webnovel

CHAPTER 3

"Elettra" said a woman voice coming from somewhere. I just walk and walk to look for door or gate something that'll help me to escape from this unknown place.

"Elettra" said again by the woman and now I'm running where that voice is coming from. Maybe she could help me to leave this place immediately. Pero mukhang walang katapusan ang dinaraanan ko. Hindi naman nagbago parang paulit-ulit lang din akong bumabalik sa pinanggalingan ko.

"Where are you? I can't see you. Do you know this place? Maybe you can show me how to leave this place?" I asked loudly to the woman.

"Elettra help me" the woman said again with begging voice.

Me? She need my help? For what? I don't even know her.

And after walking and walking countless of times I saw a woman, crying. "Maybe she's the one who's calling me a while ago" I said at the back of my mind.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Bakit kaya siya umiiyak? Marahil ay katulad ko din siya na hindi alam ang daan paalis sa lugar na ito. Kung titignan ang itsura niya ngayon ay para siyang palaboy. Maraming dungis, sira-sirang damit at maraming sugat. Ang buhok niya ay di maayos at may mga dumi pa doon. Rinig na rinig ko ang hagulgol niya mula sa kinatatayuan ko. Marahil ay maliban sa nawawala ay naiyak din siya gawa ng mga sugat niya. Kawawa naman ang babaeng ito.

"Miss" panimula ko habang dahan-dahan ko pa siyang nilapitan at hahawakan ko na sana siya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. At napatigil ako at napatitig sa kaniya. Mula sa mata, ilong, labi at hugis ng mukha. Para lamang akong nananalamin. Parang sarili kong repleksyon ang nakikita ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang kaibahan lamang ay madumi and itsura niya be bukod pa doon ay ang mga mata niyang nanlilisik sa akin na para bang may nagawa ako sa kaniyang masama. Habang dahan-dahan siyang tumatayo ay siya ring dahan-dahan kong pag-atras palayo sa kaniya.

Hanggang sa nakalayo na ako ay dali-dali akong tumakbo palayo sa kaniya. At ng lumingon ako ay nakita ko siya sa aking likod na tumatakbo rin.

"Papatayin kita! Hindi ka na dapat nagbalik pa!" gigil nitong sabi sa akin.

Pagod na ako sa pagtakbo, hingal na hingal na ako, tumutulo na ang pawis mula anit pababa sa noo ko sa ilong ko hanggang sa leeg ko Ngunit hindi ako tumigil para punasan ito dahil baka maabutan niya ako at saktan. Tumakbo lamang ako ng tumakbo hanggang sa mabangga ako sa isang bulto. "Aaaaahhh" matinis kong sigaw ng hawakan niya ako kaya naman nagpumiglas ako sa kaniyang hawak para makawala. "Tulong! Please don't hurt me!" pagmamakaawa ko pa habang nakapikit kaya naman hindi ko alam kung Sino na ngayon ang kaharap ko pero nasisiguro kong hindi ito ang babae kanina na gustong manakit sa akin.

Napabalikwas ako ng bangon at sinapo ang aking dibdib. "Oh my god!" kapos ang aking hiningang sabi.

Nang makakuha ng sapat na hangin, pinakalma ko muna ang aking sarili at tumingin sa aking digital clock kung anong oras na. It's 5:23 in the morning and my alarm is always set at 5:30 AM for work so I guess I should get myself ready for work.

Lalo lamang akong nawiweirduhan sa aking panaginip. Hindi ko alam kung may gusto ba itong iparating sa akin o wala. Masyado lamang gumugulo ang mga nangyayari sa panaginip ko. Magmula kay Holt at ngayon naman ay may dumagdag pa. Tsk. At babae pang gustong manakit sa akin.

Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang aking alarm clock sa aking bedside table. "Bwiset! pati ba naman ang alarm na ito'y marunong ding manggulat! Pinakaba mo ko lintik na 'to" at dinuro-duro ko pa ang alarm dahil sa inis ko. "Makaligo na nga! Hindi pa tayo tapos lintik kang alarm ka!" gigil ko pang dagdag. Napatingin naman ako sa katabing kwintas ng alarm ko. Hay! Dagdag pa itong kwintas na ito. "Sino ba kasing may-ari nito at ng maisuoli ko na baka mapagkamalan pa akong magnanakaw!" tila ba ako'y nabaliw na sa pakikipag-usap ko sa aking sarili. "Nakakabaliw naman talaga!" dagdag ko pa.

Dumiretso na agad ako sa banyo para makapaligo na at nako ayaw kong ma-late. Kuskos dito, kuskos doon. Hilod dito , hilod doon.

After taking a bath nagbihis agad ako at nagsuot na lamang ng isang blue and white stripped spaghetti strap at pinatungan ko na lamang ito ng blazer. Nagsuot na lang ako ng flats. At naglakagay ng make-up at pagkatapos ay bumaba na.

Nagpunta agad ako sa aming hapag at nakita kong nakahanda na roon ang aking agahan.

"Ma'am tumawag po kanina ang Daddy ninyo. Matatagalan daw po bago siya makauwi. Dun na lang daw po siya mags-stay para diretso na siya sa Business Trip nila."

"Ay ganun po ba. Sige salamat Manang. Kumain na ho ba kayo? Sabayan ninyo na ako sa agahan." magalang kong sabi.

"Hindi na po. Ayos na po kami. Kakakain lang ho namin. Salamat na lang ho. Mauna na ho ako at maglilinis pa ako ." pamamaalam nito.

"Sige" huli kong sabi.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako agad sa opisina.

"Good Morning Ma'am" pambungad na bati sa akin ng mga empleyado mula sa labas kung saan naroroon ang guards at hanggang makarating ako sa aking opisina.

"Good Morning" simple kong bati.

Hindi naman ako snob so might as well greet them.

Pagpasok ko pa lang sa aking office ay nakita ko na roon si Judith.

"Naayos ko na lahat ng pipirmahan mo today and naayos ko na rin ang schedule mo." mataray nitong sabi.

"Good morning din Judith ha. Ang seryoso mo masyado! May problema ka ba? Kay aga-aga naka-taas agad kilay mo!"

"Tse! Eh paano naman kasi eh nanggigigil ako dun sa amin. Alam mo naman diba. Nabungangaan na naman ako ng Tiyahin ko. Ang dami niyang satsat eh yung anak naman niya laging tambay lang tapos laging sa akin sinisisi ang paghihirap niya. Naku!" galit niyang sabi.

Maganda si Judith simple lang siya. Naging kaklase ko siya noong college. Pero mas naging malapit lang kami nung na-hire siya bilang secretary ko. Ewan ko ba diyan sa babaeng yan at hindi na lang mag-apply ng trabaho na connected sa natapos niya eh ayaw naman dahil nahihiya siya sa amin at may utang na loob siya sa pagbibigay ng trabaho ni Daddy sa kaniya.

"Kapag talagang nadagdagan na ang ipon ko ay sisiguraduhin kong lalayas na ako sa impyernong yon!" galit na dagdag nito.

Natawa na lamang ako sa sinabi at reaksyon niya. "Matatapos din ang paghihirap mo Judith. Manalig ka sa Diyos. Gusto mo ba ng tulong ko? Dun ka muna sa amin tutal eh malaki ang bahay pwede ka don. Ano game? Saka ka na lang umalis kapag nakaipon ka na ng malaki." suhestiyon ko pa. Para ko na ring kapatid si Judith. Sa matagal naming pagsasama mula College Days at ngayon sa trabaho ay kilalang-kilala ko na siya. Close rin sila ni Luisa dahil parehas silang kalog.

"Okay. Sige game ako diyan libre yon! Pero now work- work muna tayo. Naku ha andami mong meetings!"

At ayun na nga ang ginawa namin nagtrabaho kami hanggang sa natapos na namin at nagkayayaan naman silang dalawa ni Luisa na mag-bar at dinamay pa nila ako.

"Bakit niyo pa 'ko sinama eh kayo lang naman ang magkakaintidihan dito!" sigaw ko para marinig nila ang sinabi ko. Ang lakas ng tugtog kaya hindi kami magkarinigang tatlo.

"Elettra girl minsan you need to explore. At unahin mo sa pag-explore ng mga lalaki para mas fun!" malanding sabi ni Luisa na ginatungan agad ni Judith ng "Oo nga naman Elettra. Ni minsan ba ay hindi ka naghangad na malaman ang kaloob-looban nila kung malaki ang kanilang ti--" nanlalaking mga matang akong napatingin kay Judith "--wala girl. Tiwala. Green minded ka!" at nagtawanan pa silang dalawa na may kasama pang hampasan.

At umalis na ang dalawang iyon at ayun na nga at nagsusumayaw na. Mas pinili ko na lang namanatili dito kaysa naman mahipuan pa ako don. Halos lahat ng tao doon may tama na ng alak.

Inom dito, inom doon. Sayaw dito, sayaw doon yan lang ang ginawa ng dalawa kong magaling na kaibigan kaya naman hindi na ako magtataka kung malalasing sila ng todo.

At hindi nga ako nagkamali tumba na ang dalawa kaya naman nahihirapan ako kung anong gagawin ko kaya tinawagan ko na ang family driver nila Luisa. At agad din naman itong nakarating ng sinabi kong lasing na si Luisa.

"Maraming salamat po. Paki-ingatan na lang po si Luisa. Pakisabi na lang ho mula Tita ang nangyari kay Luisa."

"Opo Ma'am"

Pagkaalis ng driver at ni Luisa ay pinasuyo ko naman si Judith sa mga tauhan ng bar dahil nandito na ang sundo niya, ang kaniyang boyfriend na si Juno.

"Pasensiya ka na Elettra ha. May problema kasi itong si Judith kaya nagpakalasing." ani ni Juno.

"Ano ka ba. Wala lang yon. Nagmamalasakit lang din naman ako kay Judith. Siguro tulungan mo na lang siya" sabi ko.

Pagkaalis nila ay naglakad na ako papunta sa parking ng may marinig akong umiiyak, isang babaeng umiiyak.

"Ay lintik naman o dagdag pa 'to." mahinang sabi ko na may halong inis.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang mga hagulgol na yon at nakita ko nga ang isang babae umiiyak. Parang katulad lang sa aking panaginip. Madungis ito at nakayuko. Maraming sugat.

"Miss? Ayos ka lang ba?" mahina kong tanong.

"May masakit ba sa'yo?" dagdag kong tanong dito. Tinignan niya naman ako at magmula roon ay nakita ko ang mga mata niyang puno ng luha at lungkot na dahan-dahang nawala at napalitan ng galit at nanlilisik na mga mata.

Lumayo naman agad ako sa kaniya dahil alam kong sa itsura niyang iyon ay sasaktan niya ako.

"Tulong! Tulong!" natataranta kong sigaw. Nagbabakasakaling may magkarinig sa akin at tulungan ako sa mga sandaling iyon. At tumakbo agad ako

"Mamamatay ka na ngayon. Papatayin kita!" galit nitong sigaw habang tumatakbo rin sa aking likod.

Hingal na hingal ako sa pagtakbo ng bumangga ako sa isang matigas a bagay. Napapikit ako sa takot dahil baka isa rin ito sa gustong manakit sa akin.

"Huwag po! Please don't hurt me!" sigaw kong pakiusap sa kaniya.

"Shhhh you're safe now. I'm here." kalmadong sabi ng isang baritonong tinig na pamilyar sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa aking harapan at hindi nga ako nagkamali, nandito siya.

"Holt" nanghihina kong sabi at nandilim ang aking mga mata at hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil ako'y nawalan ng malay.

Next chapter