"I...WILL KILL YOU...JACKSON CLAUDE!" pilit na pagsasalita si Dean kahit na nanghihina siya at nahihirapang gumalaw. Tinignan siya ni Claude at biglang sinipa ito sa kanyang tagiliran kaya nabigla na lang ako at mas kinabahan dahil tinamaan ang mismong sugat ni Dean kaya nakita kong may lumabas na dugo mula rito at alam kong nasaktan siya doon pero hindi niya ipinakita.
Napansin ni Claude 'yon at itinaas ang damit nito at mas lalo pa akong naiyak ng makitang dumudugo ang sugat niya na ikinatuwa ni Claude, "No one told me that you have a weak spot. Where did you get that?" tanong ni Claude pero sinamaan lang siya ng tingin ni Dean at alam kong mas nanghihina pa siya dahil doon at nag-uumpisa na siyang pagpawisan.
Nag-alala na ako kaya't nilapitan ko siya pero tinapatan ako ng kutsilyo ni Claude kaya hindi ako nakagalaw, "May usapan tayo. Don't speak or move" saad nito kaya wala akong nagawa kundi ang titigan na lang si Dean na nanghihina. I am suppose to be taking care of him sa ganitong sitwasyon.
"Now that you know my weak spot. Torture me but not her Claude" seryosong sabi nito.
"I'm not gonna do that. May usapan kami ng girlfriend mo, I won't kill you but I'm gonna torture you using her" saad nito na idinikit ang dulo ng kutsilyo sa pisngi ko at tila masusugatan ako ng ibaba niya 'yon mula sa pisngi ko papunta sa leeg ko. Nakita kong tinignan niya ang suot kong damit at napangiti siya. Hinawakan nito ng mahigpit ang buhok ni Dean para mapatingala siya kaya diretso kaming nagkatinginan, "ANONG GAGAWIN MO SA KANYA?!! TIGILAN MO SIYA CLAUDE?!!! AKO ANG HARAPIN MO!!" dinig kong pagwawala ni Dean kasabay ng mga kadenang nakatali sa kanya. But I need to keep my mouth shut at walang gawin dahil 'yon ang usapan namin para hindi niya patayin si Dean.
Hinila ako papatayo nito at muli na lang akong bumagsak sa sahig ng sampalin niya ako ng malakas kaya mas lalo pa akong napaiyak, "NO! STOP IT! J-JUST...STOP IT!!!" saad nito kaya habang tumatayo ako ay napatingin ako sa kanya pero hindi siya pinakinggan ni Claude dahil pilit pa rin akong itinayo nito at paulit-ulit na sinuntok kaya paulit-ulit rin akong napapahiga sa sahig dahil sa sakit, but I need to endure it, for him. At hindi ko pwedeng ipakita na nahihirapan at nasasaktan ako.
"D-don't hurt her! P-please! Don't hurt her! I'll do everything, Claude! Huwag mo lang siyang sasaktan. I-i'm begging you! '' pakiusap nito kay Claude kaya mas nasaktan pa ako at nabigla dahil sa mga sinabi niya kay Claude na parang nakikiusap ito. He would never say something like that, but he's saying it for me.
"Willing to sacrifice everything just to protect one another? But it's not that easy" habang nakatingin kami sa isa't-isa at umiiyak, sapilitan ulit akong itinayo ni Claude. Tila mabali ang paanan ko ng maramdam kong sinipa niya ito ng malakas kaya muli akong napahiga sa sahig at kahit anong pigilan ko, hindi ko nagawang pigilan na sumigaw sa sakit at mas maiyak pa. Naramdaman ko rin na maraming lumabas na dugo mula sa labi ko at hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya na nasasaktan din dahil sa sitwasyon ko, "S-sweetie" saad nito na umiiyak pero ngumiti pa rin ako, "D-don't worry about me. I can take it" saad ko kahit na unti-unti akong napapapikit at nakakaramdam ng sobrang sakit.
Nakita kong tumingin ito kay Claude ngunit hindi sa paraang galit, sa paraang nakikiusap ang mga mata nito, "I'm begging you....kill me at gawin mo lahat ng gusto mong gawin. I will do everything you will say...j-just let her go. Please!" mas nasaktan na lang ako ng inayos nito ang luhod niya sa mismong harap ni Claude.
"P-pathetic" natawa kong sabi bago ako muling naglabas ng maraming dugo mula sa bibig ko, "A king will never do that" saad ko habang nasa sahig pa rin at nakatingin sa kanya. Napatingin ito sa akin at nagsalita, "I am not your king anymore....I am your man" sambit nito.
"You will do everything you said?" tanong ni Claude.
"Everything. Just let her go" saad nito na diretsong nakatingin sa sahig. Nakita kong natutuwa si Claude habang tinitignan kaming dalawa. Sinenyasan niya ang mga members niya kaya lumabas ang mga ito mula sa kwarto at muli akong tinignan ni Claude at nilapitan. Sapilitan niya ulit akong ipinaluhod sa harap ni Dean kaya napatingin din ito sa akin.
Naramdaman ko na lang na biglang pinunit ni Claude ang kwelyo ng damit ko at hinila ito pababa kay napunit ito at tumambad sa kanilang dalawa ang mula leeg hanggang balikat ko na walang saplot. Nakita kong nagulat si Dean doon pero bago pa man siya makapagsalita ay itinutok na ni Claude sa akin ang hawak niyang injection, "Try to speak up or else your girlfriend will receive your punishment" pananakot nito sa kanya at hindi niya alam kung paano pipigilan si Claude. Nag-aalala at takot itong tinignan ako habang diretso lang akong nakatingin sa kanya at umiiyak. Pinilit ko na lang na tiisin si Claude ng maramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko papuntang balikat kaya't mas naiyak pa ako at ganoon din si Dean na kulang na lang mabaliw na habang nakatingin sa ginagawa sa akin.
Natigilan na lang si Claude sa ginagawa niya sa akin ng biglang bumukas ang pintuan at muli kaming nagulat ng makita naming hawak-hawak ng Venom ang lahat ng kasama namin. Sapilitan silang ipinaluhod sa harap naming dalawa habang nakatali ang mga kamay nila sa mismong likuran nila. Nagulat rin sila ng makita kami, "What did they do to you?!" tanong ni Raven sa aming dalawa at nag-aalala lahat silang nakatingin sa amin. Nakita naming may mga gasgas rin sila sa katawan at konting sugat.
Tumayo si Claude at tinignan si Dean, "Gagawin mo ang lahat para sa babaeng 'yan?" tanong niya ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Lumapit sa amin ang mga members niya at sapilitan kaming pinatayo. Nakita kong itinanggal nila ang mga kadenang nakatali sa kamay niya at tinutukan naman ako ng injection ni Claude kaya't hindi ako makagalaw. Nang matanggal na ang mga kadenang 'yon ay may inihulog na kutsilyo sa mismong harapan ni Dean kaya tinignan niya 'yon bago muling tinignan si Claude, "One wrong move, Dean Carson...mamamatay ang babaeng 'to" saad niya.
"What do you want me to do?" tanong ni Dean na seryosong nakatingin kay Claude at tila siya lang ang sinusunod nito.
Alam kong tinignan ni Claude ang mga kasama namin na nakaluhod bago niya ulit tinignan si Dean, "Kill your members" saad nito na ikinagulat naming lahat pero si Dean lang ang hindi gumawa ng kahit anong reaksyon sa narinig niya dahil seryoso pa rin siya.
Seryoso niyang tinignan si Claude at matagal silang nagkatinginan. Sandaling napatingin si Dean sa akin kaya umiling ako pero hindi niya ako pinansin dahil muli niyang tinignan ang kutsilyong nasa harapan niya. Dahan-dahan nitong kinuha ang kutsilyong 'yon at tinignan ito ng mabuti. Tinignan niya ako kaya muli akong umiling para sabihin na huwag niyang ituloy ang balak niya, "Tell me, you're not going to do that, right?" tanong ko sa kanya habang nanginginig ako.
Tinignan niya ang mga kasama namin bago ulit ako tinignan at ang mga mata niya'y tila walang buhay dahil sa sobrang pagkaseryoso nito, "I'm sorry" sagot niya sa akin kaya't nagkaroon pa ako ng dahilan para hindi na tumigil sa pag-iyak, "No! You're not going to do that! Pabayaan mo na ako! You don't have to do this, Dean! I'm telling you, huwag mo ng ituloy ang binabalak mo! I won't forgive you kapag ginawa mo 'to!" sigaw ko sa kanya.
"Then don't forgive me cause I'm doing this for you" sambit niya at seryoso pa rin siya kaya sinubukan kong makawala kay Claude pero hindi ko magawa. Nakita ko na lang na nilapitan niya si Dave, lumuhod siya sa harap nito at napatingala na lang si Dave ng itutok sa kanya ni Dean ang hawak nitong kutsilyo, "Do it" bulong sa kanya ni Dave habang matapang na nakatingin dito, "Come on, do it Dean" dagdag pa niya.
"Don't" sambit ko kaya napatingin siya sa akin, "Please, just let me go" pakiusap ko sa kanya.
"I'm counting, Dean Carson. It's either you will kill your members or I will kill this girl" pahayag naman ni Claude kaya mas itinutok pa ni Dean ang hawak niyang kutsilyo kay Dave at halatang nagagalit ito at napipilitan. Astang sasaksakin niya si Dave ay biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kaming lahat doon at nakita namin ang member ni Claude, "Boss we have a problem. May dalawang Black Vipers na nakatakas on their way here" sambit nito at nagulat na lang ako ng isa sa mga members ni Claude na nasa likuran namin ay biglang hinila si Claude kaya napalayo siya sa akin at nakita kong nabasag ang injection na hawak niya. Inialis na lang nito ang maskara niya at nakilala ko si Nash na ngumiti, "Sorry, we're late. Umalis na kayo dito!" sigaw niya at nakita kong inialis din ng isang Venom ang maskara niya at nakilala ko si Zorren pero tinakpan niya pa rin ang mukha niya. Dalawa silang nagpanggap na members ng Venom kaya hindi sila nakilala.
Lahat ng members ay nakawala sa mga tali nila at nakipaglaban na rin. Bigla na lang akong hinila ni Dean at nakita kong siya ang natamaan ng kahoy sa likod ng tamaan siya ng isa sa mga Venom na dapat ay ako ang tatamaan nito. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nasaktan siya pero hinarapan niya yung tumira sa kanya at inihagis doon ang hawak niyang kutsilyo kaya napaluhod ito. Hinawakan niya ang kamay ko at pinapatumba niya lahat ng nasa daraanan namin. Habang nakikipaglaban ang iba ay lumabas kami sa kwartong 'yon at nakita ko rin na sumunod sa amin si Raven na nakabantay sa likuran ko. Nagmadali kaming naghanap ng daan papalabas dahil nasa hallway kami. Liliko na sana kami ng daanan ngunit maraming members ng Venom ang sumalubong sa amin. Babalik sana kami ngunit mayroon ding nakaabang sa amin at kahit saan kami dumaan ay may nakaabang sa amin.
Nakangiti ng masama sa amin ang mga Venom kaya't hinihintay na lang namin kung ano ang susunod nilang gagawin. Mula sa apat na direksyon ay sabay-sabay silang lumusob kaya't kinalaban na rin namin sila.
May nakita rin akong kutsilyo sa sahig kaya agad ko ring kinuha ito para makipaglaban dahil sadyang marami sila. Napansin kong marami pang kalaban sina Raven at Dean ngunit may paparating na din sa direksyon nila kaya't sinalubong ko na ang mga ito at kinalaban. Ang iba sa kanila ay naglalabas ng injection at 'yon ang iniiwasan namin dahil 'yon ang painakadelikado sa lahat.
Napatumba ko silang lahat at nakitang may papunta pang isang kalaban sa direksyon ko kaya inihagis ko sa kanya ang kutsilyong hawak ko kaya natumba ito at muling bumalik sa akin yung kutsilyo. Napansin ko na lang na tahimik sa hallway kaya napatingin ako sa direksyon nila Dean at Raven pero natakot na lang ako ng makitang wala sila. Pumunta ako sa kinatatayuan nila kanina upang hanapin sila pero pagkadaan ko sa isang classroom ay biglang may nagtakip ng bibig ko at hindi ko sila makilala. May kaisa-isang babae at lalaki lahat ng nasa paligid niya. Sinilip ng babaeng 'yon ang hallway at ng masiguro ng walang tao ay tinakpan nila ang bibig ko gamit ang isang panyo at tinakpan ng tela ang buong ulo ko kaya't wala akong makita kundi ang telang nakatakip sa akin. Binuhat ako ng isang lalaki at lumabas mula sa classroom na 'yon habang pumapalag ako.
To be continued...