✿ Syden's POV ✿
"We must go now. Wala ng oras" saad ni Zorren kaya napatingin kami sa kanya. Tinalikuran na niya kami kasama si Julez at sumunod na rin si Nash sa kanilang dalawa habang ako, natulala na lang dahil sa pagkabigla. What the heck is happening?! Nakakalito na!
Una, si Leigh siya pala si Gwen. Pangalawa, si Nash ang leader ng Street Cheaters' club. Pangatlo, si Jarred nandito at siya ang pumalit kay Nash. Pang-apat, buhay ang president ng Chained School at kasama namin ngayon. Pang-lima, kapatid ni Zorren si Julez. Masisiraan na ako ng ulo dahil sa mga naririnig ko.
"Kayong tatlo lang?" pagsasalita ni Dean kaya natigilan silang tatlo at napatingin sa kanya.
"Of course" sagot ni Zorren sa kanya.
"We'll join you in this fight, Zorren" saad niya kaya napangisi si Zorren. Nag-umpisa na silang maglakad kaya sumunod na rin ang Vipers. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang sumunod na rin sa kanila.
Naglakad kami papunta sa club at marami pa ring tao sa loob kagaya ng dati pero sobrang gulo na. Nakatayo kaming lahat sa harapan noon hanggang sa muling magsalita si Nash, "Ang tagal na panahon kong hindi napuntahan ang lugar na 'to. I built this place but now, I'm taking it down" tinignan niya kami at ganoon rin ang ginawa namin sa kanya, "Hindi na maganda ang kinalabasan and I don't want this to continue any longer. We need to kill all of them except Jarred"
"Kill them? Bakit naman?" tanong ni Dave.
"All of them are now following orders from Claude. They were drugged by Venom kaya't sumusunod sila sa utos niya ngayon. I will burn this place and take it down. Make sure that Jarred is already here kapag sinunog ko na ang lugar na 'to" saad niya.
"How will you do that?" tanong naman ni Raven at muling tinignan ni Nash ang club, "Pupunta ako sa likod, bubuhusan ko ng gas ang buong lugar"
"Is that even possible na makuha namin si Jarred? Maraming tao sa club" tanong naman ni Dustin.
"That's why we will invade it para makuha si Jarred dahil sigurado namang hindi tayo papapasukin" pahayag ni Zorren.
"I'll go now" saad ni Nash at diretsong pumunta sa likod ng club. Nakita ko na lang na inilabas na nila ang mga hawak nilang kutsilyo kaya't ganon na rin ang ginawa ko, "Let's do this" pagkasabi ni Zorren doon ay mabilis itong naglakad papasok sa club kaya sumunod kami sa kanya.
Pagkalapit pa lang namin doon ay hinarangan kami ngunit bago pa man nila magawa 'yon ay naihagis na ni Zorren ang hawak niyang blade papunta sa kanila kaya't natumba ang dalawang lalaki na nakabantay sa club. Maraming nakakita doon at dahil nga sa sinabi ni Nash na members na ng Venom lahat ng nandito, nakilala nila ang Vipers at isa-isa nila kaming nilusob kaya't lumaban na rin kami. Sumali na rin ako sa laban lalo na't may lumulusob rin sa akin kaya nawala na sa isip ko kung makakapatay pa ba ako o hindi, ang mahalaga madepensahan ko ang sarili ko. Maraming nakikipaglaban sa amin habang ang iba naman ay tumatakbo papalabas. Napansin kong pumunta sina Dave at Raven sa may pinakadulong part ng club at hinahabol sila kaya't hinarangan naman nina Dean at Zorren yung humahabol sa kanila. Nakita ko na lang kung bakit blade master ang tawag nila kay Zorren. His blade is different from others dahil paikot ito, isang hagis niya lang ay maraming nadaraanan at mabilis itong gumagalaw. Habang nakatingin ako sa kanila ay napansin kong napatingin si Dean sa akin at napansin kong nagmadali siyang lumapit sa akin at inihagis niya ang hawak niyang kutsilyo sa likuran ko. Niyakap niya ako kaya nagulat na lang ako. Narinig kong parang may bumagsak sa likuran ko kaya dahan-dahan akong napatingin doon at nakita kong may saksak ang isang lalaki na astang sasaksakin niya dapat ako pero hindi na nangyari 'yon ng unti-unti itong bumagsak habang nakatingin ng masama kay Dean.
"Are you okay?" tanong nito at doon ko lang napagtanto na baka nilusob ako ng lalaki ng hindi ko namamalayan kaya agad akong nilapitan ni Dean. Dahil sa tanong niya ay ngumiti na lang ako at tumango habang nag-aalala siyang nakatingin sa akin, "Good" saad naman nito.
Napatingin na lang kami sa paligid ng makita kong nakahandusay na sa sahig habang punung-puno ng dugo ang lahat ng kalaban namin at mga Vipers na lang ang tanging nakatayo. Napansin na lang namin na punung-puno ng usok ang club kaya't doon rin namin napagtanto na nasusunog na ito. Hinawakan niya ang kamay ko at tinakpan namin ang ilong namin dahil sa usok at nagmadaling lumabas. Sumunod na rin ang iba papalabas at doon na namin hinintay ang iba pang members na palabas rin. Nag-alala na lang kami dahil sina Dave at Raven na lang ang wala at nasusunog na ang buong club. Hindi nagtagal ay nakita rin namin silang dalawa na papalabas pero hindi nila kasama si Jarred kaya agad ko silang nilapitan, "Nasaan si Jarred?!" gulat kong tanong.
"Hindi namin siya nakita sa kwartong 'yon" saad ni Raven kaya nagtaka ako.
"What do you mean?"
"Nakatakas siya" saad naman ni Dave.
"Well, I think he's not" tinignan namin si Zorren dahil sa sinabi niya at nakatingin siya sa ibang direksyon kaya tumingin din kami doon. Nakita namin si Nash na hawak-hawak si Jarred habang papalapit sa amin.
"He escaped at dumaan sa likod ng club, buti na lang at naabutan ko siya doon" pahayag ni Nash habang tinitignan si Jarred at nabigla naman ako dahil sa itsura nito.
"My god, Jarred! Anong nangyari sa'yo?!" tanong ko dito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Sobrang pula ng mga mata niya!
"Kaibigan niyo ba talaga 'to?" tanong ni Dustin na hindi makapaniwalang nakatingin kay Jarred.
"Not actually, pero...parang ganon na nga" sagot ni Raven na napakamot na lang sa ulo.
"What the hell am I doing here?! Bring me back there!" sigaw ni Jarred na parang nagising kaya hinarapan siya ni Nash, "You can't go back. Hindi mo ba nakikita nasusunog na ang club?" tanong ni Nash sa kanya.
Nagtaka si Jarred at tinignan ang club, "What are you saying? It's not burning. Bro, I think you need your eyes to be checked" sambit nito na napahawak sa balikat ni Nash kaya napahawak kami sa ulo namin, "Bakit? Malabo ba mata mo Nash?" tanong ni Dustin.
"No, it's not. F*ck bro!" iritang sagot ni Nash.
"But he just said it" sabay turo nito kay Jarred. Hmmm, may pagka-slow kasi siya minsan. Tsk, tsk!
"Iba yung nakikita niya. Mata niya yung problema hindi ako" sambit ni Nash.
"He's drank and Venom also drugged him kaya nagkaganyan siya" saad naman ni Zorren at doon pa lang nakuha ni Dustin.
"Oh, I see so siya pala ang ang may problema hindi yung mata ni Nash?" saad niya.
"Nash?! Is that you?! Whoaaa! Hindi ko aakalain na magkikita rin pala tayo! Nice to see you again!" sambit ni Jarred na tuwang-tuwa samantalang kanina niya pa kaharap si Nash.
"Are you here to take back your place? Sorry, I wasn't able to give it back to you cause I wanted it although I felt alone" nanatili lang na nakatingin si Nash sa kanya dahil halatang sumasakit ang ulo nito kay Jarred at ganoon rin naman kami.
"Jarred?" this time, nilapitan ko siya kaya tinignan niya ako at nabigla siya.
"B-bliss Syden?! What are you doing here?! Bakit nagkaganyan ka?!" tanong nito kaya napatingin ako sa ibang direksyon at tinignan siya ng masama. Ako pa talaga ang tatanungin niya?
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo, bakit nagkaganyan ka?" tanong ko at nagkibit-balikat.
"Didn't you miss me? We're friends remember. Although sinipa mo ako dati sa hagdanan" saad nito na natawa pa.
"Is that true?" tanong ni Dustin kaya tumango ako, "Bakit hindi mo pa tinuluyan nung sinipa mo sa hagdanan?" tanong nito kaya natawa ang iba pero pinigilan siya ni Dean, "Dustin" napatingin si Dustin sa kanya kaya nanahimik na lang ito.
"Hindi ba nasa Heaven's Ward ka? Paano ka napunta dito?" tanong ko.
"Because this guy brought me here" sagot niya sabay turo kay Nash.
"I mean paano ka napunta dito sa eskwelang 'to?" naiinis kong tanong.
"Because I came here" sagot niya at napangiti kaya napahawak ako sa ulo ko. I really hate this guy, sana pala tinuluyan ko na talaga siya noon.
"You can't talk to him like that" saad ni Zorren kaya tinignan namin siya na nakatingin kay Jarred.
"I think he needs something to calm himself" nagtaka na lang ako ng maglabas ng injection si Zorren at isang maliit na bote mula sa bulsa niya. Nilagyan niya ng laman yung injection gamit yung bote at muli itong ibinalik sa bulsa niya. Maayos niyang hinawakan yung injection at tinignan ito.
"Para saan yan?"
"Pampatulog" sagot niya at lumapit ito kay Jarred. Nang makita ito ni Jarred ay nakita naming nag-panic ito ng makita niya yung injection na itutusok sa kanya ni Zorren.
"NOOO!" sigaw nito at lumayo sa kanya na halatang natatakot kaya natatawa kami pero pinipigilan namin.
"Bro, you need this" sambit ni Zorren sa kanya na muling lumapit.
"Noo way bro! Masakit yan!" daing ni Jarred.
"Just calm down okay?!"
"Masakit nga sabi, ayoko!"
Nakita ko na lang na hinawakan siya nina Oliver at Stephen dahik ayaw niyang kumalma. Kalalaking tao, takot sa injection.
Hinawakan nila siya ng mahigpit kaya hindi na siya nakagalaw at itinusok na ni Zorren yung pampatulog sa kanya, "Sorry but we need to do this" dahan-dahan itong kumalma at nakatulog kaya inalalayan siya nina Oliver at Stephen.
Nag-umpisa na kaming maglakad papunta ng Black House habang dala-dala pa rin nila si Jarred at pagkarating namin sa Black House, dinala nila sa kwarto nina Raven at Dave si Jarred habang nagpapahinga kami at umupo sa bench sa harapan ng Black House.
"Wala ng maayos na mapagtataguan ang grupo bukod dito. Mas magandang magkakasama tayong lahat just in case Venom attacks. At least we are all ready" pahayag ni Dean kaya napatingin kami sa kanya at muli kaming natahimik.
"You were so young back then but look at you now, malakas ka na at kinatatakutan ng lahat" pahayag ni Zorren kaya napangiti na lang si Dean at napayuko. Katabi ko siya at sa kabilang side ko naman, si Zorren pero malayo siya ng konti sa akin.
"I'm hungry" saad ni Dustin kaya tumayo siya at pumasok sa loob at sinundan naman siya ni Dave, "Me too" pagpasok nilang dalawa ay sumunod rin sina Oliver, Stephen at Caleb sa kanila kaya tinignan ko lang sila sa pagpasok.
Tinignan ko si Zorren dahil may gusto akong itanong sa kanya lalo na't may hawak siyang injection kanina. Mukhang napansin naman niya ako kaya napatingin din siya sa akin, "Can I ask you something?" tanong ko sa kanya.
"You really look like her, no wonder Claude wants you" saad niya kaya hindi ako nakakibo, "What is it?" tanong niya.
"I just want to know...kung may alam ka ba kung paano ako nakaligtas sa Venom noong araw na nainject ako?"
Napansin kong napatingin ito sa malayo, "Good question. I was the one who injected you. May usapan kami ni Nash noon na magkikita kami sa isang classroom. I was shocked na dala-dala ka niya at nakita kong namumutla ka na at sobrang lamig mo na. Bago ka pa man daw magcollapse, nasalo ka na niya. He asked me to save you because I am the only one handling the cure against Claude's poison. The chance you would survive was so small but still we tried to save you. Once you injected with poison, dapat agad ka rin matusukan ng gamot dahil mabilis na kumalat ang poison sa katawan mo. It's either you fight the poison or you'll die faster. Good to know na nalabanan mo kaya alam namin ni Nash na mabubuhay ka" pahayag niya bago ako tinignan ulit.
"But I woke up alone" sagot ko.
"That's right we left you" sagot naman ni Nash na nakaupo sa kabilang bench sa tapat namin.
"Nakita kami ng Venom sa classroom na 'yon habang ginagamot ka namin pero hindi ka nila nakita. Kapag nakita nilang buhay ka pa rin, malalaman nilang ako ang nagbibigay ng gamot sa mga biktima nila at siguradong papatayin ka nila ulit. One thing, baka mahuli nila ako and it's not yet time para makilala nila ako" pahayag ni Zorren, "Kaya lumabas kami sa classroom na yon para magpahabol sa kanila, para iligaw sila at para hindi ka nila makita sa classroom na 'yon, but sorry kung hindi ka na namin binalikan. I guess saving your life was enough" sambit ni Zorren.
"I thought it was Julez" saad ko at napayuko ako.
"Napagbintangan lang si Julez but it wasn't really him"
"And you almost sent me to death" finally, nagsita rin si Julez at nakita kong galit na nakatingin lang ito kay Zorren habang nakangiti si Zorren sa kanya.
"But Julez, I thought member ka ng Venom dati dahil nakita kong may ininject ka at namatay yung estudyanteng 'yon" pahayag ko.
"It wasn't me. It was really him" saad ni Julez sa akin habang nakatingin sa kuya niya.
"Pero ikaw yung nakita kong lalaki na naka-itim noon, yung lumabas sa isang classroom" pagpupumilit ko. Ghad! Meron pa ba akong dapat na malaman?!
"Alam kong nakita mo ako na may ininjectionan na lalaki at mabilis na namatay. Kagaya ng sinabi ko, it's either you fight the poison or die faster. Ganon kalakas ang gamot na ginawa ko. That guy didn't fight the poison kaya mas napabilis pa ang pagkamatay niya. Pumasok ako sa isang classroom dahil magkikita kami ni Julez doon. Pagkatapos naming mag-usap, siya ang una kong pinalabas kaya napagbintangan mong siya yung lalaking nakita mo when it was really me" pahayag niya at napatango na lang ako. Sa ngayon, sumasakit na yung ulo ko dahil sa lahat ng naririnig ko. Sobrang daming sikreto at ang sakit sa ulo na isiping baka meron pa akong maririnig. Tumayo ako para kumain muna dahil nagugutom ako at natigilan ako ng makita kong lumabas lahat ng members na pumasok kanina.
"Good to see na nandito kayo lahat. I still need to tell you something" pagsasalita ni Zorren kaya napatingin kami sa kanya, "Kailangan niyong marinig ang sasabihin ko. Claude wants you because you look like Nashielle" sa ngayon, ako lang ang tinignan ni Zorren habang lahat kami ay nakatingin sa kanya, "Gagawin niya ang lahat para makuha ka. Just like me, Curse Academy have Dean Carson, just like Nashielle, Curse Academy have you. You may not want to hear this but you are the best and worst couple of this school and I can see it now. The same thing might happen for the both of you..." sambit niya na nakapag-pakaba sa akin.
"That's why we are here. Wala akong nagawa para iligtas ang kapatid ko sa kanya noon. This time I wont let him do the same thing again" saad naman ni Nash at muling nagsalita si Zorren.
"We won't let Jackson Claude do the same thing for the second time. Alam kong hindi niyo gugustuhing mangyari sa inyong dalawa ang nangyari sa amin ni Nashielle that's why we're going to help you"
To be continued...