Si Tanaga ay busy sa pagbabasa ng mga dokumento na nasa harapan niya. Ni hindi man lang niya iniangat ang kanyang mukha at tumingin kay Ashley. Hindi tuloy malaman ni Ashley kung ano ang gagawin niya. Minabuti niya na tumayo lang sa harapan ng lamesa ni Tanaga at nagantay kung ano ang iuutos nito.
Nakalipas ang ilang minuto na nakatayo lang si Ashley na hindi namamalayan ng workaholic na si Tanaga. Ganyan siya kapag nasa opisina, halos hindi makausap ng matino at kung magsasalita man ay palagi na lang naka singhal. Kaya naman walang tumatagal na assistant sa kanya, palagi na lang isa or dalawang araw lang ang pinaka-matagal. Ang pinakamasakit ay 99.9% ay na-si-sibak sa pwesto.
Yung pinaka-huli niyang assistant, umuwing umiyak at nagmumura sa galit. Dahil lang hindi tama ang timpla niya ng kapeng ibinigay kay Tanaga, katakot takot na sermon ang inabot. Bago sa bandang huli, ay sinibak din siya, ng dahil lang sa kape...
สนับสนุนนักเขียนและนักแปลคนโปรดของคุณใน webnovel.com