webnovel

Chapter 36

Nakabihis na si Lexi ng dumating si Jake para sunduin siya. "Morning, tart." Bati nito sa kanya. "Morning." Sagot naman ni Lexi habang pasakay ng kotse. "Wala man lang kiss?" Nakangiting tanong ni Jake. Lumapit si Lexi para bigyan sana ng kiss sa pisngi si Jake pero bigla nitong hinawakan ang mukha niya at ang labi niya ang hinalikan nito. Namumula ang dalaga ng itigil na ni Jake ang halik nito at kinabit na ang seatbelt niya. "Nay, alis na po kami." Sigaw ni Jake ng dumaan sila sa harapan ng tindahan ni Tessie. "Mag-iingat kayo." Sabi naman ni Tessie.

"Ready ka na?" Tanong ni Rhian sa labas ng pintuan ng kwarto ni Brix kung saan ito naka-confine. Tumango si Lexi. "Basta nandito lang kami sa labas." Sabi ni Anthony. Tahimik lang nakasandal si Jake sa pader at ramdam ni Lexi ang inis nito. "Don't worry, sisiguraduhin ko na di na ulit siya magpapakuha sa akin ng dugo." Nakangising sabi ni Lexi na ikangiti na ni Jake.

"Morning, babe." Bati ni Brix ng pumasok na ang dalawang dalaga sa kwarto nito. Isang tipid na ngiti lang ang binigay ni Lexi sa binata. "Morning, beautiful." Bati naman ni Brix na tingnan nito si Rhian. "Morning." Inis na sabi ni Rhian. "Ang ganda naman ng umaga ko. Dalawang nagagandahan babae ang kasama ko." Sabi ni Brix. "Mr. Brix Tuazon, kukuhanan ko na po kayo ng dugo para po sa inyong complete blood tests." Sabi ni Lexi. "Sure, sure." Nakangising sabi ni Brix. Kinuha na ni Lexi ang torniquet at itinali sa braso ni Brix. "Ang lambot talaga ng balat mo, babe." Sabi ni Brix na may ngisi sa mukha nito pero bigla din naalis ng diinan ni Lexi ang pagkakatali ng torniquet sa braso niya. "Dahan-dahan naman, babe." Sabi ni Brix.

Gustong-gusto ng pumasok ni Jake sa loob. Inis na inis siya dahil walang tigil si Brix sa kakatawag ng babe kay Lexi. May konting awang kasi ang pinto ng kwarto. Sinadya talaga ni Rhian ito para kung sakali man at may maisip na gawin si Brix ay madali itong madidinig ng dalawang binata sa labas. "Dre, relax." Nakangising sabi ni Anthony.

"So, Miss Beautiful, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Sabi ni Brix na ang kinakausap ay si Rhian. "Procopia." Sagot ni Rhian na pinigil ang ngiti sa naisip na pangalan. Nangiwi si Brix. Nangiti si Lexi. Natawa naman ang dalawang binata sa labas.

Pagkatapos itali ni Lexi ang torniquet sa braso ni Brix ay inihanda na niya ang syringe at mga tubes na gagamitin na niya. Nilagyan niya ng pangalan ang tatlong tubes na paglalagyan niya ng dugo. Dahil sanay naman si Brix na every three months ay may general check-up siya, hindi na siya nagulat na tatlong tubes ang nakahanda para sa kanya. Ang ikinagulat niya ay ang hawak na karayom ni Lexi. "Ah, babe, parang ang laki yata ng karayom na gagamitin mo?" Sabi ni Brix. "Ah, ito ba? Kailangan kasi eh. Sa dami ng dugo na kukuhanin ko sa'yo, baka mag-clot kung maliit na karayom lang ang gagamitin ko." Sagot ni Lexi na pinigil ang tawa.Gulat din si Rhian sa hawak ni Lexi. Ang alam niya ang sa blood donation ginagamit ang gauge 18 na hawak ng dalaga. "Bakit, natatakot ka ba, Mr. Tuazon?" Tanong ni Lexi. "Ah, hindi, hindi. Parang karayom lang 'yan." Sabi ni Brix pero lumagok ito ng laway kasaby ng pikit ng mata ng itutusok na ni Lexi ang karayom. "Ah." Pigil hiningang sabi ni Brix. "Ah." Muling sabi ni Brix. Ramdam ng binata ang paggalaw ng karayom sa braso niya pero dahil nagtatapang tapangan siya ay paninindigan na niya.

"Nako, Mr. Tuazon, pasensiya na, pumutok ang ugat mo kaya isang tusok pa ha?" Malambing na sabi ni Lexi. Gustong tumawa ng malakas ni Rhian dahil nakita niyang namutla ang binata. "Ah, ganoon ba. Okay lang babe basta ikaw." Sabi ni Brix.

Ngayon lang nangyari na dalawang beses siyang tutusukan. Sa pagkakatanda niya ay maganda ang ugat niya sabi ng medtech na huling kumuha sa kanya. Tiningnan niya ng mabuti si Lexi. Tumingin naman ang dalaga sa kanya na may matamis na ngiti sa labi kaya ang pag-aalinlangan niya ay nawala. Siguro nga ay pumutok ang ugat niya. Bumuntong-hininga siya ng makita ulit ang malaking karayom.

Nakahinga ng maluwag si Brix na makita na niyang sinasalin na ni Lexi ang dugo niya sa mga tubes. "Salamat, Mr. Tuazon. Pwede na po kayong kumain." Sabi ni Lexi. "Ah, baka pwede n'yo akong sabayan sa pagkain. Masarap kapag may kasabay lalo at magagandang tulad n'yo." Sabi ni Brix. "Pasensya na, Mr. Tuazon, pero iniintay na kami ng mga boyfriend namin sa labas." Pagkasabi ni Rhian ay pumasok na ang dalawang binata na kanina pa kating-kating pumasok sa loob.

"Oh, Jake." Gulat na sabi ni Brix. Tumango lang si Jake at inakbayan na si Lexi. Ganoon din ang ginawa ni Anthony. Paglabas nila sa kwarto ay nag-apir ang dalawang dalaga at pagkatapos ay humagikgik. Nagkatinginan naman ang dalawang binata. "Kahit kailan ay hindi ako magpapakuha sa'yo ng dugo." Nakangising sabi ni Rhian. "Bakit?" Takang tanong ni Jake. Pinakita ni Lexi ang ginamit niyang kayarom kay Brix at natawa na lang ang dalawang binata. "Kawawa naman ang mokong." Nakangising sabi ni Anthony. "Bagay lang sa kanya 'yun." Sabi ni Jake. "Gusto mo try, tart?" Natuwa man si Jake sa endearment ni Lexi ay ubod iling niya sa alok ng dalaga at nagkatawanan silang apat.

Nakabalik na si Brandon mula sa pagbili ng breakfast ni Brix. Nagtaka siya sa dalawang bulak na nakatakip sa braso ng binata at ang hindi maipintang mukha nito. "Boss, ano'ng nangyari?" Takang tanong ni Brandon. "Parang naisahan ako ni Lexi eh." Sabi ni Brix na ikinakunot ng noo ni Brandon. "Kungdi ko lang trip 'yung babaeng nakatikim na siya sa akin. Di bale, dadating din ang araw niya, makakaisa din ako sa kanya at sisiguraduhin ko na mag-eenjoy ako sa pagtusok sa kanya." Nakangising sabi ni Brix.

ตอนถัดไป