webnovel

PROLOGUE

PROLOGUE

"Humans aren't Pigs. That is why Humans are called Humans and Pigs are called Pigs. So if you are a Human, Please act like one."

-UNKNOWNXXANGEL

VIMI

Marahan kong tinanggal ang tatlong bakal na humaharang sa pintuan ng bahay na aming pinagtataguan, saka ko paunti-unting binuksan ang pintuan.

Kasabay ng pagbukas ko ng pintuan ang pagsalubong sa akin ng sinag ng haring araw.

"Good morning Miss!" Halos atakihin ako sa puso sa gulat ng may sumulpot na duguang sundalo sa harap ko.

Sino bang hindi magugulat? galing kayo sa malahorror film na experience tapos kasasabi lang sa radyo na ubos na ang lahat ng carrier ng virus tapos nagmomoment ka dito at feel na feel mo pa yung sinag ng araw tapos may susulpot bigla sa harap mo at mag gogoodmorning? Yung totoo?

Habol ang hininga na napahawak ako sa dibdib ko "Intense ka kuya ha! di ka ba tinuruan ng nanay mo ng manners? goodness! Hindi man ako namatay sa ViruZ na yan eh baka naman sayo ako mamatay! langya ka! gigil mo bangs ko!" Dire-diretso kong sabi with matching pairap irap pa.

He laughed.

"Sorry, I just really want to greet you a good morning cause its really a good morning right? Sa wakas tapos na! Wala na ang ViruZ!"

"Oo kuya, Good talaga ang morning pero dahil sayo naging bad na ang morning ko hmp!" Inismiran ko sya at naglakad palabas at lumanghap ng sariwang hangin dahil after 193629 years ay nakalabas rin ako ng bahay.

Pero imbes na sariwang hangin ang malanghap ko ay nakakasulasok na usok at langsa ng mga nabubulok na laman.

muntik akong masuka, goodness.

"Miss, pfft are you okay? Use this" Nilapitan ako nung sundalong nag-greet sakin kanina at binigyan ako ng face mask habang ngiting-ngiti.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan kuya? nakakatawa yon? tss paltukan kita sa noo e, kita mo" Inirapan ko sya at sinuot ang mask na binibigay nya.

Habang sinusuot ang face mask ay napatingin ako sa mukha nya, infairness may itsura, pero moreno at mabantot. pero atleast gwapo! Akala ko kase naubos na ang mga gwapo sa pinas matapos lumaganap yung virus na yon.

Ng maisuot ang face mask ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nagkalat ang mga sundalo na naglilinis ng mga laman laman na nagkalat sa kung saan saan, at yung ibang nagkulong sa kanikanilang bahay ay lumalabas narin at binabati sila ng mga sundalo.

Nasaan na ba ako? Pinas parin naman to e, basta ang alam ko, nung nagkaroon ng breakout sa virus ay kung saan saan na ako napunta at nagtago.

Madami akong nakilalang tao na nakasama ko sa pagtago at pagtakbo.

"Miss, Ilan kayong nagtatago doon sa bahay na pinaglabasan mo? May nakagat ba sainyo?" My heart beats gets faster as he mention the last question.

"A-ah, Tatlo lang kami at walang nakagat samin. sige balik na ako" paalam ko at bumalik sa bahay saka sinarado muli ang pintuan.

"Iris, Yung baby mo. Paano kung kuhanin sila ng mga sundalo?" tanong ko.

"Magkakamatayan muna bago nila makuha at pageksperimentuhan ang anak ko vimi" sagot nya.

"Iris, kung ubos na talaga ang mga carrier ng ViruZ, Ibig sabihin yang baby mo ang-"

"Hindi sya carrier vimi!" Sigaw ni iris.

At dahil sa sigaw ni iris ay may biglang kumatok sa pintuan namin.

"may nakagat ho ba sainyo? Para naman ito sa ikakabuti nyo kaya ho sana ay papasukin nyo kami" I gulped.

"Vimi, Ipagkakatiwala namin sayo ang anak namin, alagaan mo sya at wag mo syang ibibigay sa kanila" sabi ni iris at nagulat ako ng halikan nya sa labi ang anak nya.

"Iris!" Maluha luha kong sigaw.

Nabitawan ni iris ang anak nya ng magsimula syang mangisay, nasalo ng asawa nyang si John ang anak nila at binigay nya sakin ito.

"ako na ang bahala kay iris, alagaan mo ang anak namin vimi" napatango nalang ako ng wala sa oras.

Dahil sa pagsigaw ni iris ng carrier ay nalaman ng mga sundalo na may carrier ng virus dito sa loob, Pero imbes na ang baby nila ang tunay na ibigay sa mga sundalo, ibinigay nila si iris at sumama si john.

habang ang anak nila ay iniwan at itinago ko sa isang walk in closet dito sa pinagtataguan naming bahay.

Years passed after Iris sacrifice for her child.

Naitala sa balita na si iris ang kahuli-hulihang carrier.

napabuga ako ng hangin, hindi si iris ang huli. Kundi ang anak nila.

but the good news is, Hindi naging rapid ang anak nila dahil hindi umabot sa utak ang virus at nagmukhang normal ito. so yea buti nalang hindi matatakam sa dugot laman ko ang batang to.

goodness stress.

Next chapter