Reena just wants to have a happy and peaceful life with her man, like every woman deserves. Akala nya natagpuan nya na ito sa kanyang mapapangasawa. Pero mapait nga naman ang tadhana. Because her groom-to-be left her on the day of their wedding. She almost killed herself because of humiliation na iniwan ng lalakeng pakakasalan nya. Ayaw nya ng humarap sa tao dahil she felt na sya na ang pinakamalas na babae sa mundo. And that's why she runaway at dinala sya ng mga paa nya sa isang cruise ship. Eventually, hindi nya akalain na ang pagsakay nya sa cruise ship na yun ang babago sa buhay nya. She met a stranger that make her fall inlove again.. Ito na kaya ang hinihintay nya? Ang estranghero na kaya na yun ang tunay na magpapadama sa kanya ng pagmamahal? But why did the stranger disappeared all of a sudden after a one night of make love? Is the man worth it for love? Or another pain for Reena? --- iamnyldechan ❤️
Disclaimer:
Persons, names, places and events used in the story are pure fiction and didn't claimed by anyone.
---
Nakapikit ako that time. Pinapakinggan ko ang ingay na nanggagaling sa labas. Nakasuot ako ng all cream wedding dress at hawak ko sa mga kamay ko ang bouquet ng bulaklak na halo halong white tulips, roses at anemone. Ang tagal kong hinintay na makarating sa posisyon na ito. Pinapangarap ng karamihan babae, ang makasal sa minamahal nila. Halos inabot din kami ni Joseph ng 8 years relationship. At alam ko na sa pag aasawa din mapupunta ang lahat ng ito.
Naririnig ko ang kadalasan pinapatugtog sa simbahan kapag may bagong kasal. Gusto ko ng lumabas at pumasok ng simbahan. Maglakad sa altar patungo sa mga bisig ni Joseph na naghihintay sa akin.
"Mam. Okay na po." dumilat ako ng marinig ang driver. Lumabas sya at dahan dahan akong pinagbuksan ng pintuan. Parang nagslow motion ang mga nangyayari. As the door open.. Lumanghap ako ng hangin. At narinig ko na ang tutugtugin mula sa loob ng simbahan.
Inalalayan ako ng wedding organizer papaakyat sa hagdan. Inayos nya ang belo ko na kumakaladkad habang naglalakad ako. Napakaperpekto ng lahat. Wala na ako mahihiling pa.
Pumikit akong muli. At narinig kong bumukas ang pintuan. Nawala sa tabi ko ang wedding organizer namin.
Pagdilat ko. Nakita ko ang altar na naghihintay sa akin. At mga taong nakatingin sa akin.
Ngumiti ako. At handa na akong lumakad.. Ng biglang huminto ang tugtugin. Nagulat ako. Para bang nagkakagulo sila sa harapan. Nakita ko si Papa at Mama na hindi mapakali. Anong nangyayari?
Lumingon ako sa paligid at lahat ng expression nila iisa ang pahiwatig. Nalilito, naguguluhan. Nagsimula na akong kabahan. May nangyari ba?
"Jaica?" nagulat ako ng lapitan ako ng bestfriend ko at maid of honor ko.
"Anong nangyayari? Where's Joseph?" I asked her.
"Reena. Stay calm.. Ganito kasi.." hindi nya alam paano sya magpapaliwanag sa akin. Bumubuntong hininga sya.
"Just please tell me whats happening!!" sigaw ko. Nagsilapitan na sina Mama sa akin. Ganundin ang si Tita Cora na nanay ni Joseph.
"Please.. Tell me." Pagmamakaawa ko. Niyakap ako ni Mama.
"Joseph is gone." She whispered. Nagulat ako at bumitaw sa yakap nya.
"No. Ma naman! Ikakasal na ako. Hindi magandang biro yan!" pailing iling ako habang umaatras at lumalayo sa kanila. Nasa paligid ko na silang lahat at sumisikip ang kinatatayuan ko.
"I'm sorry Anak." kasunod na sinabi ni Papa. Naluha ako.
"Why! Tita Cora! Where is Joseph!!" sigaw ko at hindi makapagsalita ang matanda. Wala ba silang alam sa ginawa ng anak nila! Bakit nila hinayaan iwan nya ako sa mismong kasal namin!
Naluha ako. At umatras. Nabitawan ko ang hawak kong bulaklak. Then I run.
Tumakbo ako palabas ng simbahan. Palayo sa kahihiyan. Palayo sa sakit na dinulot nya. I've had enough pain. Pero sobra ito at dahil mas pinili nyang saktan ako. And much worst..
He just left me without a reason. Why?
---
iamnyldechan ❤️