"Okey sige makikinig kami! Ikuwento mo kung paano nangyari na kasama ka sa pagsabog?"
Sabi ni Issay kay Emily.
Mahina pa si Emily pero ayaw silang tigilan nito. Kaya pinag bigyan na ng dalawa para matapos na at makapagpahinga na sya.
Vanessa: "Sis, mas mabuti sigurong i-video na natin para hindi sya paulit ulit!"
Naawa na sila sa kalagayan ni Emily, kailangan masabi na nya kung ano ang dapat nyang sabihin. Para kahit papaano gumaan ang pakiramdam nya.
Dahan dahang syang nagsimulang magkuwento kahit nahihirapan. Ang tanging nasa isip ay kailangan nyang masabi ang lahat para kung sakaling may mangyari sa kanya. Pagod na rin naman sya at hirap na hirap na.
Emily: "Isa ako sa mga reporter na naimbitahan sa events pero hindi ako makapasok gawa ng may nagnakaw ng imbitasyon ko!"
"Mayroon kasing darating na sikat na celebrity kaya hindi rin ako makaalis!"
"Hindi ako pwedeng bumalik sa boss ko na wala akong dala kaya naghanap na lang ako ng ibang mapupwestuhan para makakuha ng magandang larawan!"
"Sa tabi ng restaurant ay isang bakanteng lote na may mga ilang puno sa paligid. Umakyat ako sa isang puno na malapit sa kusina at tanaw din ang entrance ng restaurant!"
Tumigil saglit si Emily, halatang napagod sa pagsasalita at mukhang kumukuha ng lakas. Hinayaan lang sya ng dalawa at buong pasensyang nag antay.
"Maya maya may nakita akong isang babae na lumabas sa likod. Pagdating sa may drum may kinuha itong isang bag na may lamang uniporme ng restaurant!"
"Isinuot nya ito, ipinatong sa sleeveless nyang blouse at pagkatapos ay pumasok sa loob ng kitchen dala dala ang bag!"
"Wala na akong napapansin na tao sa loob ng kitchen maliban sa kanya kaya nakita kong may kinukuha sya sa dalang bag at paikot ikot sya duon at pabalik balik na tila may kinakalikot! Pagkatapos ay inilibas nya ang huling laman ng bag at nagpunta sa microwave saka may inilagay sa loob!"
"Pero nagulat ako ng matapos nyang i-set ang timer ng microwave nagmamadali itong tumakbo palabas sa likod pero wala na syang dalang bag!"
"Habang tumatakbo palabas, hinuhubad nya ang uniporme ng restaurant at itinapon ito saka nagmamadaling tumakbo sa isang sasakyan at kinuha ang isang kahon ng cake!"
"Inaayos ang sarili at dahang dahang humakbang patungo sa entrance ng restaurant!"
"Nagtaka ako sa ginawa nya, kaya naghinala ako pero ... huli na!"
"Ang huli ko na lang naalala ay may nadinig akong malakas na pagsabog at naramdaman kong bigla akong lumipad!"
"Kinabukasan na ako nagka malay at napansin kong nasa talahiban ako!"
"Madilim ng magkamalay ako kaya wala akong nakitang tao sa paligid. Pinilit kong tumayo para maka alis at maka hingi ng tulong!
Hindi ko makita ang cellphone ko kaya hinanap ko ang kotse ko dahil naroon ang isa ko pang phone!"
"Hindi ko pa alam kung ano ang nangyari sa akin at bigla na lang akong tumilapon ng ganun!"
Hindi na nya mapigilan maging emosyonal pero nagpatuloy pa rin ito kahit garalgal ng ang boses.
"Pag bukas ko ng phone, nagulat ako ng malaman kong isa ako sa namatay sa pagsabog!"
"Paano mangyayari yun e buhay pa ako!"
"At ang nakaka takot dun yung babaeng nakita ko .... yung babaeng pumasok sa kitchen at may nilagay sa microwave, ...
sya din yung babaeng tinutukoy sa balita.... yung nagiisang nakaligtas sa pagsabog!"
"Natakot ako..... Nataranta...."
At tuluyan na itong humagulgol ng pagiyak.
Nagkatinginan lang ang magkaibigan.
Saka bumuntunghininga.
**********
Sa bahay nila Belen.
Gene: "Kamusta ka na Giliw ko? Meron bang masakit sa'yo?
Anong sabi ng duktor?"
Sunod sunod ang tanong nya kay Belen. Puno ng pagaalala.
Belen: "Gabi na ba't nagpunta ka pa?"
Gene: "Nagaalala kasi ako ng madinig ko kay Ate Issay na naospital ka!"
Napakunot ang noo ni Belen.
'Lintek ka Issay humanda ka sa akin!'
Mukhang naintindihan ni Gene ang iniisip ni Belen.
Gene: "Teka! Huwag kang magalit kay Ate Issay! Hindi naman nya sinabi sa akin, narinig ko lang sa paguusap nila ni Vanessa!"
"Hindi ko nga naitanong sa kanila kung saan ospital ka naka confine basta na lang ako tumakbo! Tapos naalala ko lang pagdating ko ng Maynila!"
"Tinawagan ko sila pero hindi ko makontak kaya dumiretso na ako dito!"
Nangiti si Belen ng marinig iyon.
Belen: "Mabuti pa maupo tayo at may kailangan akong sabihin sa'yo!"
Alam nyang hindi na nya maiwasan ito kaya mas magandang sabihin na nya agad kesa sa iba nya pa malaman.
Gene: "Bakit may masakit ba sayo?Ano bang sabi ng duktor mo?"
Belen: "Sabi ni Doc, kailangan ko daw ng maraming pahinga at saka bawal sa akin ang ma stress!"
'Saka bawal din daw ang exercise!'
Pero hindi maisatinig ni Belen.
Gene: "Bakit saan ka ba na i stress, Giliw ko?"
Belen: "Sa'yo!"
Gene: "Ha?"
Belen: "Ikaw ang dahilan kaya ako naospital!"
Napaisip si Gene.
'Anong ginawa ko? Bakit ako?
Natatawa si Belen sa reaksyon ni Gene pero pinipigilan nyang mangiti.
Gene: "Bakit ako? Na miss mo ba ako?"
Siguro nga na mi miss mo ako kaya ka naiistress?"
"Ang tagal kasi nating hindi nagkita!
Hinahanap hanap mo ba ako?
Gusto mo bang dito na ako matulog para hindi ka na ma stress?"
Belen: "Ewan ko sa'yo! Hmp!"
Sabay bato ng tropillow.
'Pano ko ba sasabihin sa hinayupak na ito na bawal mag exercise!'
Nagtataka si Gene.
'Anong kasalanan ko?
Ba't bigla syang nagalit?
Siguro na miss nya talaga ako ng husto lalo na yung ..... (kinikilig)
Belen: "Pwede ba Gene umayos ka at may sasabihin ako sa'yo!"
Gene: "Yes Giliw, I'm waiting.... Ano ba yun? Pinasasabik mo naman ako eh!"
Hindi alam ni Belen kung matatawa sya o maiiyak.
'Juskolord, bigyan nyo ko ng lakas!'
Belen: "Gene gusto kong ma...."
Hindi na nito natapos ang sasabihin.
KRRIIIIIIIINNNGGGG
Tumunog ang phone ni Gene pero hindi nito pinansin dahil inaantay nya ang sasabihin ni Belen.
Pero patuloy pa rin ito sa pagtunog, paulit ulit.
Belen: "Hindi mo ba sasagutin yan? Baka importante!"
Gene: "Sige Giliw sandali lang'to!"
"Hello!"
"Sir Gene, Si Sir Joel po nasa ospital!"
Gene: "Ospital? Bakit ano nangyari?"
"Nabugbog po!"
Gene: "Sige, andyan na ko!"
Belen: "Sinong nasa ospital?"
Gene: "Si Joel!
Pasensya ka na kailangan ko ng umalis!
Babalik na lang ako Giliw!
Pangako!"
Sabay lapit nito at biglang hinalikan ng mabilis si Belen sa labi at saka umalis.