" alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita. Sino ang mag aakalang ikaw ang magiging ina ng aking unang apo? " muling sabi ni Miguel.
Mataman lamang itong tinitigan ni Yen. Tila ba binabasa ang nasa isip nito.
" pero wala na tayong magagawa. andiyan na yan ee. Hindi ko naman gusto na hindi magpakalalaki ang anak ko. Panagutan niya yan." dugtong pa ni Miguel.
" oho nga ee. Hiyang hiya nga po ako sa sarili ko. Dahil tila ba ako pa ang may naagrabyado. Para bang hindi ako ang nawalan ng dangal." hindi napigil ni Yen na isatinig ang nasa isip. Napatingin na lamang sa kanya si Miguel at rowena. Si Jason ay nanatili lamang nakikinig sa kanila.
" ay kase Yen hindi din talaga namen alam ang gagawin. Unang pagkakataon na nangyari ito at nabigla din kame talaga. " sabi ni Rowena.
Marahang tumango si Yen. Wala naman siyang naramdamang masama sa kanyang sinabi. Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Naalala niya tuloy ang sinabi ni Madam Lucille nung minsan ay kinausap siya nito. Si Jason daw ay pang boyfriend material lamang at hindi ang tipo na maaasahan sa pagpapamilya. Kaya naman pinag-iingat siya nito.
Parang tama si Madam ng hinuha. Gayunpaman, magkamali na siya. At handa na siyang harapin ang parusa ng kanyang kapusukan.
Sa dulo ng usapang iyon ay sumang ayon si Yen na sa bahay ni Jason tumira. Ang rason? Kailangan din madanas ni Jason ang hirap niya.
Noong araw ding iyon ay sa bahay na ni Jason si Yen natulog. Hindi na siya namahay dahil ang kwarto nito ay katulad lang din ng kanyang kwarto.
Magkatabi sila ni Jason sa kama. Pero tila hindi sila kompotable sa presensiya ng bawat isa. Nanatili lamang silang tahimik at parehong nakatulala.
" kung hindi mo kaya, sabihin mo agad. Para hindi na tayo magkasakitan ng loob. " sabi ni Yen kay Jason.
" anu bang sinasabi mo? "
" naiintindihan ko na nabigla ka at hindi ka handa. Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi din ako handa." wika ni Yen.
" bago sayo ang lahat ng ito. Bago din sa akin ito. Ang nais ko ay karamay. At walang pwedeng dumamay saken kundi ikaw. Pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. Kaya ko itong itaguyod mag isa. Basta pag ganoon ay wag ka nang sasawsaw pa."
Dama ni Jason ang tono ng pagkairita kay Yen. Alam niya na nag-iisip ito. Alam niya na nahihirapan ito. Siya din naman.
" Ang plano ko sana ay doon ka nalang sa bahay mo. Pupuntahan nalang kita pag free ako. Susuportahan nalang kita. Buwan buwan bibigyan kita ng pera." sabi ni Jason.
Parang sinapak si Yen sa sinabi nito. Solid! masakit. talagang masakit. Anupa't hindi na siya nakapag salita pa. Seryoso siya? T.T Anak ng PUSA!! Anong klaseng lalaki ba ang napili niya?? Wala ba talagang naitatagong pagmamahal sa kanya ang taong ito? Minahal ba talaga siya nito? Nasaan ang nakilala niyang Jason?? T.T
" pero dahil natanggap naman ni Papa. At gusto na din niya ng apo...eto. ok na din ang ganito para magkasama tayo." wika ng lalaki. Yumakap ito sa kanya.
Torture.
Emotional torture yata ang tawag dito. Hindi ka pisikal na sinasaktan pero yung emosyon mo durog naman.
Tumayo ito at binuksan ang cabinet. Kalahati nito ay walang laman. Sabi ni Jason ay doon niya daw ilalagay ang gamit niya. Kukunin daw nila ito at kinabukasan.
Kinuha nito ang kanyang wallet. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng tokador nito. Ang sabi niya ay may pera daw doon at kumuha na lamang siya pag may gusto siyang bilhin. Wala siyang ideya kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaki.
Kinabukasan ay muli silang bumiyahe papunta sa bahay ni Yen. Kinuha ang ilang gamit na pang buntis at isinama na din pati si Manang. Iniisip ni Yen na mapapabayaan ang kanyang bahay kaya nag desisyon siya na parentahan na lamang ito. May pera siya, may mag aalaga pa ng bahay niya.
Malamig ang pakikitungo ni Jason sa kanya. Wala na ang maiinit na yakap at halik. Maging ang lambing ay naglaho din. Dahil stayhome si Yen ay siya ang naghahanda ng pagkain ni Jason. Inaasikaso niya ito katulad ng isang asawa. Thankful naman ito. Pero madalas ay hindi ito kumakain sa bahay. Iniiwan nito ang pagkaing ihinanda niya. Aalis at kakain sa labas.
Pero walang salita si Yen. Hindi siya nagreklamo. Ang bawat sakit sa kanyang loob ay nililibing niya lamang doon. Wala siyang mapaglabasan. Pakiramdam niya ay mag-isa siya at walang sinuman ang makakaunawa sa kanya. Kahit si Manang Doray ay hindi niya mapaglabasan. Hindi siya komportableng magsabi sa iba. Dahil alam niya, na masisira si Jason sa mga ito. Lalo na sa kanyang mga kaanak. Mabuti nang wala silang alam.
Para kay Yen, ang alitan at hindi pagkakaintindihan ng mag asawa ay dapat lamang manatili sa kanilang dalawa at hindi na kailangang malaman pa ng iba. Yon ay dahil pabago bago ang emosyon. Hindi permanente ang nararamdaman mo. Maaring galit ka ngayon pero mamaya ay ok na. Mahirap magsalita kapag emosyonal ka. Maaring manulas sa bibig niya ang lahat ng kasiraan kay Jason dahil galit siya. Pero pag nilambing siya nito ay burado ang galit niya. Ok na siya pero ang nakatatak sa pinagkwentuhan niya ah galit pa rin siya. At dahil nakikisimpatya ay magagalit din ito sa binata. Hindi niya yon pwedeng bawiin nalang basta.
Mahirap bumawi ng nasabi na. Hindi mo pwedeng ibalik ang laway na naidura mo na. Kaya naman, lahat ng sama ng loob niya na hindi niya na kinakaya ay direkta niyang sinasabi sa lalaki. Matatalim ang kanyang salita. Alam niyang masakit iyon pero sisiw yon sa sakit na dinadanas niya ngayon. At sa dadanasin niya pa sa mga susunod pang araw. Magtitiis hanggat kaya. Kakayanin para lang sa bata. Kahit pa magkalasog lasog ang puso niya.
Well...marami ang napapasok sa ganitong sitwasyon. Akala nila ay masaya na makasama ang taong mahal mo. Pero yon ay depende sa sitwasyon. Maaring nauna ang ganitong scenario sa buhay nila.Pero bilog ang mundo. Talagang iilalim tayo sa ayaw man natin o sa gusto.
I-ready ang puso.
Ang mga susunod na kabanata ay nakakakulo ng dugo. :-D
Salamat po sa pag antabay.
Continue to share your thoughts diyan tayo humuhugot ng isusunod sa kwento.
Inspire me more.
Love,
-nicolycah