webnovel

Chapter 5: Envelopes

Three months have passed and I haven't seen Vince for awhile.

Walang Vince na lumilitaw sa harap ko pero present pa din ang mga flowers, bears, chocolates at kung anu ano pa...

Medyo napapanatag na ang loob ko, at least kahit papa'no ay bumabalik na sa normal ang buhay ko.

I used to hang out with my friends at nakakapag outing na 'ko With my family. Nagiging okay na ang lahat...

Pero... Sa pag ibig? Mukhang na trauma talaga ako. Hindi ako nag e entertain ng mga manililigaw at yung ibang coworkers ko na nag a attempt pa lang ay nire reject ko na agad.

But, there's one guy that always makes me feel happy. Kahit na madalas nag aasaran lang naman kami at nagbabangayan alam ko pa rin sa sarili ko na napapasaya niya 'ko.

Si Eric, I grew fond of him pero ang totoo, walang something between us. Palagi niyang sinasabi na hindi niya ako type at wala daw akong appeal sakanya.

I don't make it a big deal. Gusto ko siya dahil masaya siyang kasama at natutuwa ako sakanya pero hindi ibig sabihin na gusto ko na siya as a guy.

.

"Uy, Tala!" Si Eric.

"O bakit?" Napaka istorbo talaga nito, ang sami ko pang tinatapos e.

"Hindi na daw makakasama sila Badet at Franco mamaya" may gimik kasi kami after work.

"Bakit naman? Edi apat na lang tayo?" I asked.

"Sila Badet, emergency daw sa bahay pero yung dalawa ewan ko lang, basta hindi rin daw sila makakapunta" e bakit nakangisi ka pa?

"Ah okay... Busy rin naman ako" hinarap ko na ang computer ko pero hindi pa rin umaalis si kumag.

"Huy! Anong busy ka rin naman? Ituloy na natin!" Hindi ko siya pinansin.

"Dali na! Galang gala pa naman ako ngayon. Sige na kahit tayong dalawa lang, pwede na yun" anong pwede na yun? Sus!

"Ha? Uy! Yieeeeee... Payag na yan! Promise, mag e enjoy ka pa din kahit ang gwapong si Eric lang ang kasama mo" Panay ang kalabit niya pero hindi pa rin ako umiimik.

"Huy! Ano ba! Ang kj mo naman oh, ililibre naman kita!" Napatingin ako sakanya.

"Okay, you got the magic word!" At tyaka ko lang siya binalingan ng tingin at nginitian

"Haaaaay... Ang daya mo talaga!" Hinilamos niya ang malaki niyang kamay sa mukha ko.

"Ano ba?!" Reklamo ko, "Sisirain mo pa yung make up ko e!" I shouted at him.

"Sus! Arte! O basta kita na lang tayo sa Maricopa ah!" What?!

"Anong kita na lang? Hindi mo pa 'ko hihintayin? Tyaka, bakit sa Maricopa? Resto bar ba yun?" Kainis 'to wala pa siyang balak isabay ako? Ungentle man talaga!

"Hindi na, mauuna na 'ko dun... May tatapusin ka pa diba? Tyaka, stop asking questions! Basta sumunod ka ha?" At nakangisi pa siyang umalis sa harap ko, buwisit talaga!

.

Nang matapos ako sa trabaho, naisipan ko munang umuwi sa bahay... I washed up and dressed. Medyo tinagalan ko pa ng konti para makaganti sa mokong na yun!

Mga 40 minutes lang akong nag drive at nakarating din ako agad sa Maricopa, wala na din kasing masyadong sasakyan sa kalsada dahil sa gabi na nga.

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa'kin ang napakagandang ayos ng buong lugar at ganun din ang atmosphere nito. Halatang pinaghandaan...

Walang katao tao ngunit nagsimulang mamatay ang mga ilaw at tumutok sa'kin ang isang malaking spot light, ang isa pang spot light ay tumutok naman sa isang pianoforte.

"Ano to?" Tanong ko sa sarili ko, is he going to play piano for me? Napangiti ako...

Hinihintay ko siyang lumabas, ano na? Baka naman nahihiya? Natawa ako ng konti pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas.

"What took him so long?" Bulong ko sa sarili ko.

"Eric? Guards?!" Halos sumigaw na 'ko, nakaramdam na ako ng takot. Muling nagbukas ang mga ikaw.

"Ma'am si Sir po nasa labas!" Sumunod agad ako sa sumigaw na waiter para ikumpirma ang sinasabi niya.

Sa labas ay naabutan kong akay akay nang dalawa pang servants si Eric. Bugbog sarado na ito at walang malay.

"Isakay niyo siya sa kotse 'ko dali!" Pagmamadaling utos ko sakanila. Kinakabahan ako habang nagmamaneho.

I rushed him to the hospital. Grabe ang mga sugat na natamo niya.

Natagpuan daw siyang nakahandusay malapit sakanyang sasakyan at mukhang malaki daw ang galit nang taong gumawa sakanya nito. Walang nakakita sa nangyari kaya't walang makapag sabi ng eksaktong nangyari kay Eric.

Umuwi na ako pagdating ni kuya Enrique, Eric's brother. I was driving my car on my way home nang biglang tumunog ang phone ko.

I handle to unlock the screen of my phone and read the message from unknown number.

From: *******3416

YOU WILL NEVER REPLACE ME, YOU'RE STILL MINE

Ang kaninang kaba sa dibdib ko dahil sa pagaalala kay Eric ay mas dumoble. I'm sure, at hindi ako pwedeng magkamali galing ito Kay Vince.

Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng mesahe galing sakanya... Ghad! Hindi! Lagi nga pala siyang may mga letters.

I decided to go in my office, kinausap ko muna ang guard para samahan ako at may babalikan lang ako na hindi na pwedeng ipagpa bukas. Mabilis kong hinanap ang kahon na pinaglagyan ko ng mga pinapadalang sulat ni Vince.

.

Pagdating ko sa bahay ay isa isa kong binuksan ang mga sulat.

Napasinghap ako, ang lahat ng envelope ay naglalaman ng mga litrato ko.

During Badet's birthday, Outing sa Pampangga, Reunion with my relatives sa side ng father ko, Pictures ko sa mga clubs, resto bars, office at kung saan saan pa.

He was stalking me! At siya rin ang may kagagawan sa pinsalang natamo ni Eric. I cried, "I don't know what to do, what should I do?"

Next chapter