Maundy's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng isang monitor. Pagdilat din ng mga mata ko ay puro puti ang naaninag ko. Ang huli kong natatandaan ay iyak ako nang iyak hanggang sa nanghina ako, kaya posibleng nasa ospital ako ngayon.
"G-Gising ka na?" tanong sa'kin ni—Mr. Anton Powers? Anong ginagawa niya rito?
"Mon, you're finally awake," nakangiti namang sabi ni Jazz at ngayon ko lang napansin na andito rin si Sir Liu. Bakit andito ang mga Powers? Asan ang mga Kuya ko? Si Chal Raed? Asan sila?
"A-Anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ko.
"You can't remember what happened?" tanong ni Jazz. Isa lang naman ang naalala ko inakusahan ng Mommy ni Chal Raed si Kuya Mico as a rapist! Huta! Alam kong 'di 'yon totoo! Hindi talaga! "Mon," napatingin ulit ako kay Jazz, "Mon, isa kang Powers," muling usal niya.
"A-Ano? Nangjojoketime ka ba?" natatawa kong tanong. Isa akong Marice, paanong naging Powers? Nyeta! Nonsense!
"It's true, Maundy, Mico had told it already. Kung paano ka napunta sa kanila," sabi pa ni Mr. Anton.
Napatahimik ako bigla. Huta! Ano na naman ba 'to?! "S-Sabihin niyong jinojoke time niyo lang ako. P-Please sabihin niyo," halos magmakaawa na ako sa kanila habang pinipilit kong Hindi mapaluha. Isa akong Powers at hindi Marice, paano? Bakit? Huta! Ang gulo!
Hinaplos ni Mr. Anton ang buhok ko at kakaiba talaga ang naramdaman ko. Pakiramdam ko Tatay ko iyong humaplos sa akin. "M-makinig kang mabuti..." aniya.
Anton Power's POV
"This is exactly what happened 16 years ago," muling sabi ko at nag-umpisa nang magkwento.
Flashback.
It's around 9:25 PM, pero wala pa rin ang mag-ina ko. Ang sabi nitong si Precious, asawa ko, na hindi sila aabutin ng 7:00 PM, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Nag-uumpisa na akong kabahan. Sana kasi ay hindi ko na muna inuna ang trabaho ko at sinamahan sila sa pagbisita sa Probinsya.
Suddenly, my phone beeped and Liu's name, my older brother, flashed on the callers ID, "yes?" I asked.
"H-Have you watched the news?" he asked. I can sense his shaky voice. What's happening?
"What's with the news?" confusion can be seen on my face.
"B-Buksan mo 'yong T.V mo, Anton, see it yourself. I'm on my way to your house," pinutol niya na agad 'yong tawag.
Ano ba kasing meron sa news at pupunta pa siya rito?
Instead of asking myself, I immediately open the Television, "tiyak nang si Mrs. Precious Powers at ang kapatid nito na si Diamond Anderson ang nasa loob ng naaksidenteng sasakyan..."
Napaawang ang bibig ko at nag-umpisang mag-init ang mga mata ko nang makita ang balita.
Please, God, please save them!
I've been praying while preparing my car. Ipapaharurot ko na sana 'to papunta sa lugar ng aksidente, pero dumating na si Liu, "Anton, I'll drive you there at baka mapano ka, I know you're not in your right mind now," hindi na ako nagmatigas pa at agad na akong sumakay sa sasakyan niya.
***
Pagdating namin ay napakadaming tao. Hindi ako agad nakakilos kaya hinila na ako ni Liu papalapit sa mga Police.
"Mr. Anton Powers," bati sa'kin ng isang Police. "Fortunately, buhay po ang asawa niyo, but her sibling, Miss Diamond is dead on arrival," dagdag niya.
Napapikit ako at nakahinga nang maluwag, but still, sobra pa rin akong nalulungkot para kay Diamon. "How about my daughter?" umiiyak kong tanong.
"W-Wala po kaming nakitang bata, Sir," takang sabi niya.
"WHAT?! KASAMA NILA ANG ANAK KO! TATLO SILA, TATLO!"
God! Where is my child? Where is Gemini? Please, sana buhay siya, please!
"Anton, calm down," Liu tap my back, "we're going to the hospital, please look for their daughter," dahan-dahan akong inalalalayan ni Liu papunta sa sasakyan.
Wala akong ibang ginawa kun'di ang magdasal nang magdasal na sana nasa mabuting lagay ang anak ko.
End of flashback.
Maundy is just quietly listening to me. Minsan ay nakikita ko siyang nag-iisip ng malalim, pero hindi ko na lang pinapansin, "after your Mom was awaken, tinanong ko siya agad kung anong nangyari at kung saan ka no'ng nangyari ang aksidente. But, she hardly can remember it, nawalan siya ng malay nang mabunggo ang sasakyan sa kahoy," nakayuko kong sabi.
"T-That Diamond..." lahat kami ay napatingin sa kanya, "p-pinalabas niya ako ng sasakyan. Hirap na hirap na siya, pero nagawa niya pa ring buksan ang pinto sa likuran para makalabas ako," dagdag pa niya habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha "I always dream of that scenario. A-akala ko panaginip lang, p-pero 'yon pala talaga ang nangyari sa'kin," pinahiran niya ang kaniyang luha, "after I went out of the car, I found myself walking in the dark full of blood. Diyan laging natatapos ang panaginip ko," pagkikwento pa niya. "Kaya pala, kaya pala sumasakit ang ulo ko at minsan ay nawawalan ng malay dahil sa nangyari. I was traumatized," dagdag pa niya. Niyakap ko siya agad at pareho na kaming umiiyak. "P-Pero paano ho akong napunta sa mga Marice?" she asked, confused.
"Ang sabi ni Mico, pauwi na sila sa bahay nila galing din ng outing, nakita ka nilang naglalakad sa daan at puno nga ng dugo ang damit mo. Pinasakay ka nila sa sasakyan at Magtatanong na sana sila kaya lang ay bigla kang nawalan ng malay," pagkikwento ko at nanatili siyang tahimik na nakikinig. I know this is very hard for you, my Child, but please bear it. "3 days kang natulog at nang magising ka ay wala kang maalala. They wanted to bring you to the police station, pero bigla-bigla kang umiiyak, ang sabi mataas din ang lagnat mo, so in the end, they had decided to keep you at kapag may naghanap sa'yo ay ibibigay ka lang nila—"
She cut my words, "h-hinanap niyo ba ako?" she asked.
"Hinanap ka namin for a couple of months, pero hindi ka namin mahanap, until we gave up at inisip na lang na sumama ka kay Diamond, your favorite Tita," sagot ko. "At kaya pala hindi ka namin nahanap dahil hindi naman taga roon ang mga Marice at doon lang din kami naghanap nang naghanap. Mico said bago sila umalis sa lugar na 'yon tinanong ka kung gusto mong sumama sa kanila o iwan ka na lang nila sa DSWD para kapag may naghanap mahahanap ka agad, but you said to come with them," dagdag ko pa. Hindi siya sumagot at iniwas lang 'yong tingin niya sa'kin. "Maybe you're wondering kung bakit hindi niya sinabi sa'yo ng maaga na isa kang Powers, it's because napamahal na sila sa'yo lalo na't ikaw lang ang nag-iisa nilang babaeng kapatid. Sana, Maundy, hindi ka magalit sa mga Marice sa lahat ng ginawa nila. Alam nating lahat na may nagawa silang mali, pero sana 'di ito ang magiging dahilan para ilayo mo ang sarili mo sa iyong mga naging kapatid."
Galit ako sa mga Marice for keeping my child for a long time, pero anong magagawa ng galit ko? Tapos na, eh, ayokong kasuhan sila at baka 'yon pa ang maging dahilan na ilalayo ni Maundy ang sarili niya sa'min. I don't want it to happen kaya ang dapat naming gawin ay intindihin ang lahat at isipin ng mabuti ang magiging desisyon namin.
"Hinding-hindi po ako magagalit, Mr. Anton. In fact, masaya po ako, masaya ako na napalaki nila ako nang ga'to," she uttered.
"I'm happy, too. Pero, pwede bang tawagin mo 'kong Daddy? I've been longing for that."
Pinunasan niya 'yong luhang tumulo sa mga mata ko, "D-Daddy," nakangiting sabi niya.
"You also need to tell her about her health, Anton," biglang sumingit si Liu.
"About me having a leukemia?" tanong niya.
"H-How did you know about it?" I asked.
"I just knew it recently," sagot niya. "Hindi na kasi tama na bigla-bigla akong nilalagnat, nagkakapasa, nahihilo, at nahihimatay, that's why I visit my doctor, at sinabi nga 'yang may leukemia ako," she forced a smile, "kaya nga ginawa ko na lang lahat ng gusto ko at lahat ng nagpapasaya sa'kin habang buhay pa ako. T-Tapos, bigla na lang magiging gan'to? Maakusahang rapist ang Kuya Mico ko," she then cries again.
"You don't have to worry, Mon, the Powers are willing to help him," nakangiting sabi ni Jazz.
"S-Salamat po," she uttered.
"At kailangan mo ring magpagaling," said Liu. "Para mapadali ang pagpapagamot mo, kailangang gawin ito sa ibang bansa. Fortunately, your bone marrow matches your Dad's," nakangiting dagdag niya.
Maundy's POV
"K-Kailan ho?" tanong ko.
"We'll fly, probably tonight," sagot naman ni Mr. Anton—este, Daddy ko pala.
Mamayang gabi? Paano na 'yong kaso ni Kuya? Babalik ba kami agad? A-Alam na kaya ni Chal Raed? S-Samahan ba niya ako?
Kinakabahan ako!