March 4 20++
9:30am-30 minutes before the apocalypse
"Okay class, tuturuan ko kayo ng isang technique para mas mapadali ang pagsagot niyo sa kahit anong math problem na tungkol sa mga persyento o percentage
"Example : 15% of 300 = 45
Step 1 : Calculate the 10% of 300 ( by dividing 300 to 10 ) 300/10 = 30
Step 2 : Calculate the 5% ( by dividing the result of step 1 by 2 ) 30/2 = 15
Step 3 : Add the result of step 1 and step 2
30+15 = 45
kung tatandaan o sasa ulo-in niyo lang ang mga steps na ito, mas madali ninyo lang masasagutan ang mga math problems ukol sa percentage." turo ng isang guro sa kanyang mga estudyante sa isang silid aralan.
Ding Ding Ding!
Tunog ng napakalakas na bell na narinig sa buong DOST building. Na hudyat na tapos na ang klase at magre-recess na ang mga ito.
Nang marinig ito ng gurong nagtuturo ay nagpa-alam nalang ito at nagsabi na
"Okay class, mayroon tayong isang mahabang pasulit bukas" sabay labas ng silid aralan ang guro.
ReD's POV :
"Badtrip naman nito oh, tumunog pa ang bell, ang ganda pa naman sana nung tinuro ni ma'am!" bulong ko sa sarili ko ng umalis si ma'am.
"Hoy Red!! Tara na at baka maunahan pa tayo sa pwesto natin sa cafeteria!!"
Biglang sigaw ng isang napakatabang baboy sa gilid ko, di joke lang yun hahaha, si Nonie a.k.a baboy lang po iyon na katabi ko
"Kung makasigaw tung BABOY na ito! Magkatabi lang po tayo kaya wag kang sumigaw-sigaw diyan!, at saka wala akong allowance ngayon kaya kayo na lang dalawa ni Norul ang mag recess dun!
Idiniin ko talaga ang pagkakabanggit ng baboy para maintindihan at pumasok din sa kukuti ng Nonie na ito ang sinabi ko HAHA!
"Okay!!! Bahala ka nga diyan KALANSAY! sana mamatay kana bukas!! " sigaw ni Nonie sabay walk out.
"Hahahaha! Humayo ka at magpalaki BABOY!! At wag mong kalimutan na bilhan din ako!! "
At dahil dun ako nalang ang naiwan dito sa room namin, antatakaw sa pagkain mga estudyante dito, pagka ring talaga ng bell nagsilabasan agad. Hay ewan ko ba talaga mga mayayaman pa naman sila bat antakaw nila sa pagkain, di naman ata sila nakukulangan sa pagkain eh nu??!
Maiba nga tayo.
Pala-away'ng kaibigan ba ako? haha ang sagot niyan ay hindi, kasi ganun lang talaga kami ehh
Walang oras kung magbangayan kaming dalawa, except sa pipi naming kaibigang na nagnga-ngalang Norul, once a blue moon lang yun sumali sa amin magbangyan.
Katulad kanina nakatingin lang siya sa amin magbangayan ni Nonie
Napapaisip nga lang ako kung kaibigan ba talaga namin yung singkit na iyun, pero wag ka! siya lang naman kasi ang rank 1 sa honors students dito sa department namin.
Kasi kung once a blue moon lang siya magsalita sa amin, pag sa klase naman ay halos mag-usap nalang sila ng guro namin dahil parati siya nalang ang sasagot sa mga katanungan ng guro namin.
Makapal ba ang mukha ko? Siguro oo . Nasanay na lang siguro ako na palaging nililibre ng mga kaibigan ko . Alam kasi nila na mahirap lang kami .
"Mahirap lang kami,, hahays,, Sa takdang panahon makaka-ahon rin kami sa kahirapan! 1 taon nalang at makaka-graduate na rin ako sa paaralan na ito. Tapos makakahanap na ako ng trabaho at yayaman na kami!"
"Ayy shitti-anyos!! High School pa pala ako ! isa dalawa,,,, taeng mabaho! may dalawang taon pa pala sa senior high school! Tapos may apat pang taon sa college! so meaning may anim pang taon akong mag-aaral! argghhh taeng mabaho tlaga ohh" napapisil ilong nalang ako ng maisip kung may anim na taon pa pala ako mag-aaral para makatapos.
"Hoy! KALANSAY! Walang taeng mabango!"
"Ay baboy!!" gulat kong pagkasabi nang may biglang sumigaw sa gilid ko
"Baboy yang mukha mo! Binilhan pa naman sana kita ng dalawang skyflakes at isang mismong coke! sayang naman nito. Ako nalang ang kakainin nito haha!" ngising pagkakasalita ni Nonie na pinapakita pa ang dala-dala niyang pagkain sa akin .
"Awh, Okay sayo na yan, alam ko namang matakaw kang baboy ka" napasabi ko lang iyon kasi di naman talaga kasi ako gutom at wala din naman akong gana kumain dahil sa napatanto ko kaninang tungkol sa college at shs
"Bigay mo na yan Nonie, blahh blahh"
Di ko na narinig ang sinabi ni Norul dahil naalala ko yung project ni Allen, na naiwan ko kanina sa 1st period namin na laboratory .
"Dapat ko pa pala talagang kunin ang project na yun sa laboratory kung hindi lagot ako kay Allen nito."
"Uy, Red crush mo nasa pintuan may hinahanap ata."
"Ha? Ano yun Norul?"
Di ko kasi masyadong narinig ang sinabi niya kasi iniisip ko pa talaga ang project ni Allen.
"Oo nga Red! Ang CRUSH mo ohh, Puntahan mo na!!" malakas na pagkakasabi ni Nonie, diniin pa talaga niya ang crush sabay turo niya sa pintuan
"Ha? Sinong crush Nonie? takang tanong ko kay Nonie, at sinundan tingin ko nalang ang tinuro niya
Nang makita ko ang itinuro ni Nonie, napatulala ako sa aking nakita kasi may isang nakatayong babae na parang 5'9 ang tangkad sa pintuan ng silid aralan, ang mukha kasi nito ay parang isang anghel na ipinadala ng panginoon sa kalupaan, ang mata nito na kumikintab sa ganda pag ito ay iyong titigan, ang labi pa nito na pulang-pula kahit di ito gumagamit ng lipstick, ang kutis pa nitong parang isang jade sa kinis at puti, at kung titignan mo siya sa malayo ay para siyang isang berhing banal.
Nang mahimasmasan na ako sa aking nakita ay dali-dali naman ako pumunta sa kanya at sinabing
"Ahh ehh, wa,wag mo na pa,pansinin ang mga yun Dinah nagbibiro la,lang ang mga yun hehehe , nu pala ang,,, " di ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang sumingit sa sinabi ko.
"Hoy Red!! Asan daw yung mga lab mask sa laboratory kasi wala ang mga iyon sa laboratory sabi ni Ms Smith"
Bulyat sa akin ng isang babaeng 5'7 ang tangkad. Kung masasabing parang banal si Dinah, ang babae naman nito ay kabalikataran niya, hindi dahil sa panget ito kundi dahil sa napaka attractive ng babae ito, at ayaw ko ng idescribe ang babaeng ito baka magkasala lang ako.
"Aa, lab mask ba? Nasa cooler yun ibinalik ko yung mga natira doon"
"Anong andun? galing na kami doon at i-chineck namin dun at wala kaming nakitang lab mask dun!!"
"Pero dun ko naman talaga nilagay ang lab mask ehh"
"Sige-sige babalikan namin dun sa laboratory at kapag wala! Humanda ka sa akin Red Cruz!! Tara na Dinnah"
Lalakad na sana sina Leah at Dinah ng pinigilan ko ito, takot ko nalang dito kay Leah, dahil sa pagkaka-alam ko ay maisasabing female version ni Allen tung Leah, di man siya kasing lupit ni Allen, pero kung ginalit mo talaga tung babaeng ito, isa lang ang maipapayo ko sa iyo, magtago ka na lang sa saya ng mama mo.
"Aa ehh ano , ako na lang ang pupunta dun sa laboratory hehe, atsaka ang init din dito sa labas ohh, dito nalang kayo room malakas-lakas din ang aircon dito sa room namin hehe, at uhm mabilis din naman akong tumakbo kaya ako nalang ang pupunta, hehe"
"Leah, ano bang pinagsasabi mo diyan di pa tayo nakakapunta sa laboratory, pumunta lang tayo rito para magtanong kung saan nilagay sa laboratory ang mga mask"
"Ano ka ba Dinah, hayaan mu nalang na siya na siya na ang kukuha nun, atsaka kakapagod kayang bumaba dun sa laboratory"
Tatakbo na sana ako papunta sa laboratory nang marinig ko ang bulongan ng dalawang babae
"Di kayo,,, " di ko natuloy ang sasabihin ko ng tumingin sa akin ng masama si Leah.
"Aa, ehh,, wala-wala, ito na kukunin ko na hehe"
Wala akong nagawa at tumakbo nalang ako papunta sa laboratory para kunin ang lab mask
Nasabi ko na ba sa inyo na nasa 2nd floor ang laboratory at nasa 5th floor kami? kung hindi pa, edi ngayon alam nyo na!
Booom! Booom! Booom!
Nasa hagdanan na ako ng 2nd floor ng may narinig akong isang malaking pagsabog.
Third Person View :
Isang malakas at nakakatakot na pagsabog ang narinig ng lahat .
At dahil dun sa narinig nilang malaking pagsabog, nagsilabasan ang lahat , mapa guro man o estudyante ng paaralan para usisahin kung ano ang napakalaking pagsabog na iyon.
"Sa tutok ata ng bundok nanggaling ang pagsabog na iyon!"
"Halata naman siguro, sapagkat may malaking usok dun, common sense naman diyan!"
"Ohhmaygadd! Nakakatakot naman ng pagsabog na iyon! I'm soo gonna die here huhuhu"
"Sana cancel ang pasok mamaya para makalaro tayo ng dota! Hahaha!"
"Students! Pumasok na kayo sa mga room ninyo! Tapos na ang recess!"
Ito at ibat-ibang usapan ang maririnig sa labas ng mga building .
Kung ang iba ay lumabas sa kani-kanilang room may iba namang nanatili sa kani-kanilang room.
Isa na dito ang dalawang kaibigan ni Red, gustuhin man nilang lumabas, di nila iyon magawa kasi may nakabantay na napakagandang dilag na nagnga-ngalang Leah sa pintuan ng room.
Kahit nga yung mga kaklase nila ay nagulat ng makita nila sina Dinah at Leah ,sapagkat kilala ang dalawa sa pangalang demon princess at holy princess ng DOST.