webnovel

XVI

" Yuki, kakain ka muna ba o maliligo ka muna?"

Napatingin ako sa may pinto nang kwarto ko nung bumukas to at narinig kong nag salita si tita. Medyo binuksan nya lang ang pinto at nakasilip lang sya.

"Maliligo muna ako tita, para ma preskuhan na ako. Ang init kasi ng panahon ngayon eh." Sabi ko sa kanya na nakangiti. Ngumiti din sya sakin at medyo tumango at sinarado nya na ang pinto. Narinig ko na lang ang papalayong tunog ng pag lalakad nya. Tumingin ulit ako sa cabinet ko at namimili ng ipang tutulog ko.

Nakita ko ang kamison na kulay white ko at kinuha yon. Sakto to dahil mainit ang panahon at ayaw ko mag pajama. Naglakad na ako papuntang banyo, hindi ko muna sinarado ang pinto dahil may kukunin pa ako sa labas. Sinampay ko na muna ang kamison ko at lumapit sa bathtub ko.

Binuksan ko ang gripo para malagyan na ng tubig ang bathtub, kinuha ko ang bubble bath nilagyan na ang bathtub ko non. Hinalo ko sa pamamagitan ng kamay ko. Nung sa tingin ko ay okay, tumayo na ako at pinunasan ang kamay ko saka ako lumabas ng banyo.

Lumapit ako sa study table ko at kinuha ko ang phone ko. Gusto kong mag patugtug habang naliligo.

Babalik na sana ako sa banyo nang mapatingin ako don sa paper flower na nakita ko sa bintana nung nakaraan. Napakunot noo ako at kinuha ko yon. Ang alam ko kulay white to ah, bakit nag iba ang kulay?

Kasi ngayon kulay maputlang red na yung mga dulo ng petals nya. Pero yung pinaka loob ng mga petals nya mas litaw red ang kulay.

Naalala ko nung nasugatan ako sa dulo ng patals nito at tumulo ang dugo ko dito. Hindi naman siguro dahil sa dugo ko kaya nag iba kulay nito. Kasi dapat ang makita ko patak ng dugo, ni wala nga akong makitang patak ng dugo.

Nagtataka man ako ay binalik ko na lang yung paper flower sa mesa ko at nag lakad na pabalik sa banyo.

Pagkapasok ko ay sinarado ko na ang pinto at ni lock yon. Tinignan ko na ang bathtub at tinignan ko yung amount ng tubig. Nung okay na ay pinatay ko na ang gripo.

Nag alis na ako ng damit ko at nag patugtog na ng instrumental music na naka download sa phone ko. Tinodo ko ang volume saka ko sya nilapag sa safe na lugar. Pag gusto ko kasing mag relax yun ang pinapakinggan ko. Tinalian ko na ang mahaba kong buhok, hindi maayos ang pagkakatali ko kaya may ilang hibla ang nalaglag pero hindi ko na lang pinansin.

Binuksan ko muna ang shower ko saka ako nag banlaw. Dalawa kasi ang shower dito sa banyo na to, isang nasa tapat ng bathtub at isa sa tabi ng tub.

Nung sa tingin ko na okay na ang pag babanlaw ko ay pinihit ko na papatay ang shower at binabad ko na ang katawan ko sa tub.

Pinag lalaruan ko lang yung mga bubbles sa tub nung mapatingin ako sa shower gel na nakapatong sa maliit na stante sa tabi mismo ng tub ko kasama ang ilan pang bubbles na ginagamiot ko sa pag ligo. Gumapang ako papunta don at kinuha ko yun at binuksan. Nilapit ko ang ilong ko at inamoy ko to. Napangiti ako nang maamoy ko ang rose scent nito.

Nilagyan ko ang tub ko ng shower gel at ginamit kong pang halo ang kamay ko. Dinamihan ko na dahil napupunta lang sa bubble yung gel. Nung naamoy ko na ang rose scent ng gel at tinigil ko na ang pag lalagay at binalik ko na ang bote nito sa lalagyanan. Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at sumandal.

Mas lumubog pa ko hanggang ung ilong ko n alang yung hindi natatakpan ng mga bula. Sinandal ko na rin ang ulo ko kaya mas komportable na ang pakiramdam ko. Soft music plus warm water plus rose scent del equals perfect.

Nakatingin lang ako sa mga bula nung pumasok sa isip ko ang nangyayari sakin. Wala na kasi talaga akong maintindihan, ang daming nangyayari na hindi ko na mapaliwanag. Yung mga boses na naririnig ko, mga panaginip na paulit ulit, isama pa yung kakaiabng bata nung nakaraan. Tapos yung nangyari kanina sa library. Ano yung mga dugo na nakita ko? Saka bakit biglang nawala?

Napapikit na ako ng maliin at huminga ng malalim bago ko nilubog ang sarili ko sa tub ko.

Ewan ko kung gano ako katagal nakalubog pero hanggat kaya kong hindi huminga hindi ako umahon. Basta nakahiga lang ako don nakapikit, nakatiklop ang mga paa ko kasi hindi naman ako kasya kung itutuwid ko.

Nung di ko na kaya ay umupo na ako ulit at pinunasan ang bula at tubig na nasa mukha ko kamit ang kamay ko. Hindi muna ako dumilat. Humihi muna ako ng malalim bago ko dinilat ang mga mata ko.

Pero nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang buo kong katawan dahil sa nakita ko. Nakatingin lang ako sa loob ng tub ko hindi ko alam kung humihinga pa ba ako o ano. Unti unti kong tinignan ang paligid ko. Yung pader, yung kamison ko na nakasabit pati na rin towels and mga gamiot ko lahat sila may bahid ng dugo.

Tinaas ko ang mga kamay ko at nakita ko kung pano tumulo ang mga dugo dito, kung pano dumaloy ang mga to sa balat ko. Buong katawan ko may dugo, yung kaninang tubig na laman ng tub ko naging kulay pulang likido na. Pati yung mga bula kanina hindi na kulay white.

Gusto kong tumakbo palabas pero ni hindi ko magalaw ang mga paa ko. Nararamdaman ko na ang pag daloy ng mga luha ko mula sa mata ko.

Ano to? anong nangyayari ba talaga?

"Malapit na, malapit na."

May naririnig akong bumubulong sa tenga ko na boses ng babae. Boses na katulad ng akin pero mas nakakatakot ang dating ng kanya.

Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong kasama dito. Yung kaninang mahinang pag iyak ko ay nagkakaron na ng boses.

Napahawak na ako sa magkabilang tenga ko at pilit ko tong tinatakpan pero walang nangyayari. Rinig na rinig ko pa rin yung boses ng babaeng yon. Parng binubulong sa mismong tenga ko.

Isidandal ko ng patagilid ang sarili ko sa sulok ng tub. Pilit kong sinisiksik ang sarili ko don at nakaharap ako sa pader at pinikit ko ang mga mata ko. Nag babakaskaling pag dilat ko wala na angmga dugong nakikita ko.

Huminto ang mga bulong sakin pero may naramdaman akong gumagalaw sa kabilang dulo ng tub ko.

Unti unti akong dumilat pero mas lalo lang akong napaiyak ng makitang hindi nawala ang mga dugo sa paligid ko. Tumingin ako sa kabilang dulo ng tub ko at nakita ko ang isang ulo na papaangat. Unti unting umangat to hanggang naka upo na rin to tulad ko.

Nakatingin lang ako sa kanya. Isang babae na mahaba ang buhok na basang basa ng dugo. Pati mukha nya puno ng dugo, pero kahit punong puno ng dugo ang mukha nya hindi mapag kakaila na magkamukha kami. May ilang hibla ng buhok nya na nakatakip sa mukha nya pero nakikita ko pa rin ang mga mata nya. Matingkad na kulay pula ang mga to, na nakatingin din sakin.

Unti onting lumapit sya sakin hanggang nasa mismong harap ko na sya.

"Malapit na, magsasama na tayong muli." Sabi nya at ngimiti sya sakin. Napatingin ako sa bibig nya nung ngumiti sya dahil lumitaw ang mga ngipin nya at napansin ko na mas mahahaba ang pangil nya kumpara sa iba.

"S-sino k-ka ba?" Natatakot kong sabi sa kanya at tumingin ulit sa mga mata nya.

Umangat ang kamay nya at hinawakan ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang pag gasgas ng matutulis nyang mga kuko sakin.

"Ako? Ako ikaw." Sabi nya at biglang sumakit ang likoran ng kaliwang braso ko.

Bigla akong napadilat at ang unang bumungad sakin ay yung tubig at mag isang kumilos ang katawan ko at umupo ako.

Ubo ako ng ubo feeling ko napasukan ng tubig ang ilong ko at parang hindi ako nakahinga ng matagal. Pinunasan ko ang mukha ko pamamagitan ng kamay ko at tumingin sa paligid ko. Pero wala naman akong nakitang pag babago sa banyo ko. Walang kahit konting bahid ng dugo, kahit yung tubig sa tub ko hindi rin kulay red.

Nasapo ko na lang ang ulo ko habang hinihingal. Mukhang nakaidlip ako at nanaginip nanaman ako, grabe Yuki ano bang nang yayari sayo.

"Ahh" Sabi ko nung makaramdam ako ng hapdi sa may kaliwang balikat ko. Napahawak ako kung saan banda yung mahapdi at may nakapa akong parang umbok na mga guhit guhit. Tinitignan ko sana kaso hindi ko makita dahil nasa likuran to naka pwesto.

"Yuki matagal ka pa ba? Naka hain na baka lumalig yung pag kain."

Napatingin ako sa nakasarang pinto ng banyo ko nung marinig ko ang boses ni tita at ang pagkatok nya.

"Magbabanlaw na lang po tita." Sabi ko na medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig nya.

"Oh sige bilisan mo."

Napabuntong hininga na lang ako at di na pinansin yung masakit sa likuran ng braso ko. Lumuhod ako at kinapa ko kung asan yung takit ng butas ng daluyan ng tubig dito sa tub ko at hinatak yun. Tumayo na ako at binuksan ang shower at nag banlaw na. Diro na lang ako nag banlaw sa may tub para mabanlawan na rin yung mga bula bula.

Dahil nabasa na rin naman ang buhok ko inalis ko na ang tali ko at pati buhok ko binanlawan ko na rin. After ng ilang minuto nung nasiguro ko nanag wala ng tubig at bula sa tub ko ay naglakad na ako papalapit sa bath robe ko at sinuot yun. Pagkatapos kong itali yung tali non ay kinuha ko naman yung towel at pinunasan ang buhok ko. Ayaw ko kasing gumagamit ng blower dahil na iingayan ako, towel lang okay na sakin.

Nakatingin lang ako sa sarili kong reflection habang pinupunasan ko ang buhok ko. Napatingin ako sa kaliwang pisngi ko at napansin ko na may dalawang mapulang line sa pisngi ko. Mas lumapit ako sa salamin at nakitanggalos pala yun. San naman ako nagalos? Parang wala naman akong natatandaan na may tumama na matulis na bagay sa pisngi ko.

Biglang pumasok sa isip ko yung panaginip ko nanina parang ramdam na ramdam ko yung pag kaka gasgas ng kuko nya sa mukha ko eh.

"Yuki wala yon, wag mo nang isipin yon. Panaginip lang yon, okay?" Sabi ko habang nakaharap sa salamin.

Napabuntong hininga na lang ako at naalala ko yung nakapa ko sa likod ng balikat ko titignan ko na sana nung narinig kong tinatawag nanaman ako ni tita.

"Yuki, naku pong bata ka gaano ka ba katagal maligo?"

"Pababa na po"

Sabi ko at kinuha ko na yung phone ko at pinatay yung music. Mamaya ko na lang titignan, lalabas na sana ako nung makita ko yung damit ko na ipapangtulog. Kinuha ko yun at lumabas na ng banyo. Inilagay ko yung damit sa kama ko at nag lakad na ako papalabas ng kwarto ko. Mamaya na lang ako mag bibihis.

****

Nakaupo na ako ngayon at kumakain na kami ni tita. Napatingin ako sa kanya nung narinig ko syang magsalita.

"Yuki napano yang pisngi mo? Parang di ko napansin na may gasgas ka kanina ah?"

"Ah, nakalmot ko lang po siguro kanina tita nung naliligo ako." Dahilan ko na lang kay tita.

Tumango lang sya at kumain na sya ulit at ganon na rin ako. Tahimik na lumipas ang pag kain namin atnung tapos na kami parehas ay nag ligpit na ako pero binawalan nya ako ang sabi nya sya na lang daw at mag pahinga na daw ako.

Hindi na ako nag pumilit tumulong dahil medyo pagod na rin ako kaya nag goodnight na ako sa kanya at umakyan na rin ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay sinara ko na agad ang pinto. Nagbihis lang ako at pumasok sa banyo ko at nag toothbrush na ako. Nung tapos na ako ay tumalikod ako sa salamin at sinilip kung ano yung masakit sa back shoulder ko. Napakunot noo ako nung may makita akong mark na medyo namumula sa likod ko. Dahil nakaharang yung lababo kaya hindi ko mailapit pa ang katawan ko sa salamin. Kaya ang ginawa ko lumabas ako ng banyo at lumalit sa full size mirror ko sa kwarto.

Tinignan ko ulit yung mark at nakita ko ang parang bulaklak na ninja blade sa likod ko. Medyo namumula lang sya na parang nakalmot lang kaya hindi sya ganon kahalata. San ko nakuha to?

Nakatingin lang ako don, parang familliar sakin yung mark na to saaan ko nga ba nakita to?

"Ah tama, sa library." Sabi ko sa mahinang boses nung naalala ko na kung san ko nakita to.

Ganto yung isa sa design ng chandelier sa tagong bahagi ng main library ng school. Sa pag kakatanda ko to yung nasa gitna yung pinaka malaki sa mga chandelier don. Bakit nagkaron ako ng gantong marka sa likod ko.

Umalis na ako sa harap ng salamin at umupo sa kama ko pero nakahawak pa rin ako sa back shoulder ko. Naalala ko na nag start sumakit to nung pumasok ako sa kwarto na yun.

Saka sure ako na wala akong marka na ganto kahapon, imposible naman na nagasgas lang ako dahil may pattern yung marka sa likod ko. Inalis ko na ang pag kakahawak ko sa likod ko at binaksak ang katawan ko sa kama.

Normal pa ba tong nararanasan ko? Ang daming wierd na bagay na ang nangyayari sakin eh.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko nung marinig kong tumunog ang cellphone ko. Umupo ako ulit at kinuha yung cellphone ko sa table ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sakin at nakita ko ang pangalan ni Hazel sa screen ng phone ko. Ano kayang kaylangan ng babaeng to sakin? Inislide ko pakanan yung ko answer na nakalagay sa phone ko at itinapat ko na to sa tenga ko.

Mag hehello na sana ako nung naunahan ako ng malakas at exited nyang boses. Nailayo ko tuloy sa tenga ko yung phone ko.

"YUKI!!!!!!." Sigaw nito sa kabilang linya.

"Ano ba yun, wag ka ngang sumigaw, ang sakit sa tenga eh."

"Hahahaha sorry, may good news ako sayo." Masayang sabi nya sakin. Ano naman kayang good news nya para maging ganto kasaya ang boses nya? Biglang naisip ko yung lalaki kanina at nangiti.

"Wag mong sabihin na boyfriend mo na yung lalaki kanina? Ang bilis mo naman sinagot yun, tapos di mo man lang sakin pinakilala ng maayos." Nang aasar na sabi ko sa kanya.

"Yuki naman eh!!! Hindi ah, naiinis nga ako maisip ko lang mukha non." Na iinis na sabi nya sakin.

"Ay ikaw ah, iniisip mo pala sya. Ano yan in love ka na nga agad sa kanya?" Mas nang iinis na sabi ko.

"YUKI!!!!" Sigaw nya, nailayo ko tuloy ulit sa tenga ko yung phone ko. May mga sinasabi sya pero hindi ko na naintindihan dahil nilayo ko sa tenga ko yung phone ko. Nabasag ata eardrum ko, ang lakas ng boses ng babaeng to.

"Wag ka ngang sumigaw." Sabi ko sa kanya nung tinapat ko na sa mukha ko yung cellphone.

"Ikaw kasi, nang iinis ka pa."

"Sorry na, ano ba yung good news mo kamo."

"Diba next month 200 years anniversary na ng school and at the same time 25th birthday mo naman."

Oh, anong meron?" Nag tatakang tanong ko, anong meon sa birtday ko at anniv ng school?

"Mag kakarong ng Helwing University Grand Celebration Ball!!!!" Sabi nya na halatang halata sa boses nya na exited sya sa ball na magaganap next month.

Well pati naman ako exited minsan lang kasi magkaron ng ganong event yung school na yun sa pag kakaalam ko. And grand ball yun meaning naka gown kami. Napangiti tuloy ako sa isipin na yun. Pero bat parang wala naman akong narinig na announcement tungkol don.

"Naku Yuki, exited na ako." Rinig kong sabi nya.

"Wait lang Hazel, wala namang announcement na ganyan kanina saka nung nakaraang araw ah. Saan mo naman nalaman yang info na yan."

"Sa tito ko."

Tito? Parang wala naman akong maalala na may nabanggit si Hazel na may tito syang nag tratrabaho sa school.

"Tito? Bakit may tito kaba na nag tratrabaho sa school?" Nag tatakang tanong ko.

Pero wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone ko, on going pa naman yung call bat di ko na narinig yung boses nya.

"Hello Hazel?" Pero wala pa rin sumasagot.

"Hoy anjan ka pa ba?"

"Ha ha oo dito pa ako, Yuki ano, ay may gagawin pa ako wait lang ah bye bye na."

"Hazel san--." Di ko na natuloy yung sasabihin ko nung biglang namatay na ang tawag.

Napapakamot na binalik ko na ang phone ko sa mesa ko at humiga ulit.

Helwing University Grand Celebration Ball.

Tunog pa lang napapangiti na ako hahahaha....

So yun na nga napa update ako bigla. Thanks, sayo Jesica_Castro para sayo ang chapter na to.

And hindi ko sure kung kaylan ako ulit mag update guy's medyo may ginagawa lang ako and yun nga. Please comment and vote para malaman ko jung anong tingin nyo sa kwentong pinag hihirapan kong mabuo yun lang love you guy's bye bye!!!!

Deirdre_Ailethcreators' thoughts
Next chapter