Prologue
Sh*t and P*ta?
Kanina pa ako paikot-ikot sa mall. Wala akong mga kasamang alipores ngayon kasi hindi naman sila importante. Means, mag-isa lang ako from six-thirty am to five pm. Like, duhh. Hindi gawain ng matinong babae ang magstay sa mall ng ganoon ka haba.
Pinapakinggan ko sa pagtunog ang three inches heels ko habang pababa ng hagdan.
Sakto namang pagkaapak ng paa ko sa panghuling hagdan ay may nakabangga sa 'kin.
"Aray naman!" Napaatras ako ng kaunti.
"Gomen-ne!" Sabi niyang nakayuko habang magkadikit ang mga palad.
Alien ata 'to eh! Huh! Kala niya siya lang?
"I donut understand! Hu r yo? Mek me... ano nga yun? Bahala na! Mek me intindi wear yo cam fram?!" Halos mapatingin sa amin yung ibang tao.
Kabog kayo diba? Galing ko! Pero sayang yung alien na 'to, gwapo sana. Alien nga lang.
"I can understand tagalog, miss." Sabi niya at tumayo ng maayos.
Tapos biglang umusok ang lahat ng butas sa katawan ko. Hinila ko siya papunta sa lugar na walang masyadong tao. Tapos binatukan.
"P*tangina! Nakakaintindi ka naman pala pinahirapan mo pa ako?!" Pumorma ako na parang susuntok pero hindi siya natinag.
"You didn't asked," nagkibit-balikat lang siya. "And please stop cursing."
"Stop cursing ka dyan?! Hindi pa nga ako nakakapagtapos ng kolehiyo patitigilin mo na ako sa pangarap kong trabaho?! Ar yo baliw?!"
Nagsimula na kaming maglakad papalayo sa mall habang nagsisigawan at nag-aaway.
"Tsk! Will you just shut up and help me?!" Asik niyang nanggagalit.
"End por wut naman aber?" Nakapamaywang ko siyang tinanong.
"Buy me a house and clothes. That's all." Tumango-tango ako.
Okay. Pwede naman, may point siya. Kung titignan mo kasi siya ay parang galing siya sa sinaunang panahon ng mga Hapones. Nakasuot siya ng bistidang pula tapos may design pang floral! Ibang klase, kimono ba tawag doon? Tsk, bahala na!
"It's kimono." Nagulat ako sa sagot niya.
Nababasa niya isip ko?
"Maybe..."
"Takte! Edi 'di ko na iisipin, sasabihin ko na lang!" Bulong ko.
"You may, or may not. It's still your choice." Mas nauna na siya ngayong naglakad.
"Aba, nauna pa sa 'kin, kala niya naman kabisado niya 'tong lugar na 'to." Tapos bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad at pinauna ako. "Kita mo na? Weirdo talaga!"
Pinagbubulungan kami nga mga taong nadadaanan namin dahil sa kanya. Para kasing magco-cosplay, nakakaloka.
Hindi ko na lang pinakinggan yung mga nagbubulungan at umalis na sa kinatatayuan ko. May nakita naman akong boutique kaya hinatak ko 'tong hapon na ito sa loob.
Pinasukat ko sa kanya yung mga napili kong damit. Habang nagbibihis siya sa loob nag-online ako sa social media.
Maraming nagsilabasang notifs kaya naman tinignan ko 'yon lahat.
May pic na kasama ko yung hapon doon sa hagdan. Tapos may nakacaption na:
Dan Nie Lla: OMG! Si ateng girl ang swerte kay papabel!
Tapos nakatag ako. Maraming comments about sa 'kin. Kagaya ng:
Katrina Aurello: Si Lisa ba 'yan?!
Sammy Francisco: OMG! Si gaga may manliligaw na!
Irene Jane Rastica: Mader dear! Umalis ka lang may lalake ka na?!
Mal Dhita Lyca: Shemay! Sinusumpa ko, punyeta. 'Pag nagbreak kayo, akin nalang siya!
Napayuko ako at napatakip ng mukha. 'Pag talaga 'di ko sila kasama napapahamak ako.
Ilang account na ba sa social media ang nagawa ko? Ilang account na rin ba ang nadeactivate ko? Nakakaloka na!
May kumuwit sa likod ko kaya nilingon ko. Napatingin ako sa kanya galing sa paa hanggang ulo at vice versa.
"Perfect! Anong pangalan mo?" Napatayo ako.
"Yohan. Yohan Yamashita." Naglahad siya ng kamay.
Inabot ko 'yon at akmang sasagutin siya ng pangalan ko kaso naunahan niya ako. "Analisa Rose Smith, I know." Binasa niya na eh.
Napapoker-face ako sa harap ng cashier habang nagbabayad. Mas lalo pa akong nabadtrip noong kinikilig-kilig ang kahera dahil kay Yohan.
Nang matapos sa pagprocess ang kahera ay hinawakan ko ang kamay ni Yohan, "Tara na nga, babe." Inemphasize ko talaga yung word na 'babe'. Nakakagigil eh, ang ayoko sa lahat yung kikiligin ka ng hindi naman kayo.
Nakalabas na kami ng botique at hinahanap ko na ngayon yung kotse ko.
'Saan ko nga napark 'yon?'
Halos magpaikot-ikot ako doon sa lugar hanggang sa nakita ko na lang yung sasakyan ko. Buti na lang.
Hinila ko si Yohan sa harapan ng kotse at sinabihang pumasok.
Ako naman umikot sa kabila at sumakay na. Pero nakita ko siyang nasa labas parin.
'Punyetang torta, ba't 'di pa siya pumapasok?'
Lumabas ako ulit at galit na tinignab siya, "BAKIT 'DI KA PA PUMAPASOK?!" Buti na lang walang tao dito, baka mareport pa ako.
"What do you call that?" Turo niya sa kotse.
"Kar! Sasakyan! Behicle! Kotse!" Oh inisa-isa ko na, angal ka pa?
"But you just disappear."
"Kasi nga I get-in-get-in the kotse!"
"But how?" Hinila ko siya sa harap ng passenger's seat, pinagbulsan ng pinto at tinulak papasok sa kotse.
Umikot na ako ulit at pumasok pero agad akong nabw*sit ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng upuan, nakayuko siya at nakikipagtitigan sa upuan.
'G*go, ang manol naman nito!'
"Umupo ka nga! Manol ka ba?!"
"How? And what's upo?"
"Sit down! Upo!" Tinuro ko yung upuan at sumunod naman siya. "Very good! Magseat belt ka." Tapos nagsimula na akong magdrive.
Papasok na kami sa intesection road ng bigla siyang magtanong.
"What's seat belt?" Kumulo bigla ang dugo ko.
Biglaan akong prumeno at sakto namang red light yung sign. Napatingin ako sa kanya na hawak ang noo dahil nauntog sa dashboard ng kotse. Ikinabit ko yung seat belt niya pagkatapos ay hinintay yung green light.
Nang nagberde na ang kulay nito ay nagmaneho ako ulit.
"What do you call this? And the pain on my forehead?" Naalarma akong saglit na napatingin sa kanya.
Nakita ko kung paano umagos yung dugo sa noo niya, "Sh*t! P*ta naman!" Bigla akong napaharurot ng takbo.
"So this liquid is sh*t? And the pain is p*ta?"
"G*go! Ulol ka ba?! Mura 'yon! Ang tawag diyan ay dugo!" Turo ko sa pulang likido na umaagos parin pero nakapokus ang mga mata ko sa daan, "at masakit ang tawag sa p*tang pain na 'yan!" Kinakabahan na akong magmaneho.
Konting-konti na lang at nasaospital na kami ng bigla siyang magsalita.
"I feel dizzy..."
"HUWAG KANG MATUTULOG 'NAK NG! MATUTULOG KA PA EH ANG BIGAT-BIGAT MO!"
"I'm dizzy not sleepy..."
"Oh, hi dizzy! Donut sleep!!!"
Nang makarating kami sa ospital ay agad ko siyang hinila papasok sa ER.
May lumapit na nurse sa 'kin at nagtanong.
"Miss kaano-ano mo siya?"
"Kaibigan..." Kabado kong sagot at sinulat niya 'yon.
"Pangalan mo?"
"Analisa Smith," sinulat niya ulit kaya napatingin na ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"Name of patient po maam?" Napasingkit na ako ng mata.
"P*ta! Wag mo ko maenglish-english! Pinay ka! Yohan Yamashita pangalan niya."
"Edad po ma-"
"Shut up! Kita mong kinakabahan ako dito tatanong-tanong ka pa?! Mamaya ako sasagot niyan! Putek!" Sa galit ko nagulat ang nurse at naglakad na paalis.
Narinig ko pa siyang bumulong ng, "Nagtatanong lang magagalit na..." Napa-irap na lang ulit ako.
Napa-upo ako sa waiting area. Matapos ng ilang minuto ay lumabas na ang doctor na gumamot kay Yohan.
Medyo bata pa siya at mukhang bagong graduate. Gwapo siya, matangkad ng kaunti kay Yohan, maputi at... teka ano bang pinagsasabi ko?!
"Ma'am, ikaw ba ang kamag-anak ng pasiente?" Napatango ako.
"Kamusta po ang kapatid ko?" Napangiwi ako, bakit ko ba kailangang magsinungaling?
"Your brother is fine now ma'am. May I ask if he's your half brother? 'Cause he's a Japanese and your a FilAm." Tango lang ako ng tango.
Napalingon-lingon na ako kasi english siya ng english...
"Ma'am do you also need a check up?" Tanong ulit ng doctor na kausap ko.
"H-ha?"
"Your nose is bleeding."
Napahawak ako sa baba ng ilong ko at totoo ngang may dugo.
...
Sorry for the bad words po, if you can't take the risk of reading it just delete it in your library but if you love it please do comments or do votes to let me know if your liked it or not, or you appreciate it or not. Thank you. -D