Sa isang lugar sa kalapit bayan ng Maynila, may bagay na hindi inaasahan.
Katatapos lang maligo ni Asul ng madinig ang signal.
Sa isang monitor screen nagulat sya kung kanino galing ito.
Distress signal iyon na personal na ginawa para kay Gene kapag kailangan nya ng tulong.
Meron ang lahat ng kasapi ng organisasyon nila.
At kilala nila si Gene na hindi basta basta humihingi ng tulong kung hindi sya nasa bingit ng kamatayan.
Pero nagtataka si Asul sa pinanggagalingan ng signal.
Ganunpaman, agad syang nagbigay ng mensahe sa mga taong malapit sa signal at isa na ruon si Joel.
Nasa gitna ng traffic si Joel na tila hindi umuusad. Magiisang oras na sya dito pero hindi pa rin gumagalaw. Inaantok na sya pero wala syang magawa. Nang biglang makakuha sya ng mensahe na nagpagising sa buong pagkatao nya.
Malapit lang ang signal sa kanya, mga limang minuto kung lalakbayin ng sasakyan at sampu hanggang labing limang minuto kung lalakarin. Pero dahil sa matinding traffic, malamang sarado na ang mall bago sya dumating.
Kaya masama man ang loob nyang iwan ang kotse nya, lumabas ito at tinakbo ang lugar.
Nagaalala si Joel sa kapatid at nagtataka na rin. Paano nangyaring nasa Maynila sya e alam nyang nasa Thailand ito?
Pagdating nya sa mall nagulat sya ng makita si Belen pero wala duon ang kapatid.
'Hindi kaya binigay ni Kuya ang distress signal sa kanya?'
Personal ang bawat signal at ang tunay lang na mayari ang nakakaalam nito para sa seguridad nila kaya pano napunta sa kanya kung hindi binigay ni Gene.
Agad syang lumapit sa kanila.
Ortiz: "Manager, hindi ko po hino hostage si Mam, inalalayan ko lang po para mailabas dito!"
Manager: "At bakit mo sya gustong ilabas? Anong intensyon mo?
Walang pwedeng lumabas sa inyong tatlo sa mall na ito hanggat hindi dumarating ang mga pulis!"
Natataranta na si Ortiz kaya "mailabas" ang nasabi nito.
Ortiz: "Hindi! Hindi po yun ang ibig kong sabihin! ... Gu..gusto ko lang pong alisin sila dito para dalhin sa opisina!"
Pagdadahilan nito pero halata na sa boses ang takot.
Manager: "Hindi ikaw ang magdadala kay Madam sa opisina kung hindi ako! Kaya bitiwan mo na sya!"
Pero hindi pa rin nya ito binitiwan at nararamdaman na ni Belen na bumabaon na ang patalim na nakatutok sa tagiliran.
Hindi na rin sya makahinga ng maayos dahil sa braso ni Roland na mahigpit na nasa leeg nya.
Gusto nyang magpumiglas para makawala sa dalawang ito pero natatakot syang baka may ibang madamay at masaktan. Nararamdaman na ni Belen na nagpapanik na ang dalawa at hindi na nila kontrolado ang sarili nila.
Pahigpit ng pahigpit ang pagkaka akbay ng braso ni Roland sa leeg ni Belen at wala syang planong tanggalin ito, hindi nya alintana kung nahihirapan ang pinsan nya dahil natataranta na sya. Wala na syang naririnig sa paligid.
Pakiramdam nya ay nasa gitna sya ng dagat at nalulunod sya. Tanging itong bagay na ito lang na hawak hawak nya ang magliligtas sa kanya kaya lalo nyang hinihigpitan ang hawak at hinding hindi nya ito bibitawan kahit anong mangyari.
Ito ang sitwasyon ng dumating si Joel.
Napansin nya agad ang maliit at sariwang dugo na nasa tagiliran ni Belen at agad itong tumakbo palapit sa kanila at sinipa ng malakas si Ortiz.
Pati ang mga naruon ay nagulat sa pagsulpot ng lalaking ito.
Hindi na naka kilos si Ortiz sa bilis ng pangyayari at ng bumalik sya sa huwisyo nakadapa na sya at naka apak sa batok nya at sa kamay nya ang isang lalaki. Nabitawan nito ang patalim sa sakit ng pagkaapak nito sa kanya at hindi nya namamalayan na itinatali na ng lalaking ito ang kamay at paa nya gamit ang sinturon.
"HAH???!!!"
Nagulat ang lahat ng malaman na may patalim palang hawak si Ortiz.
Pero naka pulupot pa rin ang braso ni Roland sa leeg ni Belen na tila hindi alam ang nangyari sa paligid.
Agad itong nilapitan ni Joel.
Joel: "Madam okey po ba kayo?"
Belen: "Hindi Joel, hindi ako okey pero kaya ko pa naman! Salamat at dumating ka!"
Namumutla na ito sa pagkakasakal ni Roland sa kanya at parang bibigay na ang mga tuhod nya sa kakapusan ng hininga.
Kaya pinilit ni Joel na alisin ang pagkakapulupot ng braso nya pero nahihirapan sya.
Manager: "Kayo, anong ginagawa nyo dyan tulungan nyo sya!"
Kaya sabay sabay na tumulong ang gwardiya at nakalaya na si Belen kay Roland. Pero ng maramdaman nitong nawala ang akap akap nyang magliligtas ng buhay nya naghanap ito ng iba.
Kumapit ito sa hita ng isang gwardiya hindi lang kamay pati binti nya.
Natawa naman ang ilan na naruon sa itsura nitong kapit tuko sa binti ng gwardiya.
"Para syang tarsier hahaha!"
Hindi naman alam ng gwardiya ang gagawin dahil nahihiya na rin sya sa pagkaka kapit tuko ni Roland sa binti nya.
Kanina pa napapansin ni Joel na tila wala sa realidad si Roland.
Joel: "Hayaan mo na syang ganyan hanggang sa dumating ang mga pulis!"
Sabay karga kay Belen at inilagay sa wheel chair.
Naruon na rin ang ibang tauhan nya na nakatanggap ng signal.
Joel: "Kayo na ang bahala dito!"
Kumalat ang video ng nangyari at naka live stream pa ata yung iba.
Kaya kinagabihan nagpa presscon si Garry Perdigoñez para magdeklara ng gera laban kay Roland Ledesma.
"Sobra na ang ginagawang kalokohan ni Mr. Ledesma sa pamilya ng tiyuhin kong si Gilberto Perdigoñez!
Mula sa asawa nya, sa mga anak nya pati sa manugang at apo nya winalanghiya ng Roland Ledesma na iyan! Kaya husto na! Matagal na kaming nanahimik dahil pamangkin ka ng asawa ng tiyuhin ko na si Tiya Belinda at malaki ang respeto namin sa kanya pero sobra na ito!"
"Kikilos na kami, oras na para pagbayaran mo ang lahat ng kawalanghiyaang ginawa mo!"
"Magdedemanda na kami laban sa'yo!"