webnovel

Chapter 26

ELLA

"Kyah! Dinaig pa tayo!" Tiling sabi ni Melissa.

"HAHAHA!"

Halos mamatay na si Mira sa pula ng mukha niya dahil sa kakatawa.

Si Myra naman ay napapailing nalang at napapangiti dahil sa mga litratong kinuha ko.

"Ella naman eh! Ba't mo kasi kami pinicture-an?!" Nagmamaktol na sabi ni Nicholas at halos mangiyak ngiyak na siya sa upuan niya.

Natawa naman ako at binelatan siya.

Pasimple ko lang kasi silang kinuhanan ng litrato kagabi. Huli na nila napansin dahil napicture-an ko na silang lahat at naisend ko na kila Mira ang litrato nila.

Nang makita nila ang ginagawa ko ay hinabol nila ako pero ni hindi man lang nila ako mahabol at mahawakan ni hibla ng buhok ko.

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang katabi ni Nicholas.

"It's not that bad. At least we know that I'm still good-looking even if I was born as a girl."

Umikot naman ang mata naming mga babae at napa "Tss." Ng sabay sabay.

"Aray ha! Nakakasakit yang ganyang reaksyon niyo!"

Natawa naman ako at tinapik ang balikat ni Jeremy.

"Okay lang yan. Atleast ma—"

Naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko na kinuha ni Mira at inabot sa akin.

"Ella! May tumatawag sa phone mo."

Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag.

"Hello? Sino to?" Nakangiting bati ko pa sa nasa kabilang linya.

"E-ella. Help u-us."

Agad akong nabato sa kinatatayuan ko ng marinig ang pag iyak at paghingi ng tulong ng isang babae.

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi.

Umiiyak siya.

Bumundol ang kaba sa dibdib ko at nanginginig na ang kamay ko na may hawak ng cellphone.

"B-bakit ka napatawag?" Mahinahong tanong ko sa kabilang linya at pinilit hindi ipakita ang panghihina ko.

MIRA

Nang sagutin ni Ella ang tawag ay biglang lumungkot at nanginig ang kamay niya.

Napakunot noo naman ako ng mahinahon niya itong tinanong.

'Sino ang kausap ni Ella?'

Ilang sandali pa ay nanlaki ang mata ni Ella at agad na kumilos para ayusin ang gamit.

"Ella. San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Nicholas sa kanya.

Pero ni hindi niya man lang ata narinig ang tinanong ni Nicholas dahil mabilis siyang kumilos papunta sa pintuan.

Walang lingunan siyang tumakbo paalis ng room at ni hindi man lang nagpaalam sa amin.

"Ella!" Pahabol na sigaw pa ni Melissa pero hindi din siya pinansin.

'Hindi siya natataranta ng ganyan. Sino ang kausap niya?'

Bago pa man ako gumalaw at kunin ang gamit ko ay laking gulat ko ng sabay sabay na kinuha ng apat na lalaki ang gamit nila at tumakbo din palabas ng room.

NICHOLAS

Hindi pa man kami nakakapag isip ng maayos ay kusang gumalaw ang katawan namin para kunin ang gamit namin at sundan si Ella.

Nang matanaw namin si Ella na tumatakbo ay mas binilisan pa namin ang paghabol sa kanya.

Naunang nakapunta si Alvin sa kinaroroonan niya kaya naman hinablot niya ang kamay ni Ella.

Napahinto kaming tatlo nang parang nag slow motion ang lahat nang hilahin ni Alvin ang kamay niya. Napayakap si Ella sa kanya at hindi ko nagustuhan ang sumunod na nangyari.

'Umiyak si Ella.'

Nang makahabol kami sa kanilang dalawa ay narinig nalang namin ang huling sinabi ni Ella.

"Puro nalang kamalasan."

Hinagod naman ni Alvin ang likod ni Ella at pinatahan.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa nakikita ko ngayon.

'Damn it Alvin!'

MELISSA

Lihim akong napangiti ng may makita akong spark sa dalawa habang pinapatahan ni Alvin si Ella.

Napailing naman ako sa naisip ko.

'Engot ka talaga self! Kita mong umiiyak na kaibigan mo naisip mo pang kiligin!'

Ilang sandali pa ay tumigil na sa paghikbi si Ella pero nakayakap pa din siya kay Alvin.

"Mel."

Halos mapatalon ako dahil sa pagtapik at pagtawag ni Mira.

"May alam ka ba sa dalawang yan?" Tanong nito sa akin at kuryoso din ang mukhang nakatingin sa dalawa.

Napangiti naman ako at napailing.

"Wala bes."

Halos mangisay na kaming dalawa ni Mira dahil sa magkayakap na si Ella at Alvin.

"Magtigil nga kayong dalawa jan." Saway ni Myra sa amin na di namin namalayang tumabi na pala sa amin.

Magsasalita pa sana ako nang mapansin ko ang paglayo ni Alvin kay Ella.

Itinaas nito ang mukha ni Ella para magtama ang mga mata nila.

'Sheet! Ganyan ang damoves!'

Pinunasan ni Alvin ang mata ni Ella at hinawakan ang kamay.

'Kyaaaah! Mamamatay na ko sa kilig!'

Nang ilibot ko ang mata ko sa dalawa kong kaibigan. Nakita ko kung paano kumislap ang mata nila. At nang tignan ko naman ang tatlong lalaki ay laking gulat ko nalang ng makitang madidilim ang mukha nila at nakakunot ang noo. Hindi din pinalagpas ng mata ko ang pagsulyap nila sa dalawa at ang pagkuyom nila ng kamao nila.

'Pati si Nicholas.'

Napabuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Tinignan ko naman si Ella na ngayon ay seryoso na at hawak pa din ang kamay ni Alvin.

Lahim naman akong napangiti.

'Talo ako Ella.'

MYRA

"Let's go." Aniya ni Alvin na ikinataka namin. Nakatingin na din sa amin si Ella na namumugto ang mata.

"San tayo pupunta?" Tanong ni Mira na halos masampal ko na ang sarili dahil sa ipinapakita niya ngayon.

'That emotionless face. This is the first time I saw her like that without anything else involved.'

Nang mapansin ni Mira ang pagtingin ko sa kanya ay agad siyang bumalik sa normal niyang ekspresyon at ngumiti sa akin.

"Hospital." Malamig na sabi ni Ella at binitawan na ang kamay ni Alvin.

Napatingin naman ako sa nagsalita sa tabi ko.

"We're visiting someone?" Tanong ni Rence na sa wakas ay nagsalita din.

Tumango naman si Ella at ngumiti ng maliit.

'Ngiting nasasaktan.'

"My mom."

"ANO?! YUNG BRUHA?!" Malakas na sabi ng dalawang maingay sa tabi ko.

'Just what I thought. Her family is her own weakness.'

This is the reason why she stopped 'that' thing.

Next chapter