webnovel

IV

YUKI'S POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko, anong nangyari. Bigla kong napahawak sa ulo ko, para akong nahihilo na sobrang sakit ng ulo, parang may nakadagan na kung anong mabigat sa ulo ko.

Dahan dahan ako umupo at tinignan ko ang paligid ko, kaninong kwarto to. Nasa isang sobrang laking kwarto ako ngayon. kahit san ako tumingen may mga vase na naka display. May malaking piano at sofa na malapit sa dalawang malaking bintana na may kulay puting kortina. Dahil medyo nakabukas kaya pumapasok ang hangin galing sa labas, dahilan para makita kong may terrace sa labas non. Kaya siguro may kurtina para matakpan ung nasa loob.Napatingin naman ako sa kinauupuan ko. Isang queen size bed na kulay brown na bed sheets na may design na mga roses.

Pano ako nakapunta dito? Pilit kong inalala kung ano ang nangyari sakin. Ang alam ko nasa may cafeteria ako kasama ni Hazel kanina. May pinag uusapan kami, tapos umalis sya, tapos.....

" Buti naman nagising kana Yuki."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang boses na yon. Unti unti akong limingon sa pinanggalingan ng boses. At may nakita akong lalaking nakaupo sa may sofa malapit sa piano. Nakakapagtaka naman kanina lang wala naman tao don ah?

Sa tansya ko parang matanda sya ng mga kulang kulang 10 taon kesa sakin. Buti na lang medyo maliwanag sa buong kwarto dahil sa nakabukas na bintana kaya kahit papano kita ko sya.

Nang makita ko ang mukha nya isang tao ang biglang pumasok sa isipan ko. Yung bagong transfer student, hindi dahil sya un kungdi dahil sobrang magkamukha silang dalawa, matured version lang siya.

"Alam mo bang nahirapan ako sa pag hahanap sayo." Nakangiting sabi nya sakin.

Ako hinahanap nya? sino ba sya. Sino ba tong lalaking to. Kilala ko kaya sya dati bago ako mawalan ng alaala. At bakit ganon ang mga mata nya, parang may mga ibat ibang emosyon akong nakikita, pero ang nangingibabaw sa lahat ng yon ay ang emosyon ng taong sabik na makasama ang taong minamahal nya.

Sa taong minamahal nya.

Di ko maintindihan pero mas lumakas ang pintig ng puso ko. Dahil ba natatakot ako ngayon dahil nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saan at may kasama akong taong di ko naman alam kung sino?.

Pero hindi, alam kong hindi dahil sa takot. Kung di dahil sa lalaking kaharap ko ngayon, sya ang rason kung bakit ang lakas ng pintig ng puso ko ngayon.

Rason na di ko maintindihan kung ano.

Tinignan ko ang mata nya at kitang kita ko ang bahit ng lungkot sa tingin nya dito. Pilit man nyang itago sa mga ngiti nya, pero alam ko at nararamdaman kong malungkot sya.

Lungkot na dahilan upang makaramdam ako na parang may kumurot sa puso ko. Sino ba sya, bat ganto ang nararamdaman ko. Na parang tignan ko lang ang mga mata nya alam ko na kung ano ang nararamdaman nya.

"Sino ka ba saka bakit ako napunta dito." mahinang tanong ko sa kanya.

Pero imbis na sagutin nya ako tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sakin. Naupo rin sya sa kama kung san rin ako nakaupo. Di sya nag sasalita basta nakatitig lang sya sakin.

"Di mo ba ako narinig sino ka, saka bat ako nandito." Sabi ko sa napakahinahon na boses. Kung tutuusin dapat natarayan ko na sya pero di ko magawa. Para bang ayaw ko syang masaktan, parang kapag nagkamali ako sa mga sasabihin kong salita sa kanya bigla na lang syang maglalaho, parang.... ewan di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang ayaw ko syang masaktan.

"Ako nga pala si--" Pero di na nya natapos ang sasabihin nya dahil bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto.

Sabay kaming napalingon at nagulat ako sa taong pumasok sa kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Zero". Mahinang sabi ko.

Anong ginagawa ni Zero dito, magkakilala kaya sila nitong lalaking katabi ko ngayon?. Saka bakit parang galit na galit sya ngayon.

Dahil sa pag kakakita ko sa kanya ngayon mas lalo kong napatunayan na nagkamukha nga silang dalawa.

"Anong tinawag mo sa kanya?." Napalingon ako sa lalaking katabi ko ng bigla syang magsalita. Parang nagulat na nag tataka sya."Zero un ang tinawag mo sa kanya?" naka kunot noong tanong nya sakin.

Tango lang ang naisagot ko sa tanong nya sakin. Mag kakilala ba sila?.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa kanang kamay ko at hatakin ako palayo sa lalaking kausap ko, pagkatingin ko seryosong mukha ni Zero ang nakita ko.

"Tara na umalis na tayo dito." Pagkasabi nya non ay hinatak na nya ako palabas sa kwarto.

"Sandali lang." napahinto kami ng biglang magsalita ung lalaki.

Napalingon kami ni zero sa kanya. Nakatayo na sya ngayon pero nasa tabi parin sya ng kama at nakatingin lang ng seyoso kay zero.

"Aalis na kami ni yuki, STEVEN." sabi ni zero na di man lang lumingon. At nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng malaking bahay na yon.

Magkakilala sila, magkamaganak kaya sila. Pwedi, sobra kasi silang magkamukha eh.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng bahay na yon ay duresyo kami sa isang nakaparadang motor.

Hindi lang simpleng motor kung di big bike, ung karaniwang gunagamit sa mga race. Di ko na maipaliwanag ng maayos ang itsura non, basta ang alam ko sobrang astig ng bike.

"Ano tutunganga ka na lang ba jan o sasakay ka na."

Nagulat ako ng bigla syang magsalita. Nang napatingim ako sa kanya nakasakay na pala sya sa motor nya at nakatingin na sakin.

Nakakatakot naman to tumingin, ano bang problema nya.

"Ang suplado mo naman." naka cross arm na sabi ko sa kanya.

"Ano?" nakakunot noong sabi nya sakin.

"Di lang suplado bingi pa." naiinis kong sabi sa kanya.

" Seriously yan ang sadabihin mo sakin ngayon na ang suplado ko at bingi ako. Pagkatapos kitang puntahan dito." naiinis na sabi nito sakin.

"Bakit sinabi ko bang puntahan mo ako dito ha." naiinis na ring dabi ko sa kanya.

" My God, ni di mo nga kilala yung lalaking yon eh. Alam mo ba kung nasan ka ngayon ha."

Oo nga no may point rin sya, di ko alam kung nasan ako ngayon. Ni di ko alam kung pano ako nakapunta dito eh.

" Ano sasakay ka ba o hindi. Kung ayaw mo bala ka na jan iiwan na kita. Maglakad ka na lang pauwi sa inyo." sabi nya at sinuot na ang helmet nya at binuhay na ang makina ng motor nya.

" Oo to na nga oh, sasakay na." sabi ko at lunapit na sa kanya at kinuha ko na ung helmet pang isa na inaabot nya sakin.

Nakasakay na ako ng may maalala akong itanong sa kanya.

"Sandali lang." medyo malakas kong sabi sa kanya ng paandarin na sana nya yung motor.

" Ano nanaman?" iritableng tanong nya after nyang itaas ung salamin ng helmet nya.

" Yung kalaki kanina kilala mo ba sya?" tanong ko sa kanya.

Pero di nya ako sinagot dahil nasa harap ko sya di ko makita ang reaksyon nya.

" Uy kilala mo ba yung lalaking yon. Bat di ka man sumasagot jan." Tanong ko ulit sa kanya.

" Yuki natakot ka man lang ba kanina ng makita mo yong lalaking yon?"

Nagulat ako sa tinanong nya sakin. Natakot nga ba ako kanina ng magising ako don at biglang lumitaw yung lalaking yon kanina.

Kahit konti lang.

Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Syempre dapat oo ang sagot ko pero, parang di naman ako natakot kanina eh kahit konti hindi.

" Wag mo ng sagutin ang tanong ko. Alam ko na ang sagot."

"Ha, ano un?" Narinig ko syang nag salita pero hindi ko naman na intindihan masyado kasi ang hina masyado nang boses nya

"Kapatid , kapatid ko sya. Kumapit ka iuuwi na kita sa inyo." Pagkasabi nya ay pinaandar nya na ng mabilis ang motor nya.

Ano, kapatid nya yon. Kayapala magkamukha silang dalawa magkapatid pala sila.

Nakakapit lang ako sa bewang nya habang nag mamaneho sya ilang minuto na siguro un pero putek parang walang nag bago sa dinadaan namin puro puno ung nasa paligid. tumingin ako sa likod ko. Tanaw pa dito yung malaking bahay kung san ako galing. Na hindi ko pa rin alam pano ako napunta don.

Napabuntong hininga na lang ako at haharap na sana ako ulit nung biglang nawala na yung mga puno sa bandang kaliwa namin at sa likod pala ng maraming puno na yun nag tataga ang isang matuturing na paraiso.

Makikita mo yung isang malawak na lupa na puno ng ibat ibang uri ng bulaklak na sobrang gaganda. Napangiti ako kasi ang gandang tignan nung lugar, tapos may malaking puno sa gitna non. Ang sarap mag picnic don. Wild flowers lang kaya yun? feeling ko parang alagang alaga eh.

Natigil ako sa iniisip ko nung naramdaman kong medyo bumagal kami nung tumingin ako sa harap nakakita ako nang isang gate na naka sara. Pero hindi sya yung normal na gate lang na nakikita ko jusme ang taas nung gate na malapad pa. Mix na gold and silver ang kulay at ang ganda ng design. Yung design na makikita mo lang sa mga anime.

Kala ko bababa muna si Zero para buksan yung gate pero biglang bumukas yun mag isa at di ko na napigilan mapa wow. Ang astig para akong nasa mundo ng anime hahahhahahha..

Nung nakalabas na kami dumaan kami pa kanan, kita ko pa rin yung bahay mula dito at mali ako sa akalang malaking bahay lang yun, grabe mas malaki pa yun sa school namin mas malawak pa nga eh, Mansyon na palasyo na ata yun. Ang laki tas ang lawak pa, nasa 5 minutes ata bago namin narating yung malaking gate eh.

*********************************

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Oo nasa bahay na ako ngayon at nasa sarili kong kwarto. Di ko nga alam kung pano nya nalaman ang address ng bahay ko eh. Wala naman akong matandaan na sinabi ko sa kanya pero alam nya.

Nagtatanong pa ako kay zero tungkol sa kapatid nya peto di na nya ako sinasagot. At bigla na lang nya pina harurot yung motor nya.

Napabuntong hininga na lang ako at niyakap ng sobrang higpit ang unan ko. Bahala na nga, kaylangan ko ng matulog at mag iisip pa ako ng idadahilan kay Hazel kung bakit ako biglang nawala.

Hayyy ang daming nangyari ngayong araw na to, biglang sumulpot ang lalaking kamukha ng lalaking nasa panaginip ko. tapos bigla na lang akong nagising sa lugar na di ko alam kung san at may nakilala akong lalaki na kamukha rin nung nasa panaginip ko na matured version nga lang na kapatid pa pala ni Zero.

Hhaayy.... napapikit ako ng mariin, bat ba di maalis sa isip ko ang lalaking yon. Sino ba talaga yon, alam kong kapatid sya ni Zero pero maliban don wala na. Saka bat parang kilalang kilala ako ng dalawang yon. Related ba sila sa buhay ko dati ng di pa ako naaaksidente. At di pa nawawala ang memorya ko.

Batigilan ako sa pag iisip ng biglang lumakas ang hangin, oo nga pala nakalimutan kong isara ang bintana ng kwarto ko. Napadilat ako at tatayo na sana ng mabigla ako sa nakita ko ng lumingon ako sa may bintana.

Ung lalaking laman lang ng isip ko nanina lang ngayon naka upo na sa may bintana. Pano sya nakapunta dito sa bintana ng kwarto ko imposible naman na imakyat sya eh second floor tong pwesto ng kwarto ko.

Napapikit ako ng mariin at ipiniling ko ang ulo ko baka naman nananaginip lang ako. Pagkadilat ko ulet wala na ung lalaki. Ano ba yan ano bang nangyayari sakin. Ang tindi naman ng imagination ko, parang totoong nakaupo ung lalaking yon kanina ha.

Tumayo na ako at isasara ko na sana ung bintana ng may mapansin akong nakapatong na paper flower sa may bintana. kinuha ko yon bat biglang nag karon ng ganto dito. Imposible naman na ako gumawa nito eh di naman ako marunong.

Hay bahala na nga tatanungin ko na lang si tita bukas pagkagising ko. At sinara ko na ang bitana ko at bumalik na ako sa pag kakahiga ko sa kama after ko ipatong sa maliit kong study table yung paper flower na nakita ko at kunin yung remote ng A.C. at buksan yun.

Napangiti ako nung may naaamoy akong mabango parang maraming bulaklak sa paligid ko. Pumikit na ako kasi mukhang mapapasarap ang tulog ko hahaha.

Hi guys to nanaman isa pa pong chapter sana ma enjoy nyo love yah bye bye....

Deirdre_Ailethcreators' thoughts
Next chapter