Nagising si Stephanie sa malakas na tunog ng alarm clock sa bedside table niya.
"Argh! Can I sleep for 5 more minutes? Inaantok pa ako e.." tinakip niya ang unan sa tenga at sinubukang matulog ulit ngunit sadyang maingay ang alarm clock nito.
Napilitan na siyang bumangon at tinitigan niya ng masama ang alarm clock.
"Naku ka! Nakakainis ka!" para siyang timang.. kausapin daw ba ang alarm clock?
Tsk! Inaantok pa kasi talaga siya. ilang araw na rin siyang puyat.
"Stephanie? Gising ka na ba ineng?" narinig niyang tanong Nanay Melda sa labas ng kwarto niya.
Lagi namang ganun ang routine nila, kapag tumunog ang alarm clock niya, maya-maya andyan na si Nanay Melda.
What's new? Si Nanay Melda na ang tumayong ina niya sa bahay na ito. Mabait ito at mapagkalinga. Just like her mom. Kaya mahal na mahal niya ito at lubos na ginagalang.
"Opo!" sagot niya dito.
Binuksan nito ang pinto.
"Gumayak ka na hija, sabay daw kayo ni Sir Rafael na magsisimba ngayon."
Oo nga pala! Linggo ngayon. Aish! Bakit ba nagiging makakalimutin siya? nag-overtime pa siya sa bakeshop kagabi dahil nageexperiment siya ng bagong recipe, nakaligtaan niya tuloy na Linggo kinabukasan. Nakakahiya naman kay Lolo Rafael.
"Sige po, liligpitin ko lang po itong higaan," tumayo na siya upang ayusin ang nagusot na higaan ng pigilan siya ni Nanay Melda.
"Ako na ineng. Maligo ka na at nang makapag-almusal ka pa," nagsimula na nitong ayusin ang hinigaan niya.
Pumasok na siya sa loob ng banyo at nagsimulang maligo. Sa pagdikit ng tubig sa balat niya, hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan.. ang nakaraang nagpabago sa buhay niya..
*Flashback*
"Ma, dali na po.. ligo tayo sa dagat," aya ng batang babaeng nasa edad anim sa kanyang ina.
Si Stephanie ang batang babae. Hinihila niya ang ina papunta sa dagat.
"Naku anak! Malakas ang alon, huwag na tayong magpunta dun, dito na lamang tayo," sagot nito sa anak.
Hinihila ang anak pabalik.
"Ma naman e, gusto ko nga pong maligo sa dagat!" pagmamaktol ng batang babae.
"Steph, I told you hindi pwede diba? Halika na, bumalik na tayo sa bahay," ngunit tumakbo siya at nagpunta sa dagat.
"Stephanie!" tawag sakanya ng kanyang ina ngunit nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa narating niya ang dagat.
"Okay lang po ako!" sigaw niya sa ina.
May mga nakikita siyang magagandang shells, sinimulan niyang pulutin ang mga ito. Nanlaki ang mata ng kanyang ina at sumigaw.
"Anak! Sa likod mo!" huli na dahil paglingon niya, malakas na hampas ng alon ang tumama sa kanya.
"Mama!" sigaw niya.
"Mama!" kinakampay niya ang kamay at paa niya.
"Stephanie anak!" naririnig niyang sigaw nito.
"Maaaaa! Aaack!" nararamdaman niya ang pagpasok ng tubig sa kanyang ilong at bibig.
"Mamaaaaaaaaaaaaaaaaa!" at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Nagising siyang maingay ang kapaligran.
"Gising na 'yung bata!" narinig niyang sabi ng isang ale.
Tumingin sakanya ang mga tao sa paligid niya at kanya-kanya ng tanong.
"Ineng, okay ka lang ba?" tanong nito sakanya.
"Nasaan po ang mama ko?" tanong niya sa mga ito.
"Mama.." tawag niya sa ina.
Nasan na ito?
"Hija, okay ka lang ba?" tanong sakanya ng isang lalaking may katandaan na.
"Nasaan po ang mama ko?" tanong niya dito.
"Ahm.. hija, mabuti pa siguro sumama ka na sa akin.." hinawakan nito ang kamay niya at tinayo.
"Hindi po pwede. Kasama ko po ang mama ko e.." lumilingon lingon siya upang makita ang mama niya.
"Hija, wala na ang mama mo.." malungkot na saad nito.
"Wala na? Saan po siya nagpunta? Sabi niya po hindi niya ako iiwan e," umiiyak na sabi niya.
Nasaan na si Mama? Bakit niya ako iniwan?
"Nagpunta siya sa lugar na hindi ka pwedeng sumama. She's now with the creator.." niyakap siya ng matandang lalaki.
"Saan po ba 'yun?" sumisighot na tanong niya.
"Sa Heaven.."
*End of Flashback*
Yun ang naging daan kaya nagkakilala sila ni Lolo Rafael.
I lost my mom that day. Namatay ang tatay ko when I was 3. Kaya kaming dalawa nalang ni Mama ang natira nun but what happened was tragic, nawala din siya.
Magkasama na siguro sila. Masaya at binabantayan ako.
Naging mabuting amain si Lolo Rafael sakanya. itinuring siya nito na parang tunay na apo kaya naman mahal na mahal niya ito.
Utang nito sakanya ang lahat ng mayroon siya. Pinag-aral siya nito at nang makagraduate siya, tinulungan siya nito upang makapagpatayo ng isang bakeshop na siyang pinagkakaabalahan nito,
Ang Sweet Desire Bakeshop. Lahat ng tao sa mansion ay kasundo niya. Maliban sa isang tao.. si Pj-ang apo ni Lolo Rafael.
Galit ito sakanya. hindi lang basta galit, galit na galit.. para dito, inagaw niya ang lahat ng dapat ay para sakanya.
Kailanman ay hindi niya hinangad ang kayamanan ng mga Monteverde. Hindi siya ganid o gahaman. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito kaya hindi niya kayang gawin ang bagay na iyon.
Huling nakita niya si PJ nung 17 years old siya. 2nd year college ako and he's in his 4th year. Same college ang pinasukan namin dahil na rin sa kagustuhan ni Lolo Rafael.
Mabuti na din na wala siya dito, mahirap kumilos kapag nandiyan siya. Lumipat siya ng bahay nung graduating siya. para daw mas makapagfocus siya sa pag-aaral.
In a simpler explanation.. ayaw na siyang makasama nito. Napangiti siya ng mapakla ng maisip niya si PJ.
He's the first man she loved. Yeah, mahal niya ito pero alam niyang sukdulan ang galit nito sakany kaya alam niyang walang katugunan ang pagmamahal niya dito.
Naalala niya noong una niyang makita ito.. she's 14 back then.. PJ is 16.. napatanga siya ng makita niya ito, he's a Greek God! Gwapo, matalino, mayaman, mabait? Mabait naman si PJ e, sa mga kakilala nga lang niya at kaibigan.
Never kasing nagpakita si PJ ng kabaitan sakanya. lagi itong naka-angil kapag magkausap sila. Kaya siguradong maraming nagkakagusto dito.
"Stephanie, hindi ka pa ba tapos?" tanong ni Nanay Melda mula sa labas na nagpabalik kay Stephanie sa kasalukuyan.
"Patapos na po, susunod nalang po ako sa baba," at binilisan na niya ang pagligo.
Simpleng floral dress lang ang isinuot niya pero sa halip na magheels siya, sinuot niya ang Chuck Taylors niya. Hindi siya sanay magheels. Masakit sa paa e.
"Good morning Lolo Rafael," bati niya sa matandang lalaking naka-upo sa hapag bago umupo.
"Good morning din hija. Sit down so we can eat."
Nagsimula na silang kumain. Nasanay na silang magkwentuhan kapag magkasama sila. In her 16 years sa bahay na 'to, para na rin siyang isang Monteverde, pero she insisted na Andrade pa din ang gagamitin niya.
"Kamusta ang negosyo mo?" tanong nito sakanya.
"Maayos naman po, pero nagbabalak ako na kumuha ng ilan pang staff para hindi masyadong nakakapagod ang trabaho," nakangiti niyang sagot.
Ang bakeshop na 'yun ang pangarap niya. She took BSHRM-CA way back in college dahil gusto niya talagang magkaroon ng sariling bakeshop.
"i heard, late ka na naman nakauwi kagabi. Masyado mong pinapagod ang sarili mo. Baka mamaya niyan, dalawin ako ng magulang mo," he chuckled.
Napangiwi siya dahil sa sinabi nito. Overprotective kasi ito sakanya kaya naman mahal na mahal niya ito. Para talagang isang ama.
"Hindi naman po, nag-iisip lang ako ng bagong recipe kaya late na akong nakauwi," paliwanag niya dito.
Mukha namang nakumbinsi niya ito dahil tumango-tango ito.
Pagkatapos kumain ay nagsimba na sila. Nang makauwi sila, napansin niyang may ibang kotse sa garahe.
"Kanino kaya ang kotseng iyan?" tanong niya para sa sarili ngunit hindi niya alam na naisatinig niya ito..
"Kay PJ."
Iyon lamang ang sinabi nito ngunit sapat na para manigas siya sa kinauupuan.
Nagbalik na ito? Bakit? Parang gusto tuloy niyang magtago nalamang sa loob ng kotse hanggang sa makaalis na ito. Bakit nagbalik pa ito?
Natural Stephanie! Bahay niya 'yan. Apo siya ni Lolo Rafael, he has all the right to be there. Unlike you! Sampid ka lang diyan tulad ng lagi niyang sinasabi sa'yo.
-----------------------------------
He recieved a call from his Dad. Hindi naman siya dapat uuwi ng Pilipinas pero kinulit siya ng ama.
May kinalaman na naman ito sa negosyo nitong hindi naman umuunlad. Tsk! Isa lang naman ang may kasalanan nito e. si Lolo.
Umuwi lang siya sa bahay niya to get some things at dumiretso na siya sa mansion ng kanyang Lolo. Alam niyang ito naman talaga ang dapat niyang puntahan.
Wala ang lolo niya ng dumating siya. according to Nanay Melda, nagsimba ito kasama ang ampon niya.
Tssss.. nasunog kaya sila dun? Hindi pwede ang makasalanan dun e. isang selfish at isang manggagamit. Napapailing na lamang siya.
I heard a vehicle outside. Hindi na siya nag-abalang lumabas dahil papasok din naman ang mga ito. Tamad much PJ?
"Grandson, how are you?" bati sakanya ng kanyang lolo ng makapasok ito sa mansion.
"Doing great Grandpa, how about you?" napansin kong walang kasunod na babae ito.
"I'm fine. Malakas pa naman ako," umupo na ulit sila sa sofa.
Where's that girl? Akala ko ba magkasama sila ni Grandpa?
"Are you looking for Stephanie?" he saw how his grandpa smile playfully.
"No," tipid niyang sagot.
Baka mamaya niyan kung ano pa isipin nito e. may saltik pa naman 'tong matandang 'to.
Magsasalita na sana siya para sabihin ang ipinunta niya dito tsaka naman pumasok ang isang babae na may dalang prutas.
She's beautiful as ever. Ilang taon niya na ba itong hindi nakita? 5? Yeah. She's 17 then, she's turning 22 this year.
He looked at her.. she's wearing a dress.. well, bagay sakanya.. she look beautiful. Dumako ang tingin niya sa paa nito. Chuck Taylors? Kung iba ang nagsuot niyan, it'll look weird, pero kay Stephanie.. it look perfect..
No PJ! Hindi ka nagagandahan sakanya. looks can be deceiving. Stephanie is a very good example of one. He smirked at that thought.
"Stephanie, come join us," aya ng lolo niya dito.
"Sige po. Ilalagay ko lang ito sa kusina," at naglakad na ito papasok.
May finese sa kilos nito. Tsk. Iba nga naman ang nagagawa ng napapaaral ng mayaman.
Lumingon ito sakanya at nakita niyang pinamulahan ng pisngi ito. Like before.. mabilis itong magblush.
"So anong kailangan mo PJ?" diretsong tanong ng lolo niya.
Kailangan agad? Hindi pwedeng namiss niya lang ito? Tss.. pero alam niyang ganoon talaga ang lolo niya. Diretsahan.
"Help Dad. His business is now in the rocks. Kailangan niya ng tulong mo," nakatingin lamang ito sakanya. poker face.
"I can't do that."
"What? Why?"
bakit mahirap para dito ang tulungan ang sariling kadugo? What's his problem? 'yung Stephanie na 'yun, ni isang drop nga ng blood, hindi sila related, pero kung tulungan.. wagas! Kami na dugo't laman, hindi niya magawa! He shrugged.
"Maiintindihan mo din sa takdang panahon." Makahulugang saad nito.
What the? Takdang panahon? He heard that before..
"You're really that selfish huh?" napapailing na sabi niya.
Walang sense ang pagpunta niya dito. Pupunta nalamang siya sa bahay nila.
Tumayo na siya at nagdesisyong aalis na nang lumabas si Stephanie na may dalang dalawang baso ng juice at dalawang slice ng cake.
"I'm going. Babalik nalang ako dito sa susunod," paalam ko sa mga ito.
"Magmeryenda ka muna," aya ni Stephanie sakanya. he looked at her at katulad kanina, pinamulahan na naman ito ng pisngi.
"Thanks but no thanks, i better get going."
Lumabas na siya sa bahay na iyon.
He hates his Lolo fo doing this to his family, for not helping them. But he hates Stephanie more for taking his Lolo away from him.
He hated her before, he hates her now even more!