webnovel

SSTGB 23 : TEARS AND FONDNESS

Hindi ko inaasahan na napapadalas na ang paglabas namin ni Charmagne. Mas lalo naming nakilala ang isa't isa at mas lalo kaming naging tampulan ng tukso.

And of course, sino pa bang nanunukso sa amin, edi ang mga supporters kuno ng namumuo raw naming magandang pagsasama, my angels and my family. Yes, you read it right, MY FAMILY!

Hindi ko alam kung bakit trip nila kaming i-ship, where in fact they knew that Charmagne is gay. Ewan, umaasa yata silang maging lalaki siya at maging kami? OMG! Parang mga baliw!

"May transferee?" usal ng babaeng nasa harapan ko ngayon habang naglalakad kami sa may hallway. Hindi ko talaga trip makinig, pero wala akong magagawa dahil ang laki ng boses ng mga batang ito.

"Hindi raw, eh, sayang super pogi pa naman," sagot naman ng kasama niya. Sus, kapag transferee talaga iyon malamang ay dadagdag na naman iyon sa mga listahan ko—este listahan ng mga batang ito.

"Ba't daw nandito?" tanong muli ng naunang babaeng nagsalita kanina.

"Ewan? May hinahanap daw, eh," sagot naman ng babaeng tinanong niya. Hindi ko na rin narinig pa ang usapan nila dahil lumiko na sila sa ibang daan.

Nagpatuloy lang din ako sa paglalakad papunta sa susunod kong klase. Iniwan na nga pala ako ng tatlo dahil tumambay pa ako sa music room saglit. Hindi naman sa pagmamayabang, pero nang umulan ng magandang boses ay nakanganga ako kaya salong-salo ko iyon lahat. Kaya lang ay ayokong may ibang nakakarinig ng boses ko, lalo na kapag hindi ko kilala. Mahirap na baka ma-fall sa akin. Hehe.

"Arabells!" tumakbo papunta sa akin si Chandra na para bang kanina niya pa talaga ako hinihintay dahil may importante siyang sasabihin. "Si Clara," kumunot iyong noo ko nang banggitin niya ang pangalan ni Clara at nanlalamig ang kamay niya nang hawakan ako.

"Ano bang nangyari sa kaniya?" takang tanong ko nang hilahin niya ako sa kung saan.

"A-Ano. . .ewan, basta bigla na lang siyang umiyak sa classroom tapos tumakbo," sagot niya. Nag-aalala tuloy ako agad. Bakit naman kaya siya iiyak bigla, hindi ba? Tsk!

Pagpasok namin sa washroom ay agad isinara ni Chandra ang pintuan. Nakita ko naman si Anikka na nag-aalala rin ang itsura habang kinakatok ang isang cubicle kung saan may babaeng umiiyak, at malamang sa malamang ay si Clara na iyan.

"Clara," tawag ko sa kaniya. Sandali siyang tumigil sa pag-iyak, pero ngumawa na naman siya ulit. "Hoy, lumabas ka at pag-usapan natin 'yan. Sa amin ka yumakap at umiyak, huwag diyan sa kubeta," muli kung usal. Bagama't parang binibiro ko siya, pero seryoso, gusto kong sa amin niya ilabas kung ano man iyang iniiyakan niya.

Ilang sandali lang din ay lumabas siyang umiiyak pa rin at nagmukha siyang hinabol ng mga multo, pero in fairness, maganda pa rin siya. Sana all!

"Ano ba kasing nangyari?" nag-aalalang tanong ni Anikka habang hagod-hagod ang likuran ni Clara.

"Si. . .Si JD kasi," humagulgol na naman siya at napayakap kay Chandra.

"Ano? Busted ka?" tanong na naman ni Anikka na agad kong ipinagtaka.

"Busted?" kunot-noong tanong ko.

"You've been so busy strolling around with Charmagne kaya hindi ka na updated sa buhay ng kaibigan mo," sagot naman ni Anikka. Promise, kumirot ang puso ko! Hindi ko alam kung ano ba iyong dapat kong maramdaman.

"S-sorry naman," pinipigalan ko iyong mga luha kong bumagsak dahil moment ito ni Clara, eh.

"You should know how to balance life, Ara. Hindi dahil may bago kang nakilala ay ichapwera na kami."

"Anikka," suway sa kaniya ni Chandra. Ngayon ko lang din napansin na tumigil na si Clara sa kakaiyak habang nakayakap pa rin kay Chandra kaya siguro pwedeng ako naman?

"Sige, Anikka, si Charmagne 'yong lagi kong kasama, but it doesn't mean na nakalimutan ko kayo!" umiiyak kong sabi. Alam niyo iyon, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko dahil mukhang galit ang mga kaibigan ko sa akin. "So, all this time, iyong pagtutulak mo sa amin ay hindi naman pala totoo. Pinaplastik mo ba ako?" hindi ko alam kung paano kong nasabi iyan, basta biglaan na lang lumabas sa bibig ko.

"Ara, hindi naman ako against sa inyo ni Charmagne. Ang akin lang huwag puro siya. Sa tuwing magkasama tayo sinong lagi mong bukambibig? Si Charmagne, 'di ba? Kung ano na naman ang ginawa ni'yo, kung saan kayo next time, siya na lang! Siya lagi. Hindi mo man lang kami hinayaang makapagsalita, hindi mo man lang inalam kung may gusto kaming sabihin," patuloy pa rin akong umiiyak at ngayon ay masasabi ko talagang may mali akong nagawa sa kanila, "ayan, si Clara, hindi mo man lang alam na noong isang araw ay kailangan niya tayo dahil nag-away 'yong mga magulang niya. Tinawagan ka namin, but you can't be reached, you're busy with your own happiness—"

"Tama na, Anikka!" suway na naman sa kaniya ni Chandra.

"Ara deserves all the happiness she's getting this time, Anikka," usal naman ni Clara. "Naiintindihan ko na may mga araw na iba na ang kasama niya. Oo, nakakaselos, sanay tayo na tayong apat ang laging magkakasama, pero hindi naman ibig sabihin na dahil kay Charmagne niya ibinigay ang oras niya ay may pagkukulang na siya sa atin. . .I understand where your madness came from, Anikka, pero hindi dapat natin i-blame 'yong friendship ni Charmagne at Ara kaya hindi siya nagiging updated sa buhay natin," mas lalo lang ako umiyak dahil sa mga sinabi ni Clara. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako galit kay Anikka dahil sa mga sinabi niya, sadyang nasaktan lang ako dahil hindi ko alam na nakalimutan ko sila noong mga nakaraang araw.

"Pasensya na, ha?" patuloy na bumabagsak ang mga luha ko habang sinasabi ko iyan. "Si Charmagne ang kasama ko kasi. . .si Chandra, busy siya sa ginagawa niyang portrait na ipanglalaban niya sa national competition ng drawing contest. . .Si Clara, busy siya sa hindi ko alam na dahilan at wala akong planong itanong dahil naghihintay lang ako na sasabihin niya. . .At, ikaw Anikka, busy ka sa pakikipag-usap kay Greg on phone. . .Minsan nga sobrang saya ko na nagkakaroon ako ng oras na makausap kayo to update you, guys, what is happening to me. . .pero, wala naman akong sinisisi kung bakit. . .kung bakit ang hirap na magkaroon ulit tayo ng oras na magkasama at magka-usap," ilang beses na ba akong umiyak sa buwang ito? Diyos ko! Nakakapagod din pala.

Umalis ako roon na mabigat pa rin ang pakiramdam, pero hindi dahil galit ako sa kanila. Basta, may kung anong mabigat lang talaga sa pakiramdam ko.

"Ara!" napatigil ako nang may humila sa kamay ko, "b-bakit ka umiiyak?" takang tanong niya. Mukhang siya yata iyong lalaking pinag-uusapan ng dalawang babae kanina.

"Masama ba akong kaibigan, JD?" tanong ko sa kaniya. Halata namang wala siyang naintidihan sa simpleng tanong ko dahil hindi siya sumagot. "Inano mo ba si Clara?" iniba ko na lang iyong tanong ko dahil hindi niya talaga ako binigyan ng sagot.

"First, I may have no knowledge about your friendship with your best friends, but I know and believe that you're the best person to befriend with," puno ng sinsiredad niyang sabi kaya hindi ko namalayang napatitig na ako sa kaniya at hindi ko man lang napansin ang mga taong nakatingin sa amin. "And second, I didn't do anything to her," aniya.

Pinahiran ko muna iyong luha ko at binawi ang kamay kong kanina niya pa hawak. "Una, salamat sa sinabi mo, pinagaan mo 'yong nararamdaman ko. At ikalawa, kung wala kang ginawa sa kaniya, eh bakit siya umiiyak?" tanong ko.

"Swear, wala akong ginawa. We've met earlier, tinanong niya kung ano 'yong ginagawa ko sa school ni'yo, I was about to say I'm looking for her, pero bigla siyang tumakbo leaving me with a question mark on my face," sagot niya kaya pati na rin ako ay nagtataka na. Kung wala siyang ginawa, eh bakit umiyak si Clara? Hindi man nga lang siya binusted ni JD—

Wait. . .

. . .may gusto si Clara kay JD? Aha!

"Ano bang huli mong sinabi kay Clara?" tanong ko na naman. Pakiramdam ko kasi ay na-misinterpret ni Clara kung bakit nandito si JD.

"I am looking for, idadagdag ko sana ang 'you', pero 'yon na nga, she ran away," sagot niya. Tsk, malaki talaga ang chance na tama ako.

"So, you weren't looking for Charmagne?" bigla na lamang lumitaw si Clara at tinanong iyan.

Ay, sabi ko na nga ba. Ayan kasi, jump into conclusion agad.

"What? Bakit ko siya hahanapin?" takang tanong naman ni JD.

"Kasi. . .I-I don't know," sus, nagseselos lang itong si Clara, eh. "Pero, sandali, bakit mo naman ako hinahanap? Gagawin mo na naman akong cover girl? May bago ka na naman bang ka-date?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kapag papayag kang makipagdate sa akin, then surely, may bago akong ka-date," ang laki ng ngiti sa mukha ni JD at ako nga ay napangiti rin. "I actually came here to ask you to come with me on my Grandparents golden anniversary later," muling usal ni JD at ito namang si Clara ay hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig niya.

"R-Really?" see? Ayaw niya yatang maniwala.

"Oo naman. So, will you be my date then?" tanong ni JD.

"Aayaw pa ba ako?" ayan, huwag ng pabebe pa, Clara, baka makawala pa iyan. Niyakap naman siya agad ni JD na para bang manliligaw siya ni Clara at sinagot na ng oo.

Hooh! I'm so happy for my Angel!!

Pero, mukhang may iiyak!

"Ara," nilingon ko naman agad si Anikka at nakokonsensya na naman ako, "you go and follow him. He needs someone to talk to and I know that you're the right person, Ara," nakangiting aniya.

Napayakap na lang ako kay Anikka. Mukha kaming mga sira rito, pero the hell we care? Madrama kami ngayon, eh. "Sorry, Anikka," pinigilan ko namang huwag maluha, pero ang hirap pala.

"Stop weeping, young lady," natatawang usal niya. "I'm sorry, too, hindi ko dapat 'yon sinabi, sorry talaga," naluha na rin si Anikka kaya naman pinahiran ko iyon agad. "You know that I love you so much, Arabells," dagdag pa niya.

"And, I love you, too, my angel," sagot ko at pareho naman kaming napangiti. I know that I no longer can live without my angels kaya nga dapat kahit may asawa at mga anak na kami ay dapat nasa iisang lugar pa rin kami. Sila lang kasi iyong mga taong handang makinig sa mga kadramahan at kasiyahan ko sa buhay.

"Sige na, sundan mo na si Charmagne," aniya at tumango naman ako agad. Nag good luck naman sa akin si Chandra. Tss, parang sira iyon. Bakit may pa-good luck? Haynako!

Hinanap ko naman agad si Charmagne at nakita ko siyang pumasok sa AVR 1. Dito yata siya magdadrama kasi mas malamig dito kumpara sa mga classroom lang, dito kasi ay mas todo ang aircon!

"Why are you following me, Kilatra?" tanong niya na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa pinaka-unang upuan.

Lumapit ako at tumabi sa kaniya. "Baka naman gusto mo ng shoulder to cry on?" tanong ko, pero kumunot lang ang noo ko nang marinig ang tawa niya. "May nakakatawa ba, ha, Juding?" asar ko kunyaring tanong.

"Bakit? Akala mo ba ay iiyak ako?" tanong niya at syempre, tumango ako agad. "Gusto ko sana, pero 'yong isip ko lang naman ang nagsasabi na umiyak ka at masaktan, Charmagne, pero 'yong baby heart ko, wala ng nararamdaman," aniya. Napayuko ako at saka napabuntong-hininga. "Palagi na lang akong iniiwan at hindi pinipili, Ara," napatingin ako ulit sa kaniya, pero siya ay nasa harapan na ang tingin, "lahat ng lalaking minahal ko ay pinapasaya lang ako saglit tapos kalaunan ay iiwanan na nila ako. . . Sign na ba para. . .babae naman ang mahalin ko?" tanong niya na ngayon ay nakaharap na sa akin! Sh*t! Napalunok ako nang wala sa oras! Kinabahan ako! "Baka pwedeng ikaw?" tanong niya pa.

"N-Nakakadiri ka naman, Juding," ano ba naman ito? Pinagsisisihan ko nang sinundan ko siya!

"Nakakadiri? Baka kapag hinalikan kita ay baka mahulog ka lang sa akin, eh," wow! Ang taas ng tingin sa sarili!!

"H-Hindi ka ba talaga iiyak?" sh*t! Sa wala na akong ibang masabi, eh.

Nai-atras ko iyong sarili ko nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin!! Umatras pa ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat, pero anong aatrsan ko, eh dikit na dikit na iyong likuran ko sa sandalan ng upuan!!

"Natatakot ka bang mahulog sa akin?" wait—did I just heard Charles Fuentes's real voice? Sh*t, man! It's so deep!!

"K-Kung gusto mong. . .u-umiyak, umiyak ka lang," pilit kong iniiwasan ang tingin niya, pero ang hirap gawin!!

"Bakit ka kinakabahan?" nakangising tanong niya!

"A-Alam kong n-nasasaktan at n-nagseselos ka, J-Juding," bwesit!! Kinakabahan ako nang sobra-sobra!! Konti na lang talaga ay makukuha na niya ang holy first kiss ko!!!

"Can you please just fall for me?" sasagot pa sana ako, pero bigla niya akong niyakap at saka siya biglang humagulgol. "Jake. . .can't he love me back?" muling usal niya kaya napabuntong-hininga ako ulit.

Sinasabi ko na nga ba, pinipilit niya lang itago ang nararamdaman niya!

Pero sh*t lang, ha, kinakailangan bang pakabahin niya muna ako saka niya ilalabas ang nararamdaman niya? Tsk!! Kaasar!!

"Kilatra, do I seem not worthy to be loved?" tanong niya habang nananatiling nakayakap sa akin.

I caressed his back as I uttered, "you're always worthy to be loved, Charmagne."

Kumalas siya sa pagkakayap sa akin at muling hinawakan ang balikat ko. "Bakit hindi ko maramdaman?" malungkot niyang tanong.

"Charmagne, maraming nagmamahal sa'yo. Pamilya mo, mga kaibigan mo. . .ako, mahal kita dahil kaibigan kita," sagot ko at nakita ko namang sumibol ang ngiti niya.

"Pero, may kulang, eh," naupo siyang muli sa kaninang inuupuan niya, "ang laki ng kulang at gusto ko. . .gusto kong si Jake ang pumuno no'n, Kilatra," aniya.

Tiningnan ko siya nang ilang segundo. Si Charmagne, kung itsura ay wala akong nakikitang problema. Ugali? Minsan mapang-asar, pero madalas mabait. Hindi niya ako iniiwan, lagi niya akong pinapasaya at pinapakaba sa tuwing pinagtitripan niya ako. Mahal ng mga kaibigan ko at lalo na ng pamilya ko.

"Iyong kulang. . .hindi ba pwedeng iba na lang ang pumuno? Hindi ba pwedeng ako?" nagulat siya sa tanong ko, pero hindi ko iyon pinansin. "Can I fulfill it, Charles?" hindi ko namalayang naluha pala ako. Tears of joy? Nonsense man pakinggan, pero masaya akong itinanong ko ang mga iyon.

Hindi ko alam kung bakit naging masaya ako sa mga tanong ko, pero iyon kasi ang sigaw ng isip ko at lalo na ang puso ko.

After all, I don't have any other reason not to like this gay.

Next chapter