webnovel

Chapter 42 | Start of Something New

Chapter 42 | Start of Something New

Kyle Ethan's POV

"Ayos na ba ang lahat?"

Napatingala ako mula sa pagbabasa nang biglang nagsalita si Kira. "Yeah. Nasabihan ko na rin sina Mommy sa palasyo at ang iba pa. Nakahanda na rin ang lahat ng mga dadalhin at gagamitin natin."

Napatango naman siya sa 'kin. "Good. Makakapag-relax na din tayo sa wakas." Nag-inat siya at pabagsak na inihiga ang katawan sa sofa.

Sinara ko na ang binabasa kong papeles na nakalagay sa isang puting folder at luminga sa paligid. "Where's Vince?"

He shrugged. "I don't know. He's been missing in action these past few days."

Napatango ako. "Well, let's just give this to him. Paniguradong nagpapalipas lang ng oras 'yon."

"Yeah." Kira sighed while staring at the ceiling. "Wala pa rin bang impormasyon tungkol sa kanya?"

Tumayo na ko at kinuha ang mga gamit ko. "Wala pa rin, eh. May bagong report na dumating. Pero wala pa rin talagang nakakakita sa kanya." I put my jacket on. "Alis na ko. Pupuntahan ko pa si Nicole."

Nakakunot ang noo na tinitigan naman niya ang dala ko. "Saan mo gagamitin 'yan? Aalis ba kayo?"

Natawa naman ako. "No. I just feel that she can use this later."

-----

Nicole Jane's POV

Time flew so past. I was just a little girl back then with a simple wish in life.

To have freedom and be at peace.

Mom and Dad used to isolate me in the house since I don't know when. They are always telling me not to go outside or talk to other people. I don't even got a chance to have a circle of friends.

And when I finally have the opportunity to have some, I then found out that they were just using me. Like, what the hell?

I have my bodyguards always with me. True enough, it irritates me so badly. If there is a need to go for a school trip or camping, they will not allow me. If a group report is required, it should always be done to our house.

That's why I am always wondering before why they are too strict.

But now I already know why. The reason is crystal clear.

"Hey, Nicole! Gising na! Baka mahuli pa tayo sa klase."

My eyes wide opened when I realize what is the day today. Dali-dali akong napabangon. "Oh, shit! Sige mauna ka na. Mag-aasikaso lang ako saglit at aayusin ko lang muna ang mga gamit ko."

She looked hesitant at first and I just rolled my eyes. "Oh, please! Stop me with your protector duty. May kailangan ka pang daanan sa library, 'di ba?"

Naalala ko kasi na nabanggit niya ang tungkol do'n sa 'kin kagabi. Sasamahan ko pa nga dapat siya pero ito nga at napasarap ang tulog ko.

Napailing na lang siya at natawa. "Okay. I'll go ahead then." Tumalikod na siya at naglakad paalis.

I looked up at the wall clock. It's already 7:20 am. May forty minutes pa bago magsimula ang klase.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang lumitaw ang ulo niya sa pinto. "Oo nga pala. Inayos ko na ang mga gamit mo. You're welcome!" s

She waved a hand before she completely vanished from my sight.

Napailing na lang ako at napangiti. Napatingin naman ako sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko at wala na nga ro'n ang nagkalat kong notes na nakatulugan ko na kagabi.

Dali-dali na kong tumayo at nag-asikaso.

Today is the start of the finals week. Paniguradong zombie mode na naman ang lahat ng mga estudyante rito.

Napakunot noo naman ako nang maalala ko na naman ang tungkol sa panaginip ko kanina. Ang weird lang.

Pagkatapos kong mag-asikaso ay agad na kong lumabas ng bigla kong matigilan.

I looked at the left door beside ours.

For a moment, sadness envelopes me.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko siyang namiss. 'Yong isang taong palaging nangungulit sa 'kin. 'Yong parating nakabuntot at nag-aabang sa 'kin para sabay kaming pumasok. 'Yong sa tuwing naglalakad kayo ay walang preno ang bibig niya sa kakasalita.

But right now, despite of everything that she has done, I am still hoping that she is fine whenever she is right now.

And that we will be given a chance to be reunited again. Because I know that there is still goodness in her heart.

"Tutulala ka na lang ba riyan? Mahuhuli na tayo."

His deep voice made me back at my senses. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niyang tumatama sa batok ko.

I turned to him and smiled. "Let's go."

He held my hand and it just feels so good.

"Wala pa rin kaming balita kung nasaan na siya," Kyle informed as if he knows what I am thinking.

Napatango na lang ako at mas humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"You know that I won't stop until I see her again, right?" biro ko sa kanya pero seryoso lang ang gwapo niyang mukhang nakatingin sa 'kin.

"Hey, don't look at me like that. I'm fine," I assured him.

Pero gano'n na lang ang gulat ko at nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla na lang niya kong hinalikan.

Kinurot ko siya sa tagiliran pero tumawa lang ang loko. "Ang PDA mo talaga kahit! Kita mong ang daming estudyante, eh!"

Papasok na kami sa mismong academy ngayon at halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa 'min. Ang iba naman ay nagbubulungan pa.

Pero siyempre ay hindi rin mawawala ang mga matang ang sama kung makatingin at 'yong iba naman ay wagas kung makairap.

Oh, well. Ang halos lahat naman ng naiinis sa 'kin hanggang ngayon dito ay ang mga taong estudyante. Malay ba naman nila kung sino ako? Kung sino kami?

"Just don't mind them. All of them here knew that you are mine anyway." He winked and I swear that my cheeks blush.

Inirapan ko na lang siya at nauna ng maglakad. Natatawa naman siyang humabol at sumabay sa 'kin. Naiinis ako pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na kiligin. Kaya mas lalo akong naiinis!

"Ang cute talaga ng babe ko kapag galit." Tinusok-tusok pa niya ang pisngi ko at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Magtigil ka Mr. Clarkson at baka mawala ang lahat ng ni-review ko!"

He chuckled and held my hand again. Totoo naman kasi. Baka sakupin na naman niya ang laman ng isip ko. Nasakop na nga niya ang puso ko, eh.

Napangiwi naman ako nang dahil sa naisip. What the hell?

Tahimik na naming binaybay ang pasilyo patungo sa classroom namin. I can't help but to look around. Everything seems so normal. Humans are still not aware of the vampire's existence. And Vampire's still manage to deal with humans normally.

Pagpasok namin ay sakto lang na kasunod namin si Sir Martin. Nandito na rin sina Kira, Hiro at Steph. Napailing na lang ako nang mapansin na kulang sila.

Dumaan ang maghapong exams at halos matuyo ang utak ko. Pero masasabi kong kampante naman ako sa mga naging sagot ko dahil isang linggo rin akong nagpakasubsob sa pag-aaral.

"Sa wakas! Ilang araw na lang at summer break na!" Hiro said with a big smile on his face.

Nandito kami ngayon sa office ng Student Council. May mga ilang bagay lang kaming kailangan pang asikasuhin para sa nalalapit na summer break.

"At graduation," Kira added.

Yeah. Graduation is about to come as well. Marami kaming kailangang asikasuhin dahil ilang araw na lang ay tuluyan na naming lilisanin ang academy. Sina Miley, Reiri at ang bagong mga magiging officers na ang mamamahala sa kapakanan ng mga estudyante rito sa susunod na pasukan.

Just the thought itself made me sad already. Halos isang taong lang ako rito pero sobrang daming memories ang hindi ko malilimutan dito.

"Buti pa kayo." Rei pouted. "Pero excited na kong pumunta sa beach!" she added dreamily.

"Me too!" Miley giggled.

Napangiti naman ako. Maging ako ay excited na rin. I know that it will be a big help for each one of us if we go to the other place just for a while.

I roamed my eyes. Bihira kong makita si Vince ngayon. Hindi ko na rin naman kinulit pa si Steph at hinihintay ko na lang na kusa siyang magsabi sa 'kin. Now I wonder what really happened to the two of them after that night.

Natigilan naman ako nang maramdaman kong tila may nakatingin sa 'kin.

I looked around and saw Kyle looking at me intently. Napakunot noo ako.

"What's with that stare?"

He sighed and held my hand. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong hinila palabas.

Hindi na ko umimik at hinayaan na lang siya na dalhin ako sa kung saan. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakarating na pala kami ng kagubatan.

We stop in front of a tree and my brow arched when he bends down on his knees with his back facing me.

"What are you doing?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hop on," he said seriously and I just laughed. Parang alam ko na kung saan niya balak pumunta.

I looked up. Nasa harap pala kami ng isa sa pinakamataas na puno rito sa kagubatan. "Minamaliit mo ba ko? I can go up there by myself." I stuck my tongue out of him.

"I know. Pero wag ka ng panira ng moment. I was being romantic here so just hop on," he said irritably.

Hindi ko alam kung matatawa o kikiligin ako sa pinagsasabi ni Kyle ngayon. Pero ramdam ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko.

"Okay." Nakangiti kong ipinalibot ang mga braso ko sa leeg niya. I rested my head on his back and I can't help but to smile.

Mabilis pero maingat na inakyat ni Kyle ang mataas na puno. Samantalang ako naman pakiramdam ko ay lumilipad ako sa alapaap. Tapos ang bango-bango pa niya.

Nang makarating kami sa pinakatuktok ay dahan-dahan niya kong inupo sa isa sa mga sanga ro'n.

"Wow." I can't help but to amazed by the beautiful view in front of me.

Kitang kita rito sa puwesto ko ang buong academy at maging ang buong kagubatan. Sobrang lakas at lamig pa ng hangin kaya mas lalo lang nakakagaan sa pakiramdam. Ngayon ko lang nakita ang kagandahan ng buong lugar sa kabuuan. It seems like we're on an island since there are also river and falls!

"You like it?"

Napatingala ako dahil nakatayo sa tabi ko si Kyle.

I shook my head at him. Natawa naman ako nang magsalubong ang mga kilay niya. "I love it," I said as a matter of fact.

Ginulo naman niya ang buhok ko at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Much better."

Ang saya sanang kuhanan ng picture ang paligid. Kaya lang ay wala naman akong dalang camera.

"Here."

My eyes widened in disbelief when he handed me a DSLR.

"Where did you get that? Did you make some magic?" namamangha kong tanong sa kanya. Wala naman kasi kaming dalang kahit ano ng pumunta kami rito, eh. Dahil bigla-bigla na lang siya nanghila. Hindi tuloy ako nakapaghanda.

"Nandito na talaga 'yan. Iniwan ko kanina. I know how you love to take lots of pictures."

"How did you know that? Hindi ko naman nabanggit sa 'yo ang tungkol do'n, ah," nagtataka kong tanong.

Actually, I do really love to take some pictures. Isa 'yon sa mga bagay na nakahiligan ko mula no'ng bata pa ko.

At kahit maging no'ng nabubuhay pa ko sa nakaraan.

With that, I think I already knew the answer.

He smirked. "Have you figured it out already?" Umupo na siya sa tabi ko at ipinulupot ang braso niya sa beywang ko na para bang nakaalalay.

I nodded and rested my head on his shoulder, then whispered. "Thank you." Kinuha ko mula sa kanya 'yong DSLR at kinalikot 'yon.

Now I can say that being beside of Kyle Ethan Clarkson is the best place that I can ever be.

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Babe, smile." Natawa naman ako ng kunot noo siyang napatingin sa 'kin.

And right at that moment, I captured the most beautiful and amazing view that I have ever seen.

ตอนถัดไป