webnovel

11- Break Up

|Alliah|

"Matutulungan ba nila si Warren?"

"As of now, wala silang kayang gawin."

Nababahala ako. Three days ng nasa kamay ng King si Warren. Natatakot ako para sa kaya nilang gawin.

"What if humingi na tayo ng tulong kala tito Alexis?" Saggestion ko kala Eythan at Cha.

Nagbigay sila ng isang sulyap at napailing. Para saan yon?

"Problema to ni Warren. Problema natin."

"At involve ang kapatid mong si Dyena, anak ni tito Ezekiel." sagot ko

Hindi naman pwede na ikulong nila si Warren ng matagal dahil kay Dyena. At isa pa, ano bang kasalanan nilang dalawa kung nagmamahalan sila? Sino si Howw Hartune para sirain sila? D-mn that king! Wala siyang awa!

"Malalaman ni papa na may iba pa siyang anak,"

Selfish.

"Natatakot ka ba?" Napatingin kami kay Amethys na nagsalita na "Pero tama ka. Wala ng kinalaman dito sila tito. Na kay Dyena ang lahat ng desisyon. Kung iiwan niya si Warren, makakalaya na si Warren."

Pero masasaktan si Warren. Ang tagal niyang tinago sa amin si Dyena para makasama at hindi maipasok dito sa school na to tapos sa isang iglap, mawawala ang lahat dahil nakabalik na si Dyena sa tunay niyang mundo. Unconditional na rin ang pagmamahal ni Warren. Sa tingin ko wala na siyang natitirang pagmamahal sa sarili niya. Na kay Dyena na ang buhay niya.

"Ano ba sabi ng head ng POD?"

"Na kay Dyena ang sagot." Tanong ko at naupo

Ang hirap ng sitwasyon nila.

"Sa tingin mo, ano gagawin ni Dyena?"

Nagkatinginan kaming lahat sa tanong ni Cha. Ano nga ba?

|Warren|

Ilang araw na ba ako dito? Matagal tagal na rin pala. Ang tagal ko ng hindi nakikita si Dyena e. Kumusta na kaya yon? Kumakain ba ng tama yon?

Siguradong beastmode na naman yon dahil hindi ako nagpaparamdam. Nakakatuwa. Na nakakatakot.

Baka kasi malaman niya ang lahat. Baka pumili siya. Kaya ko pa naman e. Kaya ko pa sa loob ng selda na to. Isasakripisyo ko ang kalayaan ko para hindi lang siya mawala sa akin.

Worth it naman ang lahat.

Ilang taon ko siyang nilayo sa school na to dahil oras na makapasok siya dito, makikita siya ni Howw. Ng King. At tulad ng kinakatakot ko, nakita na siya ng King dahil nakapasok na siya sa school na to.

Rules.

Hindi ko alam kung bakit may ganung rules. Royals to Royals. Elites to Elites. King to Queen. What the f-ck! At ang katotohanan na isang Queen si Dyena ng school na to. Tangina. Bakit siya pa pinili. Ano ba balak ng Howw na yon! He's f-cking getting on my nerves!

Still, sana hindi makarating kay Dyena ang nangyayari sa akin. Ayokong pumili siya. Mahihirapan lang siya. Ayokong sisisihin niya ang sarili niya dahil sa nangyayari sa akin. Gusto ko wala siyang iniisip na problema maliban sa mukha ko. Gusto ko ako lang ang nababaliw ng ganito. Sasarilinin ko nalang lahat. After all, nagsimula na akong magsacrifice para sa amin dalawa. Itutuloy ko nalang tong laban ko.

Naniniwala ako, hindi niya ako iiwan. At one day, maiintindihan niya lahat.

"Napag isipan mo na ba?"

Napangisi ako. Bakit ba kailangan ko pang mag isip? Wala naman akong balak na bitawan si Dyena. Akin lang siya.

"Mukhang wala ng choices."

"Hindi ka mamahalin ni Dyena. Hindi niya ako iiwan." I assured him.

Ano tingin niya kay Dyena? Isang laruan na pwede niyang agawin habang hawak ng iba?

"Do you think so? Ako pa rin ang nauna sa kanya"

Napatiim bagang ako sa sinabi niya. Siya ang nauna? G-go to ah! San siya nakakuha ng tibay ng mukha para sabihin niyang siya ang nauna? Kahit saang anggulo, ako ang unang niyang nakilala.

"Si Dyena na mismo ang lalapit sa akin. " He grinned at me before he turns his back and walks away. "O ikaw mismo ang bibitaw."

D-mn. Hindi ako iiwan ni Dyena. Hindi mangyayari yon.

|Dyena|

Ilang araw ng may hindi ako nagugustuhan sa school na pinapasukan ko. May something kasi na hindi maexplain tapos iniisip ko pa si Warren kung nasaan siya.

Sila Kristina, Eros at Eythan hindi ko alam kung nasaan din sila. Nawala sila na parang bula nung nakaraan. At nung pagbalik nila, ang dami nilang pasa mostly si Eythan at Kristina. Si Eros, mild lang ang mga pasa.

Gusto ko sana itanong kung bakit at ano ang nangyari sa kanila pero ngiti lang ibinibigay nila sa akin. Kapag nagkikita kami sa hallway ay ngingiti lang sila o hindi nila ako titignan. O diba, parang ewan lang. Wala tuloy akong makausap tsk.

Hayy.

Pumunta ako sa Training hall ng campus at nagkalikot ng mga guns sa lamesa. Namamangha talaga ako sa mga nakikita kong uri ng combat tools- swords, guns, and bombs. Parang pakiramdam ko ang cool ko kapag marunong akong humawak non. Sayang, walang magtuturo sa akin ng mga bagay-bagay na nakakaexcite tulad ng paglaban.

And all about the task that gave by Mr Yamoto ay sa isang araw ko na gagawin so it means na lalabas ako ng campus at aalis ng bansa. Hindi naman daw ako mahihirapan sa pagtravel dahil may invention naman si Ms Hakuri. Isang plane na 10x faster than ordinary plane. Si Ms Hakuri, isa siya sa mga magagaling na Sensei dito sa Campus pero ang focus niya talaga ay ang Technology which is nasa Technology Hall siya lagi makikita. Depende sa tuturuan niya kung kailan siya magtuturo kung paano lumaban.

Sa ilang araw kong pag stay sa school na to, napagtanto kong magaling ang Architecture na gumawa dito. Totally. Ang ganda kasi ng pagkakagawa sa lugar na ito na talagang mapapaamaze ang makakakita. Nung una di ko maappreciate ang ganda ng campus pero kalaunan, unti unti ko ng napapansin. Siguro dahil finocus ko ang atensyon ko sa itsura ng campus kaysa pansinin ang mga nangyayari sa paligid. Kahit papaano, nasasanay na ako iadopt ang environment sa kinalulugaran ko ngayon.

Kinuha ko ang isang kutsilyo na hasang hasa ang talim. Nilingon ko ang dart board na 6 meters away from me. Sa tagal ko sa school na to, pinilit kong makipagsabayan sa malalakas on my on way. Sabi kasi ng isa kong kaklase na may magaganap na Examine Test sa Battlefield ng school na to, two kilometer away from here. Doon daw masusubok ang level ng mga istudyante dito lalo na ang ranking ng Royals at Elites. Exactly date ten days from now on. Makakaabot ako after my mission.

Hinagis ko ang knife na hawak ko at tinarget ang bulls eye ng dart board. Nang magcollide na ang dart at knife, almost hitted ang bulls eye. Improvement.

Napangiti ako at pinapatuloy ang ginagawa ko.

Siguro, kung hindi ako nawalay kala lolo at kasama ko sila, siguradong hindi ako nag eeffort ng ganito dahil magaling na ako. For sure habang lumalaki ako, tinuturuan nila ako sa pakikipaglaban. Siguro ang galing galing ko na. Siguro talo ko sila at ang husay ko. Kaso, wala e. I ran from them.

Di ko namalayan, tumulo pala ang luha ko na agad ko naman pinunasan bago pa makita ng iba.

"Here" napapitlag ako ng may magsalita sa gilid ko at nag abot ng panyo.

Nakakaintimidate siya. Totally. His presence are darker than shadow at pakiramdam ko ang lakas niya tignan. Yung aura niya, parang ang dilim. Yun bang pakiramdam na isa kang daga at kaharap mo ang isang lion. Pero ang pinakaiba, hindi ka kakainin ng lion. Basta, matatakot ka. Tapos sabayan pa ng suot niyang all black. Ang haba ng pilik mata niya, ang puti ng balat, pointed nose, makinis na balat, at kissable lips. D-mn! May mas popogi pa pala kay Eros at Eythan dito.

"No thanks." Yeah, nagawa ko siyang talikuran at iwan sa loob ng training hall.

|Howw|

"Panis kay ate!" Napalingon ako sa tumatawang si Clauss. "Snobber hahaha."

Napangisi lang ako at napailing.

She's different. She can resist my appeal and even my good-look-face. For the first time and last time, may nangreject sa akin na babae. Panyo nalang, nireject pa.

"She'll be mine, soon." Yun lang at iniwan ko na si Clauss na nilalaro ang kutsilyo sa bibig.

Demonise Dyena Del Fierro.

|Dyena|

Pagkagaling ko sa Training Hall ay dumeretso ako sa cafeteria para bumili at kumain. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan kong pumunta dito.

Pagtingin ko sa harap ng bilihan napasimangot ako. Ang dami kasing mandirigma doon para makakain lang. Makikipagsapalaran ba ako sa kanila? Tss.

"Yung boyfriend mo kasi hindi loyal."

"Tsk. Change topic, okay? Di ako natutuwa."

Buti nalang talaga loyal si Warren sa akin hindi katulad nung boyfriend ng babaeng to. Minahal mo na nga lahat lahat, lolokohin ka pa.

"Okay chill, init mo naman hahahaha."

"Tss."

Lumapit na ako sa mga nandirigma. Tinignan ko anf mga likod nila. Eh? Di naghalo halo na ang mababango nilang amoy. Yeah, kahit papano hindi sila mabaho. Buti naman.

Paano magiging loyal boyfriend non kung maraming elemento sa paligid.

Natawa ako sa naisip ko. Elemento. Kalat ang malalandi ngayon.

"Get out on my f-cking way!" I said that make them stopped. Parehas silang napalingon sa akin. May humawi sa harap ng bilihan kaya nilakad ko na yon.

May advantages din pala ang pagiging Royal ko. Tss. How lucky I am.

Pagkatapos kong magbayad ay nahanap na ako ng pwesto kaso lahat occupieded kaya napasimangot ako. Sobra naman ako kung papaalisin ko ang mga nasa table na kumakain. Bastos na talaga ako non. Tss.

Sana manlang kasi sinakto ng school na to ang popular ng students sa chairs and tables. Edi hindi sana ako nahihirapan ng ganito.

"Dito." Napalingon ako sa kumaway sa akin. Yung dalawang babaeng nag uusap kanina.

Lumapit ako sa kanila at naupo sa bakanteng upuan. "We can talk to her na ba?" sabi nung babaeng maiksi ang buhok

Nagsalita yung may mahabang straight na buhok "Yes. Natanggal na ang rules by the help of three Royals." Tumingin siya sa akin at ngumiti "Elites by Jashmine Kang, one of the Royal." Nagbowed siya at ngumiti ulit.

"Elites by Jashmine Kang, too." The other one said at nagbowed din.

Tumango lang ako at kumain na. Jashmine Kang. Hindi ko pala alam ang mga pangalan ng ibang Royals. How's great. Tss. Di ko alam mukha nung Jashmine.

Nung malapit na ko matapos ay tinignan ko yung dalawa na tahimik lang. Wala yata silang balak umalis.

Ininom ko ang tubig pagkatapos kumain at hinarap sila. "What rules pala yung sinabi mo, a while ago?"

"Ah that rule. Matagal na yung rule na ginamit pa ng mga naunang Royals. Bawal mag usap ang mga Royals. Royals to Royals only."

Pero kinausap ako nila Eros, Kristina at Eythan?

"Mapaparusahan ang sino man lumabag sa rules. And you came, nilabag ng tatlong Royals yon. Alam ng lahat ng Royals kung gaano kabigat ng responsibilities ang kapalit ng ginawa nila and now, nawalan ng bisa ang rules dahil sa gusto nila. Tinanggap nila ang pinakamabigat na parusa." Ewan ko lang kung guni guni ko lang ba yon dahil nakita ko ang mabilis na paglungkot ng mata ng babaeng nagsasalita. Concern talaga siya.

"You're lucky because they're on your side."

Napailing lang ako. Siguro tama siya. Pero nag aalala ako bigla, anong punishment naman kaya yon? Tss. Tatanungin ko sila.

**

-

To: Warren

Kumusta?(:

-

Finally! Nasend ko na rin. Ilang oras akong nagcompose ng message para sa lalaking yon tss. Hindi ko alam kung magsesend ba ako o hindi kasi ang tagal niyang hindi nagtetext. Kung ano ano na pumasok sa utak ko kung may nagawa ba ako para hindi siya magtext at magpakita e. Yun bang mararamdaman mo nalang na, 'nakakahiya! Ano ba gagawin ko? Siya dapat unang magtext tsk! Mamaya isipin non patay na patay ako sa kanya!' -feeling! Naknang! Nasaang lupalop ba yon.

Hays. Nakakainis! Ang sarap niyang sakalin pag nakita ko siya! Daig ko pa may dalaw ngayon sa sobrang badtrip.

Ipipikit ko na sana yung mata ko ng magvibrate ang cellphone ko. Agad kong tinignan yun kasi special ringtone na para lang sa iisang tao.

Pakiramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Kumakabog habang binubuksan ang message.

-

From: Warren

Let's talk outside. Sa harap ng forest, 3 am later.

-

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Ten pm na. Seriously, 3 am huh? Anong utak meron ang panget na yon? Tsk! Sa halip na matuwa ako dahil nagtext siya, nakaramdam lang ako ng inis. Let's talk let's talk pa siyang nalalaman! Bwisit! Hindi ko siya pupuntahan.

**

Bwisit! Hindi ko siya matiis at gumising ako ng two am. Nagsuot lang ako ng pajama at damit na pinatungan ng lether jacket dahil for sure malamig sa labas lalo't sa harap pa kami ng forest pupunta.

Ewan, pakiramdam ko may something na hindi magandang mangyayari. Natatakot ako na ewan. Parang gusto ko ng umatras at tumuloy. Nagtatalo ang loob ko.

Napabuntong hininga ako ulit bago lumabas ng silid ko. All lights sa buong campus. Lahat ng hallways may ilaw. Nakakatakot bumaba. Tangina. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Bwisit.

Winaksi ko ang takot at bumaba patungo sa harap ng forest.

Nang malapit na ko, may naaninag akong hugis ng tao di kalayuan. Tinitigan ko at hindi ako nagkamaling si Warren yon. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti.

Lumapit ako sa kanya. Ganon din siya, napangiti din siya at naiiling na ginulo ang buhok ko. Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha sa leeg ko.

This is the first time. First time na masaya siya habang malungkot ang mga matang nakikita ko sa likod ng masaya niyang ngiti. May problema ba siya? May dinadala ba siyang hinanakit sa buhay niya ngayon? Kasi kung meron, gusto kong malaman! Gusto ko tanungin pero bakit wala akong lakas na magtanong ngayon?

"Say my name..." he whispered habang nakayakap sa akin.

"Bakit?"

"My name please." His voice was sounded pleaded kaya agad kong binanggit ang pangalan niya na ikinatawa niya ng mahina "I will miss that"

"Hey, anong problema?" Para siyang ewan e. Papakamatay ba to? Bwisit to! May balak yata.

"Kapag namatay ako, susunod ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Of course not!"

"I see. Dyena. Dyena Del Fierro." Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat "Pagod na ako. Maghiwalay na tayo."

Sana, panaginip lang ang lahat ng to. Sana. Pero hindi pabor ang tadhana sa akin. Totoo lahat. Kaharap ko siya. Seryoso ang mata niya.

"Don't do dare that shit, Fuentez! Hindi ako natutuwa" basag na ang boses ko habang nagsasalita. He never been joke around that kind of words to me. At hindi ko alam pero natatakot ako sa magiging resulta nito ngayon.

"I'll set you free, Del Fierro." He turned his back and started to walk.

My tears fell down to my cheeks and even my body are now going to break down. At sa kauna unahang pagkakataon, napaluhod ako at napahagulgol sa gitna ng malalim na gabi.

This heartbreak were killed me.

~~

Next chapter