webnovel

♥ CHAPTER 18 ♥

Syden's POV

"Syden?! Ano bang ginagawa mo bumangon ka na d'yan!" nagising nanaman ako sa malakas na hampas ng unan sa akin ni Icah.

Pero tinuloy ko pa rin ang pagtulog dahil inaantok pa ako. Paano ba naman kasi, Monday to Friday kailangan magpa-attendance. Saturday, Sunday kailangan pa rin pumasok dahil may teachers. Kaya wala talagang pahinga at diretsong tulog.

At saka ayaw kong pumasok kasi Redblades, Phantom Sinners at Blood Rebels nanaman ang daratnan ko sa classroom na 'yon.

Sigurado namang may gagawin nanaman silang hindi maganda sa akin.

"Kayo na lang ang pumasok Icah. Ayaw ko. Matutulog na lang ako!" padabog kong sabi at tinakpan ko ng unan ang ulo ko.

"Oh sige. Pero kapag naparusahan ka sa Prison Tree bahala ka!" naramdaman kong tinalikuran na niya ako dahil narinig kong sinara niya ang pinto.

Bahala sila. Basta matutulog ako.

Pinikit-pikit ko ang mga mata ko at naisip ko ang Prison Tree na sinabi ni Icah. Tumingin ako sa relo ko na nasa tabi lang ng unan ko at 6:45 na, may 30 minutes pa ako para makapag-ayos dahil 7:15 panaman magriring ang bell.

Dali-dali akong tumayo para makapag-ayos. Naligo ako ng mabilisan at hindi ko na napatuyo ang buhok ko. Kinuha ko ang bag ko at mabuti naman naayos ko na kagabi ang mga kailangan kong ilagay sa bag.

Tumakbo ako ng sobrang bilis para makarating sa classroom namin sa tamang oras. Sigurado namang nakarating na din si Raven sa classroom niya.

Pagkarating ko sa harapan ng classroom, hinihingal ako dahil sa pagtakbo ko kanina. Tinignan ko ang relo ko at 7:23 na. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan. Nakita kong may nakaupo na sa seat ko kaya nagtaka ako.

Bigla kong naalala, hindi pala uso dito ang seating arrangement. Kahit iba-iba ang pwesto mo araw-araw pwede.

Ang mga Blood Rebels naman, nasa gitna, nakaupo sa mga table at nakapalibot sila sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Carson.

Para kay Roxanne siguro.

Si Carson nakaupo sa upuan habang ang mga member naman niya nakaupo sa mga lamesa. May nakita akong bakanteng upuan sa harapan kaya dumaan ako sa gilid. Pero sinabatan ako ng member niya at sinenyasan ako na dumaan sa gitna. Tumingin ako sa kabila at may nakabantay din.

Bakit naman bawal dumaan sa gilid?

Bumalik ulit ako sa likod para dumaan sa gitna. Hindi ko nakikita si Clyde at Roxanne, pero ang iba nilang member nandito.

Dumaan ako sa gitna kung saan nakapalibot ang mga Blood Rebels. Bago ko sila malampasan, may humawak sa braso ko at sapilitan akong iniupo sa tabi ni Carson.

Nakatingin lahat sila sa akin at nakakatakot ang mga mata nila.

"Hi" bati ni Carson.

Nabigla ako dahil sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang siya nakitang nakangiti kaya lalo pa akong nabigla at nanlaki ang mata ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo ako ulit para maghanap ng mas magandang upuan sa harapan. Pero hinawakan nila ako ulit at iniupo sa tabi niya.

"Subukan mong umalis d'yan. Baka gusto mong maranasan kung paano maging kalaban ang Blood Rebels"

Ang masaya niyang ngiti kanina bumalik sa pagiging seryoso at nakakatakot, kaya umupo na lang ako ng maayos kahit nag-uumpisa nanamang manginig ang katawan ko.

Nilapitan niya ako kaya sobrang lapit ng mga mukha namin,

"Nasaan ang leader niyo?" seryoso niyang bulong sa akin.

"H-hindi ko alam" nanginginig kong sagot.

"Ganon ba?" tumingin-tingin siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Kasi ako, hindi ko rin mahanap ang girlfriend ko" bulong niya.

Lumayo na siya sa akin at umupo siya ng maayos, ganon din ang ginawa ng mga member niya.

Lahat ng taong nakapalibot sa akin, member ng Blood Rebels. At katabi ko ang leader nila.

"Bakit kaya pareho silang wala? Tingin mo nasaan kaya sila?" bigla niya akong hinarapan.

Ano kaya kung sabihin ko sa kanya ang totoo? Bigyan ko na lang kaya siya ng clue?

"B-baka mag-" habang nagsasalita ako tuluyan na akong nanginig dahil nakita kong pumasok si Clyde.

Tumingin siya sa kinauupuan ko at tinignan niya ang mga nasa paligid ko, lalo pa siyang nagalit nang makita niyang katabi ko si Carson.

Lumapit siya sa amin at sapilitan niya akong itinayo,

"Anong ginagawa mo sa pwestong 'yan?!" galit niyang sabi.

"You should be thankful dahil gusto lang naming kilalanin ang girl member ng mga Phantoms" tumayo na si Carson sa kinauupuan niya at nagkatinginan sila ni Clyde.

"Blood Rebels won't do something like that" sagot sa kanya ni Clyde.

"That's why we're doing it now" sagot naman sa kanya ni Carson.

Naging tahimik ang buong classroom at pinagitinginan silang dalawa dahil nagkakasagutan na sila.

"So please!" hinila ako ni Carson papunta sa kanya at sapilitan nanaman akong pinaupo.

"Hayaan mo kaming kilalanin siya not as an enemy...but as a friend. I want to maintain peace here in Prison School that's why we're doing our best para kaibiganin ang member mo" sarcastic niyang sabi.

Nakayuko ako pero tumingala ako para tignan si Clyde. Galit na galit ang mga mata niyang nakatingin kay Carson. Tinignan niya ako ng masama at iniwas ko na lang ang tingin ko bago siya umalis.

Tinignan ko si Carson na galit na galit din pero habang tinitignan ko siya, hindi ko maiwasang maawa. Nakikita ko sa mata niya na kahit may girlfriend siya, parang malungkot siya at mag-isa. Tumingin siya sa akin kaya iniwas ko ang mata ko sa mga tingin niya.

There's a part of me na gusto kong sabihin sa kanya ang totoo dahil guilty ako at naaawa ako. But there's something inside me na pumipigil sa bibig ko para magsalita.

Hindi ako makagalaw ng maayos sa kinauupuan ko at hindi rin ako makahinga ng malalim. Napansin kong nanginginig din ang kamay ko dahil siguradong pagkalabas ng classroom na'to. Papahirapan nanaman ako ni Clyde at ayaw ko na.

Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa kamay kong nanginginig dahil hindi ko alam kung paano ba papatigilin.

Biglang napahawak si Carson sa ulo niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong may pencil case sa likuran namin kaya nalaman kong may bumato ng pencil case sa kanya.

Tumingin siya sa likuran at ganoon din ang ginawa ko. Si Clyde ang bumato sa kanya.

"It wasn't my intention" ngumiti si Clyde ng sobrang sama habang nakatingin sa aming dalawa ni Carson.

Nginitian din siya ng masama ni Carson kaya tumahimik na lang ako dahil siguradong magkakagulo. Biglang kinuha ni Carson ang binato sa kanyang pencil case na nasa sahig at binato niya 'yon papunta sa direksyon na kinauupuan ni Clyde.

"It was my intention" sambit niya. Napatingin sa kanya si Clyde at nag-iinit nanaman ang mga mata nila.

Tumahimik ang buong classroom dahil nakita nila ang pag-iinitan ng dalawa.

Biglang pumasok si Roxanne kahit late na kaya napatingin lahat sa kinatatayuan niya. Tumingin-tingin siya sa paligid at nakita niya kaming magkatabi ng boyfriend niya. Tinignan niya ako ng masama bago siya lumapit sa amin.

Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at mataray akong tinitignan.

"What are you doing here?" mataray niyang sabi.

"Don't worry. I do not intend to take your place" sagot ko sa kanya.

Kinuha ko na ang bag ko para tumayo pero hinawakan nanaman ni Carson ang braso ko at sapilitan akong pinaupo. Halatang nabigla si Roxanne at nainis sa ginawa sa akin ng boyfriend niya.

"Babe, dito muna siya please. I'm just being friendly sa girl member ng Phantom Sinners" sambit ni Carson sa girlfriend niya habang nakangiti siya. At mas lalo pang kinainisan 'yon ni Roxanne.

"Then are you saying na mas gusto mong katabi ang babaeng 'yan kaysa sa akin!" sigaw niya.

Tumingin si Carson sa katabing upuan ni Clyde na bakante at nginitian si Roxanne,

"You should seat there. You should be friendly too sa leader ng Phantom Sinners. Redblades and Blood Rebels should be kind right now to maintain peace" sabi niya kay Roxanne.

Tumingin si Roxanne sa itinurong pwesto ni Carson at nagkatinginan sila ni Clyde pero umiwas din siya ng tingin.

"Fine!" galit niyang sabi.

Tinignan niya muna ako ulit bago siya umupo sa tabi ni Clyde. At nakikita ko si Carson na ngumingiti sarcastically.

Bakit ba kasi nandito ako at ayaw niya akong paalisin? Siguradong papahirapan nanaman nila ako.

🕤🕤🕤🕤🕤

Malapit na ang break time pero hindi pa rin ako makagalaw ng maayos sa pwesto ko. Mainit din kasi ang simoy ng hangin kaya medyo mahirap huminga ng malalim. Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin kong wala si Nash.

Walang naka-hood. Tinignan ko isa-isa ang mga itsura ng kaklasi ko pero wala talaga siya.

Saan naman kaya siya nagpunta? Absent siya ngayong araw na'to. Paano kung maparusahan siya sa Prison Tree?

Hindi ko siya maililigtas gaya ng pagligtas niya sa akin. I hope he's okay.

Biglang tumayo si Carson at Clyde. Nag-umpisa silang maglakad hanggang sa nagkalapit silang dalawa at seryosong nagkakatinginan.

Si Roxanne naman, napatayo lang mula sa pwesto niya.

"Sabihin mo nga sa akin Carson...ano ba talagang problema mo?" matapang na sambit ni Clyde.

"None. I'm just being friendly and you...should be thankful" sagot naman ni Carson.

"I. Don't. Need. You. As. A. Friend" sarcastic na sabi ni Clyde sa kanya.

Tinapatan siya ni Carson at naging katakot-takot na ang mukha nito,

"Did I say I want you to be my friend?" sagot ni Carson.

Nagtaka si Clyde sa sinabi ni Carson,

"What?" sambit niya.

"I never said na gusto kitang maging kaibigan. I want Ms. Fuentes as Blood Rebels' friend" tumingin siya sa akin kaya nabigla kaming lahat na halatang lalo pang kinainisan ni Clyde.

Hinawakan ako bigla ni Clyde.

"Blood Rebels and Phantom Sinners should not be friends"seryosong sabi ni Clyde.

Patagal ng patagal, humihigpit ang pagkakahawak sa akin ni Clyde pero pinipigilan kong ipakita na nasasaktan ako.

"Babae naman siya. So we can be friends right? Dahil hindi naman natin siya pwedeng isali sa oras ng patayan?" sambit ni Carson.

Tinignan din ni Carson si Roxanne na halatang naiinis sa ginagawa niya.

Napatingin din si Clyde kay Roxanne.

Nag-ring ang bell para sa break time. Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito, dahil nakatingin silang dalawa kay Roxanne, kahit mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Clyde, tumakbo na ako para matakasan sila.

   

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Raven's POV

Pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko dahil hindi siya nagpakita sa amin mula kaninang break time, pero nakita naman namin na pumasok siya kahit late bumangon, kaya minabuti kong puntahan siya dahil siguradong dito lang naman siya pupunta.

Kumatok ako sa kwarto niya pero hindi siya sumasagot. Kaya kumatok ako ng paulit-ulit para siguraduhin kung nandito nga siya.

"Ano bang kailangan mo Raven?" binuksan niya ang pinto at mukhang antok na antok siya.

"Bakit hindi ka na nagpakita mula kaninang break time?" tanong ko sa kanya.

Kinukusot niya pa ang mga mata niya. Pumasok ako sa kwarto niya at umupo siya sa kama niya.

"Ayaw kong pumasok eh" sambit niya.

"Bakit nga? Ni hindi mo man kami sinabihan na babalik ka na dito?" pangungulit ko sa kanya.

Tinignan niya ako,

"Gusto ko na nga magpahinga kaya hindi na ako nakapag-paalam at saka...pumasok lang naman ako para sa attendance dahil ayaw ko sa Prison Tree" sambit niya.

"D'ba nga hindi naman dapat ako papasok ngayon?" dagdag pa niya.

Hindi naman siya ganito date. Pumapasok siya kahit ayaw niya pero ngayon kapag ayaw niya, hindi na talaga siya pumapasok.

"Sy?" nilapitan ko siya at tinignan ng diretso kaya napatingin din siya sa akin.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya,

"H-ha?! Bakit mo naman natanong 'yan?" sagot niya.

"Lately kasi, iba ang kinikilos mo...tapos lagi kang may sugat" pag-aalala ko.

"Ano ka ba? Okay lang ako. Nag-a-adjust lang talaga ako kasi wala man tayong pahinga. Araw-araw kailangan nating pumasok kahit walang teacher. Kaya inaantok na'ko palagi. At saka yung mga sugat ko, don't worry. Aksidente lang 'yon kasi hindi ako nag-iingat" tumingin siya sa akin at ngumiti siya.

"Sa Phantom Sinners ba? Kay Clyde? Wala ka bang problema?" tanong ko.

Umiling siya ng tatlong beses kaya hindi na nagsalita.

"Totoo ba 'yan? Hindi ka nagsisinungaling?" pag-aalinlangan ko.

"Bakit naman ako magsisinungaling?" tinignan niya ako ng diretso.

Siguro nga nag-a-adjust lang siya dahil malaki ang kaibahan ng eskwelahang ito kumpara sa normal na eskwela lang.

"Oh sige. Naniniwala na ako. Basta kapag may problema ka, sabihan mo ako ah?" sambit ko sa kanya.

"Oo naman kambal tayo eh at saka hindi mo naman ako dapat alalahanin sa bawat oras. Isipin mo rin ang sarili mo" ngumiti siya at ngumiti din ako.

"Sige. Aalis na muna ako para makapagpahinga ka" sambit ko at tumango naman siya.

Sana nga nagsasabi siya ng totoo.

Tumayo na ako para umalis at bubuksan ko sana ang pinto pero hindi ko mabuksan, naka-lock.

"Sy?" tinignan ko siya.

"Bakit?" tumingin siya sa akin.

"Naka-lock ang pinto" sambit ko habang pinipilit kong buksan.

Lumapit siya at sinubukan ding buksan pero ayaw talaga.

"Paano nangyari 'to?" tanong niya habang nagtataka.

"Nagla-lock ba talaga ito ng automatic?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Never pang nangyari 'to" nagkatinginan lang kami hanggang sa nakarinig kami ng mga yapak papunta sa kwarto niya. Mula sa labas ng pintuan, nakarinig kami ng susi na parang binubuksan ng dahan-dahan ang pintuan.

"Icah? Ikaw ba 'yan?" sigaw ni Sy.

Pero walang sumasagot at napansin namin dahan-dahan niya lang binubuksan ang pinto kaya napaatras kaming dalawa dahil hindi namin kilala kung sino siya.

Lumapit sila sa amin at madami sila, tatakbo sana kami pero sa kasamaang palad. Hindi namin sila natakasan.

To be continued...

Next chapter