Nagpunta kami sa may katapat na resto dahil sinabi kong may gusto akong sabihin sa kanya at napaka importante nito. Syempre it deals about someone's future, 'no.
Oh ha! Best in English na ang Lola ninyong si Maundy!
Pero, Mighad! I still can't believe it! Ito na 'yong Ilaw ng tahanan ng oh-so-hot na Alonzo brothers! Grabe ang ganda niya, alagang-alaga 'yong itsura, nahiya ako nang slight.
"Maundy, Hija, ano ba 'yong gusto mong sabihin sa'kin?" nakangiting tanong niya. Grabe, akala ko ang sungit-sungit niya, hindi siya madaling kausap, nakakatakot at kung anu-ano pang ka negahan diyan, pero hindi, eh, sobrang bait niya. Nakokonsensya tuloy ako, kasi minsan pinagtsi-tsimisan namin siya at pinagsasabihan ng masasamang salita. Huhuhu, sorry, Madame Alonzo!
"Ma'am—"
"Tita, just call me Tita TS, short for Thea Spy because we're not gonna talk about work this time," nakangiting sabi niya ulit.
"Ah, sige po, T-Tita TS," medyo nahihiya ko pang usal. "T-Tita, 'yong tungkol po sa...engagement party ni Third—"
"How did you know about it?" takang tanong niya. Siguro, wala pa masyadong nakakaalam kaya nagtataka siya. Ako siguro ang unang chinikahan ni Third. Pero, pansin niyo? Ang hilig niyang putulin 'yong linya ko. Huhuhu!
"Kinausap po ako ni Third at—" napatigil ako sa pagsasalita nang mapahawak siya sa bibig niya. "B-Bakit po?" tanong ko.
"Close pa rin ba kayo?" tanong niya.
"Hindi po masyado, Tita TS, pero friends po kami," sagot ko naman.
"Oh, sabi kasi nila an ex-lovers can't be friends," aniya.
Hindi ako naniniwala riyan, nakadepende kasi 'yan sa level of maturity ng isang tao. Kung marunong kayong makinig, umintindi, matuto at magpatawad, paniguradong pwede pa rin kayong maging magkaibigan kahit na mag ex-jowa na kayo.
"Pwede po 'yon," sagot ko naman. Napatango naman siya, pero parang naguguluhan pa rin. Bahala na siya riyan, i-search niya na lang baka maraming may testimony riyan kung ang ex-lovers can't be friends nga ba. "Pero, Tita TS, balik po tayo ro'n sa engagement party ni Third at sa soon-to-be wife niya," tumango siya at nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Tita, kasi kaninang umaga lumapit sa'kin si Third, akala ko nga makikipagbalikan siya, eh, maloloka po sana ako. Pero, iba po 'yong pinunta niya, humingi po siya ng tulong sa'kin para po kausapin kayo."
"Bakit, Hija, may gusto ba siyang sabihin sa'kin na 'di niya masabi-sabi?" tanong niya at agad naman akong napatango.
"Tita, makinig po kayo sa'kin," tumango na naman siya, "iyong relasyon namin ni Third noon bigla na lamang naglaho sa hindi ko malamang dahilan. Gabi-gabi po akong umiiyak nang mga panahong 'yon, halos 'di po ako lumalabas, nakakipag-usap dahil busy ako kakaisip kung bakit nagkagano'n, kung bakit bigla siyang nawala kasabay ng pagkawala ng relasyon namin," iniwas niya 'yong paningin niya sa'kin at sunod-sunod 'yong paglunok niya. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero kayo nang bahalang umalam, itutuloy ko muna ang kwento, "hanggang sa muli kaming nagtagpo, hindi ko po inaasahan 'yon, pero naging masaya ako dahil sa wakas dumating na 'yong taong sasagot sa mga tanong kong hindi masagot-sagot. Nalaman ko sa kanya mismo na iba ang gusto mo para sa kanya. Sabi niya ipinaglaban niya ako, ipinaglaban niya 'yong relasyon namin, pero sa huli sumuko rin siya, sumuko siya alang-alang sa kaligayahan mo..." sandali akong tumigil dahil huta maiiyak na ako.
Hindi 'to pwede! Iwness, ayoko nang dramahan ngayon, pero Mighad! Send tissue in advance, please.
"Buong buhay ni Third, Tita, ikaw lang ang inisip niya," pagpapatuloy ko pa, "kasi ikaw ang dahilan kung ba't niya nasaksihan ang magulo ngunit napakagandang mundong ginawa ng Diyos. Sabi pa ni Third, your happiness is his happiness, kaya kung sa'n ka po sasaya roon din siya, kahit masaktan man siya sa gagawin niya basta masaya ka go na go na siya. Pero, Tita, ang pagtali mo sa anak mo sa isang taong hindi niya gusto hindi po 'yon maganda, kasi parang tinanggalan niyo po siya ng karapatang maging masaya."
Alam kong wala akong karapatan na sabihin 'to, pero wala, eh, 'yan na ang sinasabi ng utak ko at hinayaan ko na lang ang bibig ko na inalahad ang mga salitang 'yon. Tsaka ito 'yong plano ni Third, kausapin ko nang masinsinan ang Mommy niya. Kung sa huli ay ayaw pa rin ni Tita TS, gigive up na lang daw ako, pero hindi ako papayag na hindi magiging worth it itong ginagawa ko.
"Tita sabi ni Third, he will do his best to try to love the girl you want for him, pero ibang tao po ang inilaan ng Diyos para kay Third, he's now falling for someone else, Tita, at gusto niya po na magbago po 'yong desisyon mo na ipakasal siya sa iba. Alam ko po na dapat si Third ang nagsasabi ng lahat ng ito, pero dahil alam niyang titiklop siya sa isang Thea Spy Alonzo, mas pinili niyang iba na lang ang magpahayag," hindi ko makita kung ano na nga ba ang reaksyon ni Tita TS dahil nanatili itong nakayuko, "mahal na mahal ka po ni Third, Tita, hindi po 'yan makikwestyon. At, kung nais po niyang baguhin 'yong desisyon niyo 'di po ibig sabihin no'n sinusuway po kayo ng anak niyo. Gusto niya lang po maging masaya sapagkat nahanap niya ang panibagong rason ng kaniyang kasiyahan. Tita, ito na po 'yong tamang pagkakataon para bumawi sa anak niyo, bigyan niyo po ng pagkakataong sumaya si Third. Gustong-gusto niya po ang taong 'to, Tita, sana po ngayon, kasiyahan niya naman 'yong isipin niyo."
Konti na lang, Monay, mapapapayag mo na rin siya! Aja!
"Hindi po ako lumaki ng may Nanay dahil maaga po siyang kinuha sa amin, pero alam ko po na lahat ng Nanay kasiyahan ng anak ang laging minimithi, at maibibigay mo po 'yon kay Third kapag pinalaya niyo siya at hayaang harapin ang buhay pag-ibig niya nang mag-isa, pero andiyan pa rin ang suporta niyo."
Mighad! Ang lalalim ng mga salita ko!Never kong inisip na may gan'to pala akong mga salita. Ba't ngayon ko lang 'to na discover? Isa kang napaka wow, Maundy! I love you na!
Nagpakawala bigla si Tita ng isang napakalalim na paghinga, 'yong mas malalim pa sa deep, "Hija, first of all, I'm sorry. I'm sorry kasi binuwag ko kayo agad ni Third without even knowing who you are, you're so mature, mabait, maalalahanin, maintindihin, ikaw 'yong every mother's dream to be her son's wife in the future," over! Flutter naman tayo riyan, Tita! Pero, Mighad! Ang sarap lang sa feeling kapag galing sa kanya, "and I really am regretting that I messed up your relationship with my son," dagdag pa niya.
"Okay na 'yon, Tita, kalimutan na natin 'yon," nakangiting saad ko.
"But honestly, nagsisisi talaga ako. And also, I'm very sorry kasi nasaktan ka at nasaktan ko rin 'yong anak ko. Inisip ko kasi kung ano 'yong magiging future ni Third kapag sa ibang babae siya mapupunta, pero itong si Nova kasi, 'yong anak ng bestfriend ko na gustong-gusto ko para kay Third is an almost perfect girl. Alam kong napakaganda ng future na maibibigay niya kay Third. But, after hearing what you've just said, I realized, yes, she can give my son a brighter future, but she can't give the happiness that my son's special someone can. I didn't know...I-I've been hurting my son since then, hindi kasi siya nagoopen up sa'kin. I feel like, I am lacking as a mother," unti-unti nang tumulo 'yong luha ni Tita TS kaya agad kong hinawakan 'yong kamay niya.
"Tita, hindi po 'yan totoo, hindi ka nagkulang. Actually sumobra ka nga po, eh. Pero 'di ba ang lahat ng sobra ay nakakasama? At, 'yan po 'yong nangyari sa inyo, pero hindi pa po huli ang lahat para tuluyan ka pong maging isang huwarang ina, Tita," nakangiting sabi ko.
"You're right, Maundy," nakangiting sabi niya. "Ngayon ang kasiyahan ng mga anak ko ay ang magiging kasiyahan ko. Kung ipagpapatuloy ko pa 'tong engagement party lalo na 'yong kasal, may masasaktan na naman akong ibang tao at muli ko na namang masasaktan 'yong anak ko. I really need to end this engagement, I will set an appointment with her parents ngayon na mismo," sobrang saya ko sa desisyon niyang 'yan! Pakiramdam ko lahat ng premyo sa lotto napanalunan ko, "Maundy, thank you so much!"
"No problem, Tita."
"Pwede bang kay Spade ka na lang?"
"P-Po?"
I'm shookt! Huta!
"I really wanted you to be my daughter, I hope you'll end up marrying my son," nakangiti pang usal niya kaya ngumiti na lang ako ng peke. "But, have you shared that your mother is already gone, right?" tumango-tango naman ako, "I'm sorry to hear about that. But, Maundy, I can be your Mother, not biologically but by heart."
Hindi ko alam kung ano 'yong mararamdaman ko nang sabihin niya 'yon. Masaya? Maloloka? Mahihibang? Ewan!
"T-Thank you po," 'yan na lang 'yong nasabi ko.
"You can come to me anytime, you can talk to me and we should also try to do shopping sometimes. You know how I badly want to experience going out with my daughter, but unfortunately, I don't have one. There's Chal Raed, but we aren't that close," naloka ako sa 'there's Chal Raed', HAHAHA, so talagang babae na pala siya para sa kanila. Pero, 'yong sinabi niyang 'di sila close baka dahil 'di naman sila tunay na mag-ina, "anyways, Hija, anong pangalan ng babaeng napupusuan ngayon ni Third?"
"Ah, Clarice po, Clarice Salongga," sagot ko.
"Salongga? Maari ko bang malaman ang pangalan ng mga magulang niya?"
"Oo naman po, Clarina Salongga po at Resse Salongga."
"MY GEEE!" aniya at napatakip pa sa kaniyang bibig. "Clarina Salongga is my long lost best friend!" dagdag pa niya. W-Wow! Napaka-amazing naman, "can you tell me kung saan ba sila nakatira?" at sinabi ko nga kay Tita TS kung taga saan sila at iba pang info about sa parents ni Clarice. Panigurado akong bonggang-bongga na ang ratings ni Clarice dito kay Tita TS, baka bukas malaman na lang namin na engage na sila. HAHAHAHA, W-WOW!
"Bye, Tita, sobrang saya ko po na nakilala at nakausap kita," nakangiting sabi ko.
"Mas masaya ako, Maundy. Thank you ulit for everything, sa pagkuha ng bag ko, pag enlighten sa'kin ng feelings ni Third, and thank you dahil ramdam kong soon to be daughter kita," todo ngiti talagang sabi niya saka kami nag beso-beso. Ang bango, huta! Isang buong perfume yata ibinuhos ni Tita sa katawan niya, nahiya ulit ako nang slight.
Pero, ano raw? Ramdam niyang ano? Son to be daughter niya ako? Hoy! Kaloka!
Ilang sandali lang ay tuluyan nang umalis si Tita TS dahil pag-uusapan na raw nila agad-agad ang pag cancel ng engagement party at ng kasal, forever!! Hoooh! Ang saya!
"Congrats!" out of nowhere ay bigla na lamang siyang sumulpot, nagulat pa nga ako nang hawakan niya 'ko sa balikat eh, "you really are the best," dagdag pa niya.
"A-Ah, n-narinig mo ba 'yong pag-uusap namin?" tanong ko.
"I just accidentally overheard it, I'm sorry."
"Psh, feel ko nalahian ka na ni Rosas ng pagiging tsismosa niya," natatawa kong sabi kay Jazz.
"Hindi, ah," pagtanggi niya naman agad. "Hmm, Mon?"
"Yep?"
"Can we...have a walk outside?" tanong pa niya. Tumango na lang ako dahil ramdam kong may gusto siyang sabihin sa'kin.
Haaay! Panibagong dramahan na naman ba? Hoy! Tama na, oh, saya-saya naman, party-party, gano'n! Kailan ba matatapos ang kadramahang 'to?!
Bahala na nga, ang importante nag succeed ako at magiging masaya na rin si Third. After all, he truly deserves it! I'm super happy for him at ang sarap lang sa pakiramdam na makatulong sa iba.
Try niyo rin minsan nang magkaroon naman kayo ng greatest achievement sa buhay niyo, 'di 'yong puro lang kayo kain, higa, cell phone at gala. Charot lang! I love you all!