Chapter 8
Belle
NATAPOS ang unang gabi ng The Trials na tahimik ako. Pagkatapos magtry-out ni Rhonin ay nakaabang lang ako sa kanya sa benches, samantalang kausap naman siya ni Jazper. Iyong lalake na tumawag sa akin ng maliit.
It's already nine in the evening and it means that The Trials is already ended. Nakamasid ako sa court habang nililigpit ng mga iba't-ibang estudyante ang kanya kanyang booths. Hindi na ako muling bumalik pa sa booth namin dahil gusto ko munang iwasan si Peter. Nandoon naman si Dee para samahan siya.
"You okay?" Napaangat ang tingin ko sa lalakeng tumabi sa akin. Inabutan ako nito ng tubig at kinuha ko naman iyon.
"Yeah, just tired. I'm hungry too." I sighed. Tumabi naman siya sa akin ng upo.
"Nagawa mong pakainin iyong kaibigan mo, tapos hindi ka pa pala kumakain." Bakas naman sa boses nito ang inis.
Inilapag nito sa harapan ko ang isang hamburger kaya naman agad na nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya. Sinagot na niya ako bago pa ako makapagtanong.
"The basketball club gave it to all of the people who try-out. Kuhanin mo na, hindi naman ako gutom."
Idinikit naman niya ito lalo sa mukha ko ng hindi ko iyon kinuha, dahilan para mapaatras iyong mukha ko bago siya tignan ng masama. Kinuha ko naman iyon at binuksan bago kumagat.
"Wala ng bawian ah." Sabi ko habang ngumunguya. Inirapan naman ako nito.
"Wag ka magsalita habang kumakain. Masama yan."
Hindi na lang ako nagsalita at sinunod siya. Natapos ko naman ang kinakain ko at uminom mula sa tubig na binigay din ni Rhonin.
Maya-maya ay nakita namin na papalapit sa kinauupuan namin si Dawn. Nakasunod naman sa kanya si Crimson na tumatakbo pa para makahabol kay Dawn.
"Nasaan iyong dalawang bruha?!" Nakapamewang niyang tanong pagkalapit niya sa akin. I just shrugged at her. Umupo naman ito sa tabi ko.
"Belle, uwi na tayo. Malapit ko ng masapak 'yang si sunog. Kanina pa ako ginugulo niyan. Yung dalawang bruha naman, iniwan ako kanina. Sabi iihi lang daw sila, hindi naman na bumalik." Bulong niya sa akin. Masama ang tingin nito kay Crimson na kausap na si Rhonin.
"Okay, magpapaalam muna ako kay Rhonin." Sabay kaming tumayo at lumapit sa dalawang lalaki.
"Rhonin, we need to go. Naga-aya na kasi si Dawn, babalik na kami sa dorm para makapagpahinga na." Nakangiti naman siyang tumango sa akin. Akma na magsasalita si Crimson ng sikuhin siya ni Rhonin, kaya tumahimik ito.
"Sure, gusto niyo bang ihatid namin kayo?"
Agad naman akong umiling sa sinabi niya at nginitian siya. "No need, Thank you. Mauna na kayo." Tumango naman ito sa akin at nagpaalam na mauuna na sila.
Nakamasid lang kami sa kanila hanggang sa makababa sila sa bench. Agad naman akong hinarap ni Dawn nang kami na lang dalawa.
"Is there going on between you and the new guy?" bahagya naman akong nagulat sa tanong nito.
"What? We're just friends, Dawn."
"Talaga?" Nakangisi pa ito sa akin.
"Oo nga. Ang kulit mo." Naiinis kong sabi dito. Napangiti naman ako ng may maalala.
"Mukhang type ka ni Crimson ah. Siya 'ata yung hindi makamove-on sa kissing scene niyong dalawa." Panga-asar ko dito dahilan para batukan niya ako.
"Aray ko! Leche ka, bakit nambabatok ka?!" Napahawak ako sa likod ng ulo ko dahil sumakit talaga iyon ng bongga.
"Ako, Belle tigil-tigilan mo ako ah? Badtrip ako ngayong gabi dahil sa sunog na yon. Panay ang asar sa akin, tapos kung saan ako magpunta nandon din siya. Super FC niya, eh ngayon lang naman kami nagkakilala. Gosh, maaga akong tatanda doon sa sunog na adik na yon!" Nagmartsa ito palayo sa akin matapos ang mahaba niyang litanya, natawa na lang ako habang sinusundan siya pababa.
---
PAGKADATING sa dorm ay nandoon na iyong dalawa. Napatingin sa amin si Silvia na nagbabasa ng magazine sa sofa. Mukhang hinintay niya kami.
Ibinaba nito ang magazine na hawak bago itinuro si Rosè na natutulog na.
"Na-injury iyong right ankle niya kanina kaya pinagpahinga ko na. Bakit ngayon lang kayo?"
"Ewan ko sayo, Silvia. Iniwan niyo ko kay Crimson kanina. Hindi mo ba alam yung pagdurusa ko doon sa adik na yon?" Nakabusangot na sabi ni Dawn habang nagpapapadyak ng paa. Tinawanan lang naman siya ni Silvia sa pagrereklamo niya.
Naupo naman ako sa sofa at nilagay sa head rest ang ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakinig lang sa kanila na nagu-usap. Maya-maya ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
---
"Belle. Belle, wake up na."
Napadilat ako ng mga mata at agad na tumayo sa kinahihigaan. Lumingon naman ako sa taong gumising sa akin. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko.
"Rosè? Anong oras na? Sino nagbuhat sa akin dito? Sa pagkakaalala ko ay sa sofa ako nakatulog e." Nahihirapan naman itong tumayo bago humawak sa ibabaw ng kama ko.
"It's already 9 in the morning and maybe, Dawn is the one who carried you to your bed. Ginigising ka nila kanina para makapasok kayo ng sabay-sabay, kaso hindi ka mapabangon. I suggest that we let you sleep more maybe, you're too tired from yesterday." Sabi nito at umupo sa kama na katapat ko. Napansin ko naman ang benda sa kanang paa nito.
"You okay? Masakit pa din ba?" Naga-alala kong tanong. Nginitian naman niya ako bago umiling.
"Not anymore, but it aches everytime I walked. Kaya I will stay here to rest. Hindi ka ba papasok?" Dahan-dahan itong humiga sa kama habang nakatingin pa din sa akin.
Shit! May morning class nga pala ako ngayon!
"Leche! Nakalimutan ko! Gosh." Agad akong tumayo sa kama at dali-daling dumiretso sa banyo.
Mabilis lang akong nakaligo at agad na nagbihis ng uniform. Nagpaalam ako kay Rosè na nanunuod ng video sa cellphone niya bago umalis ng dorm.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating sa IT Department. At dahil sa 3rd floor pa ang mga classroom ay habol hininga akong nakarating sa classroom.
Pagkadating sa harap ng classroom ay huminga muna ako ng malalim bago harapin ang pintuan. Unti-unti kong pinihit ang door knob para makapasok at napalaki ang mata ko ng makita ang nakasulat sa whiteboard.
'Mr.Serrano is absent.'
What?! Nagmadali ako para lang sa wala? Hindi na nga ako nakaligo ng maayos tapos malalaman kong wala palang prof?! Napapadyak ako dahil sa inis. Leche!
"Nakakabadtrip! Nagmadali ako tapos absent pala! Edi sana--!"
"Hey! will you shut up? I'm trying to sleep here." Napalaki ang mata ko bago humarap sa pinanggalingan ng boses.
It's Fiodore with his infamous messy hair. Masama ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Mula sa mukha niya ay nalaglag ang tingin ko sa nakabukas na mga butones ng suot nitong blouse dahilan para sumilip ang color black shirt nito. Nakasuot naman ito ng white shoes na bawal kapag nakauniform.
"Tapos mo na ba akong titigan?" May pagmamayabang nitong sabi habang may nakapaskil na ngisi sa labi.
Napatigil ako sa pagtingin sa suot niya at inirapan siya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo sa upuan ko para maupo.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Isang oras pa ako maghihintay para sa susunod na klase.
Bahagya akong napatingin kay Fio dahil bahagya itong nakahiga sa upuan habang nakataas pa ang mga paa sa upuan na nasa unahan niya. Nakapatong ang ulo nito sa sandalan at nakapikit ito. Mula sa kinauupuan ko ay mahina kong naririnig ang pinatutugtog niyang kanta sa earphones niya.
Simple Plan.
Apat na upuan ang pagitan namin pero tanaw na tanaw ko mula sa pwesto ko ang pagkatangos ng ilong niya, ang makinis niyang mukha at ang mga mapupula niyang labi. Kaya pala nagkagusto dito si Dawn dahil sa gwapo ito. Pero para sa akin, isa lang siyang mayabang na octopus.
Oo, octopus. Marami kasi siyang galamay na lalake, hindi ko naman masabi na tropa niya.
Bigla na lang napadilat ang mga mata nito at napatingin sa akin. Agad ko namang iniwas ang paningin sa kanya at nagkunwaring may hinahanap sa bag. Well, hinahanap ko naman talaga yung cellphone ko pero wala akong makita na cellphone sa bag ko.
Napatigil ako sa paghahalungkat sa loob ng bag nang may biglang umupo sa upuan na katabi ko. Nang tignan ko kung sino ay napataas ang kilay ko dito.
"Why are you looking at me earlier? do you have a crush on me?" What?! conceited!
"Ang yabang talaga." bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Wala. Ang sabi ko bakit ka dyan nakaupo? It's not your chair." Napangisi naman ito.
"I don't see any name on it. So, I will sit here if I want to."
Inirapan ko lang naman ang sinabi nito at nagpatuloy ang paghalungkat sa bag ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay automatikong napatingin ako sa taong katabi ko.
Nakapatong ang ulo nito sa mga braso niyang nasa ibabaw ng lamesa habang nakatapat ang ulo sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay bahagyang nanlaki ang mga mata nito at biglang nagtago sa mga braso niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Ang weird naman.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap. Maya-maya ay sumuko na ako, mukhang naiwan ko nga sa dorm.
Napatingin na lang ako sa bintana na nasa tabi ko at nanuod doon ng mga nangyayari sa baba. Katapat ng IT building ang track and field ng school kaya tanaw ko mula dito ang iilang estudyante na nagtatakbuhan at naglalaro sa field.
Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase namin para sa subject na ito, pero hindi ko sila pinansin. Ilang minuto pa ang lumipas at napuno na ng estudyante ang room. Maya-maya ay may lumapit sa akin.
"Herns? Ms.Go wants you in her faculty table mamaya. I think she wants to give you the books we used yesterday." Poppy said to me, napatango naman ako sa kanya. Siya ang masasabi kong class representative namin for this semester. She glance at the person beside me.
"Marami-rami iyon. Bring Fio with you okay?" napataas ang kilay ko sa sinabi niya at napatingin naman ako sa lalakeng katabi ko na nakangisi na pala sa akin. Humarap naman ito kay Poppy.
"Okay, Pres!" sumaludo pa ito kay Poppy. Umalis naman si Poppy sa harapan namin.
"I don't need you to come with me." masungit kong sabi.
Nagulat ako ng inurong nito ang upuan at idinikit sa upuan ko. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya naman napaatras ako ng pagkakaupo, dahilan para muntikan na akong malaglag sa kinauupuan ko. Mabuti na lang at nahawakan ko agad ang gilid ng lamesang katapat ko para hindi tuluyang malaglag. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin.
"But, I want to come with you." His husky voice sent shivers in my body, pero hindi ako nagpaapekto doon.
"Lumayo ka nga sakin, pwede? Nakakahiya, baka anong isipin ng iba." I flatly said before he pulls himself away. Nakangisi pa din siya sa akin.
"Let them think what they want to think, it doesn't matter." Sumandal ito sa pagkakaupo at nagpasalamat ako ng inilayo na niya iyong upuan niya sa akin.
Maya-maya ay pumasok na ang Prof namin para sa humanities. Pero ang ipinagtataka ko ay wala pa din si Rhonin, samantalang lagi iyong maaga. Hindi ko siya matawagan dahil wala akong cellphone na dala. Baka absent lang.
Napatingin naman ako sa lalakeng katabi ko na hindi na lumipat ng upuan mula pa kanina. Napairap naman ako nang makita na nagtatawanan iyong mga 'kaibigan' niya sa kabilang side ng classroom at nakatingin sa pwesto namin.
Maya-maya ay umayos sila ng upo at pare-pareho na nagtingin sa harap na siyang ipinagtaka ko.
Dumating ang prof namin sa Humanities na si Sir Pochollo, siya ang pinakabatang prof dito. Naging prof nadin namin siya last semester kaya naman kilala na namin siya at ganoon din siya sa amin. Naglecture lang siya ng kaunti at ibinigay ang project namin for the second semester.
"Okay class, I will give you your projects and activities for this semester. Matagal pa naman ito but, I want you to do this before semester ends. Para hindi magsabay-sabay iyong mga ipapasa niyo." kanya-kanyang reklamo naman ang narinig ko sa mga kaklase ko hanggang sa magtaas ng kamay itong katabi ko.
"Yes, Mr.Torres?" napatingin naman sa kanya ang lahat ng kaklase ko.
"This project can be done by two person, right?"
"Yes, you can do that. Just make sure that the two of you will work on it together." narinig ko naman ang kanya-kanyang hiyawan ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Sir Pochollo. Panay naman ang puri nila kay Fio dahil sa sinuggest nito.
"Dabest ka talaga, tol!"
"Thank you for saving us, Fio!"
Oo, mga tamad ang iilan naming kaklase at masasabi ko na puro lalake iyon. Expect that there's a lot of boys in IT Department.
Hindi ako sanay na may kahati sa mga projects ko simula pa last semester kaya naman hindi ako komportable sa sinuggest ni Fio. Agad akong nagtaas ng kamay at agad naman iyong nakita ni Sir.
"Just to remind you, Sir. The number of students in our class is an odd number. We are 31 here, may isang sobra. I suggest that, this project can done individually."
Hindi na bago sa akin na marinig ang reklamo ng mga kaklase ko when it comes to individual projects kaya hindi ko sila pinansin at naupo na lang. Nakita ko nanan na nagisip saglit si Sir Pochollo.
"Okay, I will decide. We'll be doing a drawlots. Is everyone here?" Tumingin ito kay Poppy.
Tumingin muna ito sa buong classroom bago ibinalik ang tingin kay Sir. "Rhonin, the transferee is not here. I guess I can write his name on a paper, para masulat lahat ng pangalan."
Wala ng nagawa ang mga kaklase ko kaya nagkanya-kanya kaming kuha ng 1/8 paper, pero wala kaming inilagay doon na kahit ano. Tinatawag kami isa-isa para doon sa harap isulat ang pangalan namin at para makabunot na din para walang mangyaring dayaan.
Kapag nabunot mo ang partner mo ay lalabas kayo ng classroom para doon magusap ng gagawin. Kapag nabunot ng iba ang kapartner mo o ikaw, kailangan bumunot ulit ng iba ang nakabunot ng pangalan mo at ng kapartner mo para magkaroon ng partner ang lahat. (nagets niyo ba? ت)
Paunti na ng paunti ang tao sa loob ng classroom at wala pa din ang nakakabunot sa akin at hindi pa din ako natatawag sa harapan.
"Mr.Torres, your turn." Tumingin si Sir kay Fio at tumayo naman itong katabi ko.
Lord, sana wag ko po siyang makapartner. Magpapakabait po ako ng isang linggo, promise. Wag niyo lang po ako hayaang--
"Herns, tara na." Kung siniswerte ka nga naman.
Inirapan ko siya at tumayo ako sa kinauupuan ko para sana magreklamo kay Sir pero naunahan na niya akong magsalita.
"Can you tag Mr. Domingo in your group? Nakita ko kasi kayong magkasama ng The Trials, Kaya I assume na magkaibigan kayo." Pinakita nito ang hawak na papel sa akin, nakasulat doon ang pangalan ni Rhonin kaya kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob.
"Sure Sir." Nakangiti kong sabi.
"But, sir--" Agad kong kinurot ang tagiliran ni Fio ng magtangka itong magreklamo. Nakita iyon ni Sir kaya tinawanan niya kami.
"Bagay kayo." Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko.
"Oo naman, Sir--" Nagmamalaking sabi ni Fio.
"Tumahimik ka dyan, kung ayaw mong tanggalin kita sa grupo."
"You can go now, may klase pa ako dito. Shoo!" Pagtaboy samin ni Sir.
Tumango lang ako kay Sir at nagmadaling lumabas ng classroom.
"Herns! wait for me." Binilisan ko ang paglalakad para mabilis na makarating sa hagdanan.
At dahil sa mabilis kong paglalakad para matakasan si Fio, pagkaliko ko sa hagdanan ay may nakabangga akong tao. Malakas ang impact ng pagkakabangga sa akin dahilan para mapaatras ako. Nagkamali ako ng atras at naramdaman ko na matutumba ako.
"Herns!"
"Belle!"
---