webnovel

♥ CHAPTER 60 ♥

Habang kinakain ko yung siopao na binigay nung nilalang na 'yon, pinapanood kong mag-training yung apat. Sineseryoso talaga ang pagtre-training nila at kitang-kita ko na walang halong biro o laro ang ginagawa nila.

Mabuti na lang at hindi ako nabobored dito dahil sa kinakain ko.

Thanks to you devil. TSK!

Maya-maya biglang pumunta si Carson sa gitna nilang apat. Napanganga na lang ako ng sabay-sabay silang apat na natumba at naiwang nakatayong mag-isa si Dean. How did he do that? Sobrang bilis!! Kakarating niya pa lang sa gitna tumba na agad kalaban. Tao ba siya o sadyang demonyo talaga?!

Napailing na lang silang lahat at napangiti, "Iba ka talaga Dean. Ang hirap mong talunin kahit na alam namin ang kilos mo sa pakikipaglaban" wika ni Dave.

Napatingin siya kay Dave at ngumisi siya pero sandali lang naman iyon dahil tinulungan niyang tumayo ang mga members niya, "Improve your senses. That's it" sagot niya.

How da hell should you improve your senses?! Palibahasa kasi magaling makipaglaban kaya basic na lang sa kanya iyon.

Itinigil na nila ang training na mukhang gyera at naglakad sila papunta sa direksyon ko. Marami din naman kasing upuan sa likuran ko kaya siguradong magpapahinga sila. Pagkalapit nila sa akin nginitian ko silang lahat ng may pagkamangha, "Ang galing! Paano niyo nagagawang makikipaglaban ng ganon?" tanong ko sa kanila.

I just can't believe it!

"It's because we are handsome" sagot ni Dustin. So? Anong konek? Mamamangha na ba ako? OK.

May nakita akong medyo mahabang kahoy sa tabi ko kaya agad kong kinuha iyon at ibinato papunta sa direksyon niya. Nahawakan niya naman ito bago siya natamaan kahit na hindi niya expect na gagawin ko iyon. Tsk! Bakit di pa siya natuluyan?

"Easy girl" sambit ni Dustin habang hawak-hawak niya yung kahoy na binato ko sa kanya.

"Nagtatanong ako ng maayos" irita kong sabi sa kanya.

"Sumagot din naman ako ng maayos" wika niya. Grrrr!!! Nakakainis na silaaaa!! Ano bang nakain ng mga viper na'to para pagtripan ako?!

"Hindi mo sinabi sa akin na mahilig ka din pa lang magbiro no?" sarcastic kong tanong sa kanya.

Ang pag-aaasaran lang naming dalawa ang nadidinig sa buong lugar at nanatili lang na nanonood ang iba.

"I'm not even joking. Can't you just accept the fact na gwapo kami. Aminin mo na kasing nagwagwapuhan ka sa amin" pang-aasar niya. Hell no. Bakit ko naman sasabihin na gwapo sila? Baka umabot pa hanggang langit ang kayabangan nila kapag sinabi ko iyon.

"Sorry hindi ako marunong magsinungaling" sagot ko sa kanya.

"But you guys are so good in fighting. Hindi na ako magtataka kung bakit kinakatakutan kayo sa buong campus" sambit ko sa kanilang lahat. Walang patutunguhan ang usapan namin ni Dustin eh. Inaayos ko naman ang mga salitang binibitawan ko sa harapan nila dahil baka madulas ako at hindi nila magustuhan ang sasabihin ko. Mamatay pa ako ng wala sa oras.

"In this group we need to be strong because weaklings have no place here. There is no such place for them" seryosong sagot ni Dustin. This is what am talking about. Serious again? Dibale na, medyo nasasanay na rin naman ako sa ganito nilang attitude.

Pero dahil sa sinabi ni Dustin, natahimik ako. I felt so guilty when I heard that weaklings have no place in their group. Then why am I here? Napayuko na lang ako dahil doon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin at uumpisahan ito pero I need to confront them about this matter. Isa pa, para hindi na rin ako mahirapan kakaisip. Isa-isa silang umupo sa likuran ko para magpahinga. Hinarapan ko sila at sakto namang lahat sila, nakapaikot at nakaharap sa akin.

"Can I ask something?" tanong ko.

Napatingin sila sa akin at mukhang nagtaka sila, "Sure. Ano ba 'yon Sy?" tanong ni Dave.

I need to say it. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Yumuko muna ako para kumuha ng lakas ng loob at tumingala ulit para harapin sila. Halata namang hinihintay din nila akong magsalita, "If...weaklings...have no place in your group. Then why am I here? Bakit hindi niyo ako pinapaalis? Is it because I am Raven's sister?" tanong ko sa kanila bago tinignan si Raven.

"Your relationship with Sean has nothing to do in our group. Then what do you think is the reason kung bakit hanggang ngayon, nandito ka?" tanong ni Dave.

Seryoso silang lahat noong oras na tinanong ko iyon. Hindi ko alam ang sagot sa tanong ni Dave kaya kay Raven lang ako nakatingin.

"Hindi ko rin alam. Bakit nga ba?" tanong ko naman habang nakatingin pa rin kay Raven. Alam kong maling sagutin ng tanong ang isa pang tanong but I don't really know what to say.

"You're not weak Sy. You just don't want to show it because you are afraid" sagot ni Dave kaya nagawa kong tignan siya ulit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila dahil wala akong maisip na tanong o sagot.

"I hope bumalik ka na sa dati. Yung kapatid kong matapang at palaban. But on the other side, I also hope na huwag na, because I'm afraid" wika ni Raven na lubusan ko namang ipinagtaka.

Gusto niyang bumalik ako sa date but at the same time ayaw niya?

"Ha? Bakit naman natatakot ka?" tanong ko sa kanya.

Seryoso niya akong tinignan ng may halong pag-aalala at alam kong ang tingin na iyon ay may halo ring takot. Ano bang ibig mong sabihin Raven sa mga tingin na iyan?

"Because you are more evil than me at natatakot akong makita ulit yon" pahayag niya. When I heard him, I felt a force within me na parang gustong sumabog mula sa loob ko. Parang may something sa akin na gustong kumawala.

Ilang minuto ang lumipas at walang nagbalak na magsalita.  Hindi ko rin nagawang magsalita dahil sa mga narinig ko kanina. Dahil na rin siguro sa sobrang katahimikan, tumayo silang lahat kaya ganun na rin ang ginawa ko.

Napansin kong lumapit sa akin si Dave at nakangiti siya, "You're just like a sister to us. So keep fighting! We'll guide you" sandali niyang hinawakan ang ulo ko na parang kuya ko talaga siya. Pagkatapos non, lumabas na silang apat at naiwan pa rin akong nakatayo.

Kapag minamalas ka nga naman talaga. Bakit nandito si Dean? Kasama ko nanamang naiwan? Tsk!

Nag-umpisang maglakad ang lalaking 'yon palabas pero hinabol ko siya para kausapin. This is the right time. Hindi ko rin alam kung sinong nagtulak sa akin para gawin ito. Napatingin siya sa akin habang hawak ko ang braso niya, "Can you teach me?" tanong ko.

Hinarap niya ako kaya binitawan ko na ang braso niya, "What?" tanong niya. That serious face.

"I want to learn how to fight" I really need this badly.

"And why would I teach you?" -C

"Because you don't want weak people in your group" -S

"No" tipid niyang sagot.

"Bakit naman?" -S

Napatingin siya sa kamay ko kaya napatingin din ako dito bago ko siya ulit tinignan, "Your hands should not be tainted with blood" sagot niya. Feeling niya ba papatay ako ng tao?

"Hindi naman sa ganon. I just want to defend myself para kahit akong mag-isa kaya kong lumaban. Im tired of people always protecting me" -S

"What if I dont want to teach you?" -C

"I'll run away from you at magpapaturo ako sa iba" this is the only way para mapapayag ko siya. Sigurado namang ayaw niyang tinatakasan ko sila.

"Iyan ang kahinaan mo. Do you think you can trust them? Don't trust people easily. Yan ang magiging katapusan kapag basta ka na lang nagtiwala" seryoso niyang sabi.

"Then why should I trust you?" I need to confront him. Kung hindi ako dapat basta na magtiwala sa iba, bakit ako magtitiwala sa kanya at sa mga sinasabi niya?

"Lumalabas na ang totoo mong kulay Bliss Syden. I can see it now, the real you. It's dangerous" hindi ko na lang pinansin ang mga simabi niya.

"You just said huwag akong magtiwala sa iba. It means di ka rin dapat pagkatiwalaan right?" sarcastic kong tanong. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga oras na ito. Bakit parang lumalabas ang dating kulay ko kapag siya ang kaharap ko?

"Then give me a reason kung bakit hindi ako dapat pagkatiwalaan. You must have a reason why you shouldn't trust me" -C

I can give you many reasons devil.

"Because you can control the people around you kung kailan mo man gustuhin at kapag wala na silang halaga, siguradong papatayin mo na sila dba?"

-S

"Come on, I'm not like Clyde. I'm true to my words"

"But you can always be like him anytime. Even now. That's why just like him, I will also run away from you. I won't trust you" sambit ko ng walang halong kahit na anong emosyon. Ni hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob para sagutin siya ng ganito.

"Fine, iniisip mong magkatulad kami ni Clyde. Pwes 'yon ang gagawin ko tutal 'yon din naman ang iniisip mo tungkol sa akin"

Pagkasabi niya non, bigla niya akong hinila palabas kaya natakot ako sa pwede niyang gawin, "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya. Nahihirapan rin naman akong kumawala sa kanya dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Hinayaan ko na lang siyang kaladkarin ako kung saan niya man ako balak dalhin. Is he going to kill me?

Medyo pagod na rin ako dahil wala talaga siyang balak na bitawan ako. Kanina pa kami naglalakad at natatakot na ako dahil walang katao-tao sa nilalakaran namin at sobrang tahimik. Tinignan ko rin siya at iba ang aura niya.

Habang naglalakad kami, bigla siyang tumigil. Nagtaka ako dahil nakayuko lang siya, hindi humaharap sa akin at hindi nagsasalita pero nanatili pa ring nakahawak ang mga kamay niya sa akin.

Bigla akong napatingin sa gilid namin at kulang na lang, bumagsak ako sa pagkabigla. Yung mga nakita kong patay na estudyante kanina. Yung nakita ko kanina at yung nakikita ko ngayon...mas grabe ito kumpara kanina. Naramdaman ko ang biglaang paglamig at panginginig ng katawan ko. Pinilit kong huwag bumagsak ang mga luhang ito dahil sa takot. Sinubukan kong lumayo sa lugar na iyon dahil hindi ko na kaya. Pero hindi ko magawang lumayo dahil nakahawak pa rin siya sa akin.

Habang nakatingin ako sa mga taong iyon na punung-puno ng dugo, pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin. Pero hindi ko kaya. Hinarapan niya ako at nakita ko ang mga mata nitong nakatingin sa akin ng walang emosyon. Those cold eyes.

"L-let go of me" pakiusap ko sa kanya.

Pero habang tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin, mas lalo pa itong humihigpit.

"Ganyan ang mangyayari sa'yo kapag tinakasan mo kami dahil mapupunta ka sa kamay ng mga taong nilalaro ang buhay ng mga estudyante. Kung gusto mo ng tumakas sa poder ko, go. I wont stop you but you can't go back" pagkatapos niyang sabihin 'yon binitawan niya ako, "Dba gusto mong maging matapang, kailangan mong sanayin ang sarili mong makakita ng ganito" sabay tingin niya sa mga taong 'yon. Sanay na sanay na talaga siyang makakita ng ganoon.

"Look at them" sambit niya.

"What?" Is he going to kill me just by looking at them?!

"Tignan mo sila"

Sa pagkakataong 'yon, kahit ayaw kong tignan hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang gusto niya. Bakit ko sinunod ang gusto niya?

Dahan-dahan ko silang tinignan at hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sa tuluyang panlalamig ng katawan ko, nawala lahat ng takot ko ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso kaya napatingin ako sa kanya.

"Tandaan mo, hindi ka dapat natatakot. Sila ang dapat matakot sa'yo hindi dahil pumapatay ka. Dapat silang matakot sayo dahil alam nilang malakas ka. Now tell me, would you still run away from me?"

Tatakasan ko pa ba siya?  Ang pinakamabilis na paraan para maging malakas. Is to be with them. To be in hell, with the devil.

"Do I have a choice?" -S

"If aalis ka, then I would have to kill you kesa sa mamatay ka sa kamay ng iba. Ayaw kong pahirapan ka nila sa huling hininga mo. I will just give you the sweetest death" sambit niya. How sweet is death Dean?

That time I just realized my missing pieces. My old self. I can find it in him. At sa tingin ko, nahanap ko na ang sarili ko dahil sa kanya. Ang nilalang na ito ang bubuo sa pagkademonyo ko.

That force earlier within me was the devil trying to break free from fear.

Dahil biglang lumabas ang pagkademonyo ko. Nawala lahat ng takot na ikinikimkim ko. I smiled seductively habang nakatingin sa mga labi niya,

"I would love to be killed by you instead na mamatay sa kamay ng iba"

The devil is driving me crazy. And I'm crazy now.

To be continued...

Next chapter