webnovel

Chapter 14

ELLA

"Wow! So you mean you saw Nicholas Ford?!"

Napatakip naman kami sa tenga dahil sa tili ni Melissa.

"Shut up Mel! I'm getting annoyed of your little voice!" Inis na sabi naman ni Myra.

"How can I shut up when this girl right here saw my future boyfriend?! Wah! You're so lucky Ella!" Tuloy tuloy na sabi ni Mel at niyakap ang braso ko.

Natawa naman ako sa inaasal niya ngayon.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Isa itong abandonadong park kaya naman enjoy namin ang malawak na playground na ito dahil walang mga taong dumadayo dito. Kinuwento ko kasi sa kanilang tatlo yung part na nakilala ko si Nicholas tapos yung manyakis. 

"Melissa, I never thought you had this jolly attitude when it comes to that guy. Hahaha!"

Napatingin ako kay Mira na parang manghang mangha sa nakikita niyang bagong ugali ni Mel. Inirapan naman siya ni Mel at pinalipad ang buhok sa ere.

"Hmph! I don't care!"

Napailing nalang kaming lahat kay Mel at nagpatuloy nalang sa pagkwekwentuhan.

"Anyways, Ella. Can I ask you something?" Tanong ni Mira sa akin.

Nagkibit balikat ako at ngumiti ng alanganin.

"Well, you're already asking hehe."

Sinamaan ako ng tingin ni Myra at inirapan naman ako ni Mel. Samantalang hindi naman nagreact si Mira sa sinabi ko.

'Hmph. They don't appreciate my joke.'

"What happened after all those happenings with them? How did your family react?"

Nginitian ko siya at tumawa ng mahinhin.

"Wala naman. Pinagsabihan lang ako ni mama."

Tumalim naman ang titig niya sa'kin at ngumisi ng nakakapangilabot.

"Why are you wearing a sweater right now? I thought you always liked the cold?"

Napatigil ako sa pagngiti at yumuko ng marahan.

"A-ano bang sinasabi mo jan? Ha-ha-ha. Medyo masama kasi pakiramdam ko eh. K-kaya nilalamig ako ngayon."

May humablot naman sa dalawa kong kamay at itinaas ang sleeves ng sweater ko.

"ELLA! WHAT IS THIS?! How come you have so many bruises?!" Sigaw ni Myra sa akin.

Medyo nagulat pa ako sa pagsigaw niya dahil saming lahat siya ang may pinakamahabang pasensya.

Uh-oh.

'I'm dead!'

Hinila ko ang kamay ko sa kanila at ibinaba ang sleeves ng sweater ko. Humarap ako sa kanila at ngumiti.

"Th-That's nothing. I just got into a fight."

Hindi naman sila naniwala sa sinabi ko at pinalibutan ako ng tatlo.

Unang humakbang papalapit sa akin si Melissa.

"Got into a fight? Your enemy must be very super duper strong to give you bruises like that."

Pangalawa namang naglakad papalapit sa akin si Myra.

"Oh come on! Ella? Got beaten up? That's impossible!"

Last na humakbang papalapit sa akin si Mira.

"Unless you didn't fight back against your enemy. Tell us Ella, who did this to you?!" Pasigaw na tanong ni Mira sa harap ko.

"It doesn't matter!" Sambit ko at tumalikod na paalis sa kanila.

Pinalo kasi ako ni mama ng kahoy sa katawan. Isang way niya daw ng pagdidisiplina yon dahil hindi ako umuwi sa bahay.

Huminto ako at yumuko dahil naramdaman kong may papalapit na gamit sa ulo ko. Pagkalapag ng gamit na iyon sa lapag ay nakita kong libro pala yon.

'Libro ni Myra.'

Naglakad na uli ako paalis pero this time itinagilid ko ang ulo ko pakanan dahil sa binato sakin. Heels na 5 inches naman ngayon ang muntik ng dumapo sa ulo ko.

'Heels ni Mel.'

'One more person to go.'

Hindi ako tumigil sa paglalakad dahil alam kong may binabalak din si Mira sa akin.

'Tss. Paa.'

Tumalon agad ako at hinuli ang paa ni Mira na muntik ng tumama sa tagiliran ko.

Tinignan ko ang itsura ni Mira na ngayon ay naiinis na at parang kaunting asar mo pa sa kanya ay madadala kana sa ospital at titira doon ng ilang buwan.

Binitawan ko na ang paa ni Mira at humarap muli sa kanila.

"Ayan tayo eh. Ba't niyo ko tinitira patalikod?" Asar na tanong ko sa kanila at nagpameywang.

Kanya kanyang ekspresyon naman ang ipinakita ng tatlong ito.

May isa na abalang tinitignan ang kuko at kunwari ay nililinis ito, may isang nakataas ang kilay na parang onti nalang ay papatayin ka na sa talim ng kilay niya and lastly, yung isa naman ay nagpameywang din at inis na nakatingin sa akin.

"She didn't even bother looking at the things we threw at her."

"Oh well. Pain is pain. And Ella is Ella. When it comes to her family, she will always endure the pain."

"Tss. Such a masochist. That love will kill you mentally and physically Ella. Don't let them hurt you like that." Aniya ni Mira sa akin.

Napabuntong hininga ako at tumango.

Naiintindihan ko naman kasi yung sinasabi nila. Masakit na. Pero anong magagawa ko? Pamilya ko yon eh.

Agad nila akong dinambahan ng yakap.

"We're always here for you Ella."

"We are your family."

"You can always count on us."

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ella! We have to go na ni Myra! Bye!" Nagbeso si Mel sa akin at tinanguan naman ako ni Myra.

Hinintay ko muna silang makasakay sa jeep bago ako dumiretso sa cafe. Last day ko na ito dito sa cafe dahil tapos na ang kontrata ko sa kanila.

Si Mira ay maagang umuwi dahil kailangan ni tita ng tulong sa pagbebenta ng barbecue.

Agad akong tumulong sa pagkuha ng mga orders at nagserve sa kanila.

Mabilis din namang natapos ang oras ko at inayos ang mga gamit ko na nakalagay sa locker.

"Ella" Tawag ng isang babaeng tinig sa akin. Lumingon naman ako at napansing boss pala namin ang tumatawag sa akin.

Agad ako lumapit kay boss at ngumiti.

"Yes boss?"

"Mamimiss ka namin dito iha."

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Ang kaninang nakangiti ay malapit ng umiyak ngayon.

Naramdaman ko din namang namamasa na ang sulok ng mata ko. Pero pinilit kong wag patuluin ang luha at ngumiti kay boss.

"Boss naman. Para namang di mo na ako makikita haha."

Naramdaman ko na may lalapit sa akin kaya naman nilingon ko na ito.

Umakbay sa akin si Merry at nagyaya.

"Tara! Kain tayo sa labas!"

Napatango naman si boss at pumalakpak.

"That's great! Tawagin mo na ang lahat ng crew! Kakain tayo sa labas." Aniya ni Boss.

Napangiwi naman ako dahil baka mamaya ay ako ang magbabayad.

Tumapik naman si Mikael sa akin.

"Don't worry it's not your treat."

Napabuntong hininga naman ako at ngumiti.

'Ano pa bang magagawa ko?'

"Okay."

"Yown!"

"Tara na!"

'Sana. Hindi nalang ako pumayag. Edi sana hindi mangyayari ito.'

Next chapter