroom.

Pagkatapos nyang maligo at makapagbihis ay tumabi na sya sa akin sa kama. Niyakap nya ako mula sa likuran at hinalikan ang aking ulo.

" How was your day? Tapos na exam nyo?" tanong nya habang panay ang halik sa ulo ko.

" Tapos na kanina.Can I ask you a question bhi?"

" Sure baby." sagot nya at hinarap nya ako.

" Are you really happy with what you are doing? "

" Seriously, medyo nasasanay na ako pero hindi ko masasabing masaya ako. Ang definition kasi sa akin ng masaya ay yung kasama ko ang baby ko tulad ngayon." napangiti ako ng malapad sa sinabi nya. Dyaskeng lalaki ito pinakilig na naman ako.

" Ano ka ba naman bhi more than 5 years na tayo, binobola mo pa rin ako." pang-aasar ko sa kanya.

" Hoy baby hindi ah! Kahit kailan hindi kita binola. Ikaw ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko Aira. Hindi ako mabubuhay ng wala ka." turan nya habang hinahaplos ang pisngi ko.

" Alam mo bhi ako rin naman,ayokong mawala ka sa akin. Sana kahit sumikat kana ng husto bilang artista huwag mo akong kakalimutan ha?"

" Sira bakit ko naman gagawin yun? Mas importante ka kaysa sa career ko baby. Hindi ko hahayaang mangyari sa atin yung mga nangyari sa mga kapamilya natin."

" Sana nga bhi dahil hindi ko alam kung paanong mabuhay ng wala ang pag-ibig mo. Aaminin ko, natatakot ako." sambit ko at isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib nya. Hinaplos naman nya ang buhok ko.

" Baby wala kang dapat ikatakot. Mahal kita. Panghawakan mo yan. Di ba sabi ko naman sayo magtiwala ka lang sa akin at sa akin ka lang makikinig. Okay ba baby?" turan nya at inangat ang baba ko upang kintalan ako ng mabilis na halik sa labi.

" Okay po."

" Ako ang maghahatid sayo bukas sa med school then tutuloy ako sa office ng movie producer namin kasi may tv guesting kaming mga cast sa isang noontime show. May live interview ako sa The Showbuzz mamayang gabi with tito Roy." sabi nya na parang nagkwe-kwento lang habang panay ang haplos sa braso at balikat ko.

" Wow ang busy ng buong araw mo ha? Panigurado kulang kana naman sa tulog nyan." turan ko.

" Hindi naman, after nung live interview wala na akong gagawin kaya pwede na akong umuwi ulit sayo dito."

" Haha.seryoso? Gusto ko yun!" natutuwa kong sambit.

" Ako rin syempre, alam mo na baby." pilyong ngisi nya sabay kindat sa akin.

" Hahaha..sira! Matulog na nga tayo puro ka kalokohan." untag ko sa kanya.

After we said our prayers we both drifted to sleep.

KINABUKASAN, si Gelo nga ang naghatid sa akin then tumuloy na sya sa office ng movie producer. Nung lunchtime na ay tumawag sya sa akin upang ipaalala na kumain ako sa oras. Siya naman ay kasalukuyang papunta na sa studio ng isang noontime show para sa promotion ng movie nila.

Nung hapon ay si Mang Simon ang sumundo sa akin, wala akong dalang kotse dahil si Gelo ang naghatid sa akin nung umaga.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad ako ni Dindin. Masayang ipinakita ang pasalubong ni Gelo sa kanya kagabi. Isang complete set iyon ng Barbie. Niyaya nya ako na laruin namin kaya pinagbigyan ko naman saglit.

Nang nagpapahinga na ako sa room ko ay bigla kong naalala yung live interview ni Gelo sa isang talk show, yung The Showbuzz ni tito Roy. Nagtataka ako kung bakit hindi nya ako sinabihan kanina na panoorin ko sya. Naisip ko naman na dahil siguro nasa school naman ako kaya hindi na sya nag-abiso.

Gayunpaman binuksan ko na rin ang tv na nasa room ko. Eksaktong nag-uumpisa na ang talk show at pinakilala na ang mga guest. Nakita ko ang gwapong boyfriend ko sa screen. Nakaramdam naman ako ng sobrang pagmamalaki dahil nakikita ko na ulit sya sa tv. Feeling ko kasing sikat na rin sya kagaya ng dalawa nyang kasama sa movie.

Ini-interview na sila, umayos ako ng upo sa kama ng sya na ang tatanungin ni tito Roy.

" Gelo Montero, ikaw ang pinaka bago dito sa movie.I mean after so many years ng pananahimik mo, ito bale ang come back movie mo. Pero ayon sa mga kasama mo,para ka rin daw hindi nagpahinga sa pag-arte. Napaka-husay mo pa rin.Napakagaling mo rin daw sumayaw at maganda rin ang boses mo.Hindi kaya dahil ito sa dugong nananalaytay sayo bilang anak ng mga artista?"

" Una po sa lahat, salamat po sa magandang feedback sa akin. Siguro nga po dahil sa dugong nananalaytay sa akin kaya maayos ko pong nagagawa ang trabaho ko pero gusto ko pong makilala ako ng mga tao bilang ako na may talentong galing sa Diyos at hindi bilang si Gelo na anak ng artista."

Nagpalakpakan ang mga tao sa studio at maging ako ay sobrang proud sa sagot nya. Muli syang tinanong ni tito Roy.

" Ayon sa isang source, nung nawala ka sa showbiz,madalas ka raw makita sa bahay ng mga Gallardo. Totoo ba na may relasyon kayo ng bunsong kapatid ni Shane Gallardo? Girlfriend mo nga ba ang bunsong Gallardo?"

Nakita ko na medyo natigilan si Gelo sa tanong ng host. Ako naman ay kinakabahan sa magiging sagot nya. Itinutok kong maigi ang mata ko sa screen ng hawakan nya ang mike para sumagot.

" Totoo pong madalas ako sa bahay ng mga Gallardo. Unang-una po magkakaibigan ang mga magulang namin dahil sa showbiz at politics. Pangalawa mag best friend po kami ni ate Shane. At yung tungkol naman po sa bunsong kapatid nya, hindi ko po sya girlfriend, siya po ang pinaka matalik kong kaibigan."

Shock ako sa sagot ni Gelo. Hindi ko namalayan na tumulo na lang bigla ang luha ko sa narinig ko mula sa kanya. Sa inis ko ay pinatay ko na ang tv at nahiga na sa kama.

Five years na kami pero bakit ganon ang binitawan nyang sagot?

Nakakasakit ng loob.

Bakit nya ako ikinaila?

Next chapter