webnovel

Chapter Six

6

Jared's POV

"Thanks Riggo, you stayed for a bit to get a drink.." I said to Riggo. Kakauwi lang namin. Nasa balcony kami at umiinom na dalawa. Si Jenica naman tulog na tulog na.

We have a couple of drinks to finished. Halos naka tatlong bote na din ako. At hindi pa ako tinatamaan.

"How's the annulment case?" he asked while drinking.

"Just fine.. Medyo nakikilala ko na din yun asawa nya. Hindi na ako magtataka bakit gusto makipaghiwalay ni Angela.." sagot ko. At tinungga ang bote. Ramdam ko ang malamig na likidong pumapasok sa lalamunan ko.

"Really.. Kawawa naman pala sya no? She's been enduring it." tumango ako. Hindi mawala sa isip ko si Angela. I dont know why pero nag aalala ako for her.. We've been strangers until nagkakilala kami formally sa office.

"I hope she'll be fine too." I said. Habang hawak ang phone ko. Nabasa ko pa ang text nya. Tinext nya ang address nya.

---

Jela's POV

I heard my alarm clock ringing. Pinatay ko kaagad yun. Tinatamad pa ako bumangon sa higaan. Medyo ramdam ko na din ang init na pumapasok sa bintana ko.

"Goshhh--" I said ng makita ang oras. 7am na pala. Pinilit ko bumangon. Hinawi ko ang buhok ko na nakatakip sa mukha ko. I slowly walked to grab my towel at lumabas ng kwarto. After a couple of days, sa ibang branch na ako magtatrabaho. Nagpadala agad ako ng request sa regional manager namin na magpapalipat ako sa mas malapit na branch. Kaya panay ang tawag sa akin ni Jules dahil hindi ko man lang sya nakonsulta about it.

"Huh." I saw my phone. Nakalabas na ako ng kwarto when I noticed it sa table. May messages at calls again. Iniwan ko yun at hindi ko pinansin at diretso akong pumasok ng cr saka naligo.

After an hour nakapagbihis at nakaligo na ako. Inayos ko ang gamit ko bago ako lumabas. Nagvibrate nanaman ang phone ko. Kinuha ko yun sa bag ko bago pa man ako makaalis.

I saw Att. Dela Vega's message.

Your husband wants to meet you here in my office with his lawyer. Could you spare some time kahit after work mo? So we could settle this immediately.

Nagreply ako ng," Oo. At umalis na ako.

---

Nailipat ako sa branch malapit sa apartment ko. Halos 30 minutes lang ang pagitan.

"Goodmorning Mam!" said ng guard pagkakita sa akin. Ngumiti ako at pinapasok nya ako sa loob.

I saw some employees sa loob. Mga bagong mukha. Namiss ko tuloy yun mga kasamahan ko sa work. Namimiss ko si Jules. Dapat nga talaga nag open up ako sa kanya.

May lumapit sa akin babae. Nakauniform. Short hair at mukha naman mabait. Binati nya ako..

"Kayo po si Mam Castañeda right? This way po sa office nyo." she said at hinatid ako sa loob. Sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa office ko. After that, Iniwan lang nya ako dun. Babalik daw sya at tatawagan nya muna si Mr. Alarcon for revising my transferring.

Ibinaba ko sa table ang gamit ko. Saka naupo. Wala sa trabaho ang isip ko. Nasa meeting mamaya. Nakakaramdam ako ng kaba at takot na harapin si Ralph. Baka mamaya mas lalo lumala ang mga nangyayari dahil sa kanya.

TOK!TOK!

I heard someone knocking. Pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Mam" the woman said.

"You have a call from Sir Alarcon." tumango ako at lumabas ako ng office.

----

Jared's POV

"We just have to wait Angela. She's on her way now." I said sa lawyer na kaharap ko. Si Ms. Linda Blair. Sa other side ng table nakaupo ang client nya na si Ralph Castañeda.

"Hanggang ngayon mabagal pa din syang kumilos." I heard Ralph said. Nainis ako sa sinabi nya but I need to remain calm. Kung hindi lang ako abogado baka kanina ko pa nasuntok ito.

As I thought halata sa lalakeng to ang pagkababaero. Lalake din ako. At tingin palang alam ko na.

"Lets just wait for her." said Linda. I smiled at relief. Mabuti nalang at kalmado lang ang lawyer nya. Magiging sakit pa sa ulo kung pareho silang mainipin.

I tried to observe more about Angela's husband. As I expected, walang hiya nga ang lalakeng to. Walang pakealam sa asawa nya. Wala syang pagpapahalaga. Maswerte sya at pinagtiisan sya ni Angela. No one could do what Angela does to him. Isa syang malaking hangal para pagbuhatan ng kamay ang asawa nya. He's a big damn jerk.

Umiinit ang dugo ko while keeping an eye on him.

TOK! TOK!

Nagulat kami pare pareho sa kumatok. Nag eexpected ako na si Angela na yun. Binuksan ko kaagad ang pinto.

"Hey." she said at pinapasok ko. Kitang kita ko how his husband stares at her.

"Relax." I said pagkahawak ko sa kamay nya. Tinanguan lang nya ako. Naupo sya sa may side ko. Medyo tahimik pa.

"Okay, I guess this meeting will end up as we expected. I hope we could settle everything on my client's side." I said nakatingin sa akin si Angela.

"I dont want an annulment." nagulat kami ng magsalita si Mr. Castañeda. Nakatingin sya sa asawa nya. Nakakunot na ang noo nito.

"Defend yourself." bulong ko kay Angela na tahimik pa din. Hindi sya makapagsalita.

"I'm sorry Mr. Castañeda but my client here is desperate enough to file an annulment. With or without your permission." sabi ko nalang dahil hindi pa makapagsalita si Angela.

"You dont have to answer. Nagsasalita ang babaeng yan. Let her say to my face kung bakit pumasok sa kokote nya na makipaghiwalay. Is she crazy?" nagtaas ng tono si Mr. Castañeda. I remain calm. Alam ko napepressure si Angela kaya hindi sya makapagsalita.

"Jela! Pipi ka ba para ibang tao ang magsalita sayo! Ano!! Tell me!!" hindi na ako makapagtimpi. Sinisigawan nya na si Angela.

"WHAT!!" he shouted while pointing fingers to Angela. Tumayo na ko para magsalita. But..

"HINDI KO NA KAYA RALPH! Sawa na ako maging asawa mo! I deserve other else rather than to be your slave forever!!" finally Angela spoke.

"Slave?" Ralph's face become questionable.

"In 3 years of being your wife. Wala kang ginawa kundi alilain ako. Uuwi ka lang whenever you want. Hindi ka nahihiya sa akin at inuuwi mo sa mismong pamamahay natin ang mga babae mo!! " Angela shouted.

Hindi nakapagsalita si Mr. Castañeda. Naramdaman ko ang galit ni Angela. She's trembling.

"At ano! Gagawin mo din akong laruan mo like you've done to your other women!! Oo nanahimik ako for so many years dahil akala ko magbabago ka. Akala ko magbabago ka kapag pinaramdam ko sayo yun pagmamahal na hindi mo naramdaman sa magulang mo. And yet, kulang pa. I'm just your wife, I know. But somehow I'm a person too. I felt hurt. I felt pain." she said at I saw her tears.

"Oh my.. Calm down Mrs. Castañeda." said Linda and she offered tissue.

"Stop calling me Mrs. Because from this day I'm only Angela. And nobody's wife or slave!! " nagulat ako. She burst out.

Her tears keeps rushing.. Hindi ko sya magawang hawakan.

"Okay.. Wala na tayo magagawa if Angela wants an annulment." said Linda. Naglabas sya ng dokumento from her brief case at binigay sa akin.

"Okay. If this is what you want. Wala ka makukuhang pera from me." said Mr. Castañeda. He grabbed the form and sign it.

"Go and live your own life!!" he said pagkatapos nya ibalik ang papel at padabog na lumabas ng office ko.

"BLAAAGGGGG! " the door shuts down as Ralph leaves my office.

"I'm sorry for his rudeness." said Linda.

"Okay lang." sagot ko. Inayos lang namin ni Linda ang first trial sa korte. After 3 weeks of processing from the court. Saka lang namin malalaman if maaprubahan nga ang annulment. But I hope sooner maapprove na ito. So Angela can be free.

Nagpaalam na sa akin si Linda. She said na she'll dp everything she can para makipag cooperate ng maayos si Ralph. Sumang ayon naman ako dun. At nagpasalamat. After ko sya ihatid palabas bumalik ako ng office to check Angela.

Napatingin ako sa kanya, umiiyak pa din. Gusto ko sya lapitan pero hindi ko alam pano ko sya ikocomfort.

"Hey.. Your so brave lately. Telling him your feelings." i said approaching her. Hindi sya nagsalita. Pinunasan nya ang luha nya.

"You okay?" I asked. She just nodded.

"Pasensya kana talaga.. Sa nakita mo.. Nagsisigaw ako kanina." natawa ako. Naupo ako sa tabi nya.

"Ganun ka ba talaga kapipi pagdating sa asawa mo? What I mean kay Ralph?"

Tumango sya.

"You know what hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. From what I know you matapang kang babae. Nung una nga tayo nagkakilala. Sinigawan mo agad ako." bigla syang nangiti.

"Sorry ha. Minsan kasi dire diretso ako sa pagsigaw." she said habang pinunpunasan ang mga luha nya.

"No worries. Sabi nya nila mas madaling makilala ang tao pag galit. Kaya mas nakilala kita agad nung makita kita kung paano mainis at magalit." ngumiti ako. Finally gumaan ang pakiramdam nya.

"Salamat. Attorney.."

"Call me Jared.. Red.. Whatever you want."

"Okay Ja... Red." sagot nya at natawa ako.

Sinamahan ko sya palabas ng building. Isinakay ko muna sya ng taxi bago ako nagpaalam.

Then she text me. Nabasa ko yun bago ako umaakyat pabalik sa office ko.

Thanks again. I owe you one.

Napangiti ako sa nabasa ko. I think I'm starting to get attached with her..

---

iamnyldechan ❤️

ตอนถัดไป