webnovel

ALONE

Shanaia Aira's Point of View

IT'S ALMOST lunch time ng tumawag ang daddy ni Gelo at sinabing kailangan na nyang magmadali papuntang ospital dahil nagkamalay na daw si tita Sylvia. Eksaktong kakauwi lang namin sa bahay dahil sinundo namin si Dindin sa school.

" Baby I have to go,tatawagan na lang kita mamaya pagdating ko ng ospital." paalam ni Gelo sa akin.

" Bhi sama na lang ako sayo,si yaya Didang na lang muna ang bahala kay Dindin."

" Okay hurry up, dad's waiting."

Nagpunta muna ako sa room ni Dindin at nagpaalam sa kanya then nagbilin lang ako kay yaya Didang na sya muna ang mag-asikaso kay  Dindin habang wala ako pagkatapos sumunod na ako kay Gelo na naghihintay na sa akin sa labas.

Tahimik lang si Gelo nang pagbuksan nya ako ng pinto sa passenger's seat. Alam ko na kahit sinabi ng daddy nya na gising na si tita Sylvia ay nag-aalala pa rin sya para dito. He intertwined our fingers na gaya ng nakagawian na nya habang nagda-drive at ramdam ko ang tensyon sa kanya dahil nanlalamig ang kanyang palad.

" Bhi stop worrying,everything will be fine." tumingin sya sa akin at bumuntung hininga.

" Baby nag-aalala lang ako kay tita, alam mo naman na sya ang naging nanay namin nung maghiwalay ang parents namin. Hindi na nga sya nag-asawa dahil sa amin ni ate. Kung ano man ang mangyaring hindi maganda kay tita ngayon,hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

" Bhi it's not your fault!"bigla kong sambit.

" Yeah maybe pero nagsisisi ako dahil hindi ko sinunod ang pakiusap nya noon na bumalik ako ng showbiz." malungkot nyang turan.

I sigh. I felt guilty. Isa kasi ako sa dahilan kung bakit ayaw pagbigyan ni Gelo si tita Sylvia sa gusto nito na bumalik sya ng showbiz.

" Bhi I'm sorry." nakayuko kong turan.

" No baby,don't blame yourself. Alam mo naman na kahit noong wala ka pa sa buhay ko, hindi ko gaanong gusto ang mundo nila di ba? Mas priority ko ang pag-aaral pero dahil nasa dugo namin kaya ako pumasok noon."

Hindi ako kumibo. Totoong ayaw rin nya sa showbiz dahil sa nangyari sa mga parents nya, wala lang syang magawa noon para tumanggi. At lalo lang nadagdagan ang pag-ayaw nya ng dahil sa akin,lalo na sa pinagdaanan namin ng pamilya ko. Naranasan din nya yun dahil siya ang karamay ko nung mga panahong yun at hanggang ngayon katuwang ko pa rin sya sa pag-aalaga kay Dindin.

" Bhi kung hilingin uli ni tita Sylvia sayo yun,papayag ka na ba?" pikit matang tanong ko.

" I don't know baby, I don't know. I'll just cross the bridge when I get there."

Parang may konting kaba na dumaan sa dibdib ko sa sagot nya. Alam ko naman na naguguluhan pa sya sa  ngayon pero hindi malayong mapilitan syang sumunod kung sakaling pakiusapan syang muli ni tita Sylvia. Kahit tutol ang kalooban ko sa mundo ng showbiz,alam ko sa sarili ko na hindi ko sya kayang hadlangan.Siguradong papayag rin ako kung sakali man dahil ayokong mahirapan si Gelo na mamili sa aming dalawa ni tita Sylvia.Mahal na mahal ko sya at kahit na magdesisyon sya na balikan na ang showbiz , buong puso akong susunod at susuporta sa kanya dahil kahit kailan especially during the lowest and saddest  part of my life,hindi ako binitawan ni Gelo. Kaya kahit na ano man ang mangyari ngayon,sisiguraduhin ko na mararamdaman ni Gelo na karamay nya ako.

Nakarating kami ng ospital at agad na pumunta sa ICU dahil yun ang sabi ni tito Archie nung tumawag sya sa amin. Pagdating namin dun,nadatnan namin si ate Arienne at tita Mindy na umiiyak. Biglang humigpit ang hawak ni Gelo sa kamay ko tanda ng kinakabahan din sya sa nadatnang tagpo.

" D-Dad w-what happened?" kinakabahang tanong nya dahil medyo nautal sya ng magsalita.

" The driver is out of danger,nailipat na sa private room pero si ate Sylvia,hindi maganda ang lagay nya Gelo.Nagising sya kanina pero nag-histerical sya nang hindi nya maramdaman ang mga binti nya. Pinatulog na muna uli sya baka tumaas naman ang blood pressure nya sa sobrang pag-histerical. Anak may possibility na mawalan sya ng mga paa at nagdesisyon na kami ng mommy mo na dalhin sya sa mga espesiyalista sa America baka sakaling masalba pa ang mga paa nya."

" Oh God! Dad kumilos na po tayo as soon as possible baka sakaling masalba pa ang mga paa ni tita."

Tito Archie nodded. Tanda ng pag sang-ayon nya sa suggestion ni Gelo.

" Sige maiwan ko muna kayo dito, kakausapin ko muna ang doktor nya at hihingi na rin ako ng tulong kay Senator Guariño para magamit ang private plane nya upang mapabilis ang byahe. Sasama ka ba anak o kami na lang ng ate at mommy mo?" tanong ni tito Archie kay Gelo.

Tila nag-aalangan syang sumagot. Tumingin muna sya sa akin at bahagya naman akong tumango bilang pag-sang ayon. Mas kailangan sya ng pamilya nya ngayon at naiintindihan ko kung sila muna ang mas uunahin nya. Family should always comes first.

Umalis na si tito Archie para kausapin ang doktor. Sumabay na rin si tita Mindy at ate Arienne para kumain dahil nagugutom na raw sila at kami naman ang pinagbantay.Niyakap ako ni Gelo at iginiya paupo sa waiting area.

" Baby are you sure?" tanong nya tungkol dun sa pagpayag ko na sumama sya sa America.

" Oo naman bhi,kailangan ka nila tito Archie dun. Alam ko kung gaano mo kamahal si tita Sylvia at naiintindihan ko ang pag-aalala mo sa kanya. Huwag mo akong intindihin, kaya ko naman alagaan si Dindin, nandyan naman si yaya Didang. At isa pa,siguradong hahanapin ka ni tita Sylvia pag nagising na sya."

" Oh thanks baby for understanding. Kapag maayos na ang lagay ni tita uuwi agad ako."

" Hanggat kailangan ka nila dun bhi ayos lang sa akin.Kung pwede nga lang ako sumama,sasamahan din kita dun."

" It's okay , kawawa naman si Dindin kung sasama ka rin. Basta hintayin mo ako, once tita Sylvia gets better, I'll be home as soon as possible ."

Humilig ako sa dibdib nya at hinalikan naman nya ako sa ulo ko.

" I will miss you bhi." sambit ko.

" Me too baby. I will miss you more."

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa makabalik sila tita Mindy at ate Arienne.

" Anak tumawag ang daddy mo,ayos na daw yung private plane. Umuwi ka muna para kumuha ng gamit na dadalhin mo, isama mo na itong ate mo para sya na ang kumuha ng gamit namin. I'll wait for you two here. Aira sasama ka ba anak?" humahangos na turan ni tita Mindy.

" No tita, as much as I want to wala naman pong kasama si Dindin. I'll pray for tita Sylvia's safety and fast recovery na lang po. Ingat po kayo dun." sagot ko.

" Oh salamat anak malaking bagay ang panalangin. Ingat ka rin. Mawawala saglit si Gelo sa tabi mo." turan ni tita Mindy.

" I'll be fine tita. Sige po uuwi na po kami."

" Sige mga anak bilisan nyo lang."

Hinatid muna namin si ate Arienne then babalikan na lang uli sya ni Gelo pagkatapos nyang mag-empake at maihatid ako sa amin.

Sumama muna ako kay Gelo sa condo para ipag-empake sya. Naging mabilis ang kilos namin dahil kailangang makabalik agad sila ni ate Arienne sa ospital. Nang matapos ay isinara ni Gelo ang condo unit at nagmamadaling pumunta na kami ng parking lot para ihatid naman ako sa bahay namin.

Nang makarating kami sa bahay namin ay nagpatawag na lang sya ng taxi sa guard para maghatid sa kanila ni ate Arienne sa ospital. Iiwanan na muna nya ang kotse nya sa amin.

Habang hinihintay ang taxi ay panay ang bilin nya sa akin.

" Baby ikaw na muna ang bahala kay Dindin.Mag-iingat ka sa pagda-drive kapag sinusundo mo sya sa school. Don't skip meals and don't forget to take your vitamins."

" Grabe sya. Para naman akong bata nyan sa dami ng bilin mo."

" Baby nagpapaalala lang. And also huwag mong kakalimutan mag-online para mag Skype tayo."

" Okay boss copy." biro ko kahit sa totoo lang naiiyak na ako.

" Shh.don't cry mahihirapan akong umalis." sambit nya at niyakap ako ng mahigpit.Pinigilan ko naman yung luha ko.

" Mami-miss kita bhi. Ingat ka dun ha? "

" Of course I will. Ingat din baby." then he kissed me passionately. We pulled out from the kiss ng marinig na namin yung pagbusina ng taxi.

" I have to go. Yung mga bilin ko ha? I love you baby." paalam nya and give me another peck on the lips.

" I love you more. Ingat ha?"

He just nodded at sumakay na sa taxi.Pero maya-maya lang ay humahangos sya ulit pabalik sa akin.

" Why? May nakalimutan ka ba? " tanong ko.

Hindi sya kumibo bagkus ay niyakap ako ulit at hinalikan sa pisngi.

" Parang ayokong umalis baby, ang hirap! Hindi ko yata kayang iwanan ka." mabigat sa loob na wika nya.

" Bhi hindi naman pwede yun, pamilya mo si tita Sylvia. Huwag mo akong intindihin, kakayanin ko. Sige na naghihintay yung taxi oh!"

Kumilos na sya para bumalik dun sa taxi pero ayaw bitawan yung kamay ko.

" Huy bhi, bitawan mo na ako." natatawa na ako sa kanya. Natatawa na rin sya nung bitawan nya yung kamay ko tapos tumalikod na para umalis.

Nakakailang hakbang pa lang sya nang...

" Promise baby isa na lang." nagulat pa ako dahil heto na naman sya at humahalik sa akin.

" Hahaha. ano ka ba naman bhi. Yung driver naiinip na oh." natatawa ko na syang tinulak papunta dun sa taxi. Kahit ayaw pa nya eh wala na syang nagawa kundi sumakay na.

Malayo na ang taxi ay panay pa rin ang kaway namin.

Nang makalabas na sa village namin ang taxi ay saka ko lang pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

I'm gonna miss you Gelo.Hindi ko alam kung makakatagal ako na hindi kita kasama.

I know it's hard to be alone.

Salamat sa patuloy na nagbabasa at nagvo-vote.

Salamat din sa mga silent readers.

God bless everyone.❤

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter