webnovel

♥ CHAPTER 43 ♥

⚚ Syden's POV ⚚

"Heaven?" tanong ko.

Habang tinitignan ko siya, nasisilaw din ako. Ang liwanag kasi niya at kumikinang siya. Gusto ko siyang hawakan pero hindi ko magawa. Siya naman, nakatingin at nakangiti sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo ba, miss na miss na kita. Kami ng kuya Raven mo" sambit ko sa kanya.

Feeling ko masisira na yung mata ko sa sobrang liwanag.

"Miss na miss ko na din kayo ni kuya. Pero huwag kayong mag-alala ate, masaya na'ko. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo" pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran niya ako pero sinubukan ko siyang habulin.

"Heaven teka lang. Sasama ako sa'yo. Sasamahan kita" -S

Humarap ulit siya sa akin at nakangiti pa rin siya, "Magsasama din tayo ate. Pero hindi pa ngayon. Marami ka pang dapat gawin kaya bumalik ka na kay kuya Sean, nag-aalala na siya sa'yo" pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran na niya ako at unti-unti siyang nawala. Kaya naalala ko si Raven.

.....

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, as usual maliwanag. Kinusot ko pa yung mata ko kasi nasisilaw talaga ako eh. Wait! Pamilyar sa'kin tong lugar na'to ah! Huwag mong sabihing...

"Sy, buti naman gising ka na" bungad ni Raven sa akin. Tinignan ko ulit yung kisame.

Nandito nga ako. Nasa clinic nanaman ako haha! Suki na ba ako ng clinic?

Pero teka! Paano naman ako napunta dito?

Sa pagkakaalam ko, pupunta dapat ako sa stock room para kausapin siya. Pero may dumukot sa akin. Pinahirapan ako ni Roxanne at Clyde, tapos....sinaksak niya ako.

Pero bakit buhay pa ako?

Dahan-dahan akong bumangon at inalalayan ako ni Raven. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo masakit. What's new? Lagi namang may masakit sa katawan ko. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa paligid, biglang nanlaki ang mata ko habang tinitignan ko sila isa-isa.

Anong ginagawa nila dito?! Omo! Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko at natulala.

Si Raven nasa kaliwa ko, si Axelle nakasandal sa wall. Sa kanan ko, nakasandal din siya sa may wall, si C-carson!! Sa tabi niya, correct me if I'm wrong, yung right hand niya...si Dustin. Silang apat, nakapalibot sa akin. Feel na feel ko yung temperatura, sobrang init. Nakayuko lang silang lahat habang nakasandal, pero tinitignan ko pa lang silang apat, nanginginig na'ko. Naka-itim silang lahat at naka-cap sila.

Ano bang meron?!

Anong ginagawa ng dalawang Blood Rebels dito?! May nagawa ba akong hindi maganda?!

Lumapit si Raven sa akin, "Huy! Natulala ka dyan" kinalabit niya ko kaya napansin ko siya.

Bakit parang kalmado lang ata si Raven? Hindi ba siya nagtataka o natatakot dahil may dalawang Blood Rebels dito?

Napatingin silang lahat sa akin. Someone help me! Seryoso silang nakatingin sa akin pero bakit ganon? Tingin pa lang nila pamatay na. Siguro kung kutsilyo yung mata nila, kanina pa ako nangasaksak dito. As in yung black aura nila nafi-feel ko. Mas nakakatakot sa mga Phantoms.

Aalis na sana si Raven para bumalik sa pwesto niya kanina, pero hinawakan ko yung damit niya para hilain siya, "Huy ano ba? Bitawan mo ko" bulong ni Raven sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan.

"Dito ka lang sa tabi ko. Huwag kang aalis" pagpupumilit ko habang hinahawakan ko pa rin yung damit niya.

"Hindi naman ako aalis eh. Babalik lang ako sa pwesto ko" Raven dito ka lang please? Ayoko silang makita? Bakit nandito sila?

Hindi ko pa din binitawan yung damit niya, natatakot ako eh.

"Bitawan mo na kasi ako" pagpupumilit niya. Ayoko! Di kita bibitawan!

Habang nagpupumilit ako kay Raven na huwag umalis biglang...

"Bliss Syden" boses pa lang niya, pamatay na! Aaminin ko first time kong marinig ang boses niya ng malapitan pero alam kong siya yung nagsalita kasi nakakatakot.

Kahit ayaw ko siyang tignan, kailangan kong gawin. Baka kasi magalit siya lalo, kapag hindi ko siya pinansin habang kinakausap niya ako. Napatingin si Raven sa akin na parang sinasabihan akong tignan ko si Carson. No way! Ayoko talaga! Nakita ko rin si Axelle na serious mode nakatitig sa'kin. Ganon din yung Dustin na right hand ni Carson. Taena! Nakakatakot sila!

Finally, dahan-dahan ko siyang tinignan. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nililipat ko yung tingin ko kasi hindi ko talaga siya matignan ng diretso. Ayoko talaga mamatay man ako pramis!

Nakakabingi yung katahimikan, nakaka-pressure na din yung tingin nila sa akin.

Feeling ko sasabog ako anytime.

"A-ahh...a-anong..ginagawa niyo...d-dito?" tae! Kinakabahan talaga ako!

"Baka nakakalimutan mo...may atraso ka pa sa'kin" seryoso siya. Pero feeling ko parang galit siya. Luh! Ayoko na!

Napanganga nalang ako eh. Yung as in nganga tapos tulala. Alam niya na ba yung totoo? O hindi pa? Kasi kung hindi niya pa alam, sasabihin ko na sa kanya ngayon.

"Yung...tungkol pala sa...sa ano- " -S

"Alam ko na. Kaya huwag mo ng ulitin" tinignan niya ako ng masama kaya nanlaki ang mata ko. Sh*t! Manghuhula ba siya para malaman agad ang ibig kong sabihin?

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Masama ang tingin niya sa akin kaya hindi ako makahinga ng maayos, iiwasan ko sana yung tingin niya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis yung mata ko sa nagagalit niyang mata. Tulala na ako eh!

Tumayo na siya na parang lalabas na dito sa clinic. Binuksan niya yung pinto pero bago siya makalabas may kailangan akong sabihin.

"C-carson teka lang" tumigil ka sana please. May gusto akong sabihin.

Buti naman huminto siya pero hindi siya humarap sa akin kaya yung likod lang niya yung nakikita ko, "Alam ko malaki yung kasalanan ko sa inyo. Sa'yo at sa Blood Rebels. Sorry kung hindi ko sinabi. Natakot lang ako. P-pero huwag kayong mag-alala, b-babawi ako sa'yo at sa grupo mo" alam kong late na para mag-sorry sa kanila. Pero ito na lang ang naiisip kong paraan para patunayan sa kanila na sincere ako sa paghingi ng tawad.

Kahit hindi ko siya kakilala at kaanu-ano. Guilty pa rin ako dahil hindi ako nagsalita dahil lang sa takot. Gusto kong bumawi at itama lahat ng pagkakamali ko.

Hindi kumibo si Carson pero tumingin lang siya sa gilid kaya yung side-view na mukha niya lang yung nakita ko. Seryoso pa rin siya.

"Late na para sabihin mo 'yan. Ngayon pa, na sira na lahat...Isa pa... huwag na huwag mo ng babanggitin ang pangalang Blood Rebels, kahit kailan!" pagkatapos umalis na siya at natulala nanaman ako.

Kahit late na, babawi pa rin ako sa kanya.

Sumunod din yung Dustin sa kanya, pero bago lumabas yung Dustin na 'yon, nagkatinginan kami at nginitian niya ako ng masama. Yung mainit na temperatura kanina biglang nawala pagkalabas ng dalawang Blood Rebels na 'yon kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Buti naman umalis na sila. Kasi kung magtatagal pa sila dito, for sure aatakihin na'ko sa puso dahil sa kaba.

Lumapit ulit sa akin si Raven, "Huwag mo na silang isipin, ganon lang talaga sila" bakit naman nasasabi ni Raven 'to? Nakasama niya ba sila?

Napatingin ako sa kanya kasi nagtataka ako, "Bakit ganyan ka magsalita tungkol sa kanila? Nakasama mo ba sila? Mukhang kasing kilalang-kilala mo na?"

Ngumiti siya, "Sy. May aaminin ako sa'yo"

"Ano naman 'yon?" -S

Ano naman kayang aaminin niya? Parang kinabahan nanaman ako. Tsk!

Nagtinginan sila ni Axelle at parang hindi sila mapakali, "Huy, ano ba 'yon?" tanong ko sa kanila.

....

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Seryoso ba sila? Blood Rebels daw silang dalawa hahaha nakakatawa!! Pero hindi talaga ako naniniwala.

Kahit ayokong maniwala, pinilit nila ako para maniwala talaga ako. Kinwento nila lahat sa akin. Na plano daw ng Blood Rebels ang lahat para makausap ako ni Carson. Kinaibigan daw nila si Raven para makalapit sila sa akin.

Hindi talaga ako makapaniwala!

Ibig sabihin, all this time ako lang yung walang alam sa nangyayari. Bakit ba kasi ang tanga ko? Dahil sa takot ko, hindi ko nakuhang mapansin yung mga tao at nangyayari sa paligid.

Kaya siguro nagbago si Raven, dahil naimpluwensyahan siya ng Blood Rebels. Noong una, nainis ako sa kanila ni Axelle at nagalit. Natakot din ako pero dahil sa ngiti nila, nawala yung takot ko. Pero ano pa bang magagawa ko, nangyari na at kailangan ko na lang tanggapin dahil mahal ko si Raven at kaybigan namin si Axelle kaya iintindihin ko na lang sila. Kaya naman pala nakakatakot sila minsan dahil Blood Rebels sila. Isa pa, Dave na rin ang gusto ni Axelle na itawag namin sa kanya ni Raven.

Ngayon, parang hindi ako nakaramdam ng takot sa Blood Rebels dahil kay Dave at Raven.

"Kung ayaw mong makitang maging leon si Carson, huwag na huwag mo ng babanggitin ang Blood Rebels, nabuwag na ang grupo" nabigla naman ako sa sinabi ni Dave.

Nabuwag?! Seriously? Bakit?!?!

"B-bakit naman?!" -S

"Nakilala lang naman ang Blood Rebels simula nung kinatakutan kami.  Naging brutal kami since niligawan ni Carson si Roxanne. Sa sobrang protective ni Carson nakapatay ang Blood Rebels. Napatay namin yung mga taong nagtatangka sa buhay ni Roxanne. Nagkaganon kaming lahat, naging killer kami dahil sa pagmamahal ni Carson kay Roxanne. Ayaw niyang may mangyaring masama kay Roxanne kaya pinapapatay niya sila. Pero nung naging sila, naitigil din namin 'yon dahil nagfocus si Carson sa relasyon nila. Marami silang alaala ni Roxanne sa Blood Rebels. Ngayon na break na sila, ayaw ng maalala pa ni Carson si Roxanne, kaya binuwag niya yung Blood Rebels para makalimot na siya" -D

Bigla akong natulala sa mga narinig ko, kung sinabi ko ba noon pa lang, hindi ba masisira yung grupo nila? Kung nagsalita ako, siguro ngayon, hindi ganito kalala ang mga mangyayari.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Wala ka namang kasalanan" ginulo ni Dave yung buhok ko, para ko tuloy siyang kuya.

Manghuhula ba 'tong mga kasama ko? Hindi ko pa man nasasabi, alam na nila yung nasa isip ko. Ganon ba talaga sila kagaling?

Napatingin ako sa labas, madilim na. Sabi kasi nila Raven, kagabi daw ako dinala sa clinic, eh gabi na rin ngayon, so ibig sabihin isang araw na'kong natutulog at nakahiga dito.

Sinabi ko na rin sa kanila na okay na ako. Ayoko ng mag-stay pa dito sa clinic. Boring kaya, hello? Gusto ko na ring maglakad-lakad para lumakas na yung katawan ko. Puno nga ako ng sugat at pasa eh plus dalawang saksak haha! Buti buhay pa'ko!

Lumabas na rin kami sa building kasama ko si Raven at Dave. Sinundan ko lang silang dalawa. May pinuntahan kaming maliit na daan, as in maliit siya, isang tao lang kakasya kaya sunud-sunod dapat hindi pwedeng pumasok  ng sabay-sabay. Pagkarating namin sa pinakadulo, ang luwang ng lugar at parang tambayan nila 'to, ang creepy nga eh, may dugo. May nakita akong pintuan, mukhang isang malaking room 'yon na abandoned na.

Narinig naming may nagwawala sa loob at marami ng nababasag, lumabas yung Dustin mula sa isang pintuan at pawis na pwais siya.

Lumapit si Dave sa kanya,"Dustin, anong  nangyayari?"

Gulat kaming tatlo ng makita namin siya.

"Si Carson. Nagwawala, hindi ko siya mapigilan. Alam niyo naman kung paano siya magalit d'ba? Tapos isama niyo pa si Roxanne" hinihingal niyang sabi.

Papasok sana si Raven pero pinigilan siya ni Dave, "You can't stop him"

Nagi-guilty ako. Dahil sa akin, nagkagulo ang lahat. Kailangan kong ayusin 'to.

"Ako na" napatingin sila sa akin at nabigla sila.

"No. You can't. You don't know him. Baka masaktan ka niya" -D

Okay lang kung saktan niya ko. Deserve ko naman. Hindi kagaya kay Clyde. Okay lang na saktan niya ko dahil alam ko naman na may kasalanan ako.

Alam kong pipigilan nila ko kaya tumango ako. Pagkaupo nila, tumakbo ako agad papunta sa loob at ni-lock ko ang pinto para di sila makapasok. Naglakad ako para hanapin siya, punung-puno ng sirang gamit sa sahig. Malaki ang lugar na'to, kahit saan ka tumingin, may kalat. Nagwala nga talaga siya. Narinig kong kumakatok sila Raven pero hindi ko pinansin. Dahan-dahan akong naglalakad, baka kasi mabigla siya sa akin at mapatay niya ko.

Bigla siyang sumulpot sa harapan ko. May hawak siyang bote ng alak na parang binasag kaya may part na matalim. Nakita kong papunta sa direksyon ko yung hawak niyang bote, kaya napapikit ako.

To be continued...

Next chapter