Chapter 12
Belle
"Peter, buy me that. And that too, oh! And this!" tuwang-tuwang sabi ko. Pumapalakpak pa ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga sweets at pastries na nakahain sa harap ko. Nasa loob sila ng estante ng Cafè Vina, Cafè na matatagpuan sa likod ng University. Dito ako dinala ni Peter pagkatapos niyang humingi ng sorry sa akin.
Dalawang araw na din ang nakakalipas pagkatapos umatake ng phobia ko sa club room. Pagkagising ko ay naabutan ko si Dawn na binabantayan ako dahil wala din siyang pasok noong araw na yon. Pinagpahinga pa nila ako ng isang araw kahit na okay naman na ako. Pinilit ko lang sila ngayon na pumasok na ako dahil baka may namiss na akong mga subjects.
Panay ang sorry sa akin ni Peter pagkakita namin ngayong araw kaya sabi ko bilang kabayaran ay ilibre na lang niya ako ng sweets. Lunch ngayon at dito ako naisipan dalhin ni Peter. Nagbibiro lang naman ako pero tinotoo pala niya. Kaloka.
"Ang dami naman. This is suppose to be lunch and not a dessert, Belle." Naiinis na sabi nito kaya napatingin ako dito. Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin na siyang nginitian ko lang.
"Pero sabi mo sakin, ituro ko lahat ng gusto---"
"Oo na! Oo na! Umupo ka na doon, ako na bahala dito. Tsk." Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi nito. Naghanap ako ng lamesa sa loob ng Cafè habang may nakapaskil na ngiti sa labi ko. Sweets makes me really happy. May nakita akong bakanteng upuan sa may tabi ng bintana kaya naman naupo na ako doon at inilibot ang tingin sa loob ng cafè.
Super ganda naman dito at masasabi kong nakakarelax ang ambiance dito sa loob. Napansin ko naman na may nakahilera pa na bookshelf sa pader ng Cafè. Anytime pwede ka magbasa doon habang nagkakape o kaya kumakain. Sobrang daming libro at ang iilan pa ay novels. May iilan akong nakikita na estudyante mula sa ibang school malapit sa amin na nakatambay dito.
Nagtitingin-tingin lang ako sa loob ng Cafè ng makita si Peter na may dalang tray at papunta na sa pwesto ko. Nilapag niya ang dalang tray at naupo na sa harap ko. Nagsimula naman siyang inumin iyong kape niya at sinimulan ko ng kainin iyong mga pastries na nakalagay sa harapan ko. Gosh, this is heaven!
"So, I am now forgiven?" Napatingin ako kay Peter ng magsalita ito. Nakakunot ang noo nito habang may may maliit na ngiti sa labi. Tinaasan ko lang naman ito ng kilay.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago siya sagutin. "Anong sinasabi mo dyan?" I said before eating again.
"I'm sorry because napahamak ka na naman kasama ko. Sana pala chineck ko yung club room 'edi sana hindi ka nagpanic at inatake ng phobia at asthma mo. I'm so sorry, Belle." He smiled sadly. Malalim naman akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya.
"Wala ka naman kasalanan, kaya hindi ka dapat magsorry. Ang may kasalanan ay itong phobia ko. Nakakainis naman kasi itong phobia ko, nagpapanic agad hindi nagsasabi." Mahina naman siyang napatawa sa sinabi ko kaya bumalik na din iyong ngiti ko.
"Wag ka na magsorry okay? Wala naman sa akin iyon. Ang mahalaga nalibre mo na ako ng pagkain ko ngayon." Sumubo na naman ako ng isang kutsara ng chocolate cake at ngumiti sa kanya. Bigla naman siyang napahalakhak sa nakita.
"Ang kalat mo kumain, Belle. Hindi ka pa din nagbabago. May chocolate pa sa mukha mo." Nakangiting sabi nito sa akin.
Pinunasan ko naman ang kaliwang parte ng pisge ko at agad na tinignan ang kamay ko pero wala naman akong nakitang chocolate doon. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Agad kong sinamaan ng tingin si Peter dahil niloloko lang pala ako ng leche.
"Dito kasi---"
Tumayo ito at lumapit sa mukha ko para punasan iyong kanang parte ng pisngi ko. Parehas kaming natigilan ng magkatinginan. Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit pala ng mukha niya sa akin. Naramdaman ko naman ang nagwawalang dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Peter sa akin. Halos hindi ako humihinga dahil sa lapit 'non.
Mukhang parehas kaming natigilan dahil hindi niya inalis ang mata niya sa akin at ang daliri niya na nasa gilid ng labi ko. Ilang minuto kaming nagkatinginan bago ako magsalita.
"Wala...wala na ba? Natanggal... Natanggal mo na?" Mahinang sabi ko dito. Pero hindi pa din nito tinatanggal ang tingin sa akin.
"Hindi. Hindi ko pa natatanggal, ang hirap eh." Sabi nito at pinunasan ang gilid ng kanang labi ko bago lumayo sa akin. Saka pa lang ako nakahinga ng maayos ng inilayo niya ang mukha sa akin. Nakita kong namumula siya at nagpapaypay ng mukha gamit ang mga kamay niya. Agad naman akong nagtaka.
"Bakit namumula ka? Nilalagnat ka ba?" Akma ko sanang ilalapat iyong kamay ko sa mukha niya pero inilayo niya iyon na siyang ikinataka ko. Napakunot noo ako sa ginawa niya.
"I'm fine. Just eat." Napanguso na lang ako ay sinimulan na kumain ulit ng mga pastries. Maya-maya ay may naisipan akong itanong dito dahil kanina pa kami tahimik.
"Kamusta na kayo ni Dee? Nasabi mo na ba na nililigawan mo siya?" Napatingin ito sa akin bago napabuntong hininga.
"We're okay. I'm courting her but there's no need to tell her." Sumandal ito sa kinauupuan at mataman akong tinignan. Agad ko namang sinimangutan ang sinabi nito.
"Bakit kasi ayaw mo sabihin? Alam naman natin pareho na hindi ka irereject ni Dee, eh. Just tell her, papayag yon."
"How do you say so?" Napairap naman ako sa tanong nito.
"Because she's my friend! Iisipin niya yun ng mabuti bago ka niya ireject o hindi, and Dee is not heartless you know." May pinalidad na sabi ko dito. He just sighed.
"Okay, okay. This coming club meeting I will tell her. Aayain ko siyang manood ng sine para sa monthly movie review natin." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Sa wakas.
"Go! Kaya mo yan, ikaw pa. You're Peter Theo Pan. What Peter wants, Peter gets!" Nakangising sabi ko dito. Napailing na lang ito habang nakangiti sa akin.
Natapos na ang kinakain ko at bumalik na ako sa classroom. Naabutan ko naman na nandoon na si Fio at Rhonin. Napangiti ako ng kawayan ako ni Rhonin kaya agad akong lumapit dito.
Nalaman ko na bumalik na ito noong araw na inatake ako ng asthma, sinabi sa akin ni Dawn noong araw na binantayan ako nito. Nagawa pang pumunta ni Rhonin at Crimson sa dorm namin kaya medyo naloka si Dawn kasi baka daw makita sila ng guards. Dinalaw pala nila ako para kamustahin. Pero imbis na ako ang kamustahin ng dalawa ay ako ang nangamusta sa lagay ng Papa ni Rhonin. Si Dawn at Crimson naman ay bigla na lang nagpunta sa kusina at maghahanda lang daw ng meryenda. Buti nga ay hindi nag-away yung dalawa at tahimik lang na nakikinig sa amin ni Rhonin na naguusap.
Nalaman ko na mild attack lang iyong nangyari sa Papa niya at sinagot ng auntie ni Rhonin ang bayarin sa hospital ng Papa niya. Nagtagal pa siya ng ilang araw doon dahil walang maga-alaga sa mga bata niyang kapatid kapag umalis siya kaagad. Noong okay na raw ang lagay ng Papa niya ang lumuwas agad siya dahil nagaalala siya sa mga subjects na namissed niya.
"Rhonin! Bakit wala ka kanina noong first subject?" Pambungad kong tanong dito na siyang kinatawa niya.
"May inutos sa akin si sir Pochollo sa faculty kaya hindi ako nakapasok, excuse naman daw ako sabi niya." He just shrugged at hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa akin. May iba sa ngiti nito ni Pogi ngayong araw.
Naupo na ako sa upuan ko at napatingin kay Fio na nakikipagusap kay Rhonin. Napataas ang kilay ko. Close na pala itong dalawang 'to? Hindi ako nainform? Kawindang.
"Kailan pa kayo naging close nito ni yabang, Rhonin?" Tanong ko kay Rhonin. Napatingin naman sila parehas sa akin.
"Si Fio?" Rhonin said while looking at me.
"Oo. Kailan pa kayo naging close? Eh mayabang yan." Nakangisi kong sabi kay Fio na nakangisi lang din sa sinabi ko.
"Well, he guided me sa basketball club kahapon kasi wala si Jazper. He became my partner too kaya naging kaibigan ko na din siya. Why?" Tumingin ako kay Rhonin at hinawakan ang magkabilang balikat nito para ipaharap sa akin. Naramdamang kong nanigas ang katawan niya ng hawakan ko siya.
"Rhonin, look at me. Listen to me okay? Pakinggan mo ko ng mabuti." I feel the tension in him. Why? Tumango lang naman ito sa akin at naghintay ng susunod kong sasabihin.
"Huwag ka magdididikit dyan kay Fio, mayabang yan. Baka mahawaan ka, mahirap na. Wala pa naman yan cure sa kayabangan niya."
Agad ko naman siyang binitawan at napatingin kay Fio na masamang nakatingin sa akin. I faked a smile at him.
"Ang kapal naman talaga ng mukha." Sabi nito na nginisihan ko lang.
"Remember what I said ha? Baka mahawaan ka, maloloka ako." Sabi ko pa kay Rhonin na ngayon ay nakangiti na habang nakangisi.
"Kung mayabang ako, ano ka pa?" Aba! Level up si Bakla.
"Cute ako okay?" Nginitian ko pa ito para ipakita na cute ako, kahit hindi.
"Well? Sinong mayabang sa atin ngayon?" Umirap ito sa akin. Confirm! Bakla siya.
"Hindi yon kayabangan, kasi katotohanan yon. Saka, bakla ka ba? Bakit umiirap ka? Bakla." Nakita ko naman ang pagigting ng bagang nito.
"What did you just called me? Hindi ako bakla!" Nakaigting na pangang sabi nito. Galit na galit?
"Narinig mo pala e. Tatanong ka pa, bingi."
"Kids, tama na yan." Awat ni Rhonin sa amin habang tumatawa. Napatingin naman kami sa kanya.
"Shut up!" Sabay naming sabi kay Rhonin kaya napatingi kami sa isa't-isa bago magirapan.
Bumalik na lang ako sa pagkakaupo sa upuan ko at ganoon din si Fio na nagmartsa pa papunta sa upuan niya. G na G siya e.
"Ikaw lagi mo inaaway si Fio. Alam mo ba na halos lahat sa basketball club ay iniilagan siya kasi isa siya sa mga strict leader ng club? Tapos ikaw inaaway-away mo lang siya?" Natatawang sabi ni Rhonin.
"Leader pala yang yabang na yan, Unexpected." Malakas na sabi ko para marinig 'nung mayabang doon sa kabilang parte ng classroom.
Tinigil na namin ang paguusap ng dumating na ang professor namin para sa huling subject. Mabilis lang lumipas ang oras at uwian na. Napatingin ako kay Rhonin ng tumayo ito sa kinauupuan niya at humarap sa akin. May dala itong gym bag na nakasukbit sa kaliwang balikat niya.
"Gusto mo ba sumama, Belle? May training kami ngayon ng basketball club." Nagangat ako ng tingin dito at nginitian ito.
"Sige, nood ako. Sa gym diba?" Tanong ko dito habang sinusukbit ang bag ko. Nakita ko naman na lumabas na ng classroom si Fio.
Sabay na kaming lumabas ng classroom at nagpunta na ng gym, kung saan sa labas pa lang ay naririnig ko na ang tunog ng mga sapatos na nagtatakbuhan at ng mga bola na nagtatalbugan. Pagpasok namin ay may nakahilera ng lagayan ng bola sa gitna at may limang ganoon din na nakapwesto sa labas ng ring. Kung saan tinitesting nila ang 3-point shot ng bawat miyembro. Nagcover na rin ako ng sports sa newspaper namin kaya masasabi ko na ganoon nga ang ginagawa nila.
"Sa may bleachers na lang ako pu-pwesto, doon sa may taas na nakikita ko din kayo." Napatingin naman sa akin ni Rhonin at saka tumango. Nagtungo na siya sa may locker room nila.
Nagsimula naman akong umakyat sa bleachers at naghanap ng pwedeng upuan na kung saan ay tanaw ko ang ginagawa nilang lahat. Isa sa mga dahilan kung bakit sumama ako dito ay para makakalap na din ng impormasyon tungkol sa club. Dahil sa kabilang pa din ako sa Gazette club, ang official publication ng school, ay kailangan kong gawin ito. Magta-take notes lang ako ng mga nakikita ko at mamaya ay pwede akong magtanong-tanong kay Rhonin.
May narinig akong pumito at napatingin ako sa malawak na court sa baba. Nagsipuntahan na ang mga members ng basketball club sa gitna ng court kung saan nandoon ang coach nila.
Si coach Abueva, ang head coach ng basketball club. Kahit na nasa itaas na ako ng court ay naririnig ko ang sinasabi ni coach dahil sa lakas ng boses nito. Maawtoridad at nakakatakot ang lakas ng boses nito para mapapafocus ka talaga.
"Captain! Start the warm ups, now!" Napapikit ang kanang mata ko sa lakas ng boses nito. Nagsimula naman na magsipila ang mga lalake. Nagsimula silang tumakbo at napatingin ako kay Rhonin na seryoso ang mukha. Mukhang sineseryoso niya ang sports na ito.
Nang makapunta sila sa harap ko ay napatingin ito sa akin saka kinindatan ako. Napatawa na lang ako at napailing. Maya-maya ay nagsimula na ang training nila at tumagal din iyon ng ilang oras bago sila matapos.
Agad na umakyat si Rhonin sa mga bleachers para puntahan ako. Umupo ito sa katabi kong upuan. Agad ko namang naamoy iyong mabango niyang amoy pagkatabi niya sa akin. Ang bango pa din kahit pawis na pawis na.
"Nainip ka ba? Pasensya na kung isinama pa kita dito." He gave me shy smile.
"Mas okay na sinama mo ako dito, wala naman akong gagawin sa dorm e."
Napatingin ako sa noo nito na pawis na pawis hanggang sa leeg nito. May nakalagay na towel na nasa balikat nito pero ayaw niya punasan iyong pawis niya. Kawindang 'to si Rhonin hindi ginagamit ng maayos yung towel. Kinuha ko yung towel sa balikat niya na siyang nagpagulat sa kanya at napatingin sa akin.
"Tara dito, ako na magpupunas ng pawis mo. Para kang bata. Kaloka ka." Sabi ko dito at tumayo sa harap niya. Akma niyang kukunin sa akin iyong towel pero pinagalitan ko lang siya. Mukha naman akong nanay nito ni Rhonin.
"Pawis na pawis ka tapos hindi ka nagpupunas? Baka magkapulmonia ka sa ginagawa mo." Pangaral ko dito. Sinimulan kong punasan iyong natural na kulot niyang buhok, pinunasan ko rin ang mukha niya hanggang sa leeg niya. Naramdaman ko naman na nakatingin lang sa aking mokong kaya napatingin ako dito. Nakangiti lang naman siya habang nakatingin sa akin. Nagpeke ako ng ubo at pinagpatuloy ang pagpupunas sa kanya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Pagsusungit ko dito. Narinig ko lang itong tumawa at hinawakan ang mga kamay ko na may hawak na towel.
Naramdaman ko na naman iyong pagkiliti na nanggagaling sa tiyan ko. Parang may maliliit na paru-parong nagliliparan doon. Agad namang uminit ang mukha ko ng tanggalin ni Rhonin ang towel sa kamay ko at hawakan ang mga kamay ko.
"H-hindi pa ako t-tapos magpunas ng pawis mo!" Nauutal kong sabi. Nginisihan lang naman ako nito at inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya.
"Alam mo? Ilang linggo pa lang tayong magkasama sobrang gaan na ng loob ko sayo. Noong unang araw na nagkita tayo sa shop? Yung nahuli kitang nakatingin sa akin? Gusto na kitang kaibiganin noon." Mas lalo naman akong namula at nahiya sa sinabi nito. Naalala ko tuloy yung kahihiyan na nagawa ko noong unang araw namin na pagkikita.
"Tapos noong nalaman ko pa na dito ka pala naga-aral at kaklase pa kita ay sobrang saya iyong naramdaman ko. Bibihira lang ako magkaroon ng kaibigang babae pero masasabi ko na masaya pala. Tapos dumagdag pa sila Silvia na kaibigan mo? Thankful ako kasi nakilala kita. Lumalaki na iyong circle of friends ko dahil sayo, Belle." Mahabang sabi nito.
Buong pagkekwento niya ay nakatingin lang ako sa kanya at pinakikinggan iyong sinasabi niya. There this sincerity in his voice that I am loving to hear.
"Thank you, Belle." Pahabol pa nito.
Napangiti ako sa huling sinabi nito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinisil iyon para panggigilan. Narinig ko naman ang malakas na pag-aray niya.
"Ikaw! Ang dami mong sinabi, pinaalala mo pa iyong araw na iyon! Nakakainis ka, naloka ako." Sabi ko dito na siyang nagpatawa lang sa kanya.
Naupo na ako sa upuan ko at napatingin sa court kung saan namataan ko na masamang nakatingin sa pwesto namin si Fio. Nakapagpalit na ito ng damit at may sukbit ng bag sa balikat. Nang makita ako nito ay umirap ito at naglakad papuntang pintuan ng gym. Hindi ko na lanh pinansin, mukhang may regla na naman si yabang.
"Hindi ka pa ba magpapalit? Baka natuyuan ka na ng pawis? Magpalit ka na doon." I said sa lalakeng katabi ko na nagpupunas ng pawis sa braso niya.
"Yes, ma'am." Sabi nito at tumayo pa para sumaludo sa akin. Napailing na lang ako ng nagmadali na itong bumaba sa bleachers at tumakbong nagpunta sa locker room nila. Naisipan ko na bumaba na para doon na lang hintayin si Rhonin. Pagkababa ko sa bleachers ay may narinig akong magsalita sa likod ko.
"Is he dating you?" Napalingon ako dito dahil hindi ko narinig ang sinabi nito.
"What? Ano yun?"
"Nevermind, Dumbass." Wala akong mabasang kahit na anong emosyon sa mata nito. Maya-maya ay ngumisi ito sa akin. Ibang klase talaga 'tong si yabang. Bipolar ata 'to e.
"I'm not dumbass!" Halos sigawan ko na ito. Ngumisi lang ito sa akin. Bahagya naman akong napaatras ng nagsimula itong lumapit sa akin. Nang makarating ito sa harap ko ay halos tingalan ko ito dahil inaaamin ko, matangkad naman talaga itong si Fio.
"Hindi ko alam kung manhid ka o ano. Baka tanga ka lang talaga." Bigla naman nag-init ang ulo ko sa sinabi nito.
Susuntukin ko na sana siya sa braso niya ng kuhanin niya ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kanya. Sobrang lapit ng mga mukha namin at kaunti na lang ay magdidikit na ang mga labi namin sa sobrang lapit. Napalunok ako ng sarili kong laway at siya naman ay napangisi.
"Kapag nilandi kita, magpapalandi ka ba?"
Binitawan ako nito at inilayo ang mukha sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa sinassbi nito dahil narinig ko na ang boses ni Rhonin sa likod ko. Napalingon tuloy kami parehas dito.
"Belle, kain tayo sa labas--" Natigilan ito at napatingin kay Fio na nasa harapan ko.
"Oh, Fiodore. Andito ka pa pala? Akala ko umuwi ka na." Bati dito ni Rhonin. Nakabihis na siya ng pamalit niya.
"May naiwan kasi ako kaya bumalik ako. Pero okay naman na. Mauna na ako, ingatan mo yan si liit." Nakangisi nitong sabi sa akin.
"Hindi ako maliit! Matangkad lang talaga kayo!" Halos isigaw ko na ito dahil sa inis. Nagtawanan lang naman sila bago nagpaalam sa isa't-isa. Palabas na kami ni Rhonin ng gym ng maalala ko iyong sinabi ni Fio.
Kapag nilandi kita, magpapalandi ka ba?
Kaloka. Sa kayabangan ng isang yon, Kung ano-anong nasasabi.